Chapter 16

1178 Words
Ava's POV Kalalabas ko lang ng elevator nang makarinig ng iyak ng bata. 'Umiiyak si Elias, nakakahiya kay William.' "Wag na wag mong hahawakan ang anak ko." Boses yun ni Evan, what the h*ll is he doing here? "Evan." Napatingin ang dalawang lalaki sakin. Naguguluhan akong tumingin sa kanila. What is happening? Bakit kung magtitigan silang dalawa parang ang laki ng galit sa isa't isa. Huminga ng malalim si Evan at pinatahan si Elias. "Isasama ko na ang anak ko." "What! Wait sasama ako." Sabi ko. Humarap ako kay William. "We need to go. Sorry." Napakamot ako sa ulo sa kahihiyan, nakahanda pa naman na ang pagkain tapos iiwan ko lang siya. Bakit ba kasi dumating pa si Evan, tsaka sino nagsabi sa kanya na kasama ko si Elias. Binitbit ko ang bag na dala ko kanina at dali daling sumakay sa elevator para maabutan sila. Nauna kasi silang bumaba. Nang makarating kami sa hallway. "Evan. Wait! Ano bang problema mo?" Narinig naman ako nito kaya humarap siya sakin. "Come with me." Nagulat ako nang hatakin niya ang kamay ko, tila may naramdaman akong saya sa puso ko. 'Mali ito! Hiwalay na kami at wala na akong maaasahan sa kanya.' Pinasakay ako nito sa sasakyan niya at binigay sakin si Elias. "Papadaanan ko nalang ang sasakyan mo dito, we still need to pick up Elli at school." 'Malinaw na sakin ngayon kung sino ang nagsabi, napakadaldal talaga ng batang yun.' Umiling nalang ako. There's no reason para magalit siya sakin at kay William, wala kaming ginagawang masama, i'm just doing my job. ---------- "Daddy." Salubong ni Elli sa ama. Sayang ang relasyon namin ni Evan, mabuti siyang ama at alam kong mahal na mahal niya ang mga bata. Iniwas ko ang tingin sa labas ng bintana. "Mommy. Hi Elias how are you today?" Tanong niya sa kapatid pagpasok ng sasakyan, busy naman ang bunso namin na ubusin ang gatas niya. "How's school today?" Tanong ko. "Good. I have a perfect score and a verry good star." Sagot niya. "I think we need to celebrate, where do you want to eat Elli?" Singit ni Evan. "Jollibee." Napatawa naman ako. Alam ko kasing ayaw niya ng pagkain dun. Wala siyang nagawa kundi magtake out ng marami para kay Elli. Tuwang tuwa naman ang panganay ko. Hinatid niya kami sa bahay at dun kumain, mabuti nalang at may ulam kaninang tanghali kaya yun ang kinain ni Evan. Tatlo ang kasambahay namin, may sari-sarili silang ginagawa sa bahay kaya hindi mo sila makikita kaagad. Wala naman sila masyadong ginagawa dahil nasa hospital palagi si Mom, ako naman busy sa pagaasikaso ng mga anak ko. "I'm full. Look at my tummy." Sabi ni Elli kaya ginaya siya ni Elias. So cute. Nagpunta kami sa sala, ang kasambahay na ang nagligpit ng pinagkainan namin. "Thank you Evan. I'm sure masayang masaya ang mga bata ngayon." Pasasalamat ko. "It's my job. I'm their father." "About sa nangyari kanina. Bakit galit na galit ka kay William? Mabait siyang tao. Pinabantayan ko lang sandali si Elias para tawagan si Elli. Sana nagthank you ka man lang sa kanya." Huminga ito ng malalim. "I was so angry when i saw Elias is crying, hindi ko pa kilala ang taong yun kaya ayoko munang ipagkatiwala sa kanya ang mga anak ko. Sana ganun ka rin magisip Ava. Ayokong magalit sayo kasi alam kong it's also my fault. Hindi ko nasagot ang tawag mo." "It's okay, alam ko kung gaano ka kabusy sa trabaho mo kaya nga hindi kita kinulit diba." Ngumiti ako sa kanya. Busy sa trabaho at sa babae niya. "I have to go." Paalam nito at umalis na sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon iniiwasan parin niya ako. ---------- Pagkalipas ng dalawang araw. "Yeah. Hiniram ni Evan ang mga bata, kaya i'm free today. Magkita nalang tayo mamaya." Sabi ko kay Liza. Nagyaya kasi itong uminom sa bahay nila, tutal wala naman akong ginagawa ngayong araw kaya pumayag ako. Hiniram ni Evan ang mga bata, ipapasyal niya daw ito. Ako naman naglakad lakad sa mall para hindi maboring sa bahay, tsaka naisipan kong tumingin ng mga damit para sa dalawa. Habang namimili may nakita akong pamilyar na mukha. "Si Kylie." Tumitingin ito ng mga pangbaby na damit. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Umiling ako, hindi ito maari. "Ava." Mahinang sabi niya ng makita ako, binitawan niya kaagad ang hawak niyang damit ng baby. "Hi kamusta? Uhm... Pwede ba tayong magusap." "Ahh offcourse. Nakakahiya namang hindian ang isang katulad mo." Nauna akong naglakad kaya sumunod siya sakin. Sa malapit na coffee shop kami nagpunta. Konti lang ang tao dito. Napatingin ako kay Kylie, she's so beautiful, kaya pala hanggang ngayon gusto parin siya ng asawa ko. "Ano ang paguusapan natin?" Tanong ko. "Nakikipaghiwalay ka na Evan?" Tumawa ako ng mahina. Sus kunwari pa! "Kunwari ka pa, alam ko naman na excited ka na. Tsaka alam ko naman na binabantayan niyo ang divorce papers para makalaya na kayo, such a b*tch." "Nakikipagusap ako sayo ng magalang. Sana naman galangin mo din ako." "Nagpapatawa ka ba? Gagalangin ang isang katulad mo na maninira ng pamilya. Homewrecker, masakit ba marinig ang totoo Kylie?" Napaluha ito. "Tatanggapin ko lahat ng sinabi mo kasi alam kong totoo. Gusto ko maging maayos na tayo para sa mga bata. Gusto kong pumasok sa buhay ng mga bata para kay Evan." Nagtiim bagang ako sa sinabi nito. Papasok siya sa buhay ng mga anak ko tapos siya ang magpapakananay. Sabi ko na nga ba may baho rin na tinatago ang babaeng ito. "At tingin mo papayag ako. Si Evan lang naagaw mo sakin, hindi ang mga anak ko. Tsaka wag ka masyadong padalos dalos dahil asawa ko parin ni Evan hanggang ngayon." "Evan don't love you." "Paano ka nakakasiguro? Hindi mabubuo ang pangalawa kung hindi namin mahal ang isa't isa. Alam mo ang ganda mong babae pero ang b*bo mo! Sayang ang pinagaralan mong Law kung hindi ka rin naman marunong sumunod sa batas." "What if i told you na buntis ako." Nagulat ako sa sinabi nito, parang gustong lumabas ng luha ko. May tumusok na maliliit na karayom sa puso ko. "Then congrats may kapatid na ang mga anak ko. Sana lang hindi mangyari sayo ang nangyayari sakin ngayon." Seryoso kong sabi at nagwalk sa harapan niya. Napasandal ako sa sasakyan. Bakit ang sakit? Aware ako na may relasyon sila pero yung magkakaanak sila parang hindi ko kaya. 'Yung isang araw makikita ko sila sa mall na masaya samantalang ako at ang mga anak ko miserable ang buhay dahil hindi buo ang pamilya.' ---------- Wala ako sa sarili habang naglalakad papasok sa bahay. 'What if i told you na buntis ako.' Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang divorce papers sa kabinet. "I need to let him go, so that i can move on." Bulong ko sa sarili. Pinirmahan ko ang divorce papers. Mawawalan na ako ng karapatan kay Evan habang buhay. 'I'm free now.' --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD