Chapter 15

1046 Words
Ava's POV Ring ring ring "Hello Sir." Bungad ko. "Hi, hindi ka daw makakapasok today. What about our meeting? Importante yun." "I'm sorry William, wala kasing magbabantay kay Elias, hindi dumating yung nanny sa daycare." Hindi ko intensyon na hindi pumasok sa opisina. Nakaready na dapat ako sa pagpasok ngayon pero nagtxt ang nanny na nagkaroon daw ng emergency sa daycare kaya hindi ito makakapunta. Wala naman akong nagawa, tinatawagan ko si Evan ngunit hindi ito sumasagot. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Isama mo nalang ang baby mo dito sa opisina." "Ano? Pero nasa rules and regulations po ng Hr na bawal---" "I'll take care of them. Basta pumasok ka na. I'll wait you here in the office." "Yes Sir." Binaba nito ang tawag. "Elli, magbibihis lang ako. Pakitingnan muna ang kapatid mo and please eat plenty." Inaantok na tumango si Elli. It's already 8AM, may pasok si Elli ng 9AM sa school pagkatapos didiretso na ako sa opisina. Nakabihis na sana ako kanina kaya lang nagpalit ako nung nalaman ko na hindi makakapunta ang magaalaga sa bunso ko. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko naman ang lunch box ni Elli at ang mga gamit na dadalhin ko para kay Elias. "Mommy i'm done. Can you help me brush my hair." "Yes baby, magbrush ka muna ng teeth mo." Nakaligo na ito at nakabihis narin bago kumain ng almusal. "Enough with this Elias. Sobrang kalat mong kumain, nagmamadali tayo baby." Ngumiti lang ito. Pinunasan ko ang bibig niya ng wipes at binihisan na. Sinuklayan ko si Elli at pinasuot ng bagpack niya. "Let's go, let's go." Sabi ko, nilagay ko sa baby car seat si Elias, bawal ang bata sa harapan kaya magkatabi silang magkapatid sa likuran. Mabilis kaming nakarating sa school. "Don't forget to wash your hands before and after you eat. Here's your lunch box." Bilin ko sa kanya. "Yes Mom." "I love you, I'll see you later." Humalik ito sa pisngi ko. "I love you too Mommy. See you later. Babye Elias, kiss ate." Natawa ako nang umiwas si Elias, mukhang naiinis na kasi kumakamot na sa ulo. Kinuha ko ang gatas niya at sinubo sa kanya. Maaga itong nagigising, siya ang alarm clock namin sa bahay. ---------- Dinala ko sa opisina ang baby car seat niya na nagiging stroller para kapag natulog ito kumportable siya. Malaki rin ang dala kong bag, para isahan nalang nandito na ang gatas, bottle, wipes, pampers at mga damit nito. "Goodmorning Sir. Sorry i'm late." Sabi ko, nagthumbs up ito at itinuloy ang pakikipagusap sa phone niya. "Play this one, be silent okay. Mommy will work." "Bababa." Pinaglalaruan nito ang laway niya kaya napatawa ako. 10AM narin kami nakarating dito sa office. Ginawa ko na ang mga gagawin ko. "Here's the papers Sir." Sabi ko, habang karga karga si Elias. Akala ko magagalit ito ngunit tumawa lang ito. "Your son is really cute. Mabuti nalang at hindi umiiyak." "Yes po, mabait naman ito. Hindi iyakin." "Good kid." Hinimas nito ang ulo kaya tumawa si Elias, akala siguro nakikipaglaro sa kanya ang boss ko. "Magstart na tayo ng meeting para maaga ka rin makauwi." Nilagay ko si Elias sa carrier niya at binigyan ito ng laruan para hindi magingay. Nagsimula na ang meeting namin ni William, share ideas lang about sa upcoming projects. Actually tatlong boses ang maririnig mo sa kwartong ito. Sumasabay kasi si Elias, parang gusto nang magsalita at kausapin kami. "Okay were done. Ohh tulog na rin pala siya. Magpapadala nalang ako ng pagkain dito wag ka nang bumaba sa pantry." "Thank you Sir. Uhm... Pwede bang pabantay lang sandali kay Elias? I'll go to the restroom lang." Pakiusap ko dito. "Okay." Ngumiti ito. Tulog na tulog naman si Elias, sigurado akong napagod ito kakalaro kanina, tsaka mabilis lang naman ako. Tatawagan ko lang si Elli at tatanungin kung kumain na ito ng lunch. ---------- Evan's POV "Yes Mr. Evan." "Okay. Meeting adjourned." Sabi ko at lumabas na sa board room. "Let's eat." Pagyayaya ni Kylie. "Yeah, i'll just call my daughter." Napahawak ako sa sentido, ang sakit ng ulo ko kakaisip sa magiging solusyon sa problema ng kumpanya. Ring ring ring "Hi Daddy." Masayang bungad ni Elli. "Hi, What are you doing? Did you take your lunch?" Nakangiting tanong ko. I miss them already. Three days na akong hindi nakakapunta sa kanila dahil sa trabaho. "Yes Dad. I will call Mommy na sana because i'll go home early. Susunduin niya daw ako kasama si Elias." Kasama? I thought she's working right now. Hindi siguro dumating ang nanny ni Elias kaya nagleave ito. "Okay. Where is your Mom?" Tanong ko. "In the office with Elias." Sagot niya. "What!" Hindi ako makapaniwala na sinama niya si Elias sa opisina niya. "Okay, i'll pick you up later. I love you." "I love you too Dad. Bye." Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko, i can't believe this. Sino ba ang lalaking yun para unahin niya kesa sa sarili niyang anak. "I prepare some food. Let's eat." "It's an emergency. I need to go." Sabi ko kay Kylie, hindi ko na ito hinintay na magsalita. Alam kong maiintindihan niya ako. Mabilis kong minaneho ang sasakyan papunta sa opisina ni Ava. sss Corporation is also a big company. Kilala ko ang may-ari nito pero ang pumalit na nagngangalang William hindi. Obviously apo ito ng may-ari. ---------- "Excuse me." Busy ang babaeng receptionist kakatype sa computer niya, lumingon ito sakin at napanganga. "Ohh. You are the president of ADM Company. How can i help you Sir?" "I'm looking for Ava Lee." "She is the secretary of Mr. William. Do you have a schedule meeting to our boss?" Napataas ang kilay ko sa babae. Nagtatanong ako tapos magtatanong din siya. So stupid! "16th floor Sir. I'll show you the way." "No thank you." Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang 16th floor. Pagbukas ng elevator ay kaagad akong lumabas, nadaanan ko ang table ni Ava dahil may gamit ito dito. Wow interesting, silang dalawa lang pala ang nasa floor na ito. Nakarinig ako ng iyak ng bata kaya sinundan ko ito. Nakita kong karga ni William ang anak ko habang umiiyak. "Give me my son." --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD