Chapter 14

1109 Words
Ava's POV Alam kong gustong gusto na nito makipaghiwalay sakin. Humahanap lang ito ng tamang tiempo. "Anong sabi mo?" Tanong ko. "I'm tired, nakakapagod na tuwing paguwi ko galing trabaho aawayin mo ako." Huminga ito ng malalim. "I'm just saying na kung ganito tayo palagi maghiwalay nalang tayo." Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko dahil totoo naman, minsan hindi pa ito nakakapasok ng bahay binubunga-ngaan ko na. "I'm sorry." Sabi ko at umalis sa harapan niya, ang tapang tapang ko sa lahat ng bagay pero pagdating sa usapang hiwalayan tila tumitiklop ako. End of Flashback Umiling ako at inalis sa isipin ang nakaraan. Oo galit ako, oo masakit pero paano ako makakamove on kung puro galit ang nasa puso ko. Galit sa sarili ko, galit kay Kylie. Diba sabi nila kung gusto mong magbago, simulan mo sa pagpapatawad sa mga taong nakasakit sayo. Biktima lang si Evan sa masama kong ugali noon. Hindi ko siya dapat sisihin. Dahan dahan kong binuhat si Elias kaya nagising si Evan. "Iaakyat ko na siya. Ikaw nalang kay Elli. Kung gusto mo dito ka nalang matulog, sa may guestroom." "Hindi na, aalis na rin ako. Maaga pa ako sa opisina bukas." Sabi nito. Inakyat namin sa kwarto ang mga bata, magkatabing matulog si Elli at Elias, nilalagyan ko lang ito ng maraming unan sa paligid ng kama para naman safe sila. Hinatid ko narin si Evan sa may gate. "Ingat ka." Akmang papasok na ako nang tawagin ako nito. "Ava?" Lumingon ako. "Can we be friends? Para sa mga bata, hindi man natin sila mabigyan ng buong pamilya atleast maging mabuting magulang tayo para sa kanila." "Let's forget everything and focus to our children." Ngumiti ako dito, tama siya. Hindi dapat namin idamay ang mga bata sa away namin. Kung masakit para samin, alam kong mas masakit para sa kanila. "Okay Evan. Para sa mga bata." Kung tutuusin sila ang mas naapektuhan sa maling desisyon na ginawa namin. "Friends?" Nilahad nito ang kanyang kamay. "Friends. Thank you Evan." Nakipagkamay ako dito. Tila gumaan ang pakiramdam ko, sana ito na ang simula ng pagmomove on ko sa kanya. ---------- Kinabukasan pumasok na ako sa opisina, ang hirap mang hatiin ng katawan ko ngunit kinakaya ko. Sa umaga aasikasuhin ko ang mga bata, kahit kasi may kasambahay ayaw nilang magpaasikaso. Then papasok ako sa opisina at sa uwian naman dadalawin si Dad sa hospital. Minsan hindi na ako nakakakain ng dinner dahil gusto ko nalang matulog at magpahinga. "Ava can you please print this one." Utos ni Sir William. "Yes po." "Oo nga pala, kamusta ang Dad mo?" "Okay naman, minsan nagreresponse siya lalo na't kapag kinakausap ng mga bata like gagalaw ang daliri niya." "It's a good sign. Ahh pwede ba akong dumalaw sa Dad mo?" Tanong niya. "Oo naman, mamaya pupunta ako gusto mo sumama nalang sakin." Tumango ito. Bumait na nang tuluyan si Sir William, hindi ko nga alam kung deserve ko ang malaking sahod kung puro utos lang naman ang pinagagawa niya sakin. Okay narin kami ni Evan, sa lumipas na mga araw hindi na kami nagaaway. Minsan awkward pero kadalasan hindi naman. Unti unti ko narin natatanggap ang sitwasyon namin na hanggang dito nalang talaga kami. Dumating ang uwian. "Ihahatid nalang kita mamaya. Delikado sa kalsada lalo na't magisa ka." "Naku salamat talaga, maggrab na lang sana ako pero mapilit ka eh." Natawa kami pareho. Nakarating kami sa hospital. Pinakilala ko siya kay Mommy. Tumagal lang kami ng isang oras at hinatid narin ako nito pauwi sa bahay. "Salamat ng marami Sir William." "I told you, call me William nalang." "Nahihiya kasi ako eh, pero sige William. Salamat talaga." Biglang bumukas ang gate, nandito pala si Evan. Medyo awkward. "Ahh Evan si Sir William my boss, si Evan my ex-husband." Sabi ko. Nakipagkamay si Evan at walang reaksyon na pumasok sa loob ng bahay. "Magkasama kayo?" "Nope, bumibisita lang siya para sa mga bata. Gusto mo ba ng coffee? Ipagtitimpla kita bago ka umuwi." Tumango naman ito. "Tara pasok ka." "Asan yung mga anak mo?" Tanong niya. "Nasa kwarto na siguro. Pinagpahinga na ni Evan. Ito ubusin mo yan ha." Nagusap kami about sa trabaho, masaya siyang kakwentuhan akala mo kasing edad ko kung magsalita. "I need to go home. Thanks." Hinatid ko ito sa labas bago nagpaalam, kumaway pa ako dito. I'm so tired, i need to rest. Humikab ako at naisipang umidlip na muna sa sofa tutal nasa kwarto na naman ang mga bata. ---------- Evan's POV Inayos ko ang kumot ni Elli, humalik ako sa noo ng magkapatid. Nawala ako sa mood nang makita kong may pinapasok si Ava na ibang tao dito sa bahay. Kahit boss niya ito hindi dapat siya nagtitiwala sa mga tao, yan ang turo sakin ng Daddy niya. Bumaba ako para magpaalam na kay Ava at sabihing tulog narin ang mga bata ngunit pagbaba ko nakita ko itong mahimbing na natutulog sa sofa. Nakabuka ang bibig at nakataas ang dalawang kamay, napaghahalataang pagod na pagod ngayong araw. Iiwan ko na sana ito ngunit baka may makakita dito, nakakahiya sa mga kasambahay na ang amo nila walang kaclass class sa pagtulog. Naisipan kong dalhin ito sa kwarto. Hindi ko alam kung saan ko ito hahawakan. Inangat ko ang ulo nito. Hindi talaga ito nagising hanggang sa nakarating ako sa kwarto. Dahan dahan ko itong binaba sa kama. Unti unti kong tinanggal ang braso sa ulo nito. Pinagpawisan ako dun ahh. Nagkaroon ako ng pagasa na matitigan ang mukha nito. She's so beautiful, ang swerte ng mamahalin nito dahil all out ito magmahal. Flashback "You did a good job." Sabi ni Kylie habang inaayos ang necktie ko. Katatapos lang ng meeting ko dito sa one of the best restaurant na natikman ko. "Thank you." Humalik ako dito. "Let's go." Sabay kaming lumabas ng cr ni Kylie. "Many is calling, I'll take this call lang." Pagpapaalam niya kaya tumango ako. Bumalik ako sa table namin ni Kylie ngunit nakarinig ako ng sigaw. Pagtingin ko nanlaki ang mata ko, si Ava may kayakap na lalaki. Tila tumaas ang lahat ng dugo ko sa katawan, may iniingatan akong pangalan tapos makikita ng empleyado ko na may kayakap na iba ang asawa ko. Lumapit ako sa kanila. "Come with me." "A---ano? Ayoko!" "I said come with me." Humarang ang lalaking kayakap nito kanina. "Excuse me. I'm her boss. Ayaw niyang sumama sayo, nakakaintindi ka b---" "Wag kang makialam dito, usapang mag-asawa ito." Galit na sabi ko. Bigla nalang nagsink-in sa utak ko kung bakit ko nasabi ang mga salitang yun. End of flashback --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD