Chapter 2

1181 Words
Ava's POV "Sige explain mo nga ulit." Nakangiting sabi ni Evan. "Concentrate Ava, you can do it. Ulitin natin." "Walang pumapasok sa utak ko. Nagugutom na ako." Pagiinarte ko, nandito kami sa library. Tinuturuan niya ako sa Math subject, hindi kasi ako nakapasok last week. Extra income narin ito para sa kanya. Actually hindi ko naman kailangan magpaturo, dean lister ako. Nagkukunwarian lang ako para makasama siya ng mas matagal. "Kapag nasagot mo ito. Kakain tayo ng fishball sa labas ng school." "Libre mo?" Tanong ko. "Oo, akong bahala sayo. Basta 10 pesos lang ha." Tumawa ito ng mahina. Evan is different from the others, mabait at masipag ito, hindi siya umaasa sa pamilya niya. Inaalagaan niya ang mga taong nakapalibot sa kanya. "Ang swerte ni Kylie sayo." Bulong ko. "Ano? Hindi ka naman nakikinig. Nagsasalita ka diyan magisa." Niligpit niya ang libro na nakakalat sa lamesa pagkatapos pinasok sa bag niya. "Tara na nga, libre na kita." Nauna itong maglakad kaya humawak ako sa braso nito. "Hintayin mo naman ako. Grabe ka sakin." Nakarating kami sa labas ng school, marami ngang street foods dito. "Malinis ba yan? Ayoko kumain." Sabi ko at napalunok sa labis na pandidiri. "Masarap ito promise. Ate sampung piso nga." Binigay niya ang bayad sa babae at kumuha ng stick at tinusok sa fishball. "Sarap. Tikman mo bilis." "Ayoko baka sumakit ang tiyan ko." "Sige na try mo lang para sakin." Nagpacute ito."Tsaka masarap dito kumpara sa ibang street foods na kinakainan mo." 'Tsk! He thinks talaga na kumakain ako ng ganyang pagkain.' Dahan dahan kong binuka ang bibig ko, wala akong choice. Napasubo na dahil sa kaartehan ko kanina. Nang matikman ko humirit pa ako ng isa. "Masarap nga, pahingi pa." "Sabi ko sayo eh. Mas masarap kasi nakikita mo ang kababuyan nila sa paggawa pero wag ka the best ang street foods dito" "Oo nga, masarap. Isa pa please." Nanghingi pa ako ng isa tapos uminom din kami ng gulaman. Sa totoo lang mas masarap kumain dito kesa sa canteen. "Thank you Evan, grabe ang sarap." Busog na busog ako habang naglalakad pabalik ng classroom. Sabay na kami dahil same subject naman kami, after nito uwian ko na pero si Evan may try out pa sa football team. Mabilis natapos ang class, nagpaalam si Evan. Umuwi narin ako para makapagreview sa exam namin bukas. Katxt ko naman ito. Sinabi niya na pasok daw siya sa soccer team. Masaya ako para sa kanya, grabe ang hirap kaya makasali dun. ---------- "Ava kumain kana, anong oras ka na naman nagising? Late ka na sa class mo." Tanong ni Dad nang makita akong pababa ng hagdan, humalik ako sa pisngi nito. "Maaga ako nagising Dad." Umupo ako sa tabi niya. "Kamusta ang grades?" Ngumiti ako at nagthumbs up sa kanya. Hindi ako makapagsalita dahil puno ng kanin ang bibig ko. "Verry good. Balita ko may kasama ka laging lalaki. Don't tell me boyfriend mo yun. Pahihintuin talaga kita sa pagaaral." "Wag naman Dad, ako to anak mo ohh." Tumunog ang cellphone ko, nakita ko na nagtxt si Evan. Mabilis akong tumayo sa hapag kainan. "Dad i have to go. Evan is waiting for me." "Umayos ka Ava. Sinong Evan yan?" "Boyfriend ko po Dad." Tapos tumakbo palabas ng bahay. "Avaaaaa." Narinig ko ang malakas na boses ni Dad. Sigurado akong umuusok na naman ang ilong nito. ---------- Nang makarating sa school nakita ko si Evan na malungkot na nakatingin sa kawalan. "Bad mood ka? Nagmadali pa naman ako para makita ka." Nagtatampo kong sabi. Pilit itong ngumiti. "Ito, nakita ko tong bracelet mo sa bag ko kahapon." "S---salamat." Nauutal kong sabi. "Sige una na ako. May class pa ako." Hindi na ako nagsalita dahil halatang wala ito sa mood. Hindi ako pumasok sa class ko, gusto kong malaman kung bakit ito bad mood, kaya inabangan ko siya hanggang sa huling class niya. Nakita ko siyang papunta sa soccer field kaya sumunod ako. Naghintay siya ng ilang minuto at dumating na din ang girlfriend niya na si Kylie, akmang hahalikan niya ang pisngi ng babae nang umiwas ito. "Anong paguusapan natin Evan?" "Tayo, hindi ko alam kung anong kasalanan ko sayo. Bakit ka umiiwas sakin?" Tanong ni Evan. "Alam mo naman na wala lang yung nakita mong bracelet ni Ava kahapon diba?" "Alam ko, naiinis lang ako kasi hindi mo sinabi na magkasama kayo kahapon." Ako ang naglagay ng bracelet sa bag ni Evan, gusto ko silang pag-awayin para maging single si Evan, hindi sila bagay masyadong malihim ang babae tila nasa loob ang kulo. "Sorry na. Ayoko lang kasing hintayin mo pa ako, alam kong may exam kayo ngayon at kapag hinintay mo ako hindi ka makakapagreview." Hinawakan nito ang mukha ng babae at hinalikan sa labi. Nakaramdam ako ng pagkainis sa nakita. "Smile ka na mahal ko." Si Evan habang pinipisil ang pisngi ng babae. Natawa naman ito. "May tiwala ako sayo Evan. Alam kong hindi ka gagawa ng ikakagalit ko. Sana lang dumistansya ka ng konti kay Ava, nagseselos kasi ako." "Wala kang dapat ikaselos samin ni Ava, parang kapatid na ang turing ko sa kanya, tsaka ikaw ang mahal ko wala ng iba." "Mahal din kita Evan." May tumulong luha sa mata ko. Paano ko sila paghihiwalayin kung mahal na mahal nila ang isa't isa. Aaminin kong natututunan ko na siyang mahalin. ---------- Lumipas ang ilang buwan, huling usap namin ni Evan nung binalik niya yung bracelet ko. Halatang umiiwas ito sakin kaya umiwas na lang din ako. Buti nalang naging busy ako sa pagaaral, hindi ko na rin ito masyadong nakikita, ang alam ko busy rin sa practice ng soccer. Next week na kasi ang laban nito sa ibang school. ----------- Habang nagmamadali sa paglalakad may nakabunggo ako. "Tsk! Malalate na ako sa next subject ko." Naiinis na sabi ko. "Need help." I know that voice. Sh*t si Evan pa talaga! "No thanks. I have to go." "Iniiwasan mo ba ako Ava?" Tanong niya. "No, nagmamadali lang talaga ako. Late na kasi ako sa next class ko." "Uhmm... Ava pwede ka ba manuod ng laban ko bukas." "Tingnan ko baka kasi may class ako tom." Ngumiti lang ito. Nagmadali akong umalis sa harapan niya. Dumating ang soccer game, championship na pala ito kaya maraming tao ang nanunuod. Ngumiti ako kay Evan nang makita ako nito, kumaway naman siya sakin. Nagsimula na ang game, madugo ang labanan kasi magaling ang kalaban. Ilang minuto nalang nang si Evan ang huling tumira ng bola. Lahat kami tila napanganga sa angking galing nito. Nagsigawan ang mga taong nanunuod. Lalapitan sana ako nito nang humarang ang girlfriend niya at mahigpit na yumakap sa kanya. Tila nasaktan na naman ako sa nakita ko, iniisip ko tuloy na kaya niya ako pinapunta dito para makita sila ng girlfriend niya. 'Hindi ako papayag na ganito lang, hindi niyo pa ako kilala ng lubusan. Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo. Gagawin ko ang lahat maagaw ka lang sa babaeng yan Evan.' Pangako ko sa sarili. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD