Chapter 1

1192 Words
Ava's POV "Hoy Ava! Mahiya ka naman sa mga magulang mo. Tawag sakin ng tawag ang Daddy mo kagabi." Boses ni Liza ang bestfriend ko. "Akala nila wala ka ng balak magaral." Humikab ako at kumamot sa ulo, puyat na puyat ako kagabi. Nagparty kami ng mga kaibigan ko, hindi lang sumama si Liza dahil hindi ito pinayagan ng magulang. Liza is my childhood bestfriend, sobrang bait nito halos hindi makabasag pinggan, sa bagay strikto kasi ang parents niya. Collage na kami pero nagpapaalam parin siya kila Tito, hindi katulad ko takas dito takas duon kapag hindi pinapayagan ni Dad. "Pwede hinto na. Pumasok na ako ohhh. Tsaka first day naman natin, sure ako orientation lang to." Sabi ko sa kanya, hindi kasi humihinto ang bibig nito kakadaldal. May lalaking huminto sa harap namin may dala itong bulaklak at chocolate. "Excuse me. Sino ka?" Tanong ko. Nahihiyang yumuko ang lalaki. "Para sayo to Ava. Napakaganda mo pala sa malapitan." Napataas naman ang kilay ko, akmang magsasalita na ako nang takpan ni Liza ang bibig ko. "Kunin mo at magthank you ka nalang. Fourth year na tayo Ava, ayoko ng maguidance, first day of class." Bulong ni Liza. "Hehehe gustong gusto yan ni Ava. Diba?" "Ahh ehh oo. Salamat." Napalunok ako nang ngumiti ito. Sobrang nakakadiri parang hindi ito naliligo. Masayang umalis ang lalaki nang tanggapin ko ang bigay niya. "I don't eat chocolates, diet ako. Sayo nalang." Inisnaban ko si Liza at nauna nang maglakad. Nakakita ako ng basurahan, tinapon ko ang bulaklak na binigay ng lalaki. Masakit ang ulo ko, ayokong pumasok sa unang class kaya napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa library para matulog. I'm Ava Cecil simple and gorgeous. Marami ang nahuhumaling sa taglay kong kagandahan, marami rin ang may galit dahil naiinggit. Nasa dean lister ako kaya hindi ko kailangan maghabol ng grades. I just want to be happy yun lang ang pangarap ko. ---------- Ilang minuto na akong tulog dito sa library nang may bumagsak na libro sa ulo ko. Galit akong tumingin kung sino ang may gawa nun. "Hoy ikaw? Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. "Para sabihin ko sayo, hindi tulugan ang library. Umalis kana dito bago pa may makakita sayo." Sagot niya. Tumayo ako at lumapit dito. "Hindi mo ba ako kilala?" Ngumiti lang ito, biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ito pangit halatang may lahi dahil sa angking kagwapohan nito. May malaking salamin sa mata parang weirdo na may pagka hot ang dating. "Hindi. Sino ka ba?" Kesa makaramdam ng inis, natawa nalang ako sa sinabi niya. "I think your new here. I'm Ava Cecil. One of the famous girls here in Oreans Academy." Nilahad ko ang kamay ko. "Nagulat ka? What's your name?" "Hindi ako nagulat, feeling ka." His so cute, mukha itong nahihiya na ewan. "Talaga." Mas lalo akong lumapit dito. Pinaglaruan ko ang necktie niya, impossibleng hindi ito nagagandahan sakin. "Hoy!" Gulat akong napatingin sa likuran namin. Yung matandang masungit ang bantay dito sa library. 'Guidance na naman ako nito.' Bulong ko sa sarili. May hawak itong makapal na libro at binato samin. Akmang tatama ito sakin nang humarang ang lalaki at tinakpan ang ulo ko. Napaharap ako dito, mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. What is happening to me? Dalawang beses kaming binato, nakita ko pa ang mata ng lalaki na napapikit sa sakit. "Sige na, tumakbo ka na." Sabi nito, patakbo akong dumaan sa likuran hanggang sa makalayo sa library. Sigurado akong maguguidance ang lalaki. 'Ava naman nandamay ka pa.' Sabi ko sa sarili. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong naguidance. Malakas lang ang kapit ng pamilya ko dito sa school kaya hindi ako nakick out. Naisipan kong umattend na ng class, wala ako sa sarili habang nakikinig sa professor. "Hi Ava, para sayo." Sabi ng lalaki na hindi ko kilala. Hindi ko ito pinansin kaya iniwan nalang nito ang bulaklak sa lamesa. "Wag mong paglaruan ang pagkain. Ako nalang kakain." Si Liza na kumukuha na ng pagkain ko. "Wala akong gana, may pupuntahan lang ako." "Ui, san ka na naman pupunta?" Sabi nito punong puno ang bibig kaya hindi masyadong makapagsalita. Dumaan ako ng guidance at sumilip duon. "May kailangan ka?" "Ahh." Narinig ko ang boses ng lalaki. "Opo may tatanong lang sana ako." "Sige pasok ka, upo ka muna. May kausap lang si Mr. Belmonte." Tumango ako. "Kabago bago mo ganyan ka. Hindi mo ba alam na pwede kang mawalan ng scholarship dahil sa ginawa mo. Sa library pa." Galit na sabi ni Mr. Belmonte ang guidance counselor ng school. "Kakausapin ko ang magulang mo." "Wag na po. Hindi na po talaga mauulit. Sorry po." Pagmamakaawa ng lalaki. Bakit ang daling magsorry para sa kanya? Ako never akong nagsorry sa isang tao dahil ang ibig sabihin lang nun talunan ka, na tinatanggap mo na mali ka. "This is the first warning. Go back to your class." Narinig ko itong palabas na kaya mabilis din akong lumabas ng guidance office para hindi ako nito makita. Nakayuko itong naglakad papunta sa next class niya. Wala akong nagawa kundi hintayin siya para makausap at para narin magthank you. Mabilis natapos ang class niya, siya ang huling lumabas ng classroom kaya nagkaroon ako ng pagasa na lapitan ito. "Hi. Thank you pala kanina." Nahihiyang pasasalamat ko. Akala ko magagalit ito ngunit ngumiti lang siya sakin. "Wala yun. Sa susunod wag kana matulog sa library ah. Masakit mabato ng libro. Feeling ko nga nagkabukol ang ulo ko." "Patingin nga." Hinawakan ko ang ulo nito at kinapa kung may bukol. "Wala naman. May class ka pa ba? Sabay na tayo maglakad palabas." "Wala na. Sa soccer field na ako dadaan para short cut." "Tamang tama dun din ako." Palusot ko. Habang naglalakad nagkwentuhan lang kami. Kung saan siya nanggaling na school, kung bakit siya lumipat. "Dito na ako." Sabi niya. "May dumi yung palda mo sa gilid." Pinagpagan niya ito nang walang halong malisya. "Siguro nakuha mo yan dun sa library, sa susunod wag ka ng matutulog dun ha." Tumango ako. Ito na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Ano nga bang pangalan mo?" Tanong niya. "Ava Cecil." Sagot ko. May kakaiba sa lalaking ito. "I'm Evan Lee." Pagpapakilala niya. "Evan." Napatingin kami sa babaeng tumawag sa pangalan niya. Lumapit ito samin."Hi. Ikaw si Ava Cecil diba? Tama nga sila ang ganda mo sa malapitan. I'm Kylie girlfriend ni Evan." Simple lang ang babae, maganda rin ito at mukhang mabait. "Thank you and nice meeting you." Sabi ko nalang kahit na ang totoo nakaramdam ako ng insecurities dahil sa babae. "Aalis na kami. Ikaw may hinihintay ka pa ba?" Tanong ni Evan. "Ahh oo. Yung kaibigan ko, papunta na yun dito. Sige na. Ingat kayo." Pagpapaalam ko. Naglakad sila palayo sakin, umakbay si Evan sa babae at humalik sa pisngi nito. 'Bakit parang kumikirot ang puso ko? Wag mo sabihing na fall ka sa lalaking yun. His nothing kumpara sa ibang gwapo at mayayaman na nanliligaw sayo Ava.' I said to myself. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD