Tired Of Loving You

1496 Words
Ava's POV Sabi nila kapag nakuha mo na ang pinapangarap mo, ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo. Tama sila, kasi nung nakuha ko yung taong pinapangarap ko at kinasal kami, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo nung mga oras na yun. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana tila mali ang naging desisyon ko na makuha siya. "Nasasaktan ako Evan. Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko sa asawa ko. "Ikaw, ikaw ang problema ko. Napakalandi mo talaga." Sagot niya na may kasama pang pagduduro. "Pinagsasabi mo?" Naguguluhan kasi ako sa sinasabi niya. Hinatak lang ako nito sa isa sa mga classroom dito. "Nakita ko ang tingin sayo ng teacher na yun." Galit na sabi nito. "At ikaw naman alam mong may asawa kana nagpapapansin ka din. Bigyan mo naman ako ng kahihiyan." Hindi ako sumagot sa kanya. Pumatak nalang ang luha ko sa mata, nasasaktan ako kasi ganun ang tingin niya sakin. Maglilimang taon na kaming nagsasama ngunit hindi parin ako sanay sa masasakit na salita nito. "Mom and Dad, are you fighting again?" Tanong ng munting anghel sa likuran namin. "Offcourse not baby." Sagot ni Evan at lumapit sa anak. "I'm sorry im late, may tinapos pa kasi si Daddy sa work." "Okay Dad." Humalik ito sa pisngi ng ama. "Mom magsisimula na ulit ang program. Let's go na." Hindi ako humarap sa kanila, ayokong masira ang masayang araw ni Elli dahil sa pagaaway namin ni Evan. "Yes baby, susunod na kami ng Daddy mo. Maguusap lang kami sandali." Narinig ko ang yapak nito hudyat na lumabas na ito. Pinunasan ko ang luha sa mata pagkatapos humarap kay Evan. "Pwede ba wag ngayon Evan, importante sa anak mo ang event na ito. Wag mong sirain dahil sa maling akala mo." At tinalikuran siya. "Oo nga pala yung teacher na sinasabi mo. Adviser yun ng anak mo, nagmamagandang loob lang na suportahan si Elli na dapat ikaw ang gumagawa." Naiinis na ako dito, lahat nalang ng kilos o galaw ko mali para sa kanya. Wala na itong magandang nasabi tungkol sakin sa limang taong pagsasama namin. Umupo ako sa tabi ni Elli, humalik ako sa pisngi nito at ngumiti. Tumabi rin si Evan sa anak. May program sa school nila Elli, siya ang representative ng section niya. Masaya niya itong binalita last month, inaasahan niyang mapapanuod ito ng kanyang ama ngunit nalate ito. Hindi na ako magugulat, wala namang bago duon. Nang magannouce ng winner, hindi natawag ang pangalan ni Elli. Pilit lang itong ngumiti sakin kahit alam kong nasasaktan ito. Isang buwan niya ring pinaghandaan ang araw na ito."Elli kahit hindi ka nanalo, ikaw ang pinakamagaling para kay Mommy." Pagpapalakas ko ng loob nito. "You are the champion and i'm so proud of you baby. I love you." Singit ni Evan at kinarga ang anak. Evan is a loving father, hindi naman ito nagkukulang sa pagmamahal para sa anak. "I love you Mommy and Daddy." Sabi ni Elli pagkatapos yumakap samin. ----------- Nagtake-out kami sa Mcdonald dahil gustong kumain ni Elli ng happy meal. "Magcr lang ako sandali." Pagpapaalam ni Evan, nandito kami sa sasakyan hinihintay ang order namin dahil 10 minutes pa daw. Naiwan nito ang cellphone niya na nakalagay sa handbrake. Umilaw ito at dahil sa labis na kuryusidad tiningnan ko. Laking gulat ko nang may nagtxt dito. "I miss you babe. Magkita ulit tayo later. -Kylie" Nanlamig ang buo kong katawan, akala ko hindi na ito nagkikita ngunit mali ako. Pinilit ko nalang maging maayos ang sarili sa buong byahe. Kaya pala siya nalate sa program ng anak dahil may ibang inaasikaso. Nakakatawa lang isipin na kaya niyang ipagpalit ang sarili niyang anak sa babaeng yun. Kilala ko ang babae at masasabi ko na wala akong laban sa kanya. Napahinga nalang ako ng malalim. Pagdating sa bahay, sinalubong kami ni Elias ang bunso naming anak. Hindi ko siya sinama dahil malikot na ito baka mahirapan lang ako. Kinarga ito ni Evan at pinaliguan ng halik sa mukha, wala ako sa sarili kaya inasikaso ko nalang si Elli. May kasambahay naman kami ngunit taga-luto at taga-laba lang, paminsan minsan tumutulong sa pagaalaga ng mga bata. Hindi ako nagpalit ng damit, niligpit ko muna ang mga laruan na kinalat ni Elias sa sala. Pagkatapos kong magligpit nagpunta ako ng kwarto at naghilamos. Tiningnan ko ang mukha sa salamin, wala na ang dating Ava Cecil na maganda at maayos tila napabayaan ko na ang sarili. Para na akong katulong sa bahay na ito. Pinunasan ko ang luha na pumapatak sa aking pisngi, awang awa ako sa sarili dahil hanggang ngayon namamalimos parin ako ng pagmamahal sa sarili kong asawa. Hindi ako nagsisisi na ganito ang itsura ko, nagsisisi ako kasi minahal ko siya ng sobra, na kahit ang sakit sakit na hindi ko parin magawang iwan siya. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako para ipaghanda sila ng pagkain ngayong hapunan. ---------- "Yaya ikaw na ang bahala dito ha." Tumango ang kasambahay. "Hilamusan ko lang ang mga bata." Katatapos lang namin kumain, pinaglaruan ni Elias ang pagkain sa plato kaya ang dungis nito. Hindi ko naman masaway kasi paniguradong pagagalitan na naman ako ni Evan, ayaw niya kasing pinagagalitan ko ang mga bata. Inasikaso ko sila pagkatapos ay pinatulog na rin. Nagstay lang ako ng ilang minuto sa kwarto ng mga bata at bumalik narin sa kwarto namin ni Evan. Pagpasok ko, nakita ko ito sa labas ng veranda. May kausap ito at rinig na rinig ko ang boses niya. "Yes. Ginagawa ko ang lahat para matapos na ito. Konting tiis nalang." Sabi niya tila pinapakalma ang kausap sa kabilang linya. "I miss you too. Bye." Pagpapaalam niya. Nakita ako nito ngunit nilagpasan lang ako at humiga na sa kama. "Pwede ba Evan, sa susunod hinaan mo ang boses mo. Baka biglang pumasok sila Elli at marinig ka." "Si Elli ba talaga o ikaw?" "Ayokong makipagaway. Matutulog na ako." "Tama lang naman na marinig mo, para mahiya ka naman." Bakas sa boses nito ang labis na pagkainis. Mabuti nalang sound proof ang kwarto namin kaya hindi ito maririnig sa labas. "Sana nga nahihiya ka." "Pwede ba wag tayong magaway ngayon, pagod ako." Mahinahong sabi ko. "Pagod na pagod na." Dahan dahan siyang tumingin sakin. "What do you mean?" "Wag kana magkunwari, alam ko naman na kaya mo ako laging inaaway kasi gusto mo na makipaghiwalay ako sayo." Nagiwas ito ng tingin. "Sige na Evan, nanalo kana. Siguro talagang mali ang naging desisyon ko na pakasalan ka at mahalin ka, akala ko kasi matututunan mo rin akong mahalin eh." "Wag mo akong artehan Ava." Galit na sabi nito. Huminga ako ng malalim at umupo sa kama. "Minahal mo ba ako Evan?" Dahan dahan akong tumingin sa mata niya. "Kahit konti lang." Alam ko na ang sagot nito kahit hindi niya na sabihin, gusto ko lang marinig mismo sa boses niya para masaktan ako ng sobra at mapagod nang mahalin siya. "Minahal mo ba ako? kahit bilang ina lang ng mga anak mo?" "Pwede ba tumigil kana kung hindi ma--" "Kung hindi ano? Sasaktan mo ako. Hindi ko na mararamdaman yung sakit Evan. Immune na ako sa araw araw." Pinunasan ko ang luha ko. "Ano bang kasalan ko sayo? Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito, mali ba na mahalin ka? Hanggang kailan mo ba ako sisingilin sa kasalanan ko?" "Tumigil kana. Aalis na ako sa bahay na ito." "No need, this is your house. Matagal ko narin napagisipan ito, pilit lang akong kumakapit sa tuwing nakikita ko na masaya ang mga anak natin kasama ka." Huminga ako ng malalim at napakagat sa labi para pigilan ang paghikbi. "I'm tired of fighting Evan, i'm tired of loving you." Huling sabi ko bago ako nito tinalikuran pagkatapos ay padabog na lumabas ng kwarto. Naiwan akong umiiyak. 'Ito na ang wakas sa mali kong paniniwala. Wala nang bawian ito Ava Cecil. You need to let go Evan for the rest of your life.' ---------- Kinabukasan hindi ito umuwi ng bahay, siguro nagcecelebrate sila ni Kylie ang first love niya, na kahit na anong gawin ko hindi ko mapapantayan sa puso niya. Nagimpake ako ng mga damit ko, pati narin damit ng mga bata. Masakit para sakin ang naging desisyon ko, pero ito lang ang naiisip kong paraan para matapos na ang gulong ito. Ayoko nang maging makasarili kung pipilitin ko paring mahalin ako ni Evan. Sa mansyon kami nila Dad tutuloy pansamantala. Kinahapunan umalis kami ng mga bata sa bahay ni Evan. Hindi ko naman ilalayo sa kanya ang mga bata. Pwede naman niya itong dalawin kung kailan niya gusto. "Mom where are we going?" "Magbabakasyon tayo sa bahay ng Lolo niyo." "Without Dad?" Malungkot na tanong ni Elli. Pilit akong ngumiti, naaawa ako sa mga anak ko. Bakit kasi kailangan pa nilang madamay sa desisyon ko? "Magrerest lang si Mommy for a while, then will go back to your Dad." Sagot ko. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD