Sa ospital na nagising si Emil. Mabilis siyang bumangon ng maalala ang nangyari sa kanya pero agad din siyang napahiga uli dahil masakit ang tagiliran niya. Naka – cast ang ulo niya at may cast din ang braso at buong dibdib niya. Agad na lumapit ang mommy niya at daddy niya at mabilis siyang inalalayan. “Huwag ka munang bumangon,” narinig niyang sabi ng mommy niya. “Where is Anna?” tanong agad niya. Nakita niyang nagkatinginan ang parents niya sa narinig na tanong niya. “Where is my wife? Where is Miggy? Nasaan ang mag – ina ko?” sunod – sunod na tanong niya. “Emil,” nakita niyang nangingilid ang luha ng mommy niya. Hindi niya napigil ang sarili niya na mapaiyak ng maalala niya ang masasakit na salita na nasabi niya kay Anna. Lahat – lahat ay bumabalik sa isip niya. Lahat ng m

