Chriden Miguel Point of View
"Busog pa ako. Katatapos ko lang din kumain" sagot ko sa kanilang dalawa.
Mukha ba akong malnourished?? Mukha ba akong hindi kumakain at kung makatanong sila eh inam!
At dahil naiilang ako sa sitwasyon itinuon ko nalang ang atensyon ko sa photo copy ko at nagreview nalang ako. Ramdam ko kasing pinagtitinginan ako ng kung sinu-sino.
Bakit nga kapag nasa isang awkward moment ka ay napakabagal ng oras? Akala ko oras na ang kumipas yun pala 10mins palang. Taktenang yan!
"Guys punta tayong beach ngayon? Parang ang sarap magrelax" narinig kong sabi ni Allen. Haayy salamat at aalis na ang mga kumag dito.
Nagkatinginan ang magkakaibigan. Yung tingin na parang inaalam nila ang sagot ng bawat isa.
"Gooooooooo!"
"I'm in"
"Sige!"
Sunod-sunod na narinig ko sa kanila. Ganoon kabilis silang magdisisyon sa isang bagay? Ang mayayaman nga naman! Sana maranasan niyong maging mahirap para pahalagahan niyo naman ang pera kahit papaano.
"Den! Den!" Nilingon ko kung sino yung kung makatawag ay parang wala ng bukas.
"Oy! She! Time na?" Sana makuha niya ang ibig kong iparating. Sana hindi niya pairalin ang katangahang taglay niya.
"Wala daw si Maam Baron at si Maam Constitution kaya gora na tayo!" Nakangiti pang sabi niya. Putangnamo Sheryl! Pampasira ka ng araw! Hindi ako natutuwa sa balita mo pero kung makangiti wagas!
Jusko naman! Maam Barron! Maam Constitution bakit ngayong araw pa kayo wala? Ang dami-daming araw na pwede kayong maglakatwatsa ngayon pa!
Sabay na nagtinginan sakin ang grupong kasama ko ngayon lalo na ang impaktong lider nila. Nakita kong parang kuminang ang mga mata niya at lumawak ang pagkakangiti niya. Tangna! Alam ko na kung ano tinatakbo ng isipan neto!
"Ooooops! Sige na guys. Kailangan ko palang umuwe ng maaga kasi wala magbabantay sa kapatid ko. Ingat kayo sa gala" sabi ko habang unti-unti kong nililigpit ang gamit ko.
"Sa lahat ng nandito, sino ang gustong mag-join samin? Punta tayong beach ngayon at alam niyo na relax"
Pagkasabing-pagkasabi nun ni Allen ay naglapitan ang mga babaeng halatang sobrang hihitad! Kulang nalang maging hugis puso ang mata at sumuka ng heartshaped na dugo.
"Join din kami diyan" sabi ni Kenneth at kasama nito ang mga kaibigan niya.
Mother Earth what happen? Bakit ganito mga takbo ng isipan ng mga tao dito? Ganito ba ang bagong epidemya ngayon?
"Naipagpaalam na kita sa mama mo at pumayag siya. Sinabi kong nasa kamay ka ng isang Gabriel. Tuwang-tuwa pa nga siya at kahit daw wag na kitang iuwe" dire-diretsong sabi ni Francisco na walang pakialam kahit marinig pa ng ibang mga tao.
"Wag mo nga akong paglolokohin! Hindi basta-basta napayag si Mama na sumama ako sa kung kani-kanino lang!" Mataray kong sabi sa kanya.
"Eto kakausapin ka daw" sabay abot sakin ng phone niya. Woooow! Anong unit to? Ang gondooooo! Tela panu gamitin to? Tanga lang ah! Hahaha!
"Hello ma-"
"Pinapayagan kita anak. Huwag mong pababayaan si Paul ha! Tuktok ka sakin!" Sabi ni mama at naririnig ko pa siyang may ibang kinakausap.
"Ma! Ma naman eh!"
"Lakad na! Ingatan mo si Paul. Ako na bahala sa kapatid mo. Sige babye na!" Pagtapos nun ay naputol na ang linya.
Kung di lang kita nanay! Nakuuuuu!
.
.
.
.
Dumaan kami sa mall ni Francisco dahil wala siyang dalang damit. Kahit naman ako wala rin eh! Pabigla-bigla kasi! Hindi naman dapat ako kasama dito. Pinilit ako! Akusahan niyo siya! Kakasuhan ko siya ng harrasment!
Pumasok siya sa fitting room. Ang tagal nga eh. Nakita kong tinawag niya yung saleslady at nag-usap sila. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya ng fitting room at nakajacket na siya. Aba! Sinuot agad ang binili. Mayaman talaga!
"Oh ano type mo? Pink o yellow?" Tanong niya sakin habang pareho niyang hawak ang dalawang nakahanger na damit.
Ano nga ba mas maganda? Ang panget naman kung superman na pink. Girl na girl. Kapag naman superman na yellow? Ayy bet ko yung yellow. Hahaha!
"Yung yellow nalang. Mas bet ko yun" nakangiti kong sagot sa kanya. Binayaran niya yun at hinila niya kamay ko pagkaabot sakin ng paperbag nung saleslady.
"Oooops! Diyan ka lang! Huwag ka papasok!" Sabi ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng fitting room. Pinapasuot na kasi niya sakin. Pakiramdam ko nga napapangitan siya sa suot ko. Pakyu tong lalaking to! Fubu to! Fubu!
Bumili rin siya ng ilang gamit na gagamitin namin for one night sa beach. Dumaan kami sa supermarket at bumili ng pagkain. Iba talaga ang mayaman. Card ang ginagamit kahit may lamang cash ang pitaka. Pano ko nalaman? Ginawa kasi akong chimay ng impakto at sakin pinahawak ang pitaka niya. Magkano kaya sweldo ko? Hahaha!
"Umidlip ka muna. Gisingin nalang kita kapag nandun na tayo" sabi niya habang tinatahak na namin ang daan papunta sa napag-usapang beach. Nauna na dun ang iba. Kami lang ang pasaway na ginusto pang pumunta ng mall para mamili. Pwede naman dumaan muna sa bahay para hindi na gumastos. Hayy. Mayaman nga naman.
.
.
.
Naramdaman ko nalang na parang may mainit na pinong hangin ang dumadampi sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.
"A..anong gi..ginagawa mo?" Nautal kong sabi nung pagmulat ng mata ko ay malapit na magdikit ang mukha namin ni Francisco.
"Kanina pa kita ginigising! Kanina pa tayo nandito!" Sabi niya sabay iwas ng kanyang mukha sakin.
Bumaba na kami ng sasakyan at kinuha na namin ang mga pinamili namjn sa compartment.
"Ito nalang ang bitbitin mo" sabi niya sakin tukoy niya sa paperbag na may lamang damit namin. Aw! Gentleman ah! Tingnan ko lang kung makaya niyang bitbitin ng sabay-sabay ang mga pinamili niyang ubod ng dami!
Kaya nga niya! Parang walang bitbit. Halimaw si Francisco! Halimaw siya! Alien!
Madali lang namin natunton ang cottage. Kami nga lang yata ang tao dito eh. Wala kasi akong nakikitang ibang tao.
Ibinaba ni Francisco ang mga bitbit niya sa table. Ako? Nakatingin lang sa mga schoolmates namin na naglalaro ng volleyball sa buhanginan. Lakas maka-summer ng mga to ah!
"Den! Tara sali ka!" Sigaw sakin ni Kenneth. Woooow! Si Kenneth ba yun? Bakit ngayon ko lang napansin na gwapo siya? Nakasandong gray at nakaboard shorts. Ang kinis ng katawan niya at yung muscles? Pamatay! Waaaaaah! Ano ba tong mga pumapasok sa isip ko!
"Sige. Mamaya nalang. Aayusin ko lang yung dala ni Francisco na pagkain" sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako at OMG kinindatan niya ako! Mother hindi ka ba kikiligin? Waaaaag! Baka magka-tsunami dito! Hahaha
Tinawag namin silang lahat matapos namin ayusin ang pagkain. Gusto kasi nila Allen sabay-sabay kumain sa dahon ng saging.
"Pre hindi ka ba naiinitan? Jacket na jacket ka ah!" Biro ni Allen kay Francisco kasunod nun ay ang tawanan ng mga kasama namin.
Hinubad ni Francisco yung jacket na suot niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin saming dalawa ng mga kasama namin.
Kahit ako nagpalipat-lipat ang tingin ko sa sarili ko at sa kanya.
Kilig part 2 na to! Waaaaaah!
Naka-fitted sando siyang superman din. Yellow din!
"Oh ayan presko na" nakangiti niyang sabi sabay tingin saken.
"Bagay na bagay na tayo" dagdag pa niya na mas lalong ikinapula ng mukha ko
Paano kaya tumakbo ang utak ng impaktong to? Hindi na siya nahiya sa mga naiisip niyang gawin.
Aminin mo na kinikilig ka rin naman!
Isa pa kunsensya! Papatayin kita!
Naupo na ako at tumabi naman siya sakin. Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga kasama namin at napansin kong namumula ang mukha niya. Allergy? Sa init? Awwww! Shet!
"Den tikman mo to" alok ni Jerome sabay lagay sa plato ko ng hipon na may breading. Tempura yata tawag dun.
"Thanks" sabi ko sa kanya.
Napansin kong hindi nagagalaw ng impakto ang alimasag na nasa plato niya pati yung tahong. Tumahimik rin siya. Nawala yung sigla niya kanina habang nagkukwentuhan sila ng mga kaibigan niya.
Kinuha ko yung alimasag sa plato niya at hinimay ko iyon pati yung tahong.
"Oh... Sayang yung pagkain kung hindi mo kakainin" sabi ko matapos kong ilagay sa plato niya ang mga hinimay kong alimasag.
"Ayieeeee! Ang sweeeeeet!" Pang-aasar ni Kerby sakin.
"Bakit? Anong sweet sa alimasag? Gusto mo isalaksak ko sayo to?" Matapang kong sabi sa kanya. Nakalimutan ko na yata na isa rin siya sa unico hijo ng pamilya nila. Baka mamaya maisipan ako niyong ipatanggal sa school.
"Easy...hahahaha!" Singit ni Allen.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Dami nga namin pinag-uusapan. Karamihan ay yung mga kalokohan na ginagawa sa loob ng classroom.
Lumipas ang oras na hindi namin namalayan na madilim na pala. Naghukay sa buhangin sila Allen at naglagay ng mga kahoy na sinadyang bilihin para sa bonfire. Pumaikot kami roon habang nagpapaikot rin ng tagay ng alak si Kier na kaibigan naman ni Kenneth.
Ikaw na ang maysabi
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mo,
Na ang pag-ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit
Sa twing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan
Pag may kasama kang iba
Di ba nila alam
Tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sayo
At ika'y akin lamang
Napatingin ako sa taong kumakanta habang sumisipra sa hawak niyang gitara. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Ngayon ko lang din nalaman na maganda pala ang boses ni Kenneth.
Kahit anong mangyari
Pag-ibig ko'y sayo parin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila'y ikaw parin
Ang mahal
Maghihingay ako kahit kailan
Kahit na umabot man ako'y nasa langit na
At kung di ka makita
Makikiusap kay bathala
Na ika'y hanapin
At sabihin
Ipaalala sa iyo, ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sayo - at ika'y akin lamang
Pakiramdam ko kay Kenneth ay nakatingin siya sakin. O masasabi kong sadyang makapal at assuming lang talaga ako. Nasa magkabila kasi kaming pwesto at ramdam ko ay sakin siya nakatingin.
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan...
Na ako'y sayo.... At ika'y akin ... Lamang
Nagpalakpakan ang mga babaeng kasama namin dahil sa pinamalas ni Kenneth. Ganda ng boses. Nakakainlove. Hihihi.
"Paul oh!" Sigaw ni Allen sabay abot ng gitara.
Really? Marunong siya maggitara?
Nandiyan ka nanaman
Tinutukso-tukso
Ang aking puso
Ilang ulit na bang
Iniiwasan ka
Di na natuto
Sulyap ng yong mata
Aking nadarama
Kahit malayo
Totoo to? Si Francisco ba ang kumakanta?
Nahihirapan na
Lalapit lapit pa
Di na natuto
Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo ohhh
Yakapin mong minsan
At muling magbabalik sayo
Na walang kalaban laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang
Ang lamig ng boses niya. Damang-dama ko yung bawat lumalabas sa kanyang bibig. Hindi halata sa kilos niya na may talento pala siyang tinatago.
Hindi naman sa nagkakaroon ako ng pamantayan sa buhay. Nasabi ko dati sa sarili ko na kung magkakaroon ako ng boyfriend ang gusto ko maganda ang boses. Lakas ng dating ng ganun.
Teka! Wala akong sinasabing si Francisco yung tinutukoy ko ah! Lahat ng nangyayari samin ay nagkakataon lang.
Oh heto nanaman
Laging nananabik
Ang aking puso
Muling bumabalik
Sayong mga halik
Di na natuto
Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo ohh
Yakapin mong minsan
At muling magbabalik sayo
Na walang kalaban laban
Ang puso ko'y
Tanging iyo lamang
Agad ko naman nilingon ang pinanggalingan ng panibagong boses na narinig ko. Si Jerome pala yun. Tangkaganda din ng boses. Umamin nga kayo!? Boyband ba kayo? Habang kumakanta si Jerome ay alam kong nakatingin siya sa pwesto ko at titig na titig sakin.
Ano ba ang problema ng mga taong ito? Kung nakakamatay lang ang mga tingin niyo malaman kanina pa ako nilalangaw dito.
Naramdaman ko nalang na may kamay na pumatong sa balikat ko at dahan-dahan na iginawi ang katawan ko sa katawan niya.
Francisco dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi at pinaparamdam mo?
"Wag mong tanggalin. Kumportable ako sa ganitong sitwasyon natin" mahinang sabi ni Francisco sakin. Lalong tumatagal ay lalong humihigpit ang pagkakayakap niya sakin. Ewan ko ba pero sa kalooban ko ay gusto ko itong nangyayari samin ngayon.
Inabot kami ng hatinggabi. Nagpasya na kami magpunta sa kanya-kanyang room na nirentahan ng mga kasama namin.
"Huwag kang mag-alala. Sa sofa ako matutulog" sabi ni Francisco na halatang may tama na ng alak.
"Tabi nalang tayo. Malaki naman yung kama" yaya ko sa kanya. Nakakakunsensya naman kasi siya nagbayad nung kwarto namin.
Tiningnan niya ako. Tinitigan niya ako.
"Ikaw ang may gusto niyan - huwag mo ako sisisihin kung sakaling hindi ako makapagtimpi"
Ha? Anong sinasabi ng gagung to? Tama ba ang tinatakbo ng utak ko? Tama ba ang pagdeliver ng message ng brain cells ko?
"Bastos!" Sabi ko sa kanya.
Humiga na ako sa kama at tumalikod na ako sa kanya. Naramdaman ko narin ang presensya niya sa tabi ko kaya pinilit ko narin ikalma ang sarili ko.
Naalimpungatan ako dahil parang may kung anong nakapulupot sa katawan ko. Napalitan ng init ang lamig na nararamdaman ko dahil sa kamay na nakayakap sakin.
Si Francisco. Nakayapos sakin. Nararamdaman ko rin ang mainit niyang hininga sa may batok ko na nagbibigay sakin ng kakaibang kiliti.
"Matulog ka pa. Madaling araw lang" narinig kong sabi niya.
Gising pa pala ang impakto. Aaminin ko nagugustuhan ko na ang ganitong lagay ng kung anong relasyon ang meron kami. Hindi na ako naghahangad pa ng iba. Alam ko naman kasing imposible yung naiisip ko para samin. Bakit? Una, sa estado ng buhay namin. Hindi ko naman sinasabing mahirap kami, ang ibig ko lang iparating ay hindi kami ganoon kayaman para bumagay sa pamilya nila. Bakit ba sa lahat ng pagkakataon estado ng buhay ang isa sa nagiging hadlang sa isang relasyon?
Pangalawa, hindi pa ako sigurado kung totoo nga ang mga sinasabi ni Francisco sakin. Malay ko ba kung ginagawa niya lang ito para matuwa siya o para malibang siya.
Pangatlo, hindi ako babae. Bakla ako. Sa mga nababasa ko lang sa w*****d nagkakatotoo ang happily ever after. Wala pa nakakapagpatunay nun. Kathang isip lang yun. Kumbaga hidden desire ang kalimitang naiisulat ng mga katulad kong author sa w*****d.
Pero ramdam ko na sa sarili ko na may kakaiba na akong pagtatangi kay Francisco. May malaking puwang na siya sa puso ko.