Chriden Miguel Point of View
Hindi ako makaget-over sa nangyari. Kaya kahit nasa harapan na kami ng pagkain ay parang wala ako sa aking sarili.
Flashback
"Nandito lang pala kayo" sabi ni Francisco at mabilis umupo sa tabi namin ng kapatid ko. Ngayon ko na nararamdaman yung kirot sa paanan ko. Ewan ko ba kanina kung paano ako nakatakbo sa ganitong sitwasyon ng paa ko.
Hindi ako nagsalita o tumingin man lang sa kanya. Pinupunasan ko ang mukha ng kapatid ko kahit wala naman itong dumi o mumo na galing sa kinakain niyang cotton candy.
"Yung nangya-"
"Wala yun. Hindi ko sinasadyang makita. Sorry. Saka wag na na-"
"Pwede bang pagsalitain mo muna ako!" Sabay kaming napatingin ng kapatid ko sa kanya. Bigla naman umamo ang mukha niya nung napansin niyang medyo nagbago ang mukha ng kapatid ko.
"Yung nangyari kanina...hindi ko sinasadya yun. Hindi ko naman alam na si Hannah pala yung kasabay ko at hin-"
"Okay lang yun. Hindi ka naman dapat nagpapaliwanag sakin" putol ko uli sa kanyang sinasabi.
"Patapusin mo muna ako sa sinasabi ko at hindi ako nagpapaliwanag - ipinapaalam ko lang sayo"
Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. Mahinahon at seryoso kasi ang kanyang mukha.
"Hindi ko sinasadya yung nangyari kasi akala ko ikaw yung kasabay ko.. At... At..akala ko ikaw yung...kahalikan ko..."
Ha? Tama ba yung narinig ko? Tama ba tinatakbo ng isip ko?
"Nung narinig ko ang sigawan sa loob ng horror house bigla kong hinila ang kamay ng kasabay ko na akala kong ikaw. Iiwas sana kita sa mga alam kong magtatakbuhan pero natukso ako ng pagkakataon - kaya ayun hinalikan ko ang taong akala ko ay ikaw"
Nakaramdaman ako ng kakaiba. Hindi ko alam kung ano pwede kong itawag sa kakaibang pakiramdam ko nung narinig ko sa kanya iyon. Yung malaman ko lang na ang iniisip niya pala ay ako ang kahalikan niya - natutuwa na ako - kinikilig ako.
Hindi ako nagsasalita. Wala kasi akong maisip na pwedeng isagot sa sinabi niya.
"Sinadya ko rin hindi magpakita ng isang linggo..."
Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita at binuhat si Chrien at kinalong at bahagyang umusod sa tabi ko.
"Kasi...kasi..."
"Kasi ano?" Untag ko sa hindi niya maituloy na sasabihin.
"Kasi..ayokong makita mo akong kiligin" mahinang sabi niya na halos ikapula ng buong mukha niya.
"Ha?" Taka kong reaksyon.
"Kikiligin? Ikaw kinikilig? Bakit?"
"Huwag ka na ngang marami pang tanong. Pasalamat ka pa nga at sinabi ko sayo" sabi niya na may pagkasarkastikong tono.
Langyang to! Malay ko ba sa mga pinagsasasabi niya. Akala niya saken past teller? Aw! Maka-past teller ako wagas! Hahaha!
"Oh ikaw naman bakit magkasama kayo ni Jerome sa loob ng horror house" tanong naman niya. Jusko yung tono ng pananalita niya - wirdo! Yung hindi ko ma-predict kung ano yung maaari niya pang itanong.
"Nagkataon lang. Saka tropa naman si Jerome diba?" Hindi ko alam kung paano ko nasabi sa kanya yan. Eh hindi naman ako tanga kaya alam ko yung mga kinikilos ni Jerome para sa akin ay may ibang kahulugan.
"Magkapatong kayo? Magkadikit ang mga labi niyo tapos sasabihin mong nagkataon lang at tropa si Jerome? Eh di ibig sabihin pala kapag tropa ay naghahalikan? Kaya dapat maghalikan lahat ng magtotropa dito?"
Napatanga ako sa sinabi niya. Ang kapatid ko naman ay hindi kami iniintindi dahil sa hawak niyong cellphone na iniabot ni Francisco.
Ano ba tong sinasabi ng impaktong ito. Nasisiraan na ba ng ulo ito!? Nagiging alien na ba ang lalaking ito?
"Eh ano naman sayo kung nagkiss kami ni Jerome!" Inis na sabi ko sa kanya. Naisip ko yun para mawala yung awkwardness saming dalawa.
"Kapag nalaman ko lang na naulit yun kahit kaibigan ko siya makakatikim siya sakin" sagot niya habang pinapatunog ang mga daliri.
"Bakit boyfriend ba kita!?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Hindi pa pero nakatakda na ang araw kung kailan mo ako magiging boyfriend! Kaya pag-aari kita sa ayaw at sa gusto mo!"
End of flashback
Pagkatapos ng fireworks display ay napagpasyahan na naming umuwe. Pasok narin kasi kinabukasan kaya kailangan makapagpahinga.
"Maraming salamat nga pala. Sigurado akong napakasaya ng kapatid ko" sabi ko kay Francisco.
Binuhat niya si Chrien mula sa binti ko at kinarga niya. Nakuha ko naman ang kanyang ibig sabihin kaya nagpaubaya na ako. Karga karga niya si Chrien hanggang sa makapasok kami ng loob ng bahay namin.
Tulog na si Mama kaya hindi ko na inistorbo pa. Tinuro ko kay Francisco kung saan ang kwarto ng kapatid ko at sinabi kong pakibaba nalang sa kama si Chrien.
.
.
.
.
"Ingat sila sa pag-uwe mo!" Asar kong sabi sa kanya nung nasa labas na kami ng bahay namin.
Nilapitan niya ako. Hindi ako makagalaw kasi iba tinatakbo ng isipan ko. Nung nasa harapan ko na siya parehong nakatingin sa bawat isa ang mga mata namin. Dapat ko nga bang paniwalaan ang mga sinabi ng impaktong ito? Sabi ko sa isipan ko.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ang tagal. Hindi ako makagalaw at hindi ko magawang kumalas pa mula sa pagkakayakap niya. Para kasing may nararamdaman akong daloy ng kuryente mula sa kanyang katawan. Electric man ba siya? Siya ba si Enel? Yung eater ng rumble rumble fruit. Anu ba yan! Mga naiisip ko.
Dahan-dahan niyang kinalas ang kanyang katawan at mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan.
"Uwe na ako." Yun lang ang narinig ko at umalis narin siya.
Pumanik na ako sa kwarto ko at sinimulan ko na ayusin ang mga gamit ko para bukas. Biology nanaman! Constitution nanaman! Potek na yan! Walang ligtas! Pati economics na 200 items ang quiz! Torture!
Binuksan ko ang drawer ko at ilalabas ko ang...ang...teka! Nasaan yun? Kinuha ko yung bag ko na nakasabit sa shirt stand at isinabog ko ito sa sahig. Walang yung hinahanap ko. Wala yung gabi-gabi kong pinagtutuunan ng oras. Ni-check ko ng ilang beses pero wala talaga. Tangna naman!
Nasan ang private notes koooooooo!
Paul Francisco C. Gabriel Point of View
"Mali na to Francisco! Mali na tong nararamdaman ko! Totoong nagseselos na ako! Ayoko sa nararamdaman ko!"
Natigilan ako sa biglang sinabi ni Den. Parang may kung anong tumama sa dibdib ko na nagbigay ng boltahe ng kuryente sa katawan ko.
Hindi ako makapagsalita nun. Walang lumalabas na kahit na anong letra sa bibig ko. May nararamdaman ako sa kalooban ko. Yung parang ang saya-saya ko at para akong nakahithit ng kung anong droga at parang high na high ang isipan ko.
Hanggang sa pag-uwe ko ay ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Pagkabihis ko ng pambahay ay inilabas ko ang speaker mula sa bodega at inaayos ko iyon sa terrace namin. Nagpaluto ako sa katulong namin ng pagkain at nagpadala ako ng alak na maiinom ko.
Ang sarap ng pakiramdam ko ngayon.
"I smell something Bro. What happen?" Untag ng kapatid ko. Nakita daw niya kasi akong mag-isang nakangiti habang hawak hawak ko ang kopita na may lamang alak.
"Wanna join? Pero konti ang iinumin mo ha" tanging nasagot ko sa kanya. Tumayo ako at tinungo ko ang laptop ko at ni-select ko ang kantang grow old with you.
Tama. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Hindi ko siya gusto kase mahal ko siya. Oo nung una inaamin ko na talagang pinagpanggap ko siya na boyfriend ko kasi alam nila Ate na wala akong interes o wala pa silang nababalitaan na nagustuhan ko pagkatapos ng masamang pangyayari sa buhay ko.
Ngayon alam ko na kung bakit sobra ang galit ko nung nalaman ko kung sino yung gagong naglagay ng dugo sa upuan ni Den dahilan para pagtawanan siya. Inabangan ko talaga yun sa tapat ng gate ng school at pilit kong pinapaamin kung sino ang nagpalagay ng dugo sa upuan. Matigas nga ang bungo kasi todo tanggi siya. Aktong sasapukin ko na sana yung lalaki nung bigla kong makita si Den. Nawala yung galit na nararamdam ko at nag-iba ang sirkulasyon ng dugo ko. Nilampasan ko siya kasi ayoko makita niya ang namumula kong mukha na siya mismo ang dahilan. Bumulong pa nga siya ng mayabang eh.
Lalo na nung nakatambay kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria. Sa totoo lang ayoko tumatambay dun kasi napakarami palaging babae ang nagpapapansin samin. Di ako ganon kayabang pero totoo lang sinasabi ko.
Napansin kong may ibang nakaupo sa table na palaging pinupwestuhan ni Den at ng bespren niya. Nilapitan ko yung mga yun at sinapok ko ang mukha nila. Hindi ba nila alam na may ibang taong lagi napwesto dun? Tangnang mga yon! Isang beses ko pang makita na may ibang naupo dun - papatayin ko talaga!
Inaamin ko kinikilig ako. Ganito ako kapag kinikilig - sobrang halata dahil sa nagiging pulang pula ang mukha ko at hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
Isang linggo akong hindi pumasok. Ayokong magtanong sila ng magtanong kung bakit ganun nalang ang itsura ko.
Matapos nun ay sumama ako sa EK sa lakad ng mga kaibigan ni Den. Syempre dahil sa kanya, kaya ako sumama. Pumasok kami sa horror house. Nagmamadali talaga ako pumasok nun sa loob kasi may binabalak ako. (Dirty Mind Alaman na!
Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa loob kaya agad kong hinatak ang kamay ng katabi ko. Alam kong si Den yun kasi siya lang naman ang katabi ko. Pagkahatak ko sa kanyang kamay ay agad kong hinawakan ang kanyang ulo at siniil ko siya ng halik.
Nagtataka ako diba sabi nila kapag daw mahal mo ang isang tao ay makakaramdam ka ng spark o kakaiba kapag nagdikit ang inyong katawan o labi? Bakit ngayong kahalikan ko siya wala?
Biglang nagliwanag ang paligid. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong nakahandusay sa lapag. Si Den nakapatong sa ibabaw ni Jerome at magkadikit ang kanilang labi.
Hindi ako makagalaw sa nakita ko. Parang dinudurog ang puso ko at parang nawalan ako ng lakas para tingnan pa kung sino ang taong nasa harapan ko.
Mabilis tumakbo si Den papalabas at naiwan si Jerome. Gustuhin ko man tanungin kung bakit ganon ang nasaksihan ko pero nawalan ako ng lakas para itanong yun.
Hinanap ko si Den. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat para maging maayos kami. Gusto kong malaman niya kung ano yung nangyari baka kasi isipin niya na kung kani-kanino nalang ako nakikipaghalikan. Nakita ko siya at mabilis ko siyang nilapitan. Kinausap ko siya at sinabi ko sa kanya lahat.
Hindi ko siya hinayaan magsalita at sinabi kong pakinggan niya muna ang lahat ng sasabihin ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maaga akong nagising kahit mamaya pa naman ang first subject ko. Polisci. Gusto ko kasing maagang pumasok para makita ko si Den. Gusto ko sabay kaming kakain sa breaktime at lunch. Gusto ko siyang ihatid pauwe - pauwe dito sa bahay namin. Gusto ko ng magsama kaming dalawa.
Habang inilalagay ko ang gamit ko sa front seat ay may napansin akong maliit na notebook. Wala naman akong natatandaan na ganitong notebook ko ah! Hindi naman ako bakla para magkaroon ng...tama! Kay Den to!
Dahil alam kong tungkol kay Den ay binuksan ko agad ang notebook. Ang daming nakasulat. Lahat iyon ay tungkol sa kanya at sa mga bagay na gusto niya.
---------
"Tol! Ano san tay- aba! May sakit ka ba Paul!?" Sabi ni Kerby sakin.
Tiningnan ko siya at ngumiti ako. Bakas sa mukha ng mga kaibigan ko ang gulat sa hindi ko malamang dahilan. Nilapitan ako ni Brille at hinipo ang leeg at noo ko.
"Wala ka naman saket tol. Gusto mo ipaalbularyo ka namin? May alam yung katulong namin" sabi naman ni Allen.
Loko tong mga kaibigan ko ah! Ano bang kakaiba saken? Ano bang problema saken?
"Ano ba yang binabasa mo pre?" Tanong naman ni Jerome.
Hindi ko pinansin si Jerome. Anong akala niya nakalimutan ko na yung nangyari sa kanila ni Den!? Ano siya swerte! Akin si Den at hindi sa kanya! Subukan niya lang ahasin sakin si Den at ipapatanggal ko kay Daddy ang pagiging sister campany namin sa kanila para malugi sila!
"Wala! Tara na nga pasok na tayo!" Sabi ko sabay tago ko sa bulsa ng notebook na binabasa ko.
Katulad dati sa pinakadulo ng upuan kami naupo. Ang pinagkaiba nga lang ay tahimik ako ngayon at wala akong gana makipagsabayan sa trip ng mga kaibigan ko. May iniisip kasi ako. Sigurado ako matutuwa si Den sa gagawin ko.
Note#1
Haaay...nakakapagod naman ang araw na ito. Daming assignments at projects pero okay lang maganda pa rin naman ako! Hahaha! Oy! Totoo yun! Alam mo wishman kapag ako nagkaboyfriend gusto ko simple lang. Ayoko sa hiphop. Ayoko rin naman ng trasher at mas lalong ayoko ng pormang gangster! May nakita kasi ako kanina sa mall, gwapo sana kaso di bagay sa kanya yung suot niya. Masyadong papansin. Parang breezy boy. Hahaha! Gusto ko conyo conyo lang. Sneakers na sapatos, nakapants na loosefit, white shirt na medyo fitted para bakat naman ang malaking katawan. Ayieee! Irarampa ko talaga siya. Dagdag pa ang buhok na maikli tapos nilalagyan ng fix. Aw! Baka tumulo laway ko nun! Hahaha! Tapos may hikaw na bling bling sa kaliwa. Astiiiiiiig!
Kasi manliligaw nga wala ako - boyfriend pa kaya! Haaaay. Osya goodnight! Bukas na ulit.
-denden
Chriden Miguel Point of View
Nakakapagod ang araw na ito. Dami nanamang kaekekan ang mga prof na iyan. Akala yata nila eh nakakatuwa ang mga naiisip nilang ipagawa sa aming mga sobrang sisipag na estudyante!
Tapos ngayon hindi pa ako makapag-concentrate sa nirereview ko gawa ng impaktong si Francisco.
Flashback (kanina sa cafeteria)
Wala si bespren kaya loner nanaman ang peg ko. Kaharap ko ngayon ang isang cold coffee at stick-O with marahmallows. Oo! Paborito ko ang stick-O lalong lalo na ang marshmallows. Kahit bespren ko kaya kong ipagpalit basta para sa marshmallows. Hahaha! Nagsasabi lang ako ng totoo. Bad magsinungaling.
"Share tayo sa table. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil hindi mo pag-aari tong school" sino pa eh di si Francisco. Akala ko pa naman nagbago na ugali ng impaktong ito. Hindi pala!
Teka.. Bakit parang wala akong masabi? Bakit parang may kakaiba sa pakiramdam ko. Ayyy potek! Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nung maalala ko ang mga sinabi niya sakin. Please Lord gawin mong normal ang heartbeat ko baka hindi ko makayanan at himatayin ako dito.
"Ha? Ano yon?" Nakakunot noo niyang tanong saken.
"Ha? Naririnig mo?" Medyo natataranta ko namang sagot.
"Naririnig?"
"Naririnig mo t***k ng puso ko? Malakas?" Ewan ko nababaliw na yata ako. Pagkatapos kong sabihin yun ay tumawa siya ng malakas. Nakakaasar tong lalaking to ah! Nagtatanong ako ng seryoso tapos tatawanan ako!
Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tsismoso at tsismosang nakain rin dito sa cafeteria.
Umayos na siya ng pagkakaupo matapos ubusin ang kanyang pagtawa. Itinawa na yata niya yung tawa niya para bukas. Tangnang lalaking to! Itawa mo na yung pang-isang linggo! Ulul!
"Paano ka mabubusog kung yan lang kakainin mo? Araw-araw kong nakikita na yan ang kinakain mo eh" hindi na ako nakapagsalita pa nung naglagay siya sa maliit na platito ng pagkaing kinakain niya at inilagay sa harap ko.
Wow! Biglang bait netong impaktong to ah! Saka teka sinabi niyang araw-araw niyang nakikita na iyon ang kinakain ko? Ibig sabihin tinitingnan niya ako araw-araw? Shet ah! Ayoko mag-assume pero bakit parang kinikilig ako?
"May dumi ba sa mukha ko?" Seryosong tanong niya.
"Wa...wa..la" medyo nauutal kong sagot.
"Kapag hindi mo kinain yang nasa plati-"
"Oo na. Kakainin ko na kesa ibato mo ito at gawing flying saucer sa mga taong nasa paligid" putol ko sa sinasabi niya.
Aba nakuha pang ngumiti ng gagu!
End of flashback
Kaya ang nangyari hindi ako nakapagreview at hindi rin ako halos nakatulog. Potek! Laki ng eyebags ko parang may flight papuntang hongkong! Hahaha!
"Ma! Pasok na akooooo!" Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mama at mabilis na akong sumakay ng tricycle papunta umboy pra makasakay na ng baby bus papuntang baste.
.
.
.
Nagmadali pa naman ako tapos malalaman ko wala pala kaming pasok sa first period namin! Linshak na iyan! Maam Maguad sa susunod mag-GM ka na walang pasok ha! Naku kung hindi lang major subject ang hawak mo! Naku! Tsk tsk tsk.
Kung nagkataon na naka-uniform kami ngayon malamang gusot ang suot ko. Hindi kasi namalantsa si Mama kagabi dahil sa pagbisi-busyhan sa sss. Tinuruan ko kasi kaya ayun nawili! Hindi pa naman ako marunong mamalantsa. Buti nalang wash day ngayon. Kaya panggala mode ang suot ko.
Skiny jeans at small size na puting fubu shirt. Yung panakto lang sa katawan ko. Body bag, at conyo shoes. Conyo conyo lang. Feeling ko nga head turner ako eh. Hahaha!
Asan si bessie ko? Haayyy! Nandun kina Craven. May problemang kailangan ayusin kasi delayed na siya ng 2mos. Laking problema talaga nun!
"Hi Den! Pa-share namin kami" sabi ni Allen tukoy sa table. Mag-isa lang kasi ako at medyo malaki naman ang table at kasya kami.
Sa dinadami ng pwestong pwedeng puntahan dito pa! Pinagtitinginan tuloy ang pwesto ko. Nagkatinginan kami ni Jerome. Nginitian niya ako - syempre dahil talandi ako ngumiti rin ako. Puppy eyes pa nga eh. Haha dejokelang.
"Okay lang. Paalis narin ako kase malapit narin yung next subject ko" sabi ko sa kanila. Sa totoo lang sinabi ko lang yun. Ayoko ng sitwasyon ko ngayon. Pinagtitinginan kasi ako ng maraming estudyante. Lalo ko tuloy nararamdaman na maganda ako. Haha! Jokelang. Naiilang kasi ako.
"Sige diyan na kayo. Kokop-"
Napatigil ako sa pag-usad ng paa ko. Natigilan ako. Ang bilis nanaman ng t***k ng puso ko - ng dibdib ko.
Pakiramdam ko ay slow motion ang nangyayari sa kinalalagyan ko.
Papalapit sakin ang isang taong nakaputing shirt na medyo fitted dahilan para mas lalong lumabas ang hubog ng katawan nito, loose fit na pants na binabagayan ng sneakers at buhok na clean cut na halatang pinasadahan ng fix clay.
Hindi ko namalayan na nalaglag ang hawak-hawak kong photo copy ng nirereview ko.
Tahimik ang buong paligid. Wala akong ibang naririnig kundi ang pagtambol ng dibdib ko. Ang pagtibok ng puso ko.
Bakit ako nagkakaganito? Anong nangyayari sakin? Nahihipnotismo ba ako?
"Sayo to diba?"
Nakatulala parin ako sa taong nasa harap ko. God nakita ko na ang taong gusto kong makasama habang-buhay. Sabi ko sa isipan ko. Napipicture ng braincells ko ang future ko kasama siya. Daig ko pa ata ang nakadrugs dahil sa sobrang dami ng naiimagine kong scenario sa utak ko.
"Sayo to diba?"
Hindi ko pwedeng sabihing bangungot ito kase saya ang nararamdaman ko. Siguro sa kauna-unahang pagkakataon ako palang ang maitatalang binangunot ng nakangiti at napakasaya.
"Den! Ano ba? Maghapon ka lang bang tutulala diyan? May pangiti-ngiti ka pang nalalaman!" Untag saken ni Francisco na nasa harapan ko habang iwinawagayway ang photo copy na mahulog mula sa notebook na hawak ko.
"Ha?... Ah...sor..ry.. Med...yo puyat ka..se ako..." Nauutal kong sagot sa kanya.
Tangna! Baket ayaw pa bumuka ng lupa? Baket napakatagal dumating ng tornado para tangayin ako? Baket wala pa yung tsunami para anurin ako? Waaaaaah! Nakakahiyaaaaaaa!
"Si...ge... Pa..pasok na ako Francisco"
"Ooooops. Mamaya pa time mo Denden. Dito muna tayo." Sabay hawak sa balikat ko at ibinalik niya ako sa upuan ko.
"Kung itatanong mo kung paano ko nalaman - look! I have a copy of your schedule!" Taas niya sa isang bond paper na nakataas habang nakangiti sakin.
Ano ba ang nangyayari ngayon sa mundo? Baket ganito? Baket sinasabi ng utak ko kailangan ko ng kiligin. Homaygad!
"Den ano gusto mong pagkain"
"Ano gusto mong pagkain Den?"
Halos magkasabay na tanong sakin ni Francisco at ni Jerome.
Awkwaaaaaaaard moment