Chriden Miguel Point of View
Impakto calling...
Impakto calling...
Hindi ko talaga iyon sinasagot. Hindi ko rin kase alam kung ano ang sasabihin ko.
Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita ng ganun.
Nasasaktan ba ako sa narinig kong usapan nila? Na may...may... Leche! Wala naman talaga akong pakialam kahit sino pa ang kasama niya! Saka bakit ako magagalit? Hindi ko naman siya boyfriend!
Walangyang yan! May nalalaman pang pabigay-bigay ng bulaklak at chocolates! Lulunin niya!
"Sino bang kausap mo!?" Puna saken ni Mike.
"Huh?"
"Ang lakas kaya ng bibig mo! Sino bang nagbigay ng bulaklak?" Singit naman ni Robert.
Iniba ko nalang ang usapan. Ayoko kasi talagang pag-usapan pa eh. Nagpatuloy ang walang kwenta naming inuman at kwentuhan. Naikwento ni Mike na magkakaroon ng paliga ng basketball dito sa barangay namin. Tamang-tama! Sigurado akong malilibang ako dun! Hahaha! Alaman na!
Nagkwento naman si Robert tungkol sa pinaplanong gimik ng tropa. Gusto nilang mag-EK at sinasama kami. Sinabi kong pag-iisipan ko. Ang totoo niyan ay wala akong pera pambayad sa entrance. Syempre kapag nagpunta don dapat may extrang pera din - pano kapag nagutom? Pano kapag may nagustuhan? Oh diba? Ayoko naman maging muntanga dun at mangabang sa mga kasama ko!
"Den may bisita ka" sabi ni mama.
Tatayo na sana ako para puntahan kung sino mang nilalang na yon pero hindi na pala kailangan. Nagdiretso na siyang pumasok ay naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nakita kong nagtinginan ang dalawa kong kaibigan at sabay na tumingin sakin na para bang nagtatanong.
Ano ba dapat kong sabihin sa impaktong to? Kailangan ko bang humingi ng sorry? Aba hindi ata! Bakit ako hihingi sa kanya ng sorry? Ako ba ang may ginawang mali? Ako ba ang nagtaksil? Dejokelang. Over na ata.
"Napadaan ka?" Tanging nasabi ko lang sa kanya.
Tiningnan niya lang ako pero hindi siya nagsasalita. Inabutan siya ng tagay ni Mike at tinanggap naman niya iyon. Hindi ako komportable sa ganitong sitwasyon namin. Hindi ako sana'y ng ganito si Francisco.
Nagpatuloy ang inuman namin na hindi kami nag-uusap ni Francisco. Nakipagkilala na sila Mike sa kanya. Napansin yata nilang meron kaming hindi pagkakaintindihang dalawa.
"Tol sama ka nalang samin sa EK. Sasama rin kasi itong si Den" walang pakundangang yaya ni Robert kay Impakto.
Aba! Hindi man lang nag-isip ang mongoloid at agad na um-oo sa sinabing pagyaya ni Robert.
"Oh ayan Den sasama daw tong kaibigan mo. Wala ka ng problema. Di ka na ma-o-op. Pang-entrance nalang ang problema mo!" Dagdag pa ni Robert.
Yung totoo Robert! Hindi mo ba napapansin ang sitwasyon!? Manhid ka ba? Loko to ah! Magsama-sama kayong mga unggoy!
Hindi ako umimik sa sinabi ni Robert. Ininom ko nalang yung tagay na inabot saken ni Mike at dinampot ko ang tumunog kong cellphone.
Sender: 0926-xxx-xxxx
Sana nagustuhan mo yung flowers and chocolates.
Ha? Ibig sabihin hindi si Francisco ang nagbigay nun saken? Sabagay. Bakit nga naman ako bibigyan ng bulaklak ng taong kalabaw na ito!
Ayy sori ndi aq nkapagpakilala. Jerome to.
Reply niya sa tanong ko. Tinanong ko kasi kung sino siya. Nawala bigla ang badmood ko nung malaman kong galing pala sa kanya yung bulaklak. Nagkwentuhan kami sa text ng kung anu-ano. Hanggang sa tinanong niya ulit ako.
Ndi mu pa cnsagot ng maayos yung tnong q dti. My boyfriend ka na ba ulit?
Natigilan ako sa pagpindot sa cellphone ko nung mabasa ko iyon. Eto nanaman ako. Hindi ko nanaman malaman kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Den mamaya ka na nga makipagtext ng makipagtext. Nagkukwentuhan tayo eh" sita sakin ni Mike. Kaya inilapag ko ang cellphone ko sa speaker at tinuon ko muli ang atensyon ko sa kanila.
"Magkaklase ba kayo ni Den? Unang beses kasi niyan mag-imbita ng bisita dito sa kanila bukod samin eh" tanong ni Mike kay Francisco.
"Nanliligaw ako kay Den"
Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong tagay nung marinig ko iyon kay Francisco. Maging ang dalawa kong kaibigan ay sabay na napatingin sa kanya at lumipat sakin.
Putakte! Ano ba namang klaseng tao ito! Hindi na nahiya para sa sarili niya! Hindi ko tuloy malaman kung paanong pagpapalusot ang sasabihin ko sa dalawang kaibigan ko.
"Bakit ba lagi mo akong itinatanggi Den? Talaga bang ayaw mo saken?"
Teka.. Ano tong biglang naramdaman ko? Baket parang kinikiliti ang puso ko? Kilig na ba ang tawag dito? Sa simpleng tanong niyang iyon - dapat na ba talaga akong kiligin.
At isa pa yung tono ng pananalita ni Francisco. Kakaiba. Baket ganito ang taong ito? Ah tama! Naalala ko na ang sinabi ni Maam Barron samin sa Theories of Personality. Bipolar ang tawag sa taong ganito.
"May kukunin lang ako sa sasakyan ko" paalam ni Francisco samin.
Hindi ako nakatiis. Gusto ko siyang kausapin. Nagpaalam lang din ako sa mga kaibigan ko na mag-CR lang ako pero ang totoong layunin ko ay ang sundan si Francisco.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pwedeng patabi?" Sabi ko sa kanya habang nakasandal siya sa likuran ng sasakyan niya at may hawak na sigarilyo.
Hindi pa man siya nagsasalita ay tumabi na ako dun. Napakaraming bumabagabag sa isipan ko pero iisa lang ang natuklasan ko. Nahuhulog na nga ako sa taong ito. Kaya siguro tama na ang naisip kong disisyon kanina habang papauwe ako ng bahay. Gusto ko na itigil namin ang pagpapanggap ko bilang syota niya. Mas masasaktan lang kasi ako kapag hinayaan ko pa ang sarili ko na lalong mahulog sa kanya.
At isa pa, alam ko rin naman na napaka-imposible na magustuhan niya talaga ako. Sobrang yaman niya, nasa kanya na nga halos lahat eh samantalang ako, ni walang pang-entrance sa EK. Haha naisip ko parin yun. Wala eh. Gulong-gulo na ang puso ko. Nakakalito pala kapag inlababo.
"Francisco...pwede ba tayong mag-usap ng seryoso?" Mahinahong sabi ko sa kanya. Alam ko kasing wala siyang balak magsalita dahil sa sunod sunod na paghithit niya ng sigarilyo.
"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yang sasabihin mo" diretsong sagot niya pero hindi parin siya natingin sakin.
"Ganito kase... Pwede bang... Ano.. Pwede bang.."
Takte! Baket nahihirapan akong magsalita? Baket parang may patuloy na nagtatambol sa dibdib ko. Mali ba tong gagawin ko?
"Pwe..de bang...-"
"Pwede bang ano!? Ideretso mo nga ang dila mo!" Naiinis na pagputol sakin ni Francisco
"Nahihirapan na kasi ak Francisco... Parang mali na itong nangyayari sakin..." Lakas loob kong sabi sa kanya.
"Ano bang problema Chriden! Ano bang mali ang sinasabi mo!?"
Yan! Bumalik nanaman ang pagiging anti-social niya! Pakshet naman oh! Kung kailan nagkakalakas loob na ako.
"Sabihin mo nga sakin Den, ano bang problema? Ano yung mali?" Sunod niyang sabi nung hindi na ako makahanap ng salitang sasabihin ko sa kanya.
"Mali na to Francisco! Mali na tong nararamdaman ko! Totoong nagseselos na ako! Ayoko sa nararamdaman ko!"
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ko sa kanya yan. Pagkatapos ko isiwalat ang nararamdaman ko ay tumakbo ako pabalik ng bahay. Iniwanan ko siyang nakatayo ay halatang nabigla sa sinabi ko.
Sa pagkakataong ito alam ko na galit na galit siya saken. Bakit ba kasi hindi pa ako nakuntento nalang sa pagpanggap na syota niya at ienjoy nalang iyon.
Bakit ba kasi nagkaroon pa ng diperensya ang Limbic System ko at hypothalamus pa ang napuruhan! Badtrip naman oh!
Gusto kong magpa-lobotomy!!!!
Sana hindi ko nalang sinabi sa kanya yung biglaan kong naramdaman para hindi siya nagalit saken.
Ilang araw narin siyang hindi nagpaparamdam kaya sigurado akong galit siya saken. Pagkatapos nung gabing sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko ay hindi na muli kami nakapag-usap o text man lang.
Nakakaramdam ako ng lungkot at inis sa sarili ko. Bakit ba kasi sa kanya pa? Bakit ba kasi siya pa? Ang dami-dami namang diyan iba pero sa kanya pa! Hindi ko magawang magpokus sa mga discussion dahil sa kaiisip sa kanya. Wala akong gana pumasok dahil wala siya. Naloloko na ako!
"Hindi ka ba talaga mahilig makihalubilo sa ibang tao?" Mabilis iginawi ang ulo ko sa likuran ko.
"Jerome?" Patanong ko pero sigurado akong si Jerome siya.
Naupo siya sa tabi ko. Wala kasi akong kasama dahil absent nanaman ang bespren ko. Hayy alam ko naman nasa bahay nila Craven yun ee.
"Yayain sana kita - labas tayo" nahihiyang sabi saken ni Jerome. Hindi nga siya makatingin ng maayos saken eh. Ano ba tong lalakeng ito.
"Ha? Ah..Eh.."
"Kahit ngayon lang. Gusto lang kita makasama"
Wala narin akong nagawa. Um-oo nalang ako sa kanya at isa pa gusto ko rin naman kahit papaano maibsan ng kaunti yung pag-iisip ko sa impakto.
"Sunduin nalang kita mamaya pagkatapos ng klase mo" sabi niya habang naglalakad palayo sa pwesto ko.
Gusto ko sanang itanong kung nasan si Francisco o kung bakit hindi siya nagpapakita pero pinanghinaan ako ng loob. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Natapos na ang klase ko ng wala akong naintindihan. Lumilipad ang isip ko na para bang nasa kalangitan (momay) yan ang nararamdaman ko.
"Hey Den!"
Ay oo nga pala! Niyakag nga pala ako ni Jerome. Nawala sa isip ko iyon ah. Wala kasi ako sa sarili ko.
"Kanina ka pa?" Tanging nasabi ko nalang sa kanya.
Nakatayo siya sa malapit sa pintuan ng biology lecture room namin.
"Tara na" yaya niya saken sabay kuha ng bag kong dala. Nung una tumatanggi pa ako pagkuha niya sa bag ko pero hindi ako nanalo. Siya parin ang na nagdala ng mga gamit ko. Gentleman ang peg netong taong to ah!
Sumakay kami sa kotse niya. Puro siya kwento habang tinatahak namin ang daan papunta sa mall.
"Tawa nga ako ng tawa nun kasi ang yabang-yabang niya habang naglalaro kami ng basketball eh" kwento niya saken.
Kinukwento niya kasi yung nakalaban niya sa basketball na saksakan daw ng yabang at palaging sinasabing wala daw siyang binatbat. Eh lagi naman daw supalpal kapag nagtatangkang dumakdak ng bola sa ring.
Nadadala rin ako sa pagtawa niya. Kaiba kasi siya magkwento. Talagang may action pa. Hahaha! Best actor nga eh.
Kumain muna kami. Sabi ko nga sa Burger King kami kumain pero may iba daw siyang alam na mas masarap na food. Sa Tokyo Tokyo kami kumain. Ansaraaaap nga! Tempura, Bentobox at may mga iba pang ni-serve saming dalawa.
Patuloy parin kami sa kwentuhan. Inaantay ko ngang may mabanggit siya tungkol kay Francisco pero bigo ako. Kahit pangalan ay wala siyang nababanggit.
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa tomsworld. Naglaro kami ng racing, shoot the ball games at tekken tag. Tinuruaan ako ni Jerome ng mga tecgnique sa larong iyon. Naging paborito ko na nga agad si xiaoyu at si Jun kadama sa tandem eh. Hahaha ang cute nilang panuorin kahit lagi akong natatalo ng tandem ni Jerome na si Devil at Jin kadama. Nalaman ko rin na magkapatid pala si Jun at Jin kadama. Astig diba?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Maraming salamat Jerome. You really made my day" nakangiti kong sabi sa kanya nung nasa tapat na kami ng bahay namin.
"No. Ako dapat magpasalamat sayo. Napasaya mo ako Den" agad naman niyang sabi sakin.
Bigla siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. Hindi na ako nakapagsalita pa nun. Hindi ko na nga namalayan na nakaalis na pala siya at mag-isa nalang akong nakatayo sa tapat ng bahay namin eh.
"Gusto mo bang ipa-drug test kita Den?" Untag sakin ng napakabait kong ina.
Nagdiretso nalang ako sa kwarto ko at dun ko pinagpatuloy ang pag-iisip kung ano ba talaga nangyari. Hindi pa kasi nagsi-sink-in hanggang ngayos sa utak ko ang nangyari kanina samin ni Jerome.
"Den, 4pm ang alis natin bukas. Sa tapat nalang ng jolibee tayo magkikita-kita. Goodnight!" Natanggap kong message ni Robert saken. Bukas nga pala ang schedule para sa EK na yon. Di naman ako makakasama, una wala akong pera pang-entrance at pangalawa wala talaga akong pera. Oh eh ano pa ba mangyayari? Edi nganga!
Pagmulat ng mata ko ay ginawa ko na ang araw-araw kong routine. Ang kapain ang cellphone ko at tingnan kung may message ako at i-check ang sss ko. Hahaha! Promise ganyan ako araw-araw.
"Gudmorning Den! Kain k n po."
"Txt mko kpg gcng k n"
Sender: Jerome
"Wag mgppalate mmya ha!"
Sender: Robert
Wala na muna akong nireply sa kanila. Nag-ayos muna ako ng sarili ko at bumaba para kumain ng umagahan. Napa-aga pa nga yata ang gising ko eh. Nadatnan ko kasi si Mama na nagluluto palang ng pagkain para saming dalawang magkapatid.
"Hoy Chrien Ross ang aga aga hawak mo na agad yang tablet ko!" Sita ko sa nakababata kong kapatid.
"Kuya sama mo ako sa Enchated. Hindi pa ako nakakapunta don eh" nagpapaawang sabi sakin ni Chrien.
Naalala ko nga pala narinig nga pala netong batang to ang usapan namin nung nakaraan ni Robert. Lakas kasi ng boses ng timang na yon eh!
"Naku bunso hindi rin ako makakasama kasi wala akong pambili ng ticket. Next time nalang tayo" mahinahong sabi ko sa kapatid ko.
"Yan munang tablet ko ang pagkaabalahan mo. Magdownload ka ng maraming games para mawili ka" pang-uuto ko pa sa kanya.
"O halika na kayo - kumain na muna tayo" tawag samin ng aming super gandang ina. Aw! Makabola! As if naman na bibigyan kami ng pang-entrance niyan. Asanessssss!
.
.
.
"Kuyaaaaa! Kuyaaaaaaaaaa!" Sigaw ni Chrien sa tapat ng pintuan ng kwarto ko at kulang nalang at gibain ito.
"Ano ba bunso! Baket ba!?" Sigaw ko sa kanya.
"May bisita ka kuya" kasunod nun ay ang napakalawak na ngiti ng sutil kong kapatid.
"Sino daw? At baket ba bihis na bihis ka!? San ka pupunta?
"Basta halika ka na Kuya" sabi ni Chrien at hinila ang kamay ko pababa sa sala.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh bakit hindi ka pa nakaayos? 4pm ang usapan diba? Buti pa kapatid mo kanina pa nakaayos!" Bulyaw sakin ng pinaka-impaktong tao. Si Francisco.
"Kuya sayo tong kotse?" Manghang tanong ni Chrien habang tinatahak namin ang daan papunta sa EK. May sariling sasakyan yung mga kasama namin kaya hiwa-hiwalay kami ng sasakyan papunta.
"Opo. Maganda ba?"
Mabilis lumingon ang mukha ko kay Francisco nung marinig ko iyon mula sa kanya. Si Francisco nga ba ang kasama namin ngayon? Aba! Baket ganito ugali nito?
"Oo Kuya ang ganda! Sana magkaroon rin kami ng ganito para isama ako palagi ni Kuya Den kapag nagala sila ng mga kaibigan niya" mahabang sabi nanaman ng kapatid ko.
"Huwag ka mag-alala kapag may gala ako o si Kuya mo isasama kita. Promise yun" nakangiting sagot naman sa kanya ng mala-anghel na si Francisco.
Hinayaan ko nalang sila mag-usap. Nahipan na siguro ng hangin ang dating walanghiyang Francisco kaya nagkaganito.
Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pwede namin pag-usapan. Pagkatapos ng ilang araw niyang di pagpapakita saken matapos kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Siguro kailangan niya ulit akong magpanggap na syota niya para sa ate niya. Wala naman kasing pwedeng ibang dahilan pa bukod don eh.
.
.
.
"Bunso gising na... Nandito na tayo.." Gising ko sa kapatid ko sabay uga sa kanya.
"Tara na! For sure mahaba ang pila mamaya sa ticket" sabi ni Robert samin habang inaayos ko ang gamit ng kapatid ko.
"Sige pre, may ticket na kami. Kita nalang tayo sa loob" mahinahong sabi ni Francisco.
"Baket may ticket ka na? Hindi ka naman excited no!?" Pang-aasar ko sa kanya. Sinabi ko talaga yun para mawala yung awkwardness saming dalawa.
"Baket gusto mo pa bang makipaggitgitan diyan!?" Sarkastikong sagot niya sabay turo sa mga nakapila.
Buti nalang at nakatulog uli ang kapatid ko kundi malalaman niya ang ugali ng tukmol.
Isinukbit niya ang dala kong bag na naglalaman ng gamit ng kapatid ko at kinarga niya si Chrien. Iniabot niya sakin ang wallet niya at yung tatlong ticket.
Hindi ko na sinubukang kumontra. Ayoko naman na hanggang dito sa lugar na ito ay magtalo kaming dalawa.
Magkakasama na kami ngayon ng mga kaibigan namin ni Robert. Hindi na muna kami kumain para hindi daw kami magsuka kung sakaling sa mga nakakahilong rides kami sumakay.
"Tara dun naman tayo!" Mungkahi ng babaeng mukhang dinaanan ng pison ang ilong. Takte ba naman! Pinilit kaming sumakay sa rollercoaster na naikot! Matutuwa ka ba sa ganon!? Kung nakakamatay lang ang pagmumura ko sa isipan ko sa kanya baka dead on arrival na to kanina pa!
"Sige gusto ko rin diyan!" Sang-ayon naman ng kasama ni Mike na mukhang hito! Mga lamang dagat! Mga buseeeeet!
Hindi na sumama samin si Raven at yung kapatid niya kaya iniwan ko na muna rin si Chrien sa kanila. Di kasi pwede si Chrien sa papasukan namin. Horror House!
"Wala ka bang balak pumasok!?" Pasinghal nanaman ni Francisco sakin. Tiningnan ko siya ng tingin na ang ibig sabihin ay gusto ko ng umurong pero bigo ako. Nilampasan niya ako at binigyan niya ako ng tingin na kailangan kong sumunod.
Pilit kong isinasabay ang paglakad ko kay Francisco. Natatakot kasi talaga ako kahit alam kong hindi totoo ang mga nasa loob nito.
Madilim. Tanging kaunting liwanag lang ang naaaninag ko at kulay berde pa. May naririnig akong mga umiiyak na babae at iba naman ay naiyak na bata.
"Whaaaaaaaaaaaah!"
Sigaw ko nung biglang may nalaglag na babaeng nakabigti sa harapan ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko dahil pagbaling ko sa kaliwa ko ay babaeng nakabelo ng itim na may hawak namang kandila ang nabungaram ko. Sigaw talaga ako ng sigaw nun.
Nasaan na ba ang mga kasama ko? Kanina lang magkakasama kaming naglalakad pero ngayon pakiramdam ko mag-isa nalang ako.
Tulungan mo ako.....
Tulungan mo ako....
"Whaaaaaaaaah Mamaaaaaaaaaa!" Sigaw ko uli nung makita ko naman ang babaeng nakasuot ng kulay puti at puro bahid ng dugo. Ayoko na talaga! Mamatay na ako sa takot!
"Den...."
"Whaaaaa! Mamaaaaa! Ayoko naaaa"
"Shhh... Den, it’s me. Jerome"
Medyo natauhan ako nung narinig ko ang pangalan niya. Hindi ko na nagawang itanong kung bakit nandito siya bagkus ay napakapit ako sa kanya nung akmang tatayo na ako. Natapilok kasi ako at medyo hindi naging maganda ang pagkakabagsak ng paa ko.
"Ahhhhhhhhhhhh!"
"daddyyyyyyyyyyy!"
"Waaaaaaah! Ahhhhhhhhh"
Sunod sunod na sigaw na narinig namin habang nakaalalay sakin si Jerome sa pagtayo.
"Arghh!"
Halos sabay naming sigaw ni Jerome matapos sunod-sunod na may bumangga samin dahilan para matumba kami pareho. Hindi ko nagawang maitukod ang paa ko kasi iyon yung parteng masakit kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang ang katawan ko at antayin ang pagbagsak ko sa sahig.
Naramdam kong umikot ang katawan ko at pagbagsak ko ay parang nasa ibabaw ako ng katawan ng isang tao. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Parang may pumipigil sa mga labi ko. Nakakaramdam ako ng bahagyang pagtibok sa dibdib ko pero sigurado akong hindi iyon nanggagaling sakin.
Biglang nagliwanag. Nanlaki ang mata ko nung malaman ko kung nasa anong sitwasyon ako. Nakapatong ako kay Jerome habang magkapatong rin ang aming mga labi. Nakatitig siya sakin at nakahawak ang kanyang kamay sa ulo ko.
Mas laking ikinagulat ko nung makita ko naman kung sino ang nasa harapan namin. Si Francisco at si Hanna na tropa ni Robert. Magkahalikan at yakap-yakap ni Francisco ang babaeng dugong.
Mabilis kong tinanggal ang pagkakalapat ng labi namin ni Jerome.
"I'm sorry..." Mahinang sabi ko sa kanya. Hindi ko na naintindihan yung sinagot niya kasi nakatingin ako kay Francisco. Ewan ko ba. Parang may iba akong naramdaman nung nakita ko yung ganoong scenario.
Mabilis akong tumakbo palabas ng horror house at nagpunta sa kapatid ko. Ayoko na maisip pa yung nangyari. Pakiramdam ko kasi ay parang sasabog ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanang na nararamdaman ko.
"Guys, lakad lakad muna kami ng kapatid ko" paalam ko sa kanila. Mabilis kong hinila ang kapatid ko at umalis na kami. Wala naman akong alam na pwedeng matambayan dito pero gusto ko munang lumayo sa kanila kahit saglit. Gusto ko muna mawala yung maling nararamdaman ko.
Naupo kami ni Chrien sa tapat ng cotton candy stall. Kahit naman papaano ay may dala akong pera kaya ibinili ko ang kapatid ko.
"Kuya bakit namumula mata mo?"
"Wala bunso. Dahil yan sa malakas na hangin kanina sa roller coaster" nakangiting paliwanag ko sa kanya.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan ng kapatid ko. Ang dami nga niyang tanong sakin eh. Parang hindi bata kung magtanong.
"Kanina pa ako paikot-ikot, dito ko lang pala kayo makikita"
Jerome Kier Rodriguez Point of View
Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang malambot na labi ni Den na nakakubli sa labi ko. Magkapatong ang labi namin.
Pakiramdam ko ay wala akong lakas para tanggalin iyon. Ang sarap sa pakiramdam. Yung pakiramdam na bigla ko nalang nakita ang hinaharap ko kasama siya.
"I'm sorry..." Sabi niya matapos niyang alisin ang pagkakalapat ng labi niya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng kinalalagyan namin.
Natigilan ako nung makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Si Paul at may kasamang babae. Nakatitig siya sakin. Yung tingin na parang binabasa niya ang nilalaman ng isipan ko.
Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito ako ngayon. Ganito kasi yun.
Flashback (Pagkatapos kong ihatid si Den sa bahay nila)
"Uy Jerome!" Tawag sakin ni Robert.
"Oy pre! Musta ba?"
Matagal na kaming magkakilala ni Robert. Naging classmate ko siya nung highschool. Palagi ko nga siyang kasama sa kalokohan eh. Pilyo rin kasi itong taong ito.
"Upo muna tayo" yaya niya sakin.
Naupo kami sa tapat ng isang tindahan.
Inabutan niya ako ng isang boteng RH at tinanggap ko naman iyon.
"Ba't ka naman napadpad dito?" Tanong niya sakin habang kumakain ng boy bawang.
"Hinatid ko lang si Den. Nagmall kasi kami kaya eto ginabi" sagot ko naman sa kanya.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa umabot kami sa pangatlong bote ng RH.
"Kung di ako nagkakamali, kaibigan mo yung si Paul diba?"
"Oo pre. Bakit? Binubully karin ba nung lokong yun? Hahahaha" sagot ko sa kanya.
"Hindi pre. Nakainuman kasi namin siya at sinabi niyang nanliligaw siya kay Den. Hindi nga ak-"
"Seryoso ka ba? Palagi ba siyang napunta dito? Kailan siya huling nagpunta? " putol ko sa sinasabi niya.
"Teka boy.. Easy. Isa-isa lang tanong"
Sinabi niya sakin ang nangyari. Totoo pala ang hinala ko na nililigawan ni Paul si Den. Wala naman akong dapat ipag-alala kasi sinabi rin ni Paul na pinagpapanggap niya lang na syota niya si Den para hindi siya ireto ng ireto ng kanyang kapatid.
Aaminin ko sanyo pero wag kayong maingay ha. Unang beses ko palang nakita si Den ay nagustuhan ko na siya. Ewan ko ba. Kahit ako nagtataka sa sarili ko eh. Bakit sa dinami-dami pa ng babaeng pwede kong magustuhan ay si Den pa at hindi pa babae.
Nung una hindi ko magawang yayain siya lumabas kasi nahihiya ako at bago palang ako sa ganitong sitwasyon. Pero napagdisisyunan ko na kailangan gawin ko ang dapat para maramdaman niya yung nararamdaman ko.
Naikwento ni Robert sakin na may barkada gala sila sa EK. Niyakag niya ako at sinabi kong baka mauna na ako don kasi pupunta rin kaming magkakaibigan don.
End of Flashback
Hanggang ngayon ay lulan parin ng isipan ko ang nangyari samin ni Den. Napapangiti ako sa twing naiisip ko yung nangyari. Ang baduy o korni pero totoo. Siguro nabigla lang siya kanina kaya tumakbo siya. Parang nawala ngang bigla ang sakit na nararamdaman niya sa paa niya eh.
Naniniwala narin ako sa sinasabi nilang spark. Oo! Promise! Nung magdikit yung mga labi namin kanina ay nakaramdam ako na parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Yung pakiramdam na hindi ko maintindihan at hindi ko maipaliwanag. Tapos yung t***k ng puso ko, naririnig ko. Yung ang bilis bilis at parang may naglalaro ng basketball sa loob ng dibdib ko. Ganung-ganon ang nararamdaman ko.
Natigil ang pag-iimagine ko nung nakita ko si Paul na naglalakad at parang may hinahanap. Sinundan ko siya ng tingin. Tama! Si Den ang hinahanap niya. Ang ibig sabihin silang dalawa ang magkasama at hindi yung babaeng kayakap niya kanina.
Aba! Teka, parang hindi maganda ang tinatakbo ng isipan ko. Nag-o-overacting na yata masyado ang puso ko at sinasabing nakakaramdam na ako ng selos.
Palihim ko siyang sinundan. Nakita kong naupo siya sa kinalalagyan ni Den at ng isang bata. Hindi ko kilala yung bata pero parang hawig niya si Den.
Walang nagsasalita sa kanila kasi hindi nabuka ang bawat bibig nila at hindi sila nagtitinginang dalawa. Sa bata lang nakatuon ang atensyon ni Den na patuloy sa pagkain ng cotton candy.
"Jerome anong ginawa mo diyan?" Sita sakin ni Robert. Bigla akong nakaramdam ng hiya nung mapagtanto ko kung ano ang itsura ko.
Nakatago ako sa likod ng isang puno at nakatuon ang direksyon kay Den at kasama nito.
"Ah wala. Medyo napagod lang kaya naisipan kong magpahinga dito. Tara dun tayo!" Yaya ko sa kanya para mawala na sa isip niya ang nakita niya.
Sana hindi niya napansin sila Paul na nasa kabilang side ng kalsada. Ano ba yan! Nakakaparanoid pakiramdam ko sa mga tingin ni Robert ay nababasa niya ang nasa isipan ko..
.
.
.
.
.
.
"Ako na o-order" narinig kong sabi ni Paul kay Den. Hindi sumagot si Den at pakiramdam ko ay may malalim siyang iniisip. Nakatitig ako sa kanya. Tulala siguro ang tamang term sa dapat kong sabihin. Ewan ko ba anong klaseng gayuma kaya ang ginamit sakin ng taong ito at gustong-gusto kong napapalapit sa kanya.
Bigla siyang tumingin sakin. Hindi ko na nagawang alisin ang pagkakatitig ko sa kanya. Nginitian niya ako at ibinalik niya ang tingin sa kanyang cellphone.
"Den pwe-"
"Kapag kulang pa sabihin mo lang sakin" biglang singit ni Paul dahilan para maputol ang dapat kong sasabihin.
Nagsimula na kaming kumain. Kwentuhan at lokohan ang nangyari samin. Napansin kong iba ang tingin ni Hannah kay Paul. Kung hindi ako nagkakamali siya yung kasama ni Paul kanina sa loob ng horror house.
Naramdaman kong biglang nag-init ang mukha ko nung maalala ko iyon. Yun yung oras na nagdikit ng hindi inaasahan ang mga labi namin ni Den.
Kinikilig ako. Ang saya ko.
"Papa P may girlfriend ka na?" Malanding tanong ni Hannah kay Paul na naging dahilan ng biglang pagtahimik naming lahat.