Chriden Miguel Point of View
Ano ba yan! Baket ba kasi napakaraming paimportanteng nilalang! Dalawang oras na yata kaming nag-aantay nila Christine dito sa kanto ng Daang Amaya (Assembly Place). Napag-usapan kasing magkaroon kami ng outing ng magkakatropa. Saan? Sa Hardin Ng Postema. Hahaha! First time? Hahaha! Maganda naman don nu! 100php lang entrance taz libre na cottage. Oh ayan promote pa! Sana lang binabayaran ako.
Sa wakas! Pagkatapos ng apat na araw dumating din ang inaantay namin. Aba't nagsama pa.
"Oh baket dumating pa kayo?" Pang-aasar na sabi ni Joan.
"Pasensya na guys. Napatagal mag-ayos itong si Steffany" kamot ulong sabi ni Ariel.
Umulan sana ng kalabaw at sanyo sana lahat tumama! Signal #4! Buset!
"Osya - tara na!" Aktong tatawag ng sasakyan si Joan nung biglang nagsalita si Steffany.
"Ah... Guys may dala kaming car. If you want sumabay na yung iba - yung iba namang matitira mag-commute nalang" sabay tingin sakin ng lintang tao.
Tinuro niya yung tinutukoy niyang "car". Aminado ako na medyo maganda. Pero walang panama iyon sa sasakyan ng impaktong si Francisco.
Babaeng ito! Kayabang-yabang! Feeling sobrang yaman!
Nanggagalaiti talaga ako. Lalo na nung tumingin siya sakin at para bang ipinamukha saken na wala akong karapatang sumakay sa kotse niya. Siya na! Siya na mukhang drayber! Pakyu to!
"Oh sige Joan - sakay na kayo diyan. Magko-comute nalang kami nila Chris-"
Beeeeeeeeeep!
Beeeeeeeeep!
Beeeeeeeeep!
Nilingon ko kung sinong poncio pilatong walang pakundangan sa pagbusina sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang pagmumukha ng impakto na papalapit samin - saken pala.
Naka-board shorts na green, sandong puti na hapit dahilan para lalong lumabas ang super laki niyang katawan, havaianas na slipers at nakasuot na itim na shades.
"Tao ba ang nakikita ko Tin?" Mahinang tanong ni Joan nung napadako ang tingin sa taong papalapit samin.
"Sinusundo na yata ako ng anghel Joan" overacting na sabi ni Tin. Naku! Kung alam lang nila ang ugali ng anghel na sinasabi nila.
"Basta-basta kang nagpapasya na sumama sa outing ng hindi ko nalalaman!" Bulyaw saken ni Francisco.
"Baket kailangan ko pa bang ipaalam sayo!?" Bulyaw ko rin sa kanya.
"Oo! Para malaman mo kung papayagan kita o hindi!" Mariing pagkakasabi niya.
Nakitang kong napanganga lahat ng mga kaibigan ko sa batuhang salita mula saming dalawa ni Francisco.
"Papayagan kita kung sasama ako! At dahil No choice ka, sasama ako!" Seryosong pagkakasabi niya.
"Hey guys! Hindi pa ba tayo aalis? Tara na dito sa car, napakainit eh" maarteng yaya ni Steffany.
"Kung naiinip ka mauna ka na!" Bulyaw ni Francisco.
"Mahiya ka nga! Wag mong pairalin ang kabastusan mo dito!" -ako.
"Wag mong sabihin sasakay ka sa secondhand na kotse na yan? Don kayo sa sasakyan ko." Mayabang na yaya niya sakin at sa mga kaibigan ko.
Ngayon ko lang napansin na ibang sasakyan ang dala ni Francisco. Inova ata ang tawag dun.
Habang nasa sasakyan kami ay ipinakilala ko si Francisco sa mga kaibigan ko. Halos tumulo na nga ang laway ni Joan sa kakatingin kay Francisco eh. Hahaha! Lakas talaga ng kalandian neto.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ayos na ayos to! Maraming tao!" Sabi ni Joan habang inaayos ang mga pagkain sa napili namin cottage.
Kahit kailan talaga malande tong alimangong ito! Walang pinipiling lugar. Haha!
Napalingon ako sa katabing cottage namin. Si Ariel at si Steffany dun nakapwesto. Nuknukan talaga ng arte tong babaeng ito. Napaka-KJ! Alam namang niyang tropa namin si Ariel eh. Ex ko rin pala o baka ako lang ang nag-aassume na naging kami? Darating din ang araw maghahabol ka saken!
Hindi na nakapag-antay ang mga kaibigan ko at nagsipaglusungan na sila sa pool. Ako naman di mo aasahan sa ganyan eh. Di kase ako marunong lumangoy. Ako lang yata ang sirenang di maalam sa pagpagaspas ng buntot. Hahaha! KJ!
"Wala ka bang balak maligo?" Si Ariel.
Aba! Himala at kinausap ako ng sinaunang tao!
"Mamaya na siguro. Mag-iihaw pa ako ng bbq eh" palusot ko sa kanya.
"Babe hayaan mo na yang baklang yan diyan. Bagay naman yan sa ganyang gawain" matapobreng sabat nung babaeng linta.
Konti nalang. Kapag ako napuno tutusukin ko to ng bbq stick at siya ang iihawin ko!
Hindi man lang ako magawang ipagtanggol nitong si Ariel! Ayaw man lang pairalin kahit ang pagiging magkaibigan namin! Naknang!
Di nagtagal ay nagsipag-ahunan na ang mga laman dagat at kumain. Mga patay gutom!
"Babe hindi ako nakain ng mga yan. Magpadeliver ka nalang ng sarili nating pagkain" maarteng sabi ni Steffany na hindi man lang naisip na nandun kaming lahat para marinig ang kanyang sinasabi.
Haaaay. Ang mga mayayaman nga naman!
"Wag mong sabihin na magpapaorder ka rin at sasabihin mong hindi ka nakain ng mga yan!" Sabi ko kay Francisco sabay turo sa mga pagkaing nakahain.
"Halika nga rito. Turuan mo nalang akong kumain nito" sabay turo niya sa hipong urong.
Himala at malumanay ang tono ng pananalita ng dyablo? Anu kaya ang nakain nito?
Sabay-sabay napatingin sa kanya ang mga kaibigan ko.
"Oh yang mga tingin niyo! Magsikain na nga kayo!" Bulyaw ko sa mga kaibigan ko.
"Girls gusto niyo? Nagpaorder ako ng pagkain sa Creekside" singit ni Steffany habang nagkukwentuhan kami habang nakain.
Ito namang impakto ang sabe turuan ko daw siya pero ang nangyari - ako na tagahimay ng pagkain niya! Akala ko pa naman medyo naumpog na ang abnormal!
"No thanks rich kid. On the way na yung pinaorder naming pagkain ni Den" supladong sabay ni Francisco.
"Saan naman kukuha ng pambili yang bakla na yan? Haha! If I know nilibre lang din yan sa entrance nitong mga kaibigan niya" mapang-asar na sabi pa ng linta.
Aktong tatayo si Francisco pero pinigilan ko siya. Alam ko na ang balak nitong gawin. Iritado kasi ito sa mga maaarte at lalo na yung feeling. Jusko Naman! Kahit babae papatulan ng walangya!
"Ariel ilayo-layo mo sakin tong babaeng kasama mo at baka hindi ko to matantya!" Galaiting sigaw ni Joan kay Ariel na hindi man lang maawat ang kanyang kasamang pato!
Masyado na yatang mainit ang ulo saken nitong impaktang ito ah! Pasalamat nalang siya at mas kailangan kong asikasuhin itong si Francisco dahil nasisigurado ko na kapag ulo nito ang nag-init, mawiwindang siya!
"Paul! Paul!"
"Oh pre! Bakit ba ang tagal niyo!?" Sagot ni Francisco kay Allen. Tropa niya kasama si Jerome at si Kerby.
"Nagtanong ka pa! Oh ayan na yung mga pinaorder mo para kay Den!" Turo nito sa mga padating na tao na may mga bitbit na iba't-ibang pagkain sabay turo saken.
Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko nung makita yung mga pagkaing parating. Kahit ako hindi nakapagsalita.
Outing to hindi fiestahan!
"Tumawag na ako sa inyo at sinabi kong dito pala dalin yung sound system - akala kasi nila nasa Oasis ka!" Dugtong naman ni Kerby na may subong lollipop.
"So - pwede ba makijoin sanyo Den?" Singit naman ni Jerome at aktong aakbay saken at biglang pumagitna si Francisco.
"Kung sakaling may gusto pa yang mga kaibigan mo - sabihin mo lang kay Allen" dagdag pa ng impakto.
Mga mayayaman talaga! Mga aksayado sa pera! Ginawa pang fiestahan itong outing at hindi pa nakuntento at meron pang sound system na halos gawing concert studio ang venue.
Nagsimula ng tumugtog ang pinaset-up ni Francisco na sound system. Lalong nabigyan ng saya ang mga taong nandon. Nagsasayawan nga sa bawat gilid ng pool eh. Kahit hindi namin kasama ay nakijoin narin.
"Ayokong kakain yang dalawang yan sa mga pagkaing pinadala ko!" Pabalang na sabi ni Francisco sakin patukoy kay Ariel at Steffany. Alam kong narinig ni Steffany yun kasi inirapan niya ako.
Kahit papaano ay naramdaman kong nakaganti ako sa ginawa niya saken. Buti nga sa kanya! Lulunin nilang dalawa ang inorder nila!
"Hindi magiging masaya ang outing kung walang.....DYARAAAAAAAAN!" Masayang sigaw ni Allen.
Gwapo rin si Allen. Maputi, chinito matangkad at malaki rin ang katawan. Pero mas malaki syempre ang katawan ni Francisco nu! Tindig palang NAKAKASHOKOT NA! hahahaha!
Inilapag ni Allen ang hawak niyang alak. Chivas. Wow! Pang-mayaman! Pero ayoko nun. Hindi ako nainom nun. Hindi kasi ako tatagal sa inuman kapag iyon ang iniinom. Lakas tama yun eh!
Napansin kong nagningning ang mga mata ng mga kaibigan ko, kaunahan na doon si Joan na saksakan ng siba sa alak. Naalala ko tuloy bigla na palagi siyang nagyayakag dati sa inuman nung highschool pa kami. Hahaha kaya nahampas siya ng nanay niya sa tuhod nung nahuli kaming patagong nag-iinom. I miss my highschool days - friends.
Tinawag kaming lahat ni Allen. Obvious naman ang mangyayari - maglalaseng nanaman!
Naupo na kami. Magkatabi si Joan at si Christine kahanay sila Anabel. Sa dulo naman ay ang magsyotang butike na si Ariel at si Steffany. Nasa hanay ko naman si Jerome, Allen at Kerby. Wala pa si impakto nagpaalam kanina na may kukunin lang daw siya sa sasakyan niya.
"Kuya wag mo masyado tataasan tagay ku aa! Di ako sanay sa iinumin natin eh" pabiro kong sabi kay Allen na nagsisimula ng magpaikot ng tagay.
"Bakit? Ngayon ka lang ba makakatikim ng alak na ganyan? Sabagay wala ka naman talagang pambile" pangungutya nanaman saken ni Steffany.
Napag-usapan naming magkakaibigan na huwag nalang siyang patulan dahil lalo lang siya magpapapansin kung bibigyan pa siya ng atensyon.
"Baket miss marami bang ganito sa bahay niyo?" Nakangiting tanong ni Jerome na halatang interesado.
"Oo. Malimit kasi mag-inom si Daddy kasama ang mga clients niya sa bahay" mayabang na sagot ni Steffany.
"Wow! Mukhang bigtime ka talaga" pamumuri pa ni Jerome.
"Hindi naman. Magaling lang talaga si Daddy sa negosyo" pagpapahumble pa ng babaeng itik!
Nagpatuloy ang kwentuhang kapontoyan nila na hindi ako nakikisali. Hindi kasi ako interesado sa pinag-uusapan nila. Saksakan kasi ng yabang ng higad na ito.
"Araaaay naman!" Malakas na sabi ko ng hawiin ako bigla ni Francisco dahilan para mapausod ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang walang epekto sa kanya. Tangnang impaktong ito! Walang pakundangan kung nakakasakit na ba siya.
"Hindi ka ba marunong magdahan-dahan!?" Bulyaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.
Hindi ako pinansin ng kangaroo bagkus nakisali sa kwentuhan ng mga hungyango. Dejokelang. Sa totoo lang ubod ng gugwapo ng mga magkakaibigan na ito. Lalo na si Oh-so-damn cute na si Jerome. Badtrip tong impakto ee. Katabi ko na sana si Jerome bigla namang sumingit.
"Eh kayo naman ano naman business ng daddy mo?" Tanong ni Steffany kay Jerome matapos ikwento ni Steffany na isang presidente ang kanyang daddy ng isang kumpanya.
"Ah si Daddy.. Pano ka ba ipapaliwanag to.." Humawak sa sintido si Jerome na halatang nag-iisip kung paano ba ipapaliwanag ang gusto niyang sabihin.
"Pamilya nila Jerome ang may-ari ng Rodriguez company, sila rin ang may-ari ng lahat ng branch ng Stop Eat and Go fastfood dito sa Cavite, meron silang pagmamay-aring hotel at Ate niya ang nagmamanage nun, hindi ko lang alam kung saan saan yung rest house at villa nila pero ang alam ko meron sa visayas" mahabang paliwanag ni Allen habang inabot ang basong may lamang alak kay Francisco.
Hindi ako nakapagsalita sa mga narinig ko. Nakanganga lahat ang mga kaibigan ko - teka pati ako nakanganga.
Totoo ba narinig ko? Ganung kayaman itong taong ito? Rodriguez company? Naririnig ko na yun dati pa at ang daming gustong makapagtrabaho dun kasi maganda daw ang benefits at mabait daw halos lahat ng taong nagmamanage dun.
"Ito namang si Allen at Kerby magpinsan yan. Pamilya nila ang may-ari ng siyam na resort dito sa Cavite kabilang na yung bagong ginagawa sa kawit. Sister company namin ang Jocson company kaya kami nagkilala ng mga mokong na iyan. Sila rin ang may-ari ng sa lahat ng branch ng dermaline" walang pakundangan din sabi ni Jerome pagkatapos inumin ang inabot na alak ni Allen.
Lalo yatang parang may bumara sa lamunan ko sa mga narinig ko sa kanila.
"At ito namang si Paul..." Ani ni Allen.
Mas kailangan ko yatang ihanda ang sarili ko sa mga maririnig ko sa impaktong to ah!
"Sila ang may-ari ng Gabriel Corporation at Cruz company na nasa ibang bansa. Pamilya rin nila ang nagmamay-ari ng buong company at agency dito sa cavite. Sa lahat ng company na meron kami ay malaki ang share ng pamilya nila. Sinusuportahan din nila ang school na pinapasukan natin pati ang karamihang school dito. Sila ang may-ari ng cassino sa tagaytay in short sila ang pinakamayaman saming magkakaibigan" diretsong kwento ni Allen dahilan para mas mapanganga ako.
Bigla akong napatingin kay Francisco at bigla akong nakaramdam ng pagkahiya sa sarili ko. Kung sagutin ko kasi siya eh inam tapos ganun pala siya kayaman. Baka mamaya maisipan ako nitong ipatanggal sa eskwelahang pinapasukan ko. Yari ako! Dapat akong magpakabait sa kanya.
Walang sinabi ang pagmamayabang ni Steffany kung ikukumpara sa mga narinig ko tungkol sa magkakaibigan. Hindi ko na nga narinig na nagkwento pa si Steffany eh. Nahiya na siguro.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Kung anu-ano at yung mga kalokohan nh highschool. Nahihiya nga ako sa mga pinagsasabe ni Joan. Pati ba naman yung tungkol samin ni Ariel ay ikinuwento pa! Hindi na nahiya.
"Den may boyfriend ka na ba ulit?"
Biglang bumalik ang katinuan ko sa narinig ko. Nawala yata yung tama ng alak dahil sa biglaang pagbilis ng pintig ng puso ko sa narinig kong tanong mula kay Jerome.
Pagkatapos ng napakasayang outing namin ay eto na ulit kami sa school. Back to normal. Nakakabuset nga yung prof namin sa humanities bigla-biglang nagpa-quiz eh hindi pa naman ako ready. Kaya ayun - 4 out of 10 ang score ko. Nakakahiya!
Paulit-ulit kase nag-e-echo sa isipan ko ang tanong na Den may boyfriend ka na ba ulit? Hindi ko talaga alam ang isasagot ko nun pero sa bandang huli ang nasabi ko ay hindi ko alam.
Pwede ba talaga yun? Yung sagot ko na hindi ko alam? Nagtaka rin ako sa sarili ko dahil sa sinagot kong iyon eh.
"Space out ka nanaman!" Puna saken ng bespren ko. Nandito na kasi kami ngayon sa paborito naming tambayan - cafeteria.
Medyo tahimik ngayon ang buhay ko dahil hindi nagpapakita ang impakto. Pero bakit parang hinahanap ko ang presensya niya? Parang gusto ko yata na ginugulo niya ako.
Siguro baka nasanay lang ako o immune na ako sa sobrang panggugulo niya saken.
"Hindi yata umaaligid sayo ang boyfriend mo?" Ani ni bespren saken.
"Boyfriend?" Takang tanong ko sa kanya. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Si Francisco.
"Hindi ko siya boypren bessie. Sa tingin ko gusto niya lang ako magpanggap ng syota niya para tumigil na ang kanyang kapatid sa karereto sa kanya ng kung sinu-sino" sagot ko sa kanya.
"Oh eh bakit malungkot ang peslak mong ngetpey!?" Sabi niya pagkatapos ay tumawa.
Flashback (Sa Out of Town kasama ang Gabriel Family)
Nasa isang resort kami. Kung hindi ako nagkakamali ay pagmamay-ari nila Francisco ang resort na ito. May iba rin naman kaming kasama. Katulad ng boyfriend ni Ate Taniya, si Luis Franco at kasama nitong babae, at si Justine Franz.
Katabi ko ngayon si Francisco sa long table. Dinner na kasi. Katulad ng dati puro kwento ang naririnig ko sa ate ni Francisco.
Nilagyan ako ni Francisco ng pagkain sa plato ko at tumingin sakin ng hindi maganda.
"Hindi ako baldado" mahinang bulong ko.
"Isa pa at itataob ko lahat ng to" mahinang sabi rin niya.
Hindi ko na siya sinagot pa at ayokong dito pa kami mag-away sa harapan ng magulang niya.
.
.
.
.
.
.
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa tabing dagat at sinasabayan pa ng magagandang musika na nanggagaling sa isang villa cottage na tinitigilan namin. Naupo ako sa buhanginan. Pinagmamasdan ko ang ilaw na paikot-ikot na nagmumula sa parola sa kabilang dulo ng dagat. Sa ganitong pagkakataon ay bumabalik sa isip ko ang mga malulungkot na nangyari sakin dati.
Naramdaman ko nalang na may pumatong na jacket sa likuran ko. Napansin niya atang medyo nanginginig ang balikat ko sa lamig na nararamdaman ko dahil sa hangin na walang tigil sa paghampas sa katawa ko.
Naupo siya sa tabi ko. Hindi siya nagsasalita. Pareho lang kaming nakatingin sa paikot-ikot na ilaw.
"May naging girlfriend na ako dati..." Mahinang basag niya sa katahimikan na lumulukob saming dalawa.
Hindi ako nagsasalita. Hindi ko rin siya tinitingnan. Ang tanging nasa isipan ko lang ay kung ano yung kasunod niyang sasabihin.
“...ang saya-saya namin. Hatid sundo ko siya sa tuwing papasok kami sa school, magkasabay kaming kumakain at sa tingin ko napakaperpekto ng lahat ng bagay kapag kaming dalawa ang magkasama" pagpapatuloy niya.
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang nung narinig ko iyon ay parang may naramdaman akong kirot sa dibdib ko.
Sumulyap ako sa mukha ni Francisco. Malamlam ang mga mata at bakas na bakas ang pagkaseryoso sa mukha nito. Unang pagkakataon ko lang nakitang ganito ang mukha nito. Palagi kasing sobrang seryoso at hindi marunong ngumiti.
“...mas naramdaman ko ang saya nung araw na ng kasal namin..."
Potek! Bakit parang nanginginig ang dalawang mata ko? Bakit parang may naiipon na tubig sa magkabilang sulok ng mata ko.
“...pero...wala siya... Hindi na siya nagpakita."
Nakaramdam ako ng kaunting awa sa huling narinig ko sa kanya. Sa likod pala ng pagiging matapang at mayabang niya ay nagkukubli ang ganoong klase ng sakit.
Siguro defense mechanism niya yung ugaling matapang at mayabang para takpan o pawiin yung paghihirap sa kalooban niya.
"Huwag mo ng itanong kung baket at kung saan siya nagpunta! Baka lunurin kita kung magkataong usisain mo pa!" Biglang bulyaw niya sakin.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Bakit? Kase ba naman kaseryoso tapos biglang ganoon? Abnormal lang talaga tong taong ito!
"Bopols! Hindi ako magtatanong ng tungkol sa walang kwentang babaeng yun!" Sabi kong bigla sa kanya.
Nakita kong medyo napangiti siya sa sinabi ko. Matapos yun ay katahimikan muli ang bumalot samin at tanging alon lang na patuloy sa paghampas sa paanan namin ang naririnig.
"Francisco pwede magtanong?" Basag ko muli sa katahimikan.
"Pwede basta siguraduhin mong hindi ako maiinis!" Diretsong sagot niya.
Alam ko naman kasing gusto niya lang ako magpanggap bilang syota niya para hindi na siya ireto pa ng Ate niya - pero may gusto parin akong malaman at maramdaman. Gusto kong kurpirmahin kung tama ba yung bigla ko nalang naramdaman kanina nung nagkukwento siya.
Kung sakaling wala akong ibang naramdaman sa sagot niya - itutuloy ko ang pagpapanggap. Kung sakali man na tama ako sa hinala ko - tama na. Tigil na. Para di na maulit yung nangyari sakin dati.
"Paano kung biglang mawala ako?"
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong sa kanya yun. Bumibilis yata ang t***k ng puso ko at lalo yatang nanginig ang katawan ko.
Wala akong narinig na kahit anong sagot kay Francisco. Mabilis siyang tumayo at umalis sa tabi ko. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang habulin pero nanaig sa isipan ko ang manatili na lamang sa kinalalagyan ko.
Ano ba kasing pumasok sa utak ko at tinanong ko yun. Baka isipin tuloy niya na may gusto ako sa kanya at naisip niyang nag-aassume ako sa isasagot niya. Nahihiya tuloy ako! Pahamak tong bibig na to eh!
Nagulat nalang ako nung biglang may sumagi sa braso kong malamig na bagay. Bote pala. Bote ng alak na dinampi sakin ni Francisco para malaman niyang nandon na ulit siya.
Tinanggap ko iyon.
"Ayoko na ulit maririnig ang bagay na tinanong mo kanina. Ayokong makarinig ng bagay na hindi komportable sa pandinig ko" mahinahong sabi niya kasunod nun ang pag-inom niya sa hawak niyang bote ng alak.
Gusto ko pa sana siyang tanungin pero mas pinili kong itikom nalang ang aking bibig. Naramdaman ko nalang na unti-unting may kamay na pumatong sakin balikat at dahan-dahan na kinabig ang aking katawan palapit sa katawan niya.
End of Flashback
"Kunwari ka pang bakla ka!" Biro saken ng bespren ko.
Naubos ang oras namin sa kwentuhan hanggang sa tumunog na ang bell na hudyat ng oras na para bumalik sa klase.
Lutang ata ang isipan ko sa loob ng classroom. Hindi napasok sa sa utak ko ang mga sinasabi ni Maam Constitution. Hindi ko na tanda pangalan niya pero Polsci namin siya. Baket constitution? Haaay. Nakakaurat kasi dahil araw araw kong naririnig ang salitang constitution sa kanya. Pinag-recite pa nga ako ng preamble niyan eh! Pakiramdam ko nun ay nasa korte ako at isang witness.
Maya't maya ay napapasilip ako sa bintana. May kung ano kasing nagbubulong sakin na baka sakaling makita ko ang impakto kaya panay ang silip ko dun. Hindi ko na nga maintindihan ang nangyayari saken eh. Kaiba na ako.
Napabalik lingon ako sa bintana nung mamataan ko ang lalaking kanina pa hinahanap ng paningin ko. Si Francisco kasama ang mga kaibigan niya.
Ano ba tong nararamdaman ko? Bigla nalang parang ma-excite akong matapos ang subject na ito.
"Excuse me po Maam, pwede po kay Chriden?" Narinig kong sabi nung lalake mula sa pintuan. Tumango si Maam Constitution at tumingin saken.
Tumayo ako at agad na nagpunta sa kinaroroonan nung taong naghahanap saken.
"May nagpapabigay sayo neto" sabi niya sabay abot saken ng bulaklak at chocolate.
"Teka... Sino nagpa-" hindi ko na naituloy pa ang itatanong ko nung biglang nalang siyang tumakbo pababa ng hagdan.
Bumalik ako sa loob ng room na pinagtitinginan. May mga nang-aasar at may mga tinging nagtataka.
Sino kaya ang nagpabigay neto? Isa lang naman talaga ang tumatakbo sa isipan ko. Ang lalakeng siraulo. Si Francisco.
"Oh bat namumula ka?" Puna saken ni Sheryl habang nag-aayos na ako ng gamit. Tapos na kase ang klase namin at uwian na. Maaga ngayon kasi thursday. Motivation day! Hahaha!
Hindi ko na pinansin ang mapang-asar na tanong saken ni Sheryl. Bumaba na ako. Gusto kong pasalamatan si Francisco sa pagbibigay niya saken nito.
Napansin kong nag-uusap silang magkakaibigan at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Hindi naman sa pagiging usisero/usisera at lihim akong lumapit sa kanila ng hindi nila napapansin.
"Oh anong nangyari sanyo kanina? Naka-score ka ba?" Nakangising tanong ni Allen kay Francisco.
"Nalaseng ako kagabi kaya hindi ako nakapasok kaninang umaga! Anong score ang ponagsasasabe mo!?" Sagot ni Francisco na mukhang iritable.
"Kunwari ka pa! Diba iniwan namin kayong magkatabi sa kama? Nilock pa nga niyong si Kerby yung pintuan nyo eh" pang-aasar ulit ni Allen.
Aba! Tama ba ang naririnig ko? Iniwan silang magkatabi sa kama at nilock? Tangna naman oh! Baket ganito bigla ang t***k ng puso ko? Baket parang biglang may tumusok sa dibdib ko?
"Nakailan kayo?" Nakangising tanong ni Allen.
Ayoko na! Ayokong marinig yung bagay na pwedeng isagot nitong Francisco na ito! Naglakad na ako palabas ng gate. Hindi ko sila pinansin.
"Uy! Den!" Bati sakin ni Allen.
Hindi ko siya pinansin bagkus nagpatuloy ako sa paglalakad. Gustong-gusto na marating ng paa ko ang gate palabas para makasakay na agad ako ng sasakyan pauwe.
"Hoy! Saan ka pupunta!?" Narinig kong sigaw ng impakto.
Nanggigitil ako! Nabubwiset ako! Beastmode na ako!!!! Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"DOON! MAGLALASENG AT MAGHAHANAP NG KATABI SA KAMA TAPOS MAGPAPALOCK SA KWARTO!!!!" Malakas na sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa walang modong bibig ko. Ramdam ko ang init sa mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ko dahil nakita kong nakatuon lahat ng mga mata ng taong nadadaan ko saken.
Mabilis akong tumakbo. Ayoko marinig ang isasagot ni Francisco. Ngayon ko lang naisip na mali pala ang ginawa ko. Una, mali ang makinig sa usapan ng ibang tao. Pangalawa, mali yung pagsigaw ko sa kanya. Pangatlo.... Mali.. Mali na tong nararamdaman ko. Hindi ko na gusto ito.
Pagkatapos namin kumain nila mama at kapatid ko ay dumiretso na ako sa terrace namin. Gusto ko kasi mawala yung kakaibang nararamdam ko sa twing naiisip ko ang ginawa ko.
"Mike, Robert tra nomo tau! Dla nlng kau ng pulutan my alak na d2" text ko sa dalawa kong kaibigan. Silang dalawa madalas ang nakakainuman ko twing walang pasok at bakasyon. Malapit lang din naman ang bahay nila dito samin.
Wala pang 20mins ay magkasunod silang dumating na may dalang chichirya at ibang maaring gawing pulutan.
Nagsimula ng paikutin ni Mike ang tagay. Kwentuhan at kapontoyan nanaman ang pinag-uusapan kaya tuwang-tuwa ako sa dalawang to eh.
"Den yung cp mo kanina pa ring ng ring. Wala ka bang balak sagutin?" Sabi ni Robert habang nakaturo sa cp ko na nakapatong sa speaker.
Tiningnan ko iyon.
Impakto calling...
Ni-reject ko ang tawag.
Anong akala niya saken!? EASY TO GET!