Chriden Miguel Point of View "Mukhang nakainom ka ah?" malumanay na tanong ni Paul. "Konti lang. Nagkwentuhan kami ni Sheryl eh" sagot ko naman sa kanya. Dahan dahan niyang in-on ang mini component ng kanyang sasakyan. Nagsimula ko ng marinig ang pagkanta ng carpenters. (pls play: we've only just begun) Nabalot kami ng katahimikan. Medyo nakakaramdam yata ako ng akwardness sa pagkakataong ito. Naalala ko tuloy ang mga napagusapan namin ni Sheryl kanina. Hindi ko maiwasan ikumpara sa sarili ko. Oo. Inaamin ko wala na akong bang mahihiling pa kay Jerome. Nandiyan siya palagi para sakin. Ramdam ko ang pagmamahal niya. Hindi niya ako pinapabayaan. Ramdam ko ngang ligtas palagi ako sa tuwing kasama ko siya. Guapo si Jerome. Mayaman. Mabait. Mabuti. Ano pa nga ba ang dapat kong han

