Jerome Kier Point of View "Umupo ka na dito. Kakain na tayo" sabi ko kay Den nung nakita ko siyang pababa ng hagdan. "Manang pakikatok na nga po yung dalawa pa namin kasama sa taas. Pakisabi ho kakain na" sabi ni Kerby kay Manang. Aktong aakyat na si Manang nung nakita naming pababa na si Rachel. "Oh nandiyan na pala eh. Halika na at kumain. Masarap tong luto ni manang" singit naman ni Brille. "Nasaan si Paul? Tawagin mo na" sabi naman ni Allen. Wala kaming narinig na sagot mula kay Rachel. May inabot siyang maliit na papel at pinabasa samin. Ei guys! Una na ako sa Cavite. May biglaang family outing kami. Kerby isabay mo si Rachel pauwe. Haaay naku! Umiral nanaman ang pakaisip bata ni Paul. Sigurado akong naboboring lang yan dito. "Ayos lang yan! Sanay na kami sa lalaking yan. Mau

