Paul Francisco Point of View
"Nung nainlove sa iisang babae si Paul at si Jerome..."
Biglang nanariwa sa alaala ko ang lahat nung narinig ko iyon.
Flashback
Nasa isang bar kaming magkakaibigan ngayon. Birthday kasi ni Louie. Isa sa mga malapit naming kaibigan.
"My treat" mayabang na sabi ni Louie.
Kasama ko ngayon sila Matthew, Michael, Bingbong, Jerome at si Louie.
Sanay na ako sa ganitong klase ng inuman. Madalas kasi kaming napunta sa ibang bar para magpalipas ng oras.
Habang nagkukwentuhan kami ay nakuha ng isang napakagandang boses ang atensyon ko. (pls play Search for your love - three lights)
Ang ganda ng boses niya. Hindi ako nakatiis. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses.
Hindi ko ma-explain pero parang unti-unting may nabubuong imahe sa isipan ko at parang nadadama ko ang ipinapahiwatig ng kanyang kinakanta.
"Oy Paul! Okay ka lang?" Sabay tapik sakin ni Michael.
"Type mo no? Ang ganda no?" Dugtong niya.
Hindi ako nakasagot pa at pinagpatuloy ko na ang pag-inom sa hawak kong bote ng alak.
Ilang araw ang lumipas. Laman parin ng isipan ko ang taong nakanta sa bar nung birthday ni Louie. Hindi nga halos ako makatulog tuwing gabi kakaisip sa kanya.
Ano kayang pangalan niya?
Saan kaya siya nakatira?
Hindi na ako nakatiis. Pinuntahan ko yung bar. Gusto kong malaman ang pangalan niya. Gusto kong marinig muli ang boses niya.
"Sir ano pong order niyo?" Tanong sakin ng isang waiter na lumapit sakin.
Sinabi ko ang order ko. Hihintayin ko nalang na makita ko sa stage ang taong hinihintay ko.
Nakakatatlong bote na ako ng stallion pero hindi ko parin naririnig ang boses na inaantay ko - boses na gusto kong marinig.
"Isang bucket pa nga" muling sabi ko sa waiter.
Muling naglapag ng alak sa harapan ko ang waiter.
Aktong iaangat ko ang isang bote nung narinig kong muli ang boses na matagal ko na ulit gustong marinig.
Tangina! Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Patuloy ko lang siyang tinitingnan at pinapakinggan sa pagkanta. Hindi ko na nga halos mainom ang hawak hawak kong alak.
Nakailang kanta siya. Nakailang minuto rin akong nakatunganga sa kanya.
Bumaba siya ng stage. Kitang kita ko ang ngi sa kanyang mga labi. Ang sarap tingnan.
Tama! Sasalubungin ko siya. Kakausapin ko siya.
Dahan-dahan akong naglalad papunta sa kanya. Bumibilis ang t***k ng dibdib ko.
Malapit na ako sa kanya.
Ano ang sasabihin ko?
Ano gagawin ko?
"Hi!" Bati ko sa kanya matapos niyang bumaba ng stage.
"Hi!" Ganting tugon niya sakin.
Tangna! Ang ganda niya!
"Pwede ba kita makau-"
"Hi! Kanina ka pa?" Bati niya sa isang taong papalapit sa kanya.
"Ayos lang. Tara.."
Tama ba ang nakikita ko? Si Jerome?
"Oy! Paul, namdito ka rin pala. Kasama mo ba tropa?" Nakangiting tanong sakin ni Jerome.
"Ah..Hindi. Napadaan lang ako. Naboboring kasi ako sa bahay" sagot ko naman sa kanya.
"Sige Paul. Alis na muna kami"
End of flashback
"Shot mo na pre" sabi sakin ni Allen.
Inabot ko ang basong may lamang alak at mabilis kong ininom iyon.
Katabi ko si Rachel. Ewan ko ba sa babaeng ito kung anu-ano ang pumapasok sa isipan. Daming gustong gawin.
Katulad kanina. Hindi kami nakasama sa pagpunta sa farm. Tinanong ko siya kung bakit. Pero ang sagot niya ay napakasimple.
"Hayaan mong isipin nila ang gusto nilang isipin - makakatulong sayo yun"
Yan ang sagot niya. Ang gulo no?
"Oh ikaw na Rachel" sabi naman ni Allen.
"Wala na bang itataas pa ito?" Tukoy niya sa basong hawak niya. Kasunod nun ay ang pagtawa niya.
"Eh kayo naman Jerome anong lagay niyo ni Den?" Diretsong tanong ni Allen kay Jerome habang nakaakbay kay Den.
Tangina! Ang sakit sa mata ng dalawang ito ah! Kung naglalabas lang ng apoy ang mga mata ko ay kanina pa tinupok ng apoy itong si Jerome!
Alam naman niyang sakin si Den eh!
Lagi nalang ba siya ang mananalo pagdating sa ganitong sitwasyon?
Dati nagparaya na ako. Pero sa pagkakataong ito hindi na ako papayag! Kailangan ipaglaban ko na ang nararamdaman ko. Hindi dapat ako magpatalo at hinding hindi ako magpapatalo!
"Hoy Allen iayos mo ang tanong mo ah!" Sagot ni Den habang panay ang kain ng mangga.
"Oy Jerome sagutin mo yung tanong!" Singit naman ni Kerby.
"Kapag hindi mo sinagot yan iisipin ko na may pag-asa pa ako kay Den!" Sabi naman ni Brille habang ngasab ngasab ang mangga.
Tangnang to ah! Tataluhin pa ako!
"Ganito kasi yan guys..." Putol ni Jerome. Inangat niya ang basong may lanang alak ay kumuha ng manggang pulutan.
"Mahal ko si Den. Ginagawa ko pa ang lahat para makuha ko ang puso niya. Nililigawan ko palang siya" sagot ni Jerome.
"Ayieeeeeee!" Irit ni Kerby.
"Oy oy! Garabe kayo ah! Normal lang naman yon diba?" Nakangiting sabi ko Den.
Normal? Tangna! Den? Sa tingin mo normal ba ang nangyayari ngayon? Hindi! Hindi ko gusto to! Baka makapatay ako ng kaibigan ko sa unang pagkakataon!
"Kayo naman Rachel, musta ang lagay niyo ni Paul?" Tanong naman ni Allen kay Rachel.
"Kami? Ahh.. Okay naman. Nanliligaw siya. Pero, hindi naman dapat pang pagtagalin pa. Gusto ko naman siya" nakangiting sagot ni Rachel.
Takteng babaeng ito! Ano ba ang gusto nitong palabasin! Tiningnan niya ako. Kumindat siya.
"Paul wala ka ng ibang hahanapin pa diyan kay Rachel! Maganda, matalino at mayaman!" Singit muli ni Kerby.
"Ayos yan Paul!. Bagay kayo" nakangiti namang komento ni Jerome.
Tiningnan ko ang reaksyon ni Den. Nakangiti lang siya.
"Oo nga Paul! Sa tingin ko bagay kayo ni Rachel. Mayaman, matalino saka maganda. Sa tingin ko wala ka ng ibang hahanapin pa sa kanya" dugtong ni Den sa kanyang sinabi.
Chriden Point of View
"Den shot mo na!" Sabi ni Allen.
"Teka matanong ko lang nasaan na si Catalina?" Singit naman ni Brille habang may hawak ring mangga. Pareho yata namin trip ubusin ang manggang nasa lamesa.
Oo nga. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Dapat nga siya ang kasama ni Paul dito at hindi itong si Rachel.
"Guys huwag na natin pag-usapan si Catalina. Sigurado namang okay yun. Yun pa!" Biglang sagot ni Jerome.
Nahihiwagaan talaga ako sa babaeng iyon. Sa pakiramdam ko kasi kilala siya lahat ng magkakaibigan. Lalo na itong si Jerome.
Teka teka.. Hindi ko na dapat pang usisain pa ang tungkol sa babaeng yun. Ang importante masaya na ako at tama na itong ginagawa ko.
"Rachel pwede ba naming marinig ang boses mo? Sample ka naman." Seryosong tanong ni Allen.
Dahil sa tama na ng alak ay mabilis sumagot si Rachel.
"Bawal ang mainlove sakin kapag narinig niyo na ang boses ko ha.. Pwera lang dito kay Paul." Sagot niya sabay kindat. (wow! May landi rin pala itong babaeng ito) matapos nun ay nagtungo na siya sa harapan at kinuha ang mikropono.
I guess you heard, I guess you know
In time I'd have told you
But I guess I'm too slow
And it's overly romantic
But I know that it's real
I hope you don't mind, if I say what I feel
It's like I'm in somebody else's dream
This could be happening to me...
Wow! Maganda rin pala ang boses ng babaeng ito. Pinong-pino at walang sabit sa pagkanta. (feeling ko isa ako sa mga hurado sa The Voice)
"I want you! Dito ka sa team ko! Yoooooooh" sigaw ni Brille habang ginagaya si Bamboo sa pag-aayos ng damit niya.
"You're mine! Dito ka sa team ko!" Sigaw narin ni Allen habang inaalog alog ang tower na may lamang alak.
But you were there, you were everything I'd never seen.
You woke me up from this long
And endless sleep, I was alone
I opened my eyes and you were there.
Lalong naghiyawan ang mga magkakaibigan. Gandang ganda lahat kami sa boses ni Rachel. Promise. Walang halong kaplastikan. Nasipol pa nga si Allen habang nakanta si Rachel eh.
"Den oh" abot ni Rachel sakin ng isa pang mikropono.
"Go. Wag ka mahiya. Cheer kita" nakangiting sabi sakin ni Jerome at inalalayan pa ako sa pagtayo.
Don't be alarmed, no don't be concerned,
I don't want to change things
Leave them just as they were
I mean nothing really different
It's me who feels strange
I'm always lost for words when someone mentions your name
I know I'll get over this for sure
I' m not the type who dreams there could be more
Wala akong naririnig na kahit na anong ingay mula sa mga magkakaibigan. Yung sigaw ni Brille at pagsipol ni Allen ay nawala at nakita kong nakatingin lang samin ni Rachel dito sa harapan. Si Kerby naman ay ganoon din at napansin kong nakailang angat siya sa basong may lamang alak.
But you were there, you were everything I'd never seen.
You woke me up from this long
And endless sleep, I was alone
I opened my eyes and you were there.
Sabay naming kanta ni Rachel sa chorus.
Can I take your smile home with me? Or the magic in your hair.
Matapos ang kanta ay bumalik na uli kami ni Rachel sa pwesto namin.
"Galing mo talaga" puri sakin ni Jerome.
"Den ikaw ba talaga yung kumanta?" Mukhang tangang tanong sakin ni Allen.
"Den parang mahal na yata kita..." Seryosong sabi naman ni Kerby.
"Tumigil nga kayo! Mga abnormal!" Saway ko sa kanila. Hindi ko kasi alam kung papuri pa iyon o trip talaga. Kilala ko kasi ang mga abnormal na ito eh.
"Ang galing mo ah! Lalo tuloy akong naiinlove sayo" bulong sakin ni Jerome.
Naramdaman ko nalang na lalong nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi sakin
Narinig kong pinuri din nila si Rachel. Maganda rin naman kasi talaga ang boses niya.
Nagpatuloy ang inuman at kwentuhan namin. Dami ngang kwento nila Allen eh. PURO KALOKOHAN! Wala na yatang sinabi na mabuting ginawa ang mga ito. Tawa tuloy ako ng tawa.
Hanggang sa naramdaman ko narin na unti-unti na akong tinatablan ng alak. Nararamdaman ko na kasi na medyo nahihilo na ako. Nararamdaman ko narin na parang gusto ko ng sumuka.
"Oh Den? Okay ka lang?" Alalang tanong sakin ni Brille.
"Oh Rachel ikaw rin parang laseng ka na." Narinig ko namang sabi ni Allen.
"Haaaay... Tagay pa kasi ng tagay kahit halatang mga lasing na!" Sabi naman ni Kerby.
"Osya - Jerome dalahin mo na si Den sa kwarto niyong dalawa. Ikaw rin Paul dalahin mo narin si Rachel. Magkatapat lang ang kwarto niyo. Kami na bahalang umubos nito" mahabang dugtong ni Kerby sa kanyang sinabi.
Wala na akong ibang narinig dahil unti-unti na ako nilamon ng dilim. Laseng na talaga ako.
Paul Francisco Point of View
Gulong gulo na talaga ang isipan ko. Hindi ko maipaliwanag ang mga bagay na gusto kong gawin dahil punyetang nararamdaman kong ito.
Kanina lang sabi ko sa sarili na kailangan ipaglaban ko si Den pero paano ko ipaglalaban ang taong pakiramdam ko ay pinagtutulakan na ako palayo. Oo ramdam na ramdam kong pinagtutulakan na ako ni Den.
Hindi niya kasi alam kung ano yung nararamdaman ko.
Tiningnan ko ang cellphone ko. 12:10am na ng madaling araw hindi parin ako nakakatulog. Walang epekto sakin ang alak na ininom namin kanina. Itong kasama ko naman ay hindi ko rin malaman kung ano ang takbo ng isipan. Ayoko na nga lang patulan dahil baka isipin ni Den ay napakabarumbado ko pagdating sa mga babae.
Magkahiwalay kami ng pwesto ni Rachel. Nasa kama siya at ako naman ay nandito sa sofa. Malayo ang agwat namin. Ayoko rin naman kasing katabi siya.
12:17am
Di parin ako makatulog. Bakit ba pakiramdam ko ay napakabagal ng takbo ng oras?
Tama! Iinom pa ako kahit isang bote para antukin ako. Bitin lang siguro ako.
Tumayo ako at kinuha ko ang cellphone ko. Tinungo ko ang pintuan at mabilis ko itong binuksan.
Pagpihit ko ng seradura ay saktong pagbukas din ng kaharap na pintuan.
"Paul?" Gulat na tanong niya.
Napatingin ako sa kanya. Napatitig ako sa itsura niya.
Nakaboxer short at suot niya ang sando ni Jerome. Hindi ako pwedeng magkamali na kay Jerome iyon dahil sa nakalagay na Rome sa ibabang gilid nito. Basa ang buhok ni Den at halatang bagong paligo.
"Sorry.. Parang may narinig kasi akong kumalampag..." Mahinang sabi niya sakin.
"Den! Tara na! Ang tagal mo naman diyan. Wag kang madaya ha! Tara na round two na tayo!" Narinig kong sabi ni Jerome mula sa loob ng kwarto.
Putangina! Ano itong biglang naramdaman ko? Bakit parang nakakaramdam ako ng init ng ulo at pakiramdam ko ay gusto kong magwala.
Round two?
Tangina naman Jerome!
Sobra na!
Sobra na to!
"Si...sige Paul... Pasok na..ako..."
"Den!" Mariin kong sabi sa kanya dahilan para mapatigil siya sa pagpasok sa loob ng kwarto.
Muli siyang humarap sakin. Nakatingin lang ako sa kanya. Ewan ko ba pero kahit ang dami kong gusto sabihin ay ayaw naman lumabas sa bibig ko.
"Ang tagal mo naman nabibi-"
Biglang natigilan si Jerome nung nakita niya akong nakatayo sa harap ng pintuan.
"Oh pre nandiyan ka pala.." Dugtong niya.
"Oo. Nauuhaw kasi ako. Sige." Paalam ko sa kanila. Kahit gustuhin kong magwala ay hindi ko na magawa. Hindi ko magawang maipakita kay Den na nasasaktan ako.
"Oh wag kang madaya! Ikaw naman sa ibabaw ngayon!" Narinig kong sabi ni Jerome bago tuluyang naisara ang pinto.
Ang sakit sakit naman ng nararamdaman ko ngayon. Yung sakit na hindi ko naipaliwanag. Wala naman akong ginagawang mali pero bakit ganito.
"Gusto mo bang pag-usapan?" Hindi ko na nilingon ang pinanggalingan ng boses. Kilala ko kung kaninonh boses iyon. Kay Allen iyon.
Imbis na sumagot ako ay nilagok ko ang boteng hawak ko na may lamang alak.
"Minsan talaga may mga pagkakataon na kahit na anong pagpapahalaga natin sa isang bagay ay mawawala at mawawala parin ito..." Mahinang sabi ni Allen.
"Oo masakit. Sobrang sakit nun. Minsan nga hindi na kayang ipaliwanang yung sakit na nararamdaman ng puso natin eh..." Pagpapatuloy niya.
Hindi parin ako nagsasalita. Wala akong masabi. Wala akong maisagot. Blangko ang utak ko.
"Sabi nga nila, kapag may nawala may dumarating na bago. Sa una masakit, pero masasanay ka rin, at kapag sanay ka na babalewalain mo nalang yan." Mahabang sabi ulit niya.
"Nasasaiyo nalang kung papakinggan mo ang opinyon ko bro" huling sabi ni Allen at tumayo na ito at naglakad pabalik sa loob ng mansyon.
Matapos kong ubusin ang ikatlong bote ng alak ay mabilis na akong tumayo at bumalik sa kwarto.
Tama.
Bakit nga ba ako magkakaganito?
Hindi dapat ako magkaganito.
Anong akala nila saken? Mahina!
Tingnan nalang natin!