Chriden Miguel Point of View
Magkakasama kami ngayon sa iisang table ni Jerome, Paul at Rachel. Nagpakilala si Rachel na siya daw ay kaibigan ni Kuya at ni Paul.
Maganda siya. Balingkinitan at makinis. Mukhang mabait pa.
"Ikaw pala yung sinasabi ni Bong na pinsan niya. Ang ganda ng boses mo ah. Nakakainggit ka" komento ni Rachel.
Lihim kong ikinatuwa iyon. Sa tagal ng panahon ngayon lang uli ako nakarinig ng magandang salita galing sa ibang tao.
"Salamat. Sa totoo lang matagal narin akong di kumakanta. Napilitan lang ako kasi may tinupad akong kasunduan" sagot ko sabay tingin sa taong katabi ko. Kay Jerome.
Gumanti naman ito ng ngiti dahil nagets niya ang nais kong iparating. Iyon kasi yung naging kasunduan namin. Kapag kumanta ako - pupunta siya sa birthday ni Kuya. Ayun. No choice ako. Hahaha. Mautak talaga itong si Jerome.
Napapansin kong dikit ng dikit itong si Rachel kay Paul. Ano bang meron sa dalawang ito? Ito namang si Paul mukhang gustong gusto pa ang nangyayari. Itong lalaking talagang ito! Hindi pa nakuntento kay Catalina!
"Paul nagtext nga pala si Kerby. Nagyayakag sa resthouse nila sa Bicol. Hindi ka daw nagrereply sa mga text niya eh" biglang kausap ni Jerome kay Paul.
Parang may hindi tama. Bakit parang napakapormal magusap ng dalawang magkaibigan? O baka naman binibigyan ko lang ng ibig sabihin ang mga kilos nila. Haaay. Ganito na ba talaga ako mag-isip ngayon?
"Nakausap ko na siya. Sinabi ko na kasama ako -"
"At kasama ako dun diba Paul?" Singit ni Rachel.
Wow! Ang sweet! Parang wala lang kay Paul si Catalina ah!
Ngayon lang nag-sink in sa utak ko. Ngayong ko lang narealize na hindi ko pala dapat paniwalaan ang mga sinabi niya. Sinungaling siya! Nagparaya na nga ako para sa kanila ni Catalina tapos ngayon may iba siyang kasama? Halata pang gustong gusto niya ang nangyayari o ginagawa nitong si Rachel.
Tingnan nalang natin Paul Francisco (Devils eye) hahahaha!
Dahan dahan akong dumikit kay Jerome. Halata sa mga mata nito ang pagtataka sa biglaang kilos ko.
"Hindi naman pwedeng iwanan mo ako Rome. Dapat isama mo ako diyan sa lakad niyo" nakangiti kong sabi sa kanya.
Ewan ko ba yun nalang kasi ang naisip kong sabihin sa kanya. Gusto ko kasi makita ang magiging reaksyon ng dalawang nasa harapan namin ngayon.
"Oo naman. Balak ko nga sanang sorpresahin ka nalang eh" mabilis namang sagot ni Jerome.
"Oh iyon naman pala eh. Isasama ako ni Paul at kasama ka naman ni Jerome. Sigurado ako magiging masaya tayo dun" walang muwang na komento ni Rachel. At si Paul? Wala! Walang reaksyon! Hinayupak tong lalakeng ito ah!
"Oh mukhang nag-eenjoy kayo ah! Ayos. Perfect couple" narinig kong sabi ni Kuya mula sa likuran namin.
Ano daw? Perfect couple?
"Aba Jerome mukhang nahuhuli mo na kiliti nitong pinsan ko ah! Nagulat nga ako at kumanta yan eh, sigurado ako ikaw ang dahilan niyan" panunukso ni Kuya kay Jerome. Takteng kuya to! Di naman porket kumanta na ako eh si Jerome na agad ang dahilan. Pwede namang trip ko lang diba?
"Eto nga at panay ang pilit sakin na dun uli ako matulog sa kwarto niya" sagot naman ni Jerome.
"Oy! Wala akong sinasabi sayo Kier ah! Baka maniwala si Kuya!!!" Sigaw ko sa kanya.
Bahagya siyang natigilan at tumingin sakin.
"Oh bakit!? Makatingin ka parang may binabalak kang masama ah!" Pagbibiro ko sa kanya.
"Huwag mo ako bigyan ng ideya na gumawa ng hindi maganda Den" nakangisi niyang sagot sakin.
"Oh baka kung saan mapunta yan Den ah! Hahaha!" Panunukso ni Kuya.
"Den may request song. Gusto daw ikaw ang kumanta. Sunod ka nalang sakin dun. At ikaw naman Mr. Gabriel take time to know more about Rachel" sabi ni Kuya.
"Yeah. I think I am starting to like her bro" nakangiting sagot naman ni Paul. Tangnangto! Like agad? Eh ngayon lang nagkita uli? Ulul! Pakyu ka!
Naramdaman ko nalang ang kamay ni Jerome na nakapatong sa balikat ko. Galawang hokage talaga ang lalaking ito. Hahaha.
"Anong oras tayo uuwe?" Tanong sakin ni Jerome.
"Ha!? Baket tayo? Ang dapat anong oras ka uuwe!?" Pagtatama ko sa kanya.
"Hindi ako makakauwe hanggat hindi kita kasama..." Sabi naman niya.
"Aba! Bakit? Mukha ba akong susi ng sasakyan mo!? -Ako
"Ikaw ang susi sa puso ko" korning sagot ni Jerome sakin na dahilan para ikatawa ni Rachel. Tsismosa rin pala itong babaeng ito!
"Rome umayos ka ah!" -Ako
"Maayos naman ako ah" -Jerome
"Hindi lang talaga ako makakauwe ng hindi ka kasama kasi dun uli ako sa kwarto mo matutulog..." Nakangising sabi niya.
"At marami tayong gagawin at pag-uusapan..." Dugtong niya.
Ang aga akong sinundo ni Jerome. Mas excited pa siya kay Kerby. Ngayon kasi ang araw ng pagpunta namin sa Bicol.
"Wala pa sila Allen Jerome. Kung gusto niyo kumain muna kayo ni Den dun" sabi ni Kerby sabay turo sa Jollibee.
Kaya eto nandito ngayon kami sa jollibee. Nakain ng breakfast.
Simula nung birthday celebration ni Kuya ay mas naging malambing itong si Jerome. Ang dami niya ngang sinabi sakin nung gabing magkasama kami sa bahay.
Flashback
"Ang ganda pala talaga ng boses mo" nakangiting puri sakin ni Den habang inaayos ko ang kamang tutulugan namin.
"Ewan ko ba pero kanina habang kumakanta ka ay parang may nabubuong imahe sa isipan ko. Yung tipong napipicture ko yung nais iparating ng kantang kinakanta mo" seryosong kwento niya.
Grabe naman itong lalaking ito. OA! Baka masyado niya lang dinadamdam ang kanta. Habang nagsasalita siya ay patuloy lang ako sa pag-aayos at pagpapagpag ng higaan. Wala kasi akong maisip na isagot. Saka ito kasi ang unang pagkakataon na magkakasama kami sa kwarto ng hindi siya nakainom.
"Thank you for making me happy Den...Thank you for giving me the chance to know you - better"
"Naku! Jerome huwag mo nga akong ini-english! Baka dumugo ang ilong ko dito!" Kasunod nun ay ang pagtawa ko. Hindi kasi ako mapakali. Ewan ko. Parang napakaseryoso kasi ng aura ni Jerome ngayon.
"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam Den. Yung tipong sa tuwing kasama kita ay parang hindi ako nauubusan ng pwedeng ikwento, yung bumibilis ang t***k ng puso ko, yung ang saya saya ko." Nakangiting dugtong niya sa kanyang sinasabi.
Naramdaman ko nalang na nasa likuran ko nalang siya at nakayakap sakin.
"No words can fully describe all the feelings I have for you" mahinang bulong niya sakin. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa pagitan ng leeg at tainga ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang nakita sakin ni Jerome kung bakit ganito nalang ang nararamdaman niya para sakin. Wala naman akong yaman o hindi ko naman siya kayang bigyan ng magandang lahi, wala sa katangian ko ang sa tingin ko ay nagustuhan niya sakin.
Pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay sobrang importante ako sa kanya. Nagbago siya. Hindi na siya yung katulad dati na tahimik at walang pakialam sa paligid niya.
Tama lang siguro na i-let go ko na yung feelings ko kay Paul. Hindi ko nanaman siguro kasalanan kung lokohin niya si Catalina. May Catalina na may Rachel pa! Iyon ba ang lalaking dapat kong mahalin? Yun ba ang lalaking makakapagpasaya sakin? Diba hindi? Kaya tama lang. Tama lang na hayaan ko na siya at huwag ng pakialaman pa.
Naisip ko rin na hindi ko dapat sayangin itong pagpapahalagang ipinaparamdam ni Jerome. Dapat maramdaman niya na pinapahalagahan ko rin siya. Ayoko naman na masaktan siya.
Tinanggal ko ang pagkakayakap sakin ni Jerome at humarap ako sa kanya.
"Thank you for everything Jerome. Ang swerte ko naman at importante ako sayo." Nakangiting sabi ko sa kanya at niyapos ko siya.
"Promise. Hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan at ibibigay ko lahat ng makakapagpasaya sayo." Sinserong sabi niya.
End of Flashback
"Sigurado ka na bang busog ka na? Matagal ang biyahe natin. 8 hours" sabi ni Jerome habang patungo na kami sa sasakyan niya.
"Opo. Busog na ako. Ikaw kaya kokonti lang kinain mo! Dapat nga ikaw ang tanungin ko eh" -Ako.
"Yung kasama lang kita okay na okay na ako" nakangiting sabi niya sakin at kasunod nun ay ang pagpatong ng kanyang kanang kamay sa balikat ko.
"Hey guys! Sorry were late!" Narinig namin mula sa likuran.
Si Rachel at si Paul pala at kasunod narin nila sila Brille. Naglapitan ang magkakaibigan at nag-apiran sila. Yung batian ng magtotropa.
"Oh Den! Buti sinama ka ni Pa-"
"I'm with him" pagpuputol ni Jerome sa dapat sanay sasabihin ni Brille. Naramdaman kong mas lalong inilapit ni Jerome ang kantang katawan sakin sa papagitan ng bahagyang paglapit niya ng kanyang braso mula sa pagkakaakbay sakin.
"Ah ok. Mukhang masaya itong lakad natin ah!" Komento naman ni Allen.
"Jerome mukhang natuto ka ng mag-ayos ngayon ah!" Nakangising puna naman ni Kerby habang parang ini-scan ang itsura ni Jerome.
Oo nga. Ngayon ko lang din napansin. Ibang iba na ang porma ni Jerome kesa dati. Dati kasi yung buhok niya ay parang sa koreano, yung parang ang gulo gulo. Ngayon, wow! As in wow! Yung style ng buhok niya ngayon ay undercut na bumagay sa maputi niyang pangangatawan. Nakashorts na binabagayan ng fitted white na v-neck na shirt dahilan para makita ang magandang hubog ng kanyang katawan.
"Lets go guys! Baka abutin pa tayo ng dilim sa daan" sabi ni Allen.
Naglakad na kami ni Jerome patungo sa sasakyan niya na hindi parin niya inaalis ang pagkakaakbay niya sakin. Syempre naman. Kinikilig ako.
Ang sweet naman nito. Hindi ko pa siya boyfriend pero ramdam na ramdam ko na ang pagiging sweet niya.
"Ready?" Nakangiting tanong sakin ni Jerome.
"Ready? Saan?" Takang tanong ko.
"To be my infinity...." Seryosong sagot niya sakin.
Nakakapagod at mahaba man ang biyahe ay sulit naman dahil sa magagandang tanawin na bumungad ngayon samin. Napapaligiran kami ng napakaraming puno at pananim.
Ang sarap sa pakiramdam.
Nakakarelax.
Napakaganda ng villa nila Kerby. Napakalaki. Parang ang sarap ngang magtigil ng matagal dito eh. Kung ganito lang ang bahay namin baka hindi ko na maisipan pang bumalik sa cavite.
Habang naglalakad ako ay nakita kong makakasalubong ko si Francisco. Mukhang galing sa kanyang sasakyan kasi may bitbit siyang bag at charger.
Aktong babatiin ko na sana siya nung napansin kong hindi siya natingin sakin.
Plain ang mukha niya. Hindi nakasimangot at hindi rin nakangiti.
Nilampasan niya lang ako.
Para akong hangin na hindi niya nakita.
Ano bang problema ng taong iyon? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah!
"Den tara ililibot daw tayo ni Kerby sa farm nila" sigaw sakin ni Jerome. Mabilis na akong tumakbo pabalik sa villa.
"Wait Rome. Nakalimutan ko yung cp ko sa bag ko" sabi ko sa kanya.
"Okay lang yun. Hindi naman kailangan cellphone sa farm. Inilapag ko sa ibabaw ng table natin sa kwarto yung cp mo" sagot naman sakin ni Jerome at inakbayan na niya ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa farm.
Ang ganda nitong nilalakaran namin. Sariwang sariwa ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit nasisinagan kami ng sikat ng araw ay presko parin sa katawan. Hindi mainit.
"GoodMorning po Sir!" Bati ng mga bawat taong nakakasalubong namin kay Kerby.
Napapaligiran kami ng napakaraming puno ng mangga. Takte! Natatakam ako! Paborito ko ang mangga! Lalo na yung manggang kalabaw, yung maasim! Ang sarap nun!
"Mukhang natatakam ka na Den ah!" Puna sakin ni Allen kasunod nun ay ang pagtawa nito. Nakita niya atang natulo ang laway ko. Hahaha! Totoo promise. Gustong gusto ko talaga ang mangga.
Napagpasyahan naming maupo muna sa isang kubo. Medyo nakaramdam na yata ng pagod ang mga senorito kaya eto puro nakaupo na lahat sila.
Naghain ng mangga ang isa sa mga katulong ni Kerby sa lamesa namin. Syempre ako ang unang kumuha para kumain.
Ang sarap!
"Huwag ka mag-alala Den. Mag-uuwe tayo ng maraming mangga pabalik sa cavite" nakangiting sabi sakin ni Kerby.
"Talaga? Promise mo yan ah!" Sagot ko naman sa kanya.
"Oh teka asan nga pala yung dalawa?" Singit ni Allen.
"Dalawa?" Takang tanong ko.
"Nagpaiwan na sa villa si Paul at si Rachel. Mukhang napagod yata sa biyahe" sagot naman ni Brille habang panay rin ang kain ng mangga.
Arte naman ng dalawang iyon! Parang biyahe lang napagod na agad? Wow ha! Itong mga kasama ko nga ngayon ay parang wala lang sa kanila.
Baka gusto lang nila magsolo kaya nagpaiwan sila! Mukha niya!
"Oh anong binubulong mo diyan Den?" Sita sakin ni Jerome.
"Ha? Wala. Try mo tikman ang sarap oh" sabay subo ko sa kanya ng mangga.
"Ang sweet naman!"
"Ayieeeee" sabay-sabay na tukso samin ng tropa.
"Teka..Ano na bang lagay nyong dalawa?" Nakangising tanong ni Kerby samin.
"Naku! Kerby mamaya na yang tanong na yan. Dapat nakainom para makasagot yang dalawa! Tara na pabalik sa villa para makapag-inom na tayo!" Sabi naman ni Allen.
Mabilis na namin tinahak pabalik ang daan. Hindi na nga namin naalintana ulit ang pagod dahil sa kadaldalan ng mga kasama namin.
Pagdating namin sa villa ay nakahanda na ang inumin at lamesa sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Ang astig nga eh. May sound system din.
"Beh pano? Simulan na natin para makarami!" Sigaw ni Allen na halatang hayok na hayok na sa alak.
Umupo na kami. Katabi ko si Jerome. Nasa harapan naman namin ang dalawang nagpaiwan kanina dito sa villa. Si Paul at si Rachel. Nasa kaliwa naman si Kerby at Brille at sa kanan naman si Allen kasama pa ang dalawa nilang kaibigan.
(Background music: Tadhana)
Panay na ang kwento ni Allen habang patuloy siya sa pagbibigay ng tagay samin. Nakakatawa nga siya magkwento. Talagang may action pa!
"Kung makikita niyo lang talaga ang mukha ni Paul nun nung kinuwelyuhan niya si James dun sa cafeteria!" Bidang bidang kwento ni Allen.
"Lalo na kapag may toyo yan. Bigla bigla nalang sumisigaw yan!" Dugtong naman ni Kerby kasunod nun ay ang pagtawa.
"Teka..Teka.. Bakit yung kalokohan lang ni Pareng Paul ang pinag-uusapan natin? Diba may natatagong kalokohan din itong si Jerome!" Singit naman ni Brille.
Mukhang interesado ako sa usapan ah! Sa mukha ni Jerome? May kalokohang tinatago? Wew?
Sinulyapan ko ang taong tinutukoy nila. Nakangiti lamang ito at mukhang handa siya sa kung ano man ang kanyang maririnig.
"Aba! Si Jerome yata ang tunay na bully sa tropa!" Pagbibida nanaman ni Allen.
Tunay na bully?
"Naalala ko pa nga dati nung elementary pa kami niyang si Jerome. Grade 6 yun. Hindi sinasadyang napilansikan lang ang kanyang polo ng juice ni David, aba bigla nalang niyang sinapok sa mukha!" Dugtong na kwento ni Allen.
"Hindi lang yun, nung highschool siya ang leader ng isang gang sa school na pinapasukan niya. Takot nga kay Jerome ang lahat pumapasok sa eskwelahan nila eh" kwento rin ni Kerby.
Talaga? Ganoon si Jerome dati? Bakit mukhang hindi naman? Bakit mukhang ang bait-bait niya.
Mas mukha pa ngang basag-ulo si Paul kesa kay Jerome eh!
"Hindi rin yan tumitigil hanggat hindi niyan nakukuha ang gusto niya!" Kasunod nun ay ang pagtawa ni Brille.
Natatawa nalang si Jerome sa mga naririnig niya. Mukhang nagbago na nga talaga ang taong ito ah.
"At ito pa ang pinakamatindi..." Pinutol muna ni Allen ang kanyang sasabihin dahil sa pagbukas muli ng panibagong alak para isalin sa tower.
"Nung nainlove sa iisang tao si Paul at si Jerome..."