Chapter XIX - Slow motion- Fast forward

2886 Words
Paul Francisco Point of View "Ano ba Cath! Pwede ba layuan mo na ako!" Sigaw ko kay Catalina. "Kung tungkol sa halik yung kinagagalit mo - sorry. Hindi ko sinasadya" walang emosyong sagot niya. "Huwag mo sakin ibaling yang pagkasabik mo sa kapatid ko dahil lang sa kamukha ko siya!" Bulyaw ko muli sa kanya. May kakambal kasi ako. Si Paolo Francisco. Kasalukuyang nasa ibang bansa siya at nag-aaral. Masyadong seryoso sa buhay yung kakambal kong iyon kaya hindi natigil dito sa pilipinas. "Sorry. Laseng lang ako kaya ko nagawa yun." Sinserong paghingi ng tawad ni Catalina. Engage na sila ng kapatid ko. Hindi ko nga alam sa kapatid ko kung ano ang nakita sa babaeng ito at naisipan niyang pakasalan ito eh. Kaya niya sinabing soon to be Gabriel siya dati ay dahil sa napagusapan na ng pamilya niya at pamilya namin ang magaganap na kasalan. Botong boto nga rin sila Mama at Papa sa babaeng ito. Kung ako ang tatanungin? Naku! Never! Pero dahil sa kasiyahan din naman bg kapatid ko ay wala rin akong magagawa. "Ayoko ng mauulit yun! At wag na wag ka ng didikit sakin. Kapag dumikit ka pa sakin sasabihin ko lahat sa kapatid ko ang ginawa mo" seryosong pagbabanta ko sa kanya. Matapos nun ay iniwanan ko na siya. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko. Hindi ko parin makalimutan yung mga sinabi ni Den sakin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Akala ko nga okay na kami dahil mas lalong naging malapit na kami sa isa't isa. Tapos bigla bigla nalang na ganon ang sasabihin niya sakin! Taktenh iyan! Siguro dapat ko muna siyang bigyan ng panahon para makapag-isip. Ayoko namang pwersahin siya dahil iginagalang ko ang mga desisyon niya. Hindi pa kasi niya alam ang mga nangyayari. Family matters kasi. "Kuya kailan uli dadalaw si Den dito?" Nakangiting tanong sakin ni Luis. Hindi ko siya sinagot bagkus ay inabutan ko siya ng isang bote ng vodka. "Gusto mo pag-usapan?" Tanong sakin ni Luis. Kinuwento ko sa kanya lahat. Lahat lahat. Wala akong nilaktawang pangyayari. Halata sa pustura ng kanyang mukha ang pagtataka kung bakit ganoon nalanh ang sinabi sakin ni Den. "Alam ko na!" Biglang sabi niya kasunod nun ay ang paglagok niya sa bote ng vodka. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at nag-aantay ng kasunod niyang sasabihin. "Siguro nagselos yun sa nakita niya Kuya. Tapos naisip niyang kapag pinagpatuloy niya pa ang pakikipaglapit sayo ay baka makasira siya ng relasyon" mahabang pagpapaliwanag ni Luis sakin. Hindi na ako nagtataka kay Luis. Sadyanh matalino siya dati pa. Kaya maraminh babae ang nahuhumaling sa kapatid kong ito ay dahil narin sa magaling itong umisip ng paraan para mapakilig ang mga babae. "Maniwala ka Kuya! Yan lang ang tanging naisip kong dahilan pwera nalang kung may malapit sa kanyang ibang tao ngayon" dugtong niya. Natigilan ako sa narinig ko iyon sa kanya. Napaisip ako. Dalawang tao lang naman ang alam kong malapit kay Den. Si Lloyd at si Jerome. Sa kilos ni Lloyd ay halatang may gusto siya kay Den. Lalo na si Jerome na nalaman kong nagtapat na ng pag-ibig kay Den. Nalaman ko iyon kay Kerby. Kailangan kong kausapin si Jerome. Kailangan ipaalala ko sa kanya na sakin lang si Den at hindi sa kanya o kay Lloyd. Hindi naman siguro siya manhid para hindi niya mahalata sakin na mahal ko si Den. "Oh Kuya? Natulala ka na diyan?" Pagpuna sakin ni Luis. "Sir may bisita po kayo" sabi ni Manang. Isa sa mga katulong namin. "Papasukin mo Manang" sagot ko naman. Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas muli ng front door namin. "Hey! Paul!" Masayang bati sakin ni Bong. Isa sa malapit kong kaibigan. Madalas kasi yung banda niya ang inaarkila namin sa tuwing may selebrasyon kaming magkakaibigan dati. "Oy! Musta? Napadalaw ka? Tara dito. Upo" bati ko naman sa kanya. Nagkwentuhan kami. Ang daming niyang naikwento tungkol sa banda. Nalaman ko na sa darating na biyernes ay kaarawan na niya. "Hindi pwedeng mawala ka ah! Minsan lang uli tayo magbonding!" Sabi niya sakin. "Oo! Promise pupunta ako!" Sagot ko naman sa kanya. Sinabi niya kung saan ang venue. Sabihan ko narin daw ang ibang tropa para daw makapunta lahat. Wala na daw dapat pang problemahin. Mga pupunta nalang. Hindi narin nagtagal si Bong sa bahay. Yun lang talaga ang pinunta niya. Ang imbitahan ako. Sa tagal naming magkaibigan nitong si Bong ay hindi ko pa nakikilala ang pamilya nito. Hindi ko pa nga nakikita ang magulang o kapatid nitong taong ito eh. Masyadong malihim. Pinagpatuloy namin ni Luis ang pagiinom at kwentuhan. Nung naiba na ang topic namin ay hindi na ako interesado sa mga sinasabi niya. "Kuya mauna na ako sa kwarto. Medyo inaantok na ako" paalam sakin ni Luis. Nahalata niya yatang hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya. Kung tungkol iyon kay Den - kahit abutin kami ng umaga sa kwentuhan, interesado ako. Pero kung tungkol lang sa mga pambababae niya. Wag nalang. Alas onse. Naisipan kong lumabas at bumili pa sa 7/11 ng vodka. Hindi pa kasi ako inaantok sa nainom namin kanina. Ginamit ko ang motor ni Luis. Naisipan kong dumaan sa kalye nila Den. Kahit malayo, okay lang. Baka sakaling makita ko siya kahit sa gate man lang. Gusto ko rin siyang kausapin. Makalampas sa kapilya ng kalye nila ay naaninag ko ang pamilyar na katawan. Kahit nakatalikod iyon ay alam kong siya yun. Nakaramdam ako ng saya nung nakita ko siya. Nung aktong ikakambyo ko na ang motor ay may biglang lumabas sa kabilang eskinita. May hawak itong dalawang bote ng alak at inabot niya ang isa kay Den. Nun ko lang napagtanto na sasakyan pala ni Jerome ang nakaparada sa kaliwang bahagi ng kalye. Tinabihan ni Jerome si Den. Kapwa sila nakasandal sa sasakyan. Nakakaramdam ako ng init ng ulo. Parang sasabig din ang kalooban ko. Parang may libo libong karayom ang tumutusok sa dibdib ko. Bago pa ako makagawa ng hindi maganda ay ipinihit ko na ang motor at mabilis ko na itong pinaandar pabalik sa bahay namin. Dinampot ko ang cellphone ko at mabilis kong tinawagan si Allen. "Allen..."Sabi ko sa cellphone. "Oh! Alas dose na! Bakit napatawag ka?"- Allen "Punta ka dito sa bahay. Mag-iinom tayo" dugtong ko agad sa sinasabi ko. Jerome Kier Point of View Nandito ngayon kami sa Water Park resort. Dito kasi venue kung saan ginaganap ang birthday celebration ni Bingbong. Nandito rin ang ibang mga kaibigan ni Den. Pinakilala niya ako kanina sa kanila. Sila Christine, Joan, Jeff, Jherson at yung lalaking parang walang emosyon. Parang ako nga rin daw yun sabi ni Den eh. Nakaupo ako ngayon magisa dito sa isang table malapit sa table ng mga kaibigan ni Den. Napapangiti na nga lang ako sa tuwing maalala ko yung paguusap namin ni Den nung isang gabi eh. Flashback "Den oh.." Sabay abot ko sa kanya ng isang boteng redhorse. Nakasandal kami ngayon sa sasakyan ko. Ayaw daw niya kasi sa kanila kasi sobrang init. Kaya dito namin naisipan magpalipas ng oras. Pasado alas onse na kaya wala na masyadong tao dito. "Uy.. Punta ka sa birthday ni Kuya ha!" Basag ni Den sa katahimikang bumabalot samin. Napangiti ako sa sinabi niya. Ibig sabihin gusto rin niya akong makasama kaya iniimbita niya ako. "May lakad yata ako sa friday eh.." Kunwaring sagot ko sa kanya. Gusto ko kasing pilitin niya ako. Bahagya siyang tumahimik at pinagpatuloy ang paglagok sa hawak hawak na bote ng alak. "Pupunta ako sa isang kundisyon..." Mahinang sabi ko sa kanya. "Ano yun?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa mukha ko. End of flashback Nagsimula na ang selebrasyon. Patuloy ang pagikot ng mga waiter na may dalang wine para sa mga babae at ang iba naman ay patuloy sa paglalagay sa bawat table ng hard drinks. Wala pa si Den. Busy pa siguro sa pagtulong sa pagaayos. Naiinip na nga ak eh. Gusto ko na siyang makatabi uli. Gusto ko na uli siyang makausap. Nasanay na ng sobra ang sarili ko. Hinahanap hanap ko na siya. Nagsimula ng tumugtog ang banda. Nagsimula narin sa pagkanta ang bokalista. Ang ganda nga ng boses eh. Np: Till they take my heart away Nagsimula na ang kanya kanyang kwentuhan ng mga taong nasa paligid ko. Tawanan, asaran at yabangan. Natatawa na nga lang ako sa mga naririnig ko dito sa malapit sa table ko eh. Tumayo ako. Naglakad lakad ako hanggang sa nakita ko ang isang maliit ng upuan malapit sa pool slide. Hawak ko ang alak na iniinom ko. Naupo ako habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng resort na ito. Maganda. Maluwang at masaya. And when I hold you in my arms I promise you Natigilan akong bigla dahil sa naririnig kong kanta. You're gonna feel a love that's beautiful and new This time I'll love you even better than I ever did before And you'll be in my heart forevermore Dahan dahan akong tumayo upang makita ko kung kanino nanggagaling ang napakagandang boses na iyon. We, were just too young to know We fell inlove and let it go So easy to say the words goodbye, So hard to let the feelings die I know how much I need you now, The time is turning back somehow As soon as our hearts and soul unite I know for sure we'll get the feeling right Oh my God. Totoo ba ang nakikita ko? Totoo ba ang nasasaksihan ko? Totoo ba ang naririnig ko? Sa kanya ba talaga nanggagaling ang napakagandang boses na naririnig kong nakanta? And now, we're starting over again, It's not the easiest thing to do I'm feeling inside again,  Cause everytime I look at you I know we're starting over again, This time we'll leave all the pain away Welcome home my lover my friend We are starting over, over again. Ang sarap pakinggan. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko inaakala na sobrang ganda ng boses ni Den. Totoo nga ang sinabi ni Bingbong. Maiinlove ang sinumang makakarinig ng boses ni Den kapag kumanta na siya. Nagpatuloy pa siya sa pagkanta. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko magawang alisin ang pagkakatingin ko sa kanya. Pati ang mga taong nandito ay natuon ang atensyon sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pinapahatid ng kanta. Yung tipong may imaheng nabubuo sa isipan ko. Ang weird pero totoo ang sinasabi ko. Nagpalakpakan ang mga tao nung matapos ang kanta ni Den. May mga naghiyawan pa nga eh. "Mahal na kitaaaaaaa!" Narinig kong sigaw ng isang bisita ni Bingbong. Mahal your face! Ulul! Sakin lang si Den at hindi siya pwedeng mapunta sa kahiy kanino! Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya kaso nakapagpigil pa ako. Ayoko naman gumawa ng eksena dito. "Ehemmm.." Narinig ko mula sa speaker. Si Bingbong hawak hawak ang mikropono. "Maraming salamat sa inyo dahil pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ko. Enjoy lang kayo. Kung may kailangan kayo magsabi lang kayo sa mga waiter" mahabang litanya ni Bingbong. "Nga pala, hope you enjoy the CnY band. Si Den nga pala, vocalist pinsan ko" sabay abot ni Bingbong ng mikropono kay Den. Nagsimula nanaman sa pagsipra ng gitara ang gitarista. Sumabay na ang piano at drums. Maniniwala ka ba kung malaman mo Ikaw yata ang tinatangi ng puso kong ito Isipin mo nga kayang Nagbibiro lamang ako Mahal kita, mahal kita Palagay ko. No words can express how I feel tonight by hearing your so damn beautiful voice Den. Ang sarap sa pakiramdam na imaginin ko na kinakanta mo sakin yan. Palagay ko mahal kita Ikaw na nga walang iba Di pa kase masabi Ng puso ang nadarama Pansinin mo rin kaya Mahalin mo rin kaya Kasi na nga Palagay ko mahal kita. Yung sinasabi nilang slow motion walang sinabi sa nangyayaring fast forward ngayon sakin. Napipicture ko ang sarili ko na kasama ko si Den at kapwa kami masaya. Nahihibang na ako. Nahihibang na ako sayo Den. Sige lang, hihintayin kita Sige lang, sa tingin koy malapit na Kung magmamahal ka na Maalala mo ako, Maalala mo ako, palagay ko... Napapangiti ako sa twing bumubuo ako ng scenario sa isipan ko. Ang saya. Napakasaya ko. Yung makasama lang kita ng ilang oras napakasaya ko na - yun pa kayang makasama kita hanggang sa pagtanda. Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Korni? Wala eh. Totoo lang ang sinasabi ko. Sobrang mahal ko na si Den. Hindi ko napansin na ubos na pala ang iniinom ko. Naglakad ako papunta sa table para kumuha pa. Pagkadampot ko sa isang bote ay napabaling ang tingin ko sa isang direksyon. "Paul..." Paul Francisco Point of View Medyo late na ako nakarating dito sa venue ng birthday celebration ni Bong. Ang daming tao. Yung iba mga kakilala ko pero karamihan ay bago lang sa mata ko. Habang naglalakad ako papunta sa isang bakanteng table ay napukaw ang dalawang tainga ng isang babaeng nakanta. Ang ganda ng boses. Corny man sabihin pero damang dama ko yung emosyon ng kanya niya. Ang galing talaga pumili ng vocalist ni Bong. Sigurado ako maraming ng ipon ang mokong na yun. Pagkakuha ko ng isang bote ng alak ay humarap na ako sa pinanggagalingan ng boses. Shit. Ikinurap ko pa ng isang beses ang mata ko at muli kong tinuon ang atensyon ko sa pinagmumulan ng boses. Tangina! Totoo nga. Hindi ko inaakalang ganyang kaganda ang boses ni Den - ng taong sobrang mahal ko. Dahil sa pagkamangha ko sa kanya ay na-straight ko ang laman ng boteng hawak ko at pagkatapos ay kumuha pa ako ng isa. "Pare kukunin ko number niyan pagkatapos nyang kumanta" narinig kong sabi ng isang lalaki na nakapwesto malapit sa lugar na kinatatayuan ko. "Uunahan na kita. Type ko siya" sagot naman ng kausap niya. Aba mga tarantado tong mga to ah! Hindi ba nila alam na pagmamay-ari ko yang taong nakanta! Hindi ba nila alam na sakin lang si Den dahil ako ang nararapat para sa kanya. Nilapitan ko ang mga tarantado. "Huwag niyo lang susubukang lumapit sa kanya. Magkakagulo tayo dito pagnakita kong lumapit kayo sa kanya" iritable kong pagbabanta sa kanila. Wala na akong narinig na sagot mula sa kanila. Halatang natakot. Hindi naman talaga ako nagbibiro. Lulunurin ko talaga sila kapag nakita kong lumapit sila kay Den. Naglakad na muli ako pabalik sa table ko nung marinig kong nagsalita sa mikropono si Bong. Nagpasalamat ito at sinabi niyang kung sakaling may kailangan ay magsabi lang sa mga waiter. Uupo na sana ako nung mas kinabigla ko pa ang kasunod niyang sinabi. Pinsan daw niya si Den at vocalist ng banda. Si Den pala ang palaging kinukwento noon ni Bong sakin. Yung vocalist na basta basta nalang nag-quit dahil sa malalim na rason. Nagsimula na ulit tumugtog ang banda. Kumanta ulit si Den. Para akong lutang habang pinapakinggan ko siya habang nakanta. Ang sarap sa pakiramdam. Sana ako yung taong iniisip niya habang kumakanta siya. Matapos ang kanta ay nakita kong bumaba ng stage si Den. Tama! Sasalubungin ko siya. Kakausapin ko siya. Nakangiti akong naglalakad papunta sa direksyon ni Den. Ito na yung pagkakataon ko. Dapat magkaayos na kami. Dapat masabi ko ng maayos ang nararamdaman ko para sa kanya at maipaliwanag ang lahat ng mga nangyari. Ilang hakbang nalang. "Uyy! Paul! I'm glad you're here. By the way, si Rachel. Remember?" Biglang sulpot ni Bong sa harapan ko. Rachel? Ahh tama! Si Rachel Solis! Yung classmate namin dati. Iba na itsura ngayon ng babaeng ito ah. Gumanda ang hubog ng katawan hindi na katulad dati na saksakan ng botog! "Ahh. Si Rachel. Oo naalala ko na." Nakangiting sagot ko sa kanya. "Oh maiwan ko muna kayong dalawa. Marami pa akong kakausapin. Just enjoy the night" huling sinabi ni Bong bago siya tuluyang umalis. "Oh kumusta ka na? Laki na ng pinagbago mo ah" sabi ni Rachel. Malaki narin ang pinagbago niya. Hindi narin katulad ng dati ng nuknukan ng talandi. Nagkaroon na ng maayos na pananalita at mukhang may class na ang dating niya. "Okay lang. Ikaw rin. Gumanda ka lalo" nakangiti kong puri sa kanya. Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Puro yung tungkol sa nakaraan ang pinag-uusapan namin. Bigla ko nalang naalala ang dapat kong gawin. Ang puntahan si Den at kausapin ito. Nilinga linga ko ang paligid ko. Nakakainis! Bigla bigla nalang kasing nasulpot si Bong. Nawala tuloy sa paningin ko si Den. Inikot ko pa ang mata ko sa kabuuan ng lugar. Nagtagumpay naman ako at nakita ko na ang taong hinahanap ko. Nakaupo siya at... at may kasama. Si Jerome. Bumibilis nanaman ang sirkulasyon ng dugo ko. Naiinis nanaman ako. Bakit na sa lahat nalang ng pagkakataon ay palagi silang magkasama? "Paul are you okay?" Tanong sakin ni Rachel. Nahalata niya atang nag-iba ang aura ko. "Oh..I see. Tara. Dun tayo sa table" sabay hatak niya sa kamay ko. Nagpaubaya na ako. Kailangan mawala ang init ng ulo ko. Ayokong gumawa ng kahit na anong eksena samin ni Jerome dito. Huli na ng mapansin kong magkatabi lang pala kami ng table nila Den. Nakita kong napatingin samin si Den pati si Jerome. Takte! Lagi nalang wrong timing. Napakamalas ko talaga! "Uy Paul. Nandito ka rin pala" bati sakin ni Jerome. Wala! Wala ako dito! Obvious ba? Wag mo ako makausap ng ganyan Jerome! Hindi ko gusto ang nakikita kong ginagawa mo. At saka kailan pa naging ganitong kaligalig si Jerome? Bihira lang magsalita ito ah! "Naimbitahan lang. Matagal ko ng kaibigan si Bong" plain tone na sagot ko sa kanya. "Kaibigan mo pala si Kuya, Paul. Ikaw siguro yung kinukwento niya sakin dati na gangster" kasunod nun ay ang pagtawa ni Den. Paul? Bakit Paul ang tawag mo sakin Den? Hindi ako sanay! Parang may kakaiba sa pakiramdam ko ngayon. Hindi ako naapektuhan nung salitang gangster pero yung pagtawag niya sakin ng Paul - yun ang parang naging dahilan kung bakit parang may libu-libong karayon ngayon sa dibdib ko. "Magkakakilala pala kayo - mas maganda siguro kung dito nalang tayo sa isang table" nakangiting komento ni Rachel. Aba! Nananadya talaga itong babaeng ito ah! Hindi ba niya nahahalata? Hindi ba niya nahahalata na nagseselos ako sa nakikita ko? "Don't worry. Akong bahala" bulong sakin ni Rachel sabay kindat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD