Jerome Kier Point of View
"You like it?" Tanong ko kay Den habang naglalakad kaming dalawa sa gilid ng mapipinong alon.
Tango lamang ang isinagot sakin ni Den.
Gusto ko sanang isuot sa kanya ang suot suot kong jacket pero may suot na siya. Halatang hindi sa kanya yung jacket dahil masyadong malaki para sa kanya ang sukat nito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang lugar kung saan ko talaga pinaplanong dalin siya.
"Upo tayo..." Mahinang sabi ko sa kanya.
Nakaupo kami ngayon sa isang malaking bato na sadyanh nakapwesto sa gilid ng dagat.
Tanging hampas lang ng mapipinong alon ang naririnig at bahagyang pagkanta na nagmumula sa cottage namin.
Tanaw na tanaw namin ang parola na walang tigil sa kaiikot sa kabilang ibayo.
Walang nagsasalita saming dalawa. Kapwa kami nakatuon ang atensyon sa walang tigil na pag-ikot ng ilaw sa kabilang ibayo.
"Nga pala, pasensya na sa nairegalo ko. Wala kasi akong -"
"Alam mo bang mas pinasaya mo ang birthday ko nung nakita kita at inabot mo sakin ang regalo mo?" Putol ko sa kanyang dapat na sasabihin.
"It's not about the gift - its about the effort" nakangiti kong sabi sa kanya.
Medyo nawawala na yung akward moment saming dalawa dahil nabasag na ang katahimikang bumabalot samin.
"Maraming salamat ah.." Sabi ko sa kanya tukoy ko sa mga cookies na niregalo niya sakin.
Matapos kong magpasalamat sa kanya ay nakita ko siyang biglang ngumiti.
"Oh anong problema mo?" Nakangiti parin niyang tanong sakin. Nahuli kasi niya akong nakatitig sa kanya.
"Wa..wala... Ito yata ang unang pagkakataon na napangiti kita" seryoso kong sabi sa kanya.
Binalot muli kami ng katahimikan.
Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Totoo pala yung kasabihan na kapag nasa harap ka na ng taong mahal mo ay makakalimutan mo lahat kahit ilang araw mo pang nipraktis ang mga linyang sasabihin mo sa kanya.
"Alam mo Den, dati gustong gusto kitang tanungin.." Mahinang panimula ko. Nararamdaman ko na nagsisimula ng bumilis ang lagabog ng dibdin ko.
"Ha?" Tanging naging reaksyon niya.
"Gustong tanungin ng ano?" Dugtong niya na may halong pagtataka.
"Tanungin na...kung pwede ba tayong magkaroon ng isang araw na para satin lang..." Lakas loob na dugtong ko.
Nanatiling tahimik si Den.
"Yung isang buong araw na makakausap kita ng matagal...yung maririnig ko yung boses mo...at yung...makukulitan ka sakin" mahabang dugtong ko sa sinasabi ko.
Takte! Ramdam na ramdam ko na ang tensyon sa sarili ko. Parang hindi ko yata kayang marinig kung anong isasagot niya sa sinabi ko.
"Pwede naman yun Rome... Kahit anong oras naman pwede tayong mag-usap, kwentuhan... Sak-"
Hindi ko na siya hinayaan pang maipagpatuloy ang kanyang sinasabi. Mabilis kong hinawakan ang dalawa niyang pisngi at agad ko siyang sini ng halik.
Tangna! Ano tong nararamdaman ko? Totoo pala yung pakiramdam na mararamdaman mo yung parang kuryente na dumadaloy sa katawan mo kapag magkadampi ang labi niyo ng taong mahal mo.
Damang dama ko ang napakapino at malambot na labo ni Den.
Hawak ko parin ang magkabila niyang pisngi. Ayaw ko siyang pakawalan. Ayoko matapos ang gabing ito.
Dahan dahan kong inihiwalay ang labi ko kay Den.
"Sana naiintindihan mo na ang ibig kong iparating Den..." Mahinang sabi ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sakin. Wala akong naririnig sa kanya na anumang salita. Pero bakas sa kanyang mga mata ang malaking katanungan at pagtataka.
"Den...I'm sor-"
"Hindi mo kailangan magsorry Rome."
Seryosong sabi ni Den.
"Rome, naiintindihan ko ang gusto mong iparating pero..."
"Pero ano Den?"
Tumahimik muli ang kapaligiran. Binalot muli kami ng katahimikan.
"Rome ayoko maging dahilan para magkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan."
"Hindi kita maintindihan..." -Ako
"At isa pa...pumayag na akong magpaligaw kay Lloyd."
Putangna! Unang beses kong naramdaman yung pakiramdam na parang may karayom na tumusok sa dibdib ko.
"Rome... Baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo... pakiramdaman mong maigi ang sarili mo, baka nalilito ka lang."
"Den sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo. Ang tagal kong kinimkim ito. Mahal kita Den..."
Tumayo si Den mula sa pagkakaupo niya. Hindi man niya ipakita ang mga luha mula sa mga mata niya ay nakita ko iyon. Ramdam ko rin ang pagsisinungaling niya at pagtatago sa isang bagay na nasa kalooban niya.
Kaagad rin akong tumayo.
Hinabol ko siya at niyapos ko siya.
Mahigpit.
Yung yapos na pinaparamdam ko ang totoonh nararamdaman ko para sa kanya.
"Den papatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal..."
"Papatunayan ko sayo na seryoso ako sa mga sinabi ko sayo..."
Bulong ko sa kanya habang yakap yakap ko siya.
Wala akong naririnig na kahit na ano mula kay Den bukod sa pigil na paghikbi na kanyang pilit itinatago.
Chriden Miguel Point of View
"Anong problema mo? Kanina ka pa tulala diyan ah" pansin sakin ni Sheryl.
"Ah..Wala. May iniisip lang" mabilis kong sagot sa kanya.
"Alam mo ganyang ganyan yung tiyahin ko. Nakatulala tapos kapag tinatanong kung ano problema lagi sinasagot may iniisip lang" mahabang sabi niya.
"Eh ano nangyari sa kanya?" Takang tanong ko sa kanya.
"Wala! Ano mangyayari!? Edi ayun tulala parin!" Sigaw niya sakin.
Tangnanto talaga! Hindi na nakausap ng seryoso!
Ano nga ba ang dapat kong gawin?
May dapat ba akong gawin?
Paulit-ulit ko paring naririnig ang mga sinabi ni Jerome sakin nung birthday niya. Ewan ko pero bakit nagkakaganito ako.
"Den may problema ba?" Biglang bumalik sa katinuan ang utak ko nung marinig ko iyon mula kay Lloyd.
"Ah..eh.. Wala. Medyo napaisip lang dahil sa exam kanina" palusot ko sa kanya.
"Huwag mo na ngang intindihin yun. Tara lunch tayo!" Sabi niya sakin sabay hila sa kaliwang kamay ko.
"Oy teka. May next subject pa ako... Hindi ako pwedeng-"
"Ooops! Wala kang next subject. Vacant ka kaya" nakangising putol niya sa sinasabi ko.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Hinayaan ko nalang siya kung saan kami makarating.
Lulan pa kasi ang isipan ko. Napakaraming bagay ang paulit ulit na gumugulo sa takbo ng isipan ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahing isipin.
Una si Francisco. Nakapagdisisyon na ako na iiwasan ko na siya. Nandiyan na si Catalina. Mas bagay sila. Babae si Catalina at narinig at malinaw naman sakin na boto ang pamilya niya sa babaeng yun. Kaya wala ng dahilan pa para makipagdikit pa ako sa kanya. Una palang naman ay pinagpanggap lang naman akong syota niya para hindi siya ireto kung kani-kanino.
Ngayong nandiyan na ang babaeng para sa kanya hindi na dapat akong napapalapit pa sa kanya. Lalo lang akong mahihirapan. Lalo ko lang papagitapan ang puso ko. Leche kasi eh! Akala ko naman wala lang lahat sakin ang mga nangyayari. Akala ko lang pala.
Pangalawa, si Jerome. Paulit-ulit parin sa utak ko ang mga sinabi niya sakin. Abnormal ba siya? Bakit niya ako nagustuhan? Mali! Mali! Akala ko nung una ay nag-aasume lang ako sa nararamdaman niya, yun pala totoo. Tama pala. Tama na mali. Kasi mali na magkagusto siya sakin.
Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi tama ang nararamdaman niya para sakin.
Pangatlo, si Lloyd. Tama ba ang ginagawa kong pagiging malapit sa kanya? Nakakawili rin kasi. Masaya at maintindihin ang taong ito. Kaso, tama ba na magpaligaw ako sa kanya?
Baka naman mangyari nanaman sakin ang nangyari samin ni Ariel dati.
Naalala ko nga sabi sakin ni Sheryl. Bakit daw hindi ko muling buksan ang puso ko sa isang seryosong relasyon. Yung relasyon na mararamdaman yung sinseridad at pagmamahalan ng bawat isa.
Bago ko siguro gawin yun ay dapat linawin ko muna ang lahat ng malabo sa nangyayari sakin ngayon. Ayusin ang mga problema.
"May problema ba Den?" Sita sakin ni Lloyd. Napansin yata niyang nakatitig lang ako sa frenchfries na nasa harapan ko.
"Kanina ka pa nakatulala diyan eh" dugtong niya.
Nginitian ko lang siya at kumuha akong fries at isinubo ko iyon.
"Ang sarap. Kain" nakangiting sabi ko sa kanya.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Madaming kinukwento si Lloyd. Naririnig kong lahat yun pero hindi napaprocess ng utak ko. Memory full na yata ang utak ko. Konting konti nalang ay maghahang na ako.
Kailangan ko ng magdelete sa utak ko o kailangan ko ng ireformat ito.
Ang hirap din pala ng ganito.
.
.
.
"Sige tol. Chat kita mamaya. Kukwento ko sayo yung alamat ng talong" paalam ni Sheryl bago nagsimulang maglakad palabas ng gate.
Langyang babae talagang to. Puro katarantaduhan ang naiisip.
"Mga Psyche Major talaga" - Lloyd.
"Subukan mo lang dugtungan ng di maganda" pagbabanta ko sa kanya dahilan para mapangiti siya.
"Osya - halika na nga. Gabi na."
"Anong halika na? Lakad na! May sasakyan ka. Kitakits nalang" sagot ko sa kanya.
"Sabay na tayo" mahinahong sabi niya habang naglalakad kami.
"Nakakahiya naman kasi palagi nalan-" bigla akong napatigil sa pagsasalita gayundin sa paglalakad.
"Bakit Den-?" -Lloyd.
Kahit gustuhin kong ihakbang ang paa ko ay hindi ko magawa. Napukaw ang atensyon ko sa dalawang taong nasa likuran ng sasakyan.
Bakit ganito ang kabog ng dibdib ko?
Bakit ganito ang t***k ng puso ko?
Bakit ganito ang pakiramdam ng dibdib ko?
"Den...." Narinig kong mahinang pagtawag sakin ni Lloyd.
Hinawakan ni Lloyd ang kamay ko. Dahan dahan niya akong hinila papunta sa kanyang sasakyan.
"Den!"
Lilingon ba ako?
Ano ang dapat kong gawin?
Putangina naman! Hindi ko alam ang gagawin ko.
Putangina naman! Bakit ang sakit sakit!
"Den!"
Bahagya akong tumigil sa paglalakad gayundin si Lloyd. malapit na kami sa sasakyan ni Lloyd.
Dahan dahan akong lumingon sa kanya.
"Den its not what you think... I can explain..."
"No. Wala kang dapat ipaliwanag. Okay lang yun" pinakamahinahong boses ko.
"Halika na. Isasabay na kitang umuwe" muling sabi niya.
"Huwag na. Ayos lang ako. Saka may kasabay na rin ako" sagot ko sa kanya.
"Ihahatid na kita! Halika ka na!" Matigas na pamimilit niya.
Ano ba itong nangyayari sakin?
Bakit ganito pakiramdam ko?
Bakit parang wala akong lakas?
Parang mawawalan ako ng malay dahil parang hindi na yata kaya ng utak ko ang mag-isip ng dapat kong gawin.
"Lets go Den-"
"Pre, ako na bahala kay Den. Pauwe narin talaga kami" narinig kong singit ni Lloyd.
"Huwag ka nga makialam samin. Problema namin ito at labas ka na dito!" Bulyaw ni Francisco.
Nararamdaman ko narin ang mainit na tagpo sa kanilang dalawa.
"Paul sasabay na ako kay Lloyd. Ingat pag-uwe" pagkatapos kong sabihin iyon ay sumakay na ako sa front seat.
Bakit ganito ang mata ko?
Bakit nararamdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng mga luha ko.
Tangina. Ayoko ng ganito.
"Ang sakit..."
"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Lloyd nung aktong pipihitin ko na ang seradura ng pintuan namin.
"Gusto mo bang pag-usapan?" Muling tanong niya sakin.
Tiningnan ko siya.
"Nu ka ba! Okay lang ako. Haha! Ingat ka pag-uwe ha. Salamat nga pala" sagot ko sa kanya.
Wala na akong narinig na salita pa kay Lloyd. Pumasok na ako sa loob ay nagdiretso na ako sa kwarto ko.
Matapos kong magpalit ng damit ay nahiga na ako sa kama ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko.
Gusto ko na matulog.
Gusto ko munang ipahinga ang isipan ko.
Paikot- ikot ako sa higaan ko. Paiba iba na ako ng pwesto pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Paulit ulit na nagpipicture sa utak ko ang scenario kanina.
Ang scenariong parang dumudurog sa puso ko.
Scenario kung saan nakita ng dalawa kong mata si Francisco na may kahalikang babae.
Takte! Di ko inaakalang masakit pala.
Di ko inaakala na ganito pala ang epekto nun sakin.
Akala ko ba gusto niya ako? Sinabi niya yun diba? Pinaramdam niya yun diba? Pero bakit ganon? Tangina naman oh! Ang hirap. Ang sakit. Putang kasakit.
Umaga na gising parin ako. Hindi ako dinalaw ng antok.
Maaga akong nagayos ng gamit ko papasok. Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay eh.
Aktong sasakay na ako ng bus nung makarinig ako ng busina. Nilingon ko iyon at nakita ko ang nakangiting si Lloyd.
Sumenyas siya sakin. Yung senyas na inaaya niya ako na sumakay sa sasakyan niya.
Napangiti ako. Itong taong talagang ito.
"Ang aga mo yatang pumasok? Mamaya pang 9:30 klase mo diba?" Tanong niya sakin.
"Maaga kasi akong nagising, kaya naisipan ko na maaga narin pumasok. May exam din kasi sa polsci eh" palusot ko.
"Napuyat ka tapos maaga ka nagising?" Takang tanong niya.
"Ha?" -Ako
"Halata naman sa mata mo na napuyat ka. Malamang maperfect mo ang exam niyo mamaya. Memorize mo na yata ang 1987 Constitution eh" pang-aasar niya.
Maigi naman at iyon ang nasa isip niya. Ayoko rin kasing isipin niya na dahil ito sa nakita ko kagabi.
Kailangan kong maging maayos.
Hindi dapat ako magpaapekto.
"Sigurado ka okay ka lang?" Tanong sakin ni Lloyd nung maghihiwalay na kami ng daan.
"Yap. Natext ko na si Sheryl. Papunta narin siya." Nakangiting sagot ko sa kanya.
Matapos naming maghiwalay ni Lloyd ay nagpunta na ako sa library. Doon kase ang usapan namin ni Sheryl magkita.
Magrereview daw eh paniguradong puro kalokohan nanaman ang gagawin ng babaeng yun.
Bago ko pa mahawakan ang pintuan ng library ay may humaltak na sa kamay ko.
Mabilis niya akong dinala sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya.
"Mag-usap tayo." Seryosong sabi niya.
Dapat nga ba kaming mag-usap?
Bakit kami mag-uusap?
Gusto ko bang pag-usapan?
Yan ang mga tanong na biglang nag-echo sa isipan ko.
"Nung gabing yon, hindi ko naman gustong gawin yun... Pero iyon lang ang paraan para -"
"Wala ka dapat ipaliwanag sakin Paul. Una wala ta-"
"Patapusin mo muna nga ako Chriden!" Medyo napapalakas na ang boses niya.
"Ako muna ang hayaan mong magsalita Paul. Kahit ngayon lang" mahinahong sagot ko sa kanya.
Natahimik siya. Naramdaman niya yata ang hindi tama sa sarili ko.
"Paul... Wala ka dapat ipaliwanag. Normal lang ang nangyayari. Ang hindi normal ay yung nangyayari satin." Panandalian akong huminto. Pilit kong nilalabanan ang mga luhang nagbabalak ng tumulo mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit gustong umiyak ng mata ko.
"Tama na Paul... Nasasaktan na kasi ako. Masasaktan ulit ako... Mahihirapan nanaman akong matulog sa gabi... Aasa nanaman ako... Kaya please... Tama na. Huwag na tayong gumawa ng bagay na alam natin na may masasaktan pa satin. Hindi ko narin kasi alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko..."
Matapos kong sabihin yun ay hindi ko na napigilan ang mga luha mula sa mata ko. Nagpatuloy ito sa pagdaloy.
"Den wala naman mali sa nangyayari ah! Bakit ba ganyan ka mag-isip? Bakit ba wala kang tiwala sa sarili mo! Gusto kita Den! Ikaw ang gusto ko! Ikaw ang mahal ko!"
Lalong nagdaloy ang mga luha ko nung narinig ko sa kanya ang mga salitang iyon. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap pakinggan.
Pero, nakapagdisisyon na ako. Tama na. Sapat na siguro na nalaman ko na mahal niya ako.
"Ano bang dapat pang problemahin Den?" Seryosong tanong niya.
"Paul kung talagang mahal mo ako hahayaan mo na ako. Ayoko makasakit ng ibang tao. Ayoko na rin masaktan. Hindi ko alam kung tama ba itong sinasabi ko pero ito ang dapat..."
Bakit ganun? Sakin nanggaling ang mga salitang yun pero bakit mas nasasaktan ako?
May parte sa puso ko na gustong bawiin ang lahat ng sinabi ko.
"Sige na. Papasok na ako. Maraming salamat..."
Matapos nun ay tumalikod na ako sa kanya.
"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo Den. Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon. Pagbibigyan kita sa ngayon. Hahayaan kitang mag-isip."
Huling narinig ko sa kanya at narinig kong umandar na ang sasakyan niya.
Habang naglalakad ako ay wala paring tigil ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko.
Ang sakit.
Ang sakit sakit.
Pero nagawa ko na ang tama. Hindi na ako makakagulo sa relasyon nila ni Catalina.
Mas bagay sila nun.
Sana maging masaya siya.
Sana makabuti ang ginawa kong disisyon.
.
.
.
"Sabi ko na nga ba eh dito kita makikita!" Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Si Lloyd papunta sakin habang may bitbit na barbeque at may kasamang marshmallows.
"Thanks!" Sabi ko sa kanya nung inabot niya sakin yung dala niya.
Nag-umpisa nanaman siyang magkwento. Ang dami nga eh. Kahit mga kalokohan niya kinukwento niya sakin.
Napapatawa pa nga ako sa bawat action na ginagawa niya habang nagkukwento.
"Tara! May pupuntahan tayo" pag-iiba niya sa usapan kasabay nun ay ang paghila niya sa kamay ko.
"Teka teka... Saan tayo pupunta!?" Tanong ko habang hila-hila niya ang kamay ko.
Tapos na ang klase namin. Nag-uwian na sila Sheryl kaya hindi na ako natutol kung saan man kami pupunta.
Ilang minuto rin namin tinahak ang lugar na sinasabi ni Lloyd.
"Tara dito sa tabi ko. Upo ka. Huwag ka matakot hindi naman guguho ang mga batong ito" nakangiting sabi niya.
Naupo ako sa tabi niya. Nakaharap kami sa dagat habang nakaupo sa mga patong-patong mga malalaking bato.
"Ang ganda no?" Wika ni Lloyd habang nakatuon sa harapan namin.
Napakaganda.
Kitang-kita ko ngayon ang paglubog ng araw. Ang sarap sa pakiramdam.
Natuon ang atensyon ko dun. Manghang mangha ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Alam mo Den, ang sagot sa problema ay problema din." Biglang sabi ng katabi ko.
"Ayokong ma-pressure ka sa mga nangyayari. Kapag naayos na ang gulo sa puso at isipan mo, at kung may pagkakataon pa para makapasok ako diyan, sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Gusto ko ngayon maliwanagan ka. Huwag ka mag-alala, nandito parin ako bilang kaibigan mo at nagmamahal parin sayo" mahabang sabi ni Lloyd habang nakatuon ang atensyon sa lumulubog na araw.
"Maraming salamat Lloyd.."
Kasunod nun ay ang pagpatak nanaman ng mga luha mula sa mata ko.