Jerome Kier Point of View
Ilang araw ko ng hindi nakikita si Den. Namimiss ko na siya. Bakit ba kasi wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Kahit alam kong may gusto sa kanya ang kaibigan kong si Paul ay hindi ko parin magawang magparaya. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Kahit alam kong mali ito ay may parte sa isipan kong tama lang basta maging masaya ako.
Nakipaghiwalay ako sa girlfriend ko kasi yun ang alam kong tama para kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ligawan si Den ay wala na akong problema.
Kanina pa ako nakaupo dito sa cafeteria pero ni anino ng taong gusto ko ay hindi ko makita.
"Uy pre sino inaantay mo?" Tanong sakin ni Allen. Kasama niya ang buong tropa.
"Wala. Maingay kasi sa room" matipid kong sagot sa kanya. Pero ang totoo ay inaantay ko si Den. Matagal ko na kasi siyang hindi nakikita. Hindi rin kasi niya sinasagot ang tawag at mga text message ko sa kanya.
Napagdisisyunan ko narin na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Ang hirap kasi ng ganito, yung hindi ko malaman kung saan ko ilalagay ang sarili ko sa kanya. Ang hirap matulog sa gabi dahil palagi nalang siya ang laman ng isipan ko.
Ang hirap ng kinikimkim ko lamang ang nararamdaman ko.
Handa na ako sa pwedeng maging kahinatnan ng gagawin ko.
Kahit magalit sakin si Paul ayos lang basta ang mahalaga ay maging totoo ako sa sasabihin ko.
Kahit anong isagot sakin ni Den ay gagawa parin ako ng paraan para maging ako at ako lang ang para sa kanya.
Hibang na talaga yata ako.
"Mauna na muna ako sanyo. May family dinner pa kami" sabi ni Paul sabay kuha sa kanyang bag.
"Anong plano?" Ani ni Allen saken.
"Anong plano?" Tanong ko naman sa kanya.
"Asus! Kunwari ka pa! Birthday mo na sa isang araw ah!" Singit naman ni Jeck.
Ay oo nga pala. Birthday ko na sa isang araw. Hindi ko man lang napansin na malapit na ito. Si Den may kasalanan nito eh. Siya palagi ang laman ng isipan ko kaya pati sarili kong birthday ay nakakalimutan ko.
Tama! Sa Villa Excellence ko ice-celebrate ang birthday ko. Iimbitahan ko silang lahat. Iimbitahan ko rin si Den para makasama ko ulit siya. Unti-unti akong tityempo para masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko pati sa mga kaibigan ko.
"Tama! Thanks Allen!" Nakangiti kong sabi sa kanya sabay dampot ng bag ko.
"Okay ka lang Jerome? Anong nangyayari sayo?" Nakatangang sabi ni Jeck.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Jeck at mabilis na akong tumakbo papunta sa sasakyan ko.
Gagala muna akong mag-isa at iisip ng paraan kung ano nga ba ang gagawin kong paraan para masabi ko sa kanya ang lahat.
Napagpasyahan kong magpunta sa EK. Doon lang naman ako nawiwili kahit nagpapaikot-ikot lang ako don. Ang sarap kasing tingnan ang mga taong nakasakay sa mga rides at sayang-saya sila.
Tinahak ko na ang daan patungo dun. Napapansin ko nalang ang sarili ko na napapangiti sa tuwing maiimagine ko ang mga pwedeng mangyari sa birthday ko.
Gusto ko sa birthday ko ay masolo ko si Den. Yung tipong makakapag-usap kaming dalawa. Uupo kami sa tabing dagat at magpapalitan ng bawat kwento ng buhay namin. Tapos ikukwento ko sa kanya lahat ng tungkol sa nararamdaman ko.
Isipin ko palang kinikilig na ako.
Hindi ko napansin na nasa harapan na pala ako ng EK. Mabilis kong ni-park ang sasakyan ko at pumasok na ako sa loob.
Nag-ikot-ikot ako.
Bumili ako ng hotdog sandwich at naupo ako sa bench na malapit sa flying fiesta.
Napabalik tingin ako nung may napansin akong pamilyar na mukha sakin. Actually hindi pamilyar. Yun yung mukha ng taong mahal ko.
Kasama niya ang nakababata niyang kapatid at.. takte! Bakit kasama niya si Lloyd?
Lihim ko silang sinundan. Kitang-kita ko sa mukha niya ang sayang nararamdaman niya.
Sana ako lang ang nakakapag-bigay sa kanya ng ganyang klaseng ngiti at saya.
Dumiretso sila sa booth ng Henna. Halatang kapatid niya ang nagyaya don dahil bakas sa mukha ni Chrien ang pagkainip na makapunta sa henna booth.
Mabilis akong tumalikod nung napansin kong lilingon sa pwesto ko si Den. Wala kasi siyang ibang lilingunan kundi itong nasa harapan kong tadtad ng mga stufftoys.
"Yes Sir? Gusto niyo pong itry? Magandang gift ito para sa girlfriend niyo." Biglang sabi nung babae.
Pakialamero tong babaeng to ah! FYI! Hindi ako magkakaGirlfriend dahil kapag naging kami na ni Den ay Boyfriend ko na siya!
Pero sabagay magaganda nga yung mga stufftoys na nakasabit. Sigurado ako magugustuhan ito ni Den.
"Okay. I'll try" sabi ko sa babaeng pakialamera.
Pinaliwanag niya kung paano laruin yun. Madali lang pala.
"Goodluck Kuya! Kaya mo yan" huling sabi niya bago tuluyang tumunog yung buzzer na senyales na simula na ng laro.
Nasa kalagitnaan na ako ng game nung maamoy ko ang sobrang pamilyar na pabango. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Den iyon.
Nakilala na kaya niya ako?
Ano sasabihin ko sa kanya?
Sasabihin ko na ba agad na mahal ko siya? Takte! Ang bilis naman! Excited!
"Ang galing mo Kuya! Pili ka na po premyo" sabi nung babae sakin. Tinuro ko yung pinakamalaki at pinakamaganda. Inabot sakin yun at mabilis ko iyon kinuha.
Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko.
"I got this for you"
Halatang nagulat siya sakin.
OhMyGod! Ang tagal kong gustong makita ang mukha nitong kaharap ko. Pakiramdam ko ay nakapokus lang sa kanya ang buong presensya ko.
Tama nga ako... Mahal ko na itong taong ito.
Tinanong niya ako kung sino kasama ko. Syempre, nagpalusot nalang ako.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nung biglang sumingit ang mokong. Si Lloyd.
"Awesome mo mukha mo!" Mahinang bulong ko. Pasira ng moment to.
Nagpaalam na agad ako kay Den at sa kapatid nito.
Hindi pa ako nakakalakad palayo nung narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Bahagya akong tumigil pero hindi ako nalingon sa kanya.
"Thankyou...."
Napangiti ako sa narinig ko.
Itinaas ko ang kamay ko at nagthums up ako.
Sigurado na ako - mahal ko tong taong ito.
Chriden Miguel Point of View
"Kuya pwede ba akong sumama?" Sabi ng kapatid ko habang inilalagay ko sa bag ang mga gamit ko. Sa Villa Excellance kasi naisipan ni Jerome i-celebrate ang birthday niya. Ewan ko ba dun. Sabi kasi ni Kerby ay gusto ng magulang ni Jerome na sa Oasis si Jerome magcelebrate kaso tinanggihan daw iyon ni Jerome. Abnormal talaga yun.
"Bunso, hindi pwede ang bata dun ee. Saka puro kasing edad ko ang kasama ko dun, hindi kita maaasikaso" sagot ko sa kanya habang hawak hawak ko ang magkabilang pisngi niya.
Napansin kong medyo nag-iba ang pustura ng mukha ng kapatid ko kaya binuhat ko agad siya.
"Promise pagkatapos ng birthday ni Kuya Jerome gagala uli tayo bunso" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Promise kuya?"
"Promise bunso!"
Mabilis ko ng kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay. Pumayag naman si Mama kaya wala na akong problema.
"Maaaaa! Alis na ako" sigaw ko kay Mama.
"Sige. Mag-iingat ka don ah! Wag kang talande!" Sagot ni Mama.
Garabe siya oh! Lakas makatalande!
Naglakad na ako palabas ng eskinita namin. Katulad ng dati maraming tao. Hapon na kasi eh. Baliktad nga dito sa lugar namin, walang naghayang tao sa umaga pero pagsapit naman ng hapon hanggang madaling araw saksakan ng daming nakatambay. Pugad yata ng mga aswang itong lugar namin.
"Mukhang may nakalimutan ka?" Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.
"Lloyd!" Gulat kong bati sa kanya. Mas ikinagulat ko ang itsura niya. Skinny jeans na binabagayan ang suit niyang puting sando dahilan para lumabas ang magandang hubog ng kanyang katawan. Nakasuot ng black shades at buhok na may fix clay.
"Mukhang may nakalimutan ka yata?" Pag-uulit niya.
"Ha?" Tanging nasabi ko sa kanya.
"Nakalimutan mo ako."
Hindi ko malaman kung ano nga ba ang isasagot ko sa kanyang sinabi. Tanging ngiti lang ang naiganti ko sa kanya.
"Lets go. I'm also invited" nakangisi niyang sabi sakin.
"Den ang boyfriend mo? Astig ah!" Tanong ni Rickmark na nakatambay habang may subo subong sigarilyo.
"Hindi no! Kaibi-"
"Soon to be.." Sagot ni Lloyd dahilan para maputol ang pagsagot ko.
Pinagbuksan ako ng pintuan ni Lloyd at tumingin siya sakin ng tingin na nangangahulugang pumasok na ako sa loob ng kanyang sasakyan.
"Thanks.." Maikling sabi ko sa kanya.
Nagsimula ng paandarin ni Lloyd ang kanyang sasakyan. Ini-on niya ang mini component ng kanyang sasakyan at nagsimula ko ng marinig ang mga kanta ng Carpenters "We've only just began".
"Den can I ask you something?" Pagbasag ni Lloyd sa katahimikang bumabalot saming dalawa.
Tiningnan ko siya. Seryoso. Ewan ko ba pero parang bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Ano yun?" Mahinang sagot ko sa kanya.
"Do I have a chance?" Seryosong tanong niya sakin.
Lalo akong napatitig sa kanya.
Ano nga ba ang isasagot ko?
Ano ba ang dapat kong isagot?
Ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya?
Naramdaman kong bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ako mapakali.
Binalot muli kaming dalawa ng katahimikan. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Okay.. Huwag mo munang pilitin sumagot. Naiintindihan kita." Basag niya muli sa katahimikan saming dalawa.
.
.
.
"We're here" nakangiting sabi sakin ni Lloyd. Bumaba na kami ng sasakyan.
Aktong kukuhanin ko na ang gamit ko sa compartment ng kanyang sasakyang pero pinigilan niya ako.
"Ooops. This is my job" nakangising sabi niya.
"All you have to do is to walk beside me" dugtong niya.
Nakakapanibago talaga itong lalaking ito. Kanina ko pa kasi napapansin na sobrang gentle naman niya sakin. Lakas makababae nito ah!
"Hey Den! Akala namin hindi ka pupunta eh. Ipapasundo ka sana ni -"
"Den! Dala mo ba yung googles natin?" Singit ni Sheryl dahilan para maputol yung sinasabi ni Allen.
"Googles?" Sabay sabay naming ulit nila Allen at Lloyd.
"Oo! Yung nilalagay sa mata para makita mong maigi yung ilalim!" Bulyaw na sagot ni Sheryl.
"Tanga! Goggles yun!" Sigaw ko sa kanya. Takteng babae to! Nuknukan ng tanga talaga! Nakakahiya pa sa mga nakarinig!
Nagtawanan ang lahat ng mga taong nakarinig samin pati itong si Lloyd na katabi ko.
"Tangnamo! Wag mo akong pinapahiya!" Sabi ni Sheryl.
"Osya tara na. Naguguton na ako eh" yaya ko sa kanila.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa cottage kung saan nandoon ang mga kaibigan at inimbitahan ni Jerome.
Alas siete na ng gabi kaya medyo malamig na ang hangin dito. Nasa tabing dagat kasi kami. May nakaset up na mga instrumento sa maliit na stage at may nakasabit na party ball sa gitna. May mga maliit na liwanag din na nanggagaling sa mga nakaset up sa bawat gilid ng stage.
"Thank you for coming Den." Narinig kong boses mula sa likuran ko.
"Uyyy! Rome! Happy Birthday!" Bati ko sa kanya at inabot ko sa kanya ang simpleng regalo ko na nakabalot sa maliit na box.
"Thanks. Enjoy ka ha.. Usap tayo maya" huling sabi niya sakin bago tuluyang pumunta sa iba niyang mga bisita.
Nagsimula ng tumugtog ang mga kaibigan ni Jerome sa stage. Nagsimula narin kumanta ang isang babaeng hindi pamilyar sakin ang mukha. Pero aminado ako, maganda siya.
"Party naaaaa! Inuman na!" Sigaw ni Kerby habang may hawak hawak na alak.
Naramdaman ko nalang na may bagay na pumatong sa magkabila kong balikat.
"Ayoko naman na sipunin ka dito." Sabi ni Lloyd at tuluyan na niyang isinuot sakin ang kanyang jacket.
"Salamat" mahinang sabi ko sa kanya.
Nakijoin na kami sa celebration. Umupo na kami sa isang mahabang upuan kung saan patuloy na umiikot ang basong may lamang alak.
Bahala na. Kailangan mag-enjoy ako. Mag-iinom ako. Hahaha!
"Den pabantay naman ng upuan. Iihi lang ako" ani ng katabi kong si Jake. Isa sa mga naimbitahan ni Jerome sa school namin.
"Okay sige"
"Salamat."
Nagpatuloy ang ikot ng baso at kanya kanyang kwentuhan. Katabi ko si Lloyd na nakikipagsabayan narin ng kwentuhan ng mga kasama namin.
Naramdaman kong bumalik na si Jake sa tabi ko. Hindi ko na siya nilingon.
"Den shot mo na!" Sigaw sakin ni Kerby.
Mabilis kong ininom ang basong inabot sakin ni Lloyd at agad ko iyong binalik sa kanila.
"Den abot mo sa kasunod" sigaw ulit ni Kerby.
Kinuha ko yung baso at mabilis akong humarap sa katabi kong si Jake.
Aktong iaabot ko na yung baso nung natigilan ako sa nakita ko.
"Francisco!?"
Paul Francisco Point of View
"Okay. On the way na ako papunta sa Villa Excellance." Sagot ko kay Allen.
Ewan ko ba kay Jerome kung bakit doon pa naisipan i-celebrate ang birthday niya. Nakakapanibago.
Aktong pipihitin ko na ang susi ng sasakyan ko ng biglang mahulog ang isang maliit na box mula sa ibabaw ng minicomponent ko.
Napangiti ako.
Tagal kong nag-aantay ng pagkakataon para maibigay kay Den to. Gusto ko ako ang magsuot sa kanya nito.
Sigurado ako gusto niya ito. Nakita ko kasi siya nung nagpunta kami sa mindoro dati na nakatingin sa bagay na ito.
Nabasa ko rin sa kanyang memo notes na isa ito sa mga bagay na gusto niya. Kaya sigurado ako magiging masaya siya sa gagawin ko.
Sana worth it yung pagtitiis kong hindi siya makasama. Ayoko kasing madali siyang magsawa sakin. May narinig kasi ako na kapag daw araw araw magkasama ay may chance daw makaramdam ng pagsasawa. Ayoko kaya dumating yung puntong iyon.
Kung ako, hinding hindi ako magsasawa kay Den. Mahal ko kaya yung taong yun. Kahit isip bata yun mahal ko yun.
Nagpatuloy na ako sa pagtahak ng daan papuntang sa villa excellance. Sigurado ako na kanina pa sila nagsisimula. Mga takaw alak din mga kaibigan ko eh.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ako.
"Happy Birthday Bro!" Bati ko kay Jerome sabay tapik sa kanyang balikat.
"Salamat! Akala ko hindi ka na dadating eh." -Jerome.
Mabilis din naputol ang pag-uusap namin dahil sa napakaraming bumabati sa kanya.
Iba ang aura ni Jerome ngayon ah. Parang ang saya saya niya. Hindi na katulad dati na laging nakasimangot at hindi marunong ngumiti.
"Oy! Shot mo!"
Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni Allen yun. Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan nun. Tama nga. Nagiinom na sila at napakaiingay na nila.
Habang papalapit ako sa kanila ay bigla akong napatigil.
Tama nga ba ang nakikita ko?
Bakit magkasama silang dalawa?
Bakit nakaakbay ang impaktong yun sa taong mahal ko?
Ewan ko pero parang nagiinit ang ulo ko.
Kontrol.
Kontrol.
Kalma.
Kalma.
Hindi ako pwedeng gumawa ng kahit na anong gulo. Ayoko masira ang selebrasyon ni Jerome.
Napansin kong tumayo ang katabi ni Den at iyon ang kinuha kong pagkakataon para makaupo ako sa tabi niya. Hindi siya nalingon sakin.
Ang sarap tingnan ang ngiti sa kanyang mukha.
Siya na nga ang gusto kong makasama araw-araw, sa paggising ko at sa pagtanda ko. Ano nga bang meron ka Den? Bakit ako nagkakaganito sayo.
"Oh Shot mo na!" Sigaw ni Allen patukoy sakin. Hindi na siya nagulat sa pagdating ko dahil alam naman niyang pupunta ako. Tinawagan pa nga niya ako kanina.
Nung aktong iaabot na sakin ng katabi ko ang baso.
"Paul?" Gulat na pagbati niya.
"Hi! Long time no see..." Mahinang sabi ko sa kanya sabay kuha sa inaabot niyang baso na may lamang alak.
"Ah.. Eh.. Musta ka na? Nasaan sila Franco?" Tanging nasabi niya sakin.
"Susubukan daw nilang sumunod dito" maikling sagot ko sa kanya.
Tangina! Napipikon na ako kanina pa. ang sakit sa mata ng nakikita ko. Bakit ba ayaw pa tanggalin ni Den ang kamay ng impaktong si Lloyd!
Nagpatuloy ang inuman namin. Nakatingin lamang ako sa taong katabi ko na busy rin naman sa pakikipagkwentuhan.
Naiinis ako.
Nanggigitil ako.
NAGSESELOS AKO!!!!
"This next song is dedicated to Chriden"
Bigla akong napalingon sa pinaggalingan ng boses na iyon. Galing iyon sa taong kumakanta sa stage.
"Hi Den! Hope you like this song. Before this night ends I'm going to talk to you, let me say - confess my feelings" dugtong nung singer habang may binabasang maliit na papel.
Tangina! Hindi ko nanaman nagustuhan ang narinig ko.
Nakatingin lamang si Den sa taong nagsasalita sa stage. Halata sa mukha niya ang pagtataka sa naririnig namin.
"Mukhang may karibal na agad ako sayo Den ah" nakangiting sabi ni Lloyd.
Tangnanto ah! Nananadya yata ang pagkakataong ito sakin!
Nagsimula ng kumanta yung nasa stage. (please play: Can't find a words to say goodbye)
Biglang tumahimik ang buong paligid. Pati yung mga kasama kong nagiinom ay tumahimik din.
Natapos ang kanya na binalot ng buong katahimikan ang paligid. Naiinis na talaga ako.
"Hi guys! Enjoy lang kayo ha.." Narinig kong sabi ni Jerome mula sa likuran namin.
"Ayos pre. Ang saya ng birthday mo ah! Live band pa!" Sabi ni Kerby habang may hawak hawak na bbq.
"Den, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya sa taong katabi ko.
"Yung tayong dalawa lang..." Dugtong niya.
Tiningnan ko siya. Seryoso nakatuon ang mga mata niya sa taong katabi ko.
Tumingin si Den kay Lloyd.
Hindi nakangiti at hindi tin nakasimangot si Lloyd sa kanya.
Nakatingin rin sila Allen at Kerby kay Jerome.
"I just want to talk to you...alone" mahinang sabi pa ni Jerome.
Tangna naman! Jerome! Alam mo naman siguro na akin si Den diba?
"Jerome" sabi ko sa kanya.
Tiningnan lang ako ni Jerome at binalik ang pagkakatingin kay Den.
Dahan-dahan tumayo si Den.
Den! Please stay...please...
Hindi na ako lumingon pa sa kanila. Wala ng lumabas ng salita sa bibig ko. Ang tanging nararamdaman ko nalang ay inis sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya nakayang pigilan.
"Den..." Narinig kong sabi ni Lloyd.
"Don't worry Lloyd. Ibabalik ko rin si Den" sagot naman ni Jerome at nagpatuloy na sila sa paglalakad palayo.
"Hey guys! Party party na uli! Shooooooooot! Sigaw ni Allen.