Chriden Miguel Point of View
Dahan-dahan siyang lumalapit sakin. Dahan-dahan rin niyang inilalapit ang kanyang kamay sa mukha ko.
"Lloyd...."
"Don't worry. Handa ako sa kung ano man ang magiging disisyon mo" sabi niya habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ko.
.
.
.
"Kuya kailan uli tayo gagala? Busy kasi palagi si Mama. Gusto ko magpunta sa Park" sabi ni Chrien habang nakahiga sa hita ko.
"Bukas bunso gala tayo. Tutal wala naman akong pasok bukas.
Dahil sa maselang damdamin ko ay nakakalimutan ko na pasayahin ang kapatid ko. Dati-rati kasi madalas kaming gumala at magpunta kung saan saan.
Nakahiga na ako ngayon dito sa kama ko.
Kahit anong gawing ko ay hindi ako dalawin ng antok. Naisipan kong bumaba at kumuha ako sa ref namin ng isang R5 na Redhorse. Pampaantok lang.
Naupo ako sa terrace namin at ipinatong ko ang cellphone ko na patuloy na tumutugtog (Thinking Out Loud Mash up I know I'm not the Only One)
11:35pm.
Bakit nga ba ako hindi makatulog? Dahil ba sa nalaman ko na may namamagitan kay Catalina at Francisco? Dahil ba kay Jerome? O dahil ba sa sinabi ni Lloyd sakin kanina? Takte! Ang saket na ng ulo ko dahil sa mga yan. Kahit anong gawin kong pag-iwas sa pag-iisip ko sa mga yan ay pilit parin pumapasok sa isipan ko.
Gusto ko nga ba talaga si Francisco? O baka naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko?
Hindi na nagiging maayos ang sirkulasyon ng dugo sa utak ko dahil sa kaiisip.
Lord bigyan mo naman po ako ng sign kung ano ang dapat kong gawin.
Muli ay itinaas ko ang boteng nasa harapan ko at tinungga ko agad iyon.
Kung sakaling gusto ko nga si Francisco ay dapat ko rin pigilan ang sarili ko. Ayoko makasira o makagulo ng relasyon. Boto kay Catalina ang mga magulang ni Francisco, babae sya eh ako? Haayy. Bakit nga ba ang laking issue ang kasarian?
Lord please... Yung sign na madali kong magegets kung sino ang dapat para sakin at kung ano ang dapat kong gawin. Please...
Tumayo ako at tumungo muli sa ref. mukhang nabitin ako sa isang bote eh.
Tutal tulog nanaman si Mama kaya makakapagyosi ako. Kinuha ko ang Marlboro Red na nakatago sa ilalim ng kama ko. (mautak yata to! Hahaha)
Aktong sisindihan ko na yung yosi ko nung biglang tumunog ang cellphone ko.
"Gising ka pa?"
Aba! Siraulo yata tong taong ito ah! Hindi tulog na ako! Operator ng globe itong sumagot! (oh ayan! Pati globe inaasvertise ko. Hahaha) yan dapat ang sasabihin ko sa kanya.
"Medjo. Nagpapaantok ako" tipid kong sagot sa kanya.
"Ha? Paantok?" Takang tanong niya.
"Ah..eh.. Nag-iinom ako." -Ako.
"Daya mo...hindi mo man lang ako niyayakag" mahinang sabi niya sakin.
"Pasensya na.. Next time. Malayo ka kasi eh.." Sagot ko sa kanya.
"Pero pwede ako magpunta diyan?" Mabilis niyang tanong sakin.
"Oo naman! Hindi ka naman siguro mamamatay tao diba?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Ha? Maatim ko bang saktan at patayin ang taong mahal ko?" Diretsong sabi niya sakin.
Natigilan ako bigla sa narinig ko. Parang wala akong maisip na isagot sa sinabi niya.
JuskoLord! Ang bilis yata ng binigay mo saking sign! Eto na ba yun? Siya nga ba?
"Ano? Pwede ako pumunta?" Ulit niya sa kanyang sinasabi.
"Ah eh oo naman. Next time sasama kita dito samin. Iinom tayong dalawa" nakangiti kong sabi habang nakatapat sa tainga ko at bibig ang cellphone ko.
"Bakit next time pa? Eh nandito nanaman ako ngayon?"
Bigla muli akong natigilan nung marinig ko yun. Narinig ko na yung end tune sa cellphone ko kaya sigurado ako na hindi dun nanggaling yung boses na narinig ko.
Dahan-dahan kong nilingon ang gilid ng terrace namin. Takte! Nandito nga siya!
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko kay Lloyd na nakasuot lamang ng jersey short at white sando dahilan para lumabas ang malaki niyang katawan.
"I came to see you" nakangiti niyang sagot.
"Huwag mo nga akong ini-english! Nasa pilipinas tayo!" -Ako.
"Hindi mo man lang ba ako papaupuin?"
"Ayy.. Sorna ng sagad! Upo na. Huwag ka lang maingay baka magising si Mama" bilin ko sa kanya.
"Ano naman masama kung magising si Mama? Gusto ko nga siya makausap eh" -Lloyd.
Kausap? Wow! Close kayo? Adik to ah!
"Ha? Kausap? May transaction kayo ni Mama?" Takang tanong ko sa kanya.
Aba ang mokong tinawanan lang ako. Langya to ah!
Nagkwentuhan kaming dalawa ni Lloyd. May bitbit din pala siyang alak at french fries. Galing ah! Parang alam niya kung ano ang gusto kong kainin kapag nag-iinom.
"So, any plan... tomorrow?" Sabi niya habang nakatingin sakin.
"Ahmm.. Gala lang with my brother. Nakapagpromise kasi ako na igagala ko siya eh" -Ako.
"So, anong oras ko kayo susunduin?" Masayang tanong niya sakin.
"Ha? Bakit mo kami susunduin? Adik ka ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Diba sabi mo gagala kayo ng kapatid mo? Edi sasama ako! Kaya susunduin ko kayo."
"Oooops! Bawal ang huminde!" Dugtong niya nung aktong magsasalita ako.
Ano pa nga ba magagawa ko? Kaya pumayag narin ako. Isa pa makakatipid ako sa pamasahe at makakalayo kami kasi may sasakyan itong mokong na ito.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan at asaran. Masarap rin pala iyong kausap. Nakakawili kahit puro kahanginan ang sinasabi.
"Den! Den! Gabing gabi na bakit bukas pa ang -"
Hindi naituloy ni Mama ang kanyang sinasabi nung matuon ang kanyang atensyon saming dalawa ng katabi ko.
"Mharkie?"
"Tita?"
"Kuya Lloyd ang ganda naman dito..." Manghang ani ng kapatid ko habang nililibot namin itong Arts in Island.
Todo kuha pa nga ng picture si Lloyd sa kapatid ko eh.
"Pagkatapos natin dito bunso may pupuntahan pa tayo" nakangiting sabi ni Lloyd habang hawak-hawak ang kamay ng kapatid ko.
Hindi ko rin ineexpect na magkakilala pala sila ni Mama.
Flashback
"Mharkie?"
"Tita?"
Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Para kasing pareho silang nakakita ng multo.
"Bakit nandito ka? Kailan ka pa bumalik dito? Si Mommy mo musta na?" Sunod-sunod na tanong na narinig ko kay Mama.
"Tita, isa isa lang po ang tanong" matapos nun ay ang pagtawa ni Lloyd.
Nalaman kong mag-bestfriend pala ang mama ko at ang mommy ni Lloyd. Hindi kasi nagkukwento si mama tungkol dun kaya wala akong alam.
"Palagi naman pong busy si mama sa kanyang business kaya ako lang po palagi naiiwan dito sa pilipinas" -Lloyd.
"Haay naku yan talagang mommy mo wala parin pinagbago. Kahit naman nung mga bata pa kami ganyan na yan eh. Aral bahay, aral bahay. Akala nga namin hindi na makakapag-asawa yan eh" masayang kwento ni mama at nakuha pang maupo sa harapan namin.
"Eh ang daddy mo naman, kumusta na?" Dugtong ni mama sa kanyang sinasabi.
"Ganon din po tita. Napakadalang umuwe. Masyadong ginugugol ang oras sa negosyo rin." -Lloyd.
"Bagay na bagay nga ang mag-asawa. Ang ibig sabihin pala ay wala kang kasama sa bahay niyo? Eh ang ate mo naman?" -Mama
Naikwento rin ni Lloyd na may asawa na ang ate niya at sa hongkong na iyon naninirahan.
Kung iisipin, malungkot pala ang buhay nitong mokong na ito. Wala siyang kasama sa bahay. Mag-isa. Buti at nakakayanan niya iyon.
Nagpatuloy ang kwentuhan ni Mama at ni Lloyd. Parang wala nga ako kung magkwentuhan sila eh.
"Small world po talaga tita. Hindi ko rin po ineexpect na anak niyo po itong si Den" nakangiting sabi niya sabay akbay sakin.
Takte! Ano itong biglang naramdaman ko? Bakit parang bigla ko nalang nakita ang mukha ni Lloyd na umaapaw ang kaligayahan at ganoon rin ako. Yung pintig ng dibdib ko - shaks! Bumibilis!
"Naku! Kapag may ginawang kabalastugan sayo yang si Den, sabihin mo agad sakin at tutuktukan ko yan!" Seryosong sabi ni Mama.
"Mama naman! Tingin mo sakin puro kalokohan lang ang alam!" -Ako.
"Oo! Bakit? Gusto mo isa-isahin ko pa sayo mga ginawa mo!?" Seryoso muling saad ni mama.
Ito namang katabi ko imbis na kampihan ako ay tumawa nalang ng tumawa. Pakiramdam ko nga ay ang saya-saya nya ngayong oras na ito eh.
"Nga po pala tita, may gusto po sana akong ipagpaalam sanyo" biglang bumalik sa pagiging seryoso ang boses ni Lloyd.
Ano kaya yun?
Biglang tumahimik ang paligid. Wala akong ibang naririnig kundi ang tugtog na nagmumula sa music player ng cellphone ko.
(np: Huwag nalang kaya - truefaith)
"Ano yun? Kahit ano basta ikaw. Nakakahiya naman sa mommy mo kung tatanggihan ko ang anak niya" nakangiting sagot ni mama.
Tahimik lamang ako. Wala kasi akong ideya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Hindi ko rin naman magawang tunggain ang alak na nasa harapan ko kasi nahihiya ako kay mama na makita niya akong nainom.
"Tita, gusto ko po kasing ligawan si Den."
Ha? Tama ba ako ng narinig?
Lasing ba ako?
May diperensya ba ang tainga ko?
Tangna naman!
Wala akong naririnig na sagot mula kay mama. Nakatitig lamang siya kay Lloyd. Si Lloyd naman ay napakaseryoso ng mukha at bakas na bakas ang pagkasinsero sa kanyang sinabi.
"Lloyd... Napapadami ka na yata ng iniinom..." Mahinang sabi ko sa kanya para lang mabasag ang katahimikang bumabalot saming tatlo.
"I'm okay. Alam ko sinasabi ko at seryoso ako Den. Sinabi ko narin sayo ang tungkol dito, gusto ko lang ipaalam sa mama mo" seryosong sabi niyang muli sakin.
Umayos siya ng pagkakaupo at tumingin muli kay Mama.
"Hayy mga bata talaga. Sa ganyang usapan hindi dapat ako ang sumasagot. Bilang magulang ni Den, syempre gusto ko maging masaya siya. Kung ano man ang magiging desisyon ni Den at alam kong magiging masaya siya, go. Walang mali sa paggawa sa bagay na makakapagpasaya sa kanya. Bilang magulang rin, ayoko naman syempreng masasaktan ang anak ko. Kahit puro kalokohan yang si Den, anak ko yan at mahal na mahal ko yan" mahabang litanya ni Mama. Takte! Napakahaba ng sinabi! Pero, salamat ma. Nagpapasalamat ako kasi ikaw ang naging mama ko. Pinagmamalaki kita.
"Maraming salamat po tita" sabi ni Lloyd na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha.
End of Flashback
"Nagustuhan mo ba Chrien ang pinuntahan natin?" Nakangiting tanong ni Lloyd habang nakain ng jolly spaghetti.
"Opo kuya! Ang gaganda nga ng pictures natin eh! Ipopost ko agad ito sa sss ni Kuya mamaya pagkauwe natin" masayang sagot ni Chrien.
"Oy oy! Bakit sa sss ko? Diba may sarili ka ng account dun? Ginawa na kita!" -Ako.
"Eh nakalimutan ko na yung password kuya. Pinalitan ko kasi tapos nakalimutan ko" -Chrien.
"Ako na bahala Chrien. Sa account ko nalang. Upload natin mamaya pagkatapos nating kumain.
"Yes sir!" May pagsaludo pang nalalaman itong kapatid ko. Ginagaya si Happy ng Fairytale.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Kwentuhan at kulitan.
Bakas na bakas sa mukha ng kapatid ko ang sayang kanyang nararamdaman. Magkasundo narin agad ai Lloyd at ang kapatid ko. Haayy.. Ito talagang kapatid ko madaling utuin!
.
.
.
"Saan tayo sunod na pupunta kuya Lloyd?" Tanong ng sabik kong kapatid.
"Sa Enchanted Kingdom!" -Lloyd.
"Woooow! Tara na kuya! Masaya dun! Sasakay ako sa swan kuya!" Sabik na sabik na sabi ng kapatid ko.
Mabilis na kaming sumakay sa kotse ni Lloyd.
Ang saya naman ng araw na ito. Nawala sa isipan ko ang mga bagay na bumabagabag sakin. Sana palaging ganito.
Traffic.
Traffic.
Traffic.
"Tulog ka muna bunso. Medyo malayo pa tayo. Sa Laguna pa yun, nasa Quezon palang tayo ngayon" sabi ko sa kapatid ko na nakasilip sa bintana ng sasakyan.
"Kuya diba sasakyan ni Kuya Paul yun?"
Mabilis akong napalingon sa tinuturo ni Chrien.
Awtomatiko akong napalingon sa tinuturo ng kapatid ko.
Si Francisco nga...
Kasama ang kanyang mga kapatid at.... at si Catalina.
Ewan ko ba pero parang may kakaiba akong naramdaman. Dahil ba ito sa hindi na namin pagsasama o dahil ba ito kay Catalina?
"Are you okay?" Alalang tanong sakin ni Lloyd. Nahalata niya ata na medyo naging tahimik ako.
"Yap. Medyo nakakaramdam lang ako ng konting sakit ng ulo. Epekto yata ito nung ininom ko kagabi" pagpapalusot ko sa kanya. Ayoko naman kasi na malaman niya na dahil iyon sa nakita ko.
Tama na siguro itong pag-iwas na ginagawa ko. Halata naman sa kanya na masaya siya.
Masaya rin naman ako eh.
Matagal na akong masaya.
Nagising nalang ako nung nararamdaman kong nagba-vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko.
Hinugot ko agad iyon.
Paul Francisco calling...
Susme naman! Paano ako makakamove-on nito kung ganito.
"Wala ka bang sagutin yang tumatawag sayo?" Sabi sakin ni Lloyd habang patuloy sa pagmamaneho ng sasakyan.
"Naku! Hayaan mo siya. Si Sheryl lang to. Mangungulit nanaman" palusot kong muli sa kanya.
Pinatong ko ang cellphone ko sa tabi ng mini-component ni Lloyd at pinagpatuloy ko ang naudlot kong pagtulog. Gusto ko kasing maging maayos ang mood at pakiramdam ko pagdating namin sa enchanted kingdom. Gusto kong maging masaya kami - maging masaya ako. Yung totoo.
Ilang beses kong narinig na tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko iyon iniintindi. Gusto kong panindigan ang disisyon kong pag-iwas sa kanya. Wala naman kasing magandang maidudulot ang paglapit ko sa kanya. Baka nga mas makasama palang ako.
.
.
.
"Kuya! Kuya gising na! Andito na tayo!" Rinig kong tawag sakin ni Chrien.
Dahan-dahan kong iminulat ang dalawa kong mata at nilibot ko ang tingin ko sa harapan namin.
"Tara na" nakangiting yaya sakin ni Lloyd.
Pumasok na kami sa loob ng enchanted. Bumungan samin ang carousel at ang anchors away. Grabe! Tumitingin palang ako sa anchors away ay parang nabaliktad na ang sikmura ko.
"Kuya! Tara! Sakay tayo!" Yaya sakin ni Chrien habang nakatingin sa carousel. Jusko! Akala ko naman kung saan ako niyayaya ng batang ito.
Sumakay kami. Dahil sa wala ng available na pwedeng masakyang kabayo dun kami nakapwesto sa parang squash na upuan. Yung inupuan ni cinderella sa story. Magkakasama kaming tatlo sa loob nun.
Bakas na bakas sa mukha ng kapatid ko ang sayang nararamdaman niya. Kasundo niya agad si Lloyd.
Sabagay pareho naman kasi silang isip bata.
"Kuya Lloyd tara pa-henna tattoo tayo!" Yakag ni Chrien nung nakita yung nadaanan namin na henna booth.
"Oy oy! Chrien di pwede! Kabata-bata mo pa eh" saway ko sa kanya.
"Kuya di na ako bata! Big boy na kaya ako! Saka astig kaya ang may tattoo!" Sagot niya sakin.
"Tara na bunso. Ako na bahala kay kuya mo. Magpapatattoo din ako para astig tayo pareho" nakangiting singit ni Lloyd.
Wala na akong nagawa sa napagkasunduan ng dalawa.
Hinayaan ko na muna silang dalawa dun sa henna booth, at ako naman at nakaharap lang dito sa mga games na ang panalo ay ang malalaking stufftoys. May naalala tuloy akong bigla.
"Ate magkano per game?" Tanong ko sa babaeng nag-aassist.
"50php po sir, kapag po hindi sumagi itong ring ay kahit ano po diyan sa mga nakadisplay ang pwedeng pagpilian na premyo" mahabang litanya nung babae.
"Ah.. Mukhang hindi ko kaya" mahinang sabi ko.
"Paano mo malalaman sir kung hindi mo susubukan?" Nakangiting ani nung babae.
Wow! Si ate humuhugot ah! Takteng babaeng ito! Kala niya sakin mauuto niya! Neknek niya!
"Oh Kuya try mo na" dugtong niya at patukoy sa taong nasa likuran ko.
Tumabi ako ng bahagya para makaraan ang nasa likod ko. Nag-abot siya ng 50php at kaagad na hinawakan yung metal ring na nakapaloob sa paikot na bakal.
Ang kailangan niyang gawin ay mailabas yung metal ring dun sa nakapaikot na bakal ng hindi sumasagi. Kapag sumagi yun may tutunog at magkukulay pula yung bulb na nasa ibabaw nung bakal.
Diba ang hirap?
Nagsimula yung lalaking nasa harapan ko. Dahan-dahan siya sa kanyang ginagawa.
Ako ang kinakabahan sa kanyang ginagawa.
Patuloy siya sa pag-angat ng metal ring.
Angat...
Angat...
Angat...
Oh shiiiiit!
"Congratulation Sir! Pili na po kayo ng gusto niyong stufftoys" sabi nung babae sa lalaking nasa harapan ko.
Langyang babaeng to! Kulang nalang sumuka ng heartshape na dugo sa sobrang kakiligan dahil sa lalaking kaharap! Napakahilatod nito!
Itinuro nung lalaki yung kanyang napiling stufftoys.
Kainggit naman. Gusto ko rin ng ganon.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Siguro naman sa 20mins na lumipas na pagtanghod ko sa games na iyon ay tapos na ang kalokohang naisip gawin ng dalawang mokong na kasama ko.
"Den!"
Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Nung nakita ko kung sino iyon ay hindi agad ako nakapagsalita.
Dahan-dahan siyang lumapit sakin.
"I got this for you..." Matapos niyang sabihin iyon ay inabot niya sakin ang malaking stufftoy.
"Salamat...Jerome..." Sabi ko sa kanya.
Takte! Ayokonh mahalata niya na iniiwasan ko siya. Paano ba ang gagawin ko?
"Sinong kasama mo?" Tanongko sa kanya para hindi niya mahalata yung uneasyness ko.
"Wala.."
"Ha? Nasaan ang tropa?" Takang tanong ko sa kanya.
"May lakad sila Allen..."
"Si Paul naman kasama ang pamilya niya at si Catalina may family dinner daw sila" diretsong sagot niya.
Ewan ko ba pero parang nag-aantay pa ako ng kanyang pwede pang sabihin. May parte sa utak ko na gusto kong magtanong pero parang may nagtutulak rin sakin na tumigil ako sa kalokohang naiisip ko.
"Ikaw sinong kasama mo?" Nakangiting tanong niya sakin.
"Den look! Awesome na ako?" Biglang singit ni Lloyd sa usapan namin ni Jerome.
"Kuya astig na ba ako? Ang ganda oh!" Dugtong namin ni Chrien habang iniyayabang ang tribal na tattoo na pinalagay sa kanyang braso.
Jusko naman! Umiiral nanaman ang pagkaisip bata ng dalawang ito. Kung kapatid ko tanggap ko na isip bata pa talaga pero itong si Lloyd? Di na nahiya! Iniyayabang pa talaga sakin ang sword niyang tattoo sa kaliwang braso at may pangalan ko pa!
Ha? Teka!? Pangalan ko? Bakit may pangalan ko!!?
"Oy! Bakit pangalan ko nandyan?" Takang tanong ko nung nagsink in na sa utak ko ang nabasa ko.
"Kuya para mas awesome daw tingnan sabi ni Kuya Lloyd. Nagtatanong nga yung naghehenna samin kanina kung sino daw yung pangalan na nakalagay diyan sa sword ni Kuya Lloyd eh. Ang sabi ni Kuya Lloyd yun daw yung pangalan na gus-"
"Chrien look oh! Mukhang maganda yung game na yun!" Sabay turo ni Lloyd sa game na nasa kaliwa namin na naging dahilan sa pagkakaputol ng sinasabi ni Chrien.
"Oo nga Kuya Lloyd! Tara!" Masayang yaya ng kapatid ko.
"Wait lang bunso. Antayin natin si Kuya mo, may kausap pa" pigil ni Lloyd sa pagtakbo ng kapatid ko.
"Hmmm.. Sige na Den. Enjoy. Pauwe narin ako. Ingat kayo" huling sabi ni Jerome at kaagad na siyang tumalikod at nagsimula ng maglakad.
"Rome!" Sigaw ko sa kanya.
Mabilis siyang tumigil at lumingon sakin.
"Salamat! I'll keep it. Ingat!" Nakangiting ko sabi sa kanya.
Tumalikod na muli siya at itinaas ang kanyang kanang kamay habang naka-thumbs up.
"Tara na Kuya...." Sabay hila sa kamay ko ng kapatid ko.