Chriden Miguel Point of View
Pagkatapos ng first subject ko ay lumabas na ako ng school. Wala kasi akong gana. Halos wala rin kasi akong tulog. Masakit ang ulo ko. Masakit ang dibdib ko.
Naipaliwanag ko na sa mga kaibigan ko kung bakit bigla nalang akong nawala kahapon. Panay nga ang tanong sakin ni Sheryl kung magkasama daw kami ni Lloyd kasi halos magkasunod lang daw kaming tumayo. Hindi ko sinabi na magkasama kami para hindi narin humaba pa ang usapan namin.
Napagpasyahan kong gumala mag-isa. Wala lang. Gusto ko lang marelax. Gusto ko ikalma ang sarili ko at gusto kong alamin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Nandito ako ngayon sa Robinson Imus. Coffee Shop. 4th floor. Mocha Java ang napagtripan kong orderin. (Hindi ako nainom ng hot coffee. Hahaha)
Habang nakaupo ako dun ay napakaraming scenario ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.
Yung unang engkwentro namin ni Francisco sa Angelicas. Astig ko nga nun eh. Lakas ng loob kong pigilan siya pero ang totoo nangangtog na ang tuhod ko nun sa kaba. Naalala ko rin nung pilit niya akong pinapasakay sa sasakyan niya pero hindi ako sumakay, hanggang sa humarang siya sa kalsada para lang bumaba ako ng bus. At wala akong nagawa, sumakay din ako sa sasakyan niya.
Lalo na nung bigla niya akong hinalikan sa harap ng maraming estudyante at sa harap ng kapatid niya sa loob ng cafeteria at ipinakilala niya akong boyfriend niya. Sobrang gulat ko nun at nahiya talaga ako. Hindi ko ine-expect yung pangyayaring yun. Sobrang kaba naman nung kaharap ko magulang niya - kulang nalang tumiklop ako sa sobrang kahihiyan.
Habang naiisip ko yan ay naramdaman kong may tumulo mula sa dalawang mata ko pero ramdam ko naman ang pagngiti ng labi ko.
Tama. Hindi ko na gusto si Francisco.
Kasi mahal ko na siya.
Pero wala rin naman magagawa kahit mahal ko na siya. Meron na siya. May Catalina na siya.
Matapos kong palipasin ang oras ko sa Coffee shop ay napagpasyahan kong umuwe na. Wala rin naman akong ibang gagawin dito. Yun lang talaga ang ipinunta ko para makapag-isip - para makapagrelax.
.
.
"Kuya gala tayo!" Bungad sakin ni Chrien.
"Pagod si Kuya bunso, bukas promise gagala tayo. Wala akong pasok bukas" sabi ko sa kanya sabay himas sa kanyang ulo.
Bumalik sa pagkakaupo si Chrien. Nakakakunsensya naman yung sinabi ko sa kanya. Siguro namimiss lang ako ng kapatid ko kaya niya ako niyayakag gumala. Matagal narin kasi yung huling gala namin.
Pumanik ako sa kwarto ko. Nilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng mini-drawer ko at nakuha ng isang stufftoy ang atensyon ko. Yung bigay ni Francisco sakin nung nagpunta kami sa mall.
Nagpalit ako ng damit. Tumingin ako sa wallclock ko. 3:10pm. Maaga pala akong dumating ng bahay. Malimit kasi ginagabi na ako ng uwe. Hindi kasi maganda ang schedule ng klase ko.
"Tata bunso. Lakad lakad tayo" yaya ko kay Chrien. Nakunsensya kasi ako kanina sa sinagot ko sa kanya.
Mabilis na tumakbo palapit sakin si Chrien at hinawakan ang kamay ko.
"Tara na Kuya!" Masayang hila sakin ng kapatid ko palabas ng bahay namin.
"Huwag ka magpapabili ng mahal ah! Walang pera si Kuya" nakangiti kong ani sa kanya.
"Promise Kuya! Yung mura lang" -Chrien.
Naglakad na kami palabas. Nagpunta kami ni Chrien sa bayan. Sa Park.
Naupo ako sa bench at hinayaan ko lang makipaglaro si Chrien sa mga batang naglalaro sa playground.
Ang saya maging bata. Walang iniisip na problema at puro laro at gala lang ang nasa isipan.
Napaisip akong bigla.
Dapat ko bang sabihin kay Francisco ang nararamdaman ko? O mas mabuting hindi nalang para hindi ako makagulo kung ano man ang meron sa kanila ni Catalina?
Sino nga ba si Catalina?
Takte! Eto nanaman ako! Kaya ayokong napapaisip eh!
Naramdaman kong bigla ang pagpatak ng pinong ambon. Tinawag ko agad ang kapatid ko. Wala kasi kaming dalang payong. Wala naman sa loob ko na maaring umulan ngayong araw na ito. Ganda ng araw kanina eh.
Nagsimula na muli kaming maglakad ni Chrien pauwe.
Hanggang sa ang mahinang ambon ay napalitan ng unti-unting paglakas ng pagbuhos ng ulan.
Wala akong makita na pwedeng pagsilungan.
Kung ako okay lang mabasa, ang kapatid ko hindi pwede. Ayoko magkasakit ang kapatid ko.
Malakas na ang ulan. Tanging panyo lang ang nailagay ko sa ulunan ng kapatid ko.
Nagulat nalang ako ng biglang may bumuhat sa kapatid ko. Mabilis nitong isinakay sa loob ng sasakyan ang kapatid ko.
"Get in the car!" Sigaw niya sakin.
Get in the car!
Get in the car!
Get in the car!
Biglang akong may naalala sa narinig ko. Nakatingin lang ako sa taong nasa kabilang side ng kotse.
"Hindi mo ba ako naririnig? O may balak ka talagang maligo sa ulan!" Bulyaw niyang muli sakin.
Awtomatikong pumasok ako sa loob ng sasakyan. Kumuha siya ng baby towel sa mini-drawer ng kanyang sasakyan at humarap sa likuran.
Pinunasan niya ang basang katawan ng kapatid ko.
Matapos yun ay humarap siya sakin at ako naman ang kanyang pinunasan.
Hinawakan ko ang kamay niya na walang tigil sa kakapunas sa mukha at leeg ko.
"A-ako na.." Sabi ko sa kanya.
"Salamat" mahinang dugtong ko.
"Sa susunod kung igagala mo ang kapatid mo dapat nagdadala ka ng payong! Hindi ka ba marunong magbasa ng balita? Sinabi na may chance na umulan ngayon!" Pagalit pero malumanay niyang pagkakasabi.
Hindi ko na nagawang sumagot pa. Hindi ko rin kasi ine-expect na nandito siya at kasama ko siya sa oras na ito.
"Okay ka lang Chrien?" Tanong niya sa kapatid ko.
"Nilalamig ako Kuya Paul" sagot naman ng kapatid ko.
"Oh eto suutin mo" sabay abot niya ng isang jacket.
Nagpatuloy sa pagmamaneho si Francisco. Kapwa kami hindi nag-uusap. Wala kasi akong maisip na pwede naming pag-usapan.
"Maglaro ka muna Chrien. Eto may bago akong disc" sabay abot muli ni Francisco ng DSLite Nintendo.
Nakangiting kinuha iyon ni Chrien at tumahimik sa likuran.
"Oh teka..San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nung napansin kong nilampasan niya yung daan papunta samin.
"Sa bahay." Tipid niyang sagot sakin.
Wow! Napakadaling sumagot!
"Bahay? Teka. Bago ka umuwe ihatid mo muna kami. Ano naman gagawin namin dun!" Gulat kong tanong sa kanya.
"May problema ba kung dalin ko sa bahay ang boyfriend ko?" Seryosong sagot niya.
Nandito ngayon kami ng kapatid ko sa bahay nila Francisco. Wala ang daddy at mommy niya. Nasa ibang bansa daw at may inaasikaso.
Nakapagpalit na kami ng damit ng kapatid ko. Pinahiram niya ako ng damit niya at ang kapatid ko naman ay damit ng anak ni Ate Taniya ang gamit.
"Kuya bahay mo ito?" Manghang tanong ng kapatid ko.
"Opo. Isipin mo nalang na bahay mo rin to Chrien" sagot ni Francisco habang nakaharap sa kapatid ko.
"Hi Den! Tagal mo di nagpunta dito ah! Musta ka na?" Sabi ni Luis at mabilis na umakbay sakin.
Tiningnan ng masama ni Francisco si Luis. Kaagad naman inalis ni Luis ang pagkakaakbay sakin.
"Sino to? Ang cute naman!" Tukoy ni Luis sa kapatid ko.
"Kapatid ko. Si Chrien" sagot ko sa kanya.
Nagpakilala siya sa kapatid ko. Mabilis din silang nagkasundo. Nakipaglaro ng computer games si Luis sa kapatid ko kaya naiwan akong mag-isa na nakaupo sa sofa.
"Nagpapaluto lang ako kay Manang ng pagkain. Sabay-sabay tayong kakain" ani ni Francisco mula sa likuran ko.
Wala narin naman akong magagawa kaya hindi narin ako kumontra pa sa sinasabi niya.
Sa totoo lang, gusto ko na talaga umuwe. Baka hindi kasi makapagpigil ang bibig ko at magtanong ako kung sino yung Catalina. Kahit malinaw nanaman sa isipan ko na may namamagitan sa kanilang dalawa.
Hindi nga siya kumontra nung sinabi ni Catalina na Soon to be Gabriel siya.
Buset tong lalakeng to!
.
.
.
"Kuya ang dami kong busog!" Nakangiting sabi ng kapatid habang hinihimas ang kanyang tiyan. May kakapalan din palang taglay ang kapatid ko. Hahaha! Sabagay bata pa siya at hindi niya pa alam ang nangyayari.
"Oh Luis! Musta na?" Narinig ko. Pinihit ko ang ulo ko para malaman kung sino yung bigla bigla nalang pumapasok sa loob.
"Napadaan ka Allen! Okay lang ako. Mas pogi parin kay Paul" nakangiting sagot naman ni Luis.
"Nasaan si utol mo?" -Allen.
"Antayin mo lang diyan. Pababa na yun" -Luis.
"Nandiyan ka pala Den! Himala at dinala ka ni Paul dito sa bahay" halata ko ang pagtataka sa mukha nito.
"Nagkataon lang." Tipid kong sagot sa kanya. Ayoko rin naman ikwento sa kanya ang nangyari kanina.
Hindi rin nagtagal ay bumaba na si Francisco. Naupo silang dalawa sa terrace samantalang naiwan naman si Luis dito sa sofa kasama kami ng kapatid ko.
Ang daming kinukwento sakin ni Luis tungkol sa mga ginagawa niya sa school pati narin mga kaibigan niya. Ewan ko ba sa lalaking ito at bakit kahit sensitibong bagay ay kinukwento parin sakin.
Ang kapatid ko naman ay busy sa paglalaro sa PSP na inabot sa kanya ni Luis.
"Pwede ba akong magtanong?" Singit ko sa pagkukuwento niya.
"Oo naman! Ikaw pa!" Nakangiting sagot niya.
Panandalian akong tumigil sa ginagawa kong pagkain ng tiramisu na hinain niya.
"Sino yung si Catalina?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
"Pano mo siya nakilala?" Takang tanong niya sakin. Halata ang pagkagulat sa mukha niya.
"Wala lang. Hindi ko kasi sinasadyang marinig yung kwentuhan nila Kerby nung isang araw" nakangiting palusot ko.
"Ah.. Si Catalina siya yung nag-iisang babae na malapit na kaibigan nila Paul. Bata palang sila magkakaibigan na sila." Panandalian huminto sa pagkukwento si Luis at binasa ang kanyang message sa cellphone.
"Saka matagal na siyang may pagtatangi sa kapatid ko." Dugtong niya sa kanyang kwento.
Pinilit kong huwag ipahalata na medyo naapektuhan ako sa kanyang sinabi. Ibig sabihin pala ay may katotohanan ang sinabi ni Catalina. Kaya pala hindi nakapagreact itong si Francisco dahil totoo.
Takte ah! May kakaiba nanaman akong nararamdaman.
Matapos yun ay nagpatuloy nanaman sa pagkukwento si Luis. Natatawa nga ako sa iba pa niyang kwento. Pilit niyang iniyayabang ang kanyang sarili.
"Oo! Ang galing ko nga nun eh! Kundi ko na-i-three points yun sigurado talo kami. Dahil sakin kaua kami nag-champion nun" pagkwento niya tungkol sa team ng basketball nila.
"Luis medyo gumagabi na. Magpapaalam lang ako sa kapatid mo" ani ko sa kanya.
Tumayo ako at nagtungo sa terrace. Habang papalapit ako ay hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila Allen at Francisco.
"Ewan ko ba kay Jerome kung ako nangyayari sa kanya" narinig kong sabi ni Allen habang hawak hawak ang kopitang may lamang wine.
"Ano sabi nila Tita Carlet?" Seryosong tanong ni Francisco.
"Kilala mo naman si Tita Carlet, okay lang sa kanya kahit maapektuhan ang negosyo nila, basta sa kaligayahan ng anak niya. Ang problema ay si Tito Junior, galit na galit kay Jerome dahil sa pakikipaghiwalay niya kay Alex." Mahabang sagot ni Allen.
"Kapag nagkataon kasi mawawala ang isang pinakamalaking share sa company nila kung sakaling magalit ang magulang ni Alex. Alam naman natin na kaya hanggang ngayon ay malakas ang company nila ay dahil sa pamilya ni Alex" seryosong dugtong ni Allen.
"Wala na tayong magagawa diyan. Disisyon ni Jerome parin ang masusunod. Hindi dapat tayo nakikialam" -Francisco.
"Sabagay. Suportahan nalang natin ang kaibigan natin." -Allen.
"Teka tungkol kay Catalina, hanggang kailan ba siya dito?" -tanong ni Allen.
Biglang bumilis ang dagundong ng dibdib ko. Handa na ba ako sa maririnig ko? Teka! Bakit parang nararamdaman kong nanlalambot ang tuhod ko.
"Ewan ko dun. Kahit alam kong boto sila Daddy at Mommy sa kanya ay ayaw ko parin siya maging miyembro ng Gabriel." -Francisco.
"Kahit anong gawin mo wala ka parin karapatan tumutol. Kaya goodluck nalang" matapos nun ay narinig kong tumawa si Allen.
"Kuya! Anong ginagawa mo diyan?" Muntik na akong mapasigaw nung bigla akong kinalabit ng kapatid ko.
Sabay na napalingon sakin si Allen at si Francisco.
"Kanina ka pa diyan?" Halos sabay na tanong ng dalawa.
"Ah..eh.. Magpapaalam na sana kami ng kapatid ko. Medyo gabi na kasi" pag-iiba ko ng sagot sa tanong nilang dalawa.
"Teka at ihahatid na kita" sabi ni Francisco at aktong tatayo na.
"Hindi. Okay lang. Mala-"
"Ihahatid kita!" Mariing pagputol ni Francisco sa sinagot ko.
"Ako na Paul. Isasabay ko nalang sila. Pupunta rin kasi ako sa bayan" pagsingit ni Luis.
Save. Takte! Nakakatakot yung mga ganoong tono ni Francisco.
"Okay. Siguraduhin mong uuwe na yan"
Huling narinig kong sinabi ni Francisco kay Luis.
Malinaw na sakin ang lahat. Totoo yung sinasabi ni Catalina. Kahit ayaw ni Francisco dun ay wala parin siyang magagawa dahil boto ang mga magulang siya kay Catalina.
Ang dapat ko lang siguro gawin ay umiwas na. Ayokong makagulo o makaapekto sa kung anong meron sila.
Kasi kung patuloy lang kami magkakalapit ni Francisco ay lalo lang lalalim ang nararamdaman ko sa kanya at patuloy niyang sasabihin na boyfriend ko siya. Dahil dun maapektuhan sila ni Catalina.
Yung kay Jerome naman siguro dapat narin ako dumistansya. May kakaiba rin kasi akong pakiramdam kay Jerome.
Siguro nga ay hindi na ako nakikipaglapit sa mga mas nakakaangat ang estado ng buhay. Nagiging komplikado lang lalo ang buhay ko.
Ayoko narin kasi masaktan.
Ayoko na maulit yung dati.
Salamat Francisco sa pinakita mong kabutihan kahit na bully ka.
Salamat Jerome dahil ramdam kong nag-aalala ka sakin.
Kahit hindi ako dalawin ng antok ay nakapikit ang mata ko. Gusto ko na kasi matulog.
Alam ko tama itong gagawin ko.
Nandito ako ngayon sa cafeteria. Maaga kasi akong pumasok. Ang totoo niyang hindi talaga ako nakatulog sa di ko malamang dahilan. Ewan ko ba. Nagkakaroon na yata ako ng senyales ng pagiging alien eh. Wala namang dapat ipagalala para di makatulog pero hindi talaga ako dalawin ng antok.
Simula ngayon babalik na sa normal ang takbo ng buhay ko dito sa school. Dapat mag-focus ako sa pag-aaral ko at hindi kung kani-kanino.
Nilabas ko ang cellphone ko at ikinabit ko ang earphone at nilagay ko sa magkabilang tainga ko. Ayoko marinig ang kaingay at tsismisan dito sa paligid ko. Puro kasi kasiraan ng bawat isa ang mga pinagkukwentuhan. Mga plastik! (Beastmode talaga ako kapag maaga) hahaha!
Nilabas ko rin yung binasaba kong book. The House Of Hades. May 1 1/2 hour pa naman akong vacant kaya sigurado akong makakarami ako ng chapter dito sa binabasa ko.
Basa.
Basa.
Basa.
Basa.
Takte! Hindi ko naiintindihan ang binabasa ko. Napapasabay kasi ako sa kantang naririnig ko.
Tinanggal ko ang earphone ko at pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Basa.
Basa.
Basa.
Basa.
"Kumpleto ako ng book niyan" bigla kong narinig mula sa harapan ko.
"Talaga? Natapos mo na lahat?" Manghang sagot ko kay Lloyd.
"Oo. Ang ganda nga eh. Gusto mo pahiramin kita?" -Lloyd.
"Talaga? Papahiramin mo ako? Suuuuuure! Kelan!?" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Nawala bigla ang badmood ko. Gustong-gusto ko kasi talaga mabasa ang lahat ng books ng The House of Hades.
"Mamaya. After class." Lloyd.
"Thankie Lloyd!" Nakangiti ko ulit sabi sa kanya.
"Wow! First time my tumawag sakin ng Lloyd ah!" Nakatawang sabi niya.
"Bakit? Ayaw mo ba ng tinatawag kang Lloyd?" -Ako
"Hindi naman. Ang ganda nga eh lalo na kapag sayo nanggagaling" -Lloyd.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Ibinalik ko na sa bag ko ang librong binabasa ko at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa taong kausap ko.
Masarap din pala itong kausap. Parang walang problema. Yung tipong open siya sa lahat ng bagay.
Naalala ko nga pala may kasalanan pa ako sa kanya. Iniwanan ko siya sa resort nung gabi. Siguro dapat bumawi ako sa kanya. Yakagin ko kaya siya mag-dinner? Kaso wala akong pera. Eh kung sa breakwater nalang kaya? Kaso baka naman hindi niya type mga ganoon.
Habang nagkukuwentuhan kami ay nakita kong papalapit sila Francisco sa cafeteria. Nakatingin siya samin at alam kong naniningkit ang kanyang dalawang mata.
Problema ng taong ito?
Dun siya sa Catalina na yun! Magsama sila!
Yan ang nasa isipan ko.
"Tara Lloyd! Treat kita" biglang sabi ko kay Lloyd at mabilis kong hinatak ang kanyang kamay palabas ng cafeteria.
"Oy oy! Saan tayo pupunta? May next -" hindi ko na siya hinayaang matapos magsalita.
Hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko.
Yakap yakap ko si Lloyd.
"Huwag ka munang papalag..." Mahinang sabi ko sa kanya.
"Nakatingin pa ba siya?" Dugtong ko.
Hindi sumasagot si Lloyd sa tanong ko. Naramdaman kong umangat ang kanyang dalawang kamay at pumulupot narin sa katawa ko.
"Lloyd..-"
"Natatandaan mo na ba ako?" Tanong nanaman niya sakin.
Nagtataka na ako sa mga sinasabi niya. Una palang yun na ang tanong niya sakin.
Ano bang dapat kong matandaan? Sino ba talaga si Lloyd?
"Ang sweet niyo naman.. MAY PAG-ASA PA AKOOOOO! Yown" biglang sigaw ng dumaang babae.
Mabilis kong tinanggal ang pagkakayakap ko kay Lloyd.
"Pasensya na... Out of character" mahinang sabi ko sa kanya.
"Okay lang. Tara na! Nagugutom narin ako. Sabi mo kanina treat mo ako" nakangiting sagot niya.
Alam kong tama itong ginagawa ko. Tama itong pag-iwas ko sa lalakeng nakatadhana na sa ibang tao. Ayoko maging dahila ng pagkasira ng isang relasyon.
Sapat na yung mahal ko siya - at hanggang dun lang yun. Malaki pinagkaiba ng estado ng buhay namin. Hindi kami pwede. Hindi kami bagay.
Isipin ko nalang na pinaramdam lang sakin ni God ang salitang masaya dahil kay Francisco.
"Oh tulala ka diyan?" Ani ni Lloyd habang nakaupo kami dito sa park habang nakain ng fishballs at tokneneng. Hanggang dun lang kasi ang abot kaya ng pera ko. Hahaha!
Buti nga at nakain ng ganito itong kasama ko.
"Wala. May iniisip lang" -Ako
"Huwag ka nga mag-isip ng iba. Hindi pa ba ako kasya sa isipan mo at nagpapapasok ka pa ng iba diyan?" Nakangising sabi niya.
"Ulul! Hahaha! Korni mo!" Sabay palo sa balikat niya.
Ano nga kaya ang magiging papel ni Lloyd sa buhay ko? Bigla-bigla nalang kasi siyang pumasok sa buhay ko eh. Ang weird nga niya dahil lagi niya akong tinatanong kung natatandaan ko ba daw siya. Naiisip ko tuloy na baka reincarnation siya ng isang taong napalapit sa buhay ko dati. Hahaha! Kaiba ako nu?
"Den may gusto sana akong sabihin sayo"
"Lakas maka-seryoso ah!" -Ako
Ngumiti siya ng bahagya at bumalik sa pagiging seryoso ang mukha.
"Ano?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Liligawan kita" seryosong sabi niya.
Natigilan ako sa pagnguya ng fishballs at napatitig ako sa malamlam niyang mata.
"Hindi ako nahingi ng pahintulot na liligawan kita - ipinapaalam ko lang sayo na liligawan kita"
Teka... Totoo ba itong narinig ko? Praning ba itong taong ito? Trip ba to? Takte naman! Dapat ko narin ba siyang iwasan?
Dahan-dahan siyang lumalapit sakin. Dahan-dahan rin niyang inilalapit ang kanyang kamay sa mukha ko.
"Lloyd...."