KABANATA 2

1064 Words
"My!" Buong galak na bumaba ng kahoy na hagdan si Sarah patungo sa kanilang kusina. Amoy na amoy niya ang tamis ng arnibal at latik na humahalimuyak sa halos kabuuan ng bahay nila. Pagdating sa bungad ng maliit nilang kusina ay kita niya ang kanyang ina na si Carmen na abala sa paghahalo ng latik. Nagluluto ng mga kakanin ang nanay niya. Ang iba ay ibinabagsak nito sa palengke tuwing araw ng pamilihan subalit mas madalas ay made to order. Lumingon ito sa kanya saglit at ngumiti. "Nakahanda na ang pampaligo mo. Bilisan mo at nang maka-almusal ka na." Anito bago itinuloy ang ginagawa. Yumakap siya sa ina mula sa likod nito at saka humalik sa sintido. "Hmn, bango mo talaga." Gigil niyang singhot sa ina. "Kaya nga na-inlove sa akin ang tatay mo dahil lagi akong amoy matamis." Natatawang kumalas ng yakap si sarah . Patay na ang tatay niya dahil sa aksidente. Nabangga ng jeep ang minamaneho nitong trycicle apat na taon na ang nakakaraan. Dead on the spot, masyadong mabilis ang pang-yayari na halos kaytagal bago nila natanggap na wala na nga ang haligi ng tahanan nila. "I love you My." Muling halik niya sa sintido nito bago nagmadaling pumasok sa banyo. **My** ang nakasanayan na nilang tawag sa ina dahil na rin sa impluwensya ng tatay niya. My mine kase ang endearment nito sa ina noong nabubuhay pa. "Siya nga pala, pupunta dito mamaya ang magulang ni Gilbert." Ani Carmen. Nakapasok na noon sa banyo ang dalaga at dahil flywood lang naman ang pintuan ng banyo nila ay walang hirap niyang naririnig ang ina. Napasimangot si Sarah pagkarinig doon. Si Gilbert ay kasintahan ng ate niyang si Jamila. " Mukhang mamamanhikan na sila. Umuwi ka nang maaga at nang makapagluto." "Sige po." Tanging sagot na lang niya. Pagkalabas sa banyo ay naka-sando at shorts na siya. Agad siyang dumulog sa hapag. Umu-usok ang mainit na kape gayundin ang pandesal na nasisiguro niyang ini-init ng kanyang nanay sa kawali upang lumutong. Kumuha siya ng isa at saka iyon pinalamanan ng margarine na may asukal. Matapos ang agahan na tinapay at kape ay muli na siyang umakyat sa kwarto niya upang magpalit ng uniporme. Excited siya, syempre dahil makikita na niya ulit si Erick. Tuwing school days lang naman niya ito nakikita at nakakasama, sa tuwing vacant o pauwi, dahil every weekdays ay lumuluwas ang mga ito sa Manila. Wala din naman siyang cellphone kaya wala siyang komunikasyon dito. "Saya natin ah." Bati ni Archie ng magkasalubong sila sa gate. "Syempre." Buong galak niyang sagot dito bago naabot ng tanaw niya si Erick. Kaagad nagliwanag ang dati na niyang maliwanag na mundo, pero kagyat din siyang napasimangot nang makita si Mercy na kasabay sa paglalakad ang boyfriend niya. "Saglit lang huh." Paalam niya kay Archie at saka nagmadali na sa paglalakad upang maabutan si Erick. Fourt year (graduating) na kase ang mga ito kaya sa ibang building na malayo-layo sa second year department na gaya niya ang pinapasukan. "Erick!" Tawag pansin niya dito na kaagad naman lumingon nang marinig ang pag-tawag niya. "Sarah.." "May school ceremony pa ah. Mag-skip ka?" Tanong niya. Ngumiti ang binata bagay na muntik ng ikatunaw ng puso niya. She really likes it when he smiles. Weakness niya iyon. "Na-assign ako para tumulong sa graduation program eh. Kaya magiging busy ako, okay lang ba?" "Oo naman." Mabilis na sagot niya. Ang balita niya Valedictorian si Erick, pero wala pa itong sinasabi sa kanya kaya hindi pa man proud na proud na siya. Kaya nga ba, pinagbubuti din niya ang pag-aaral para kahit papaano with honors naman siya. "EJ come on." Pag-aaya na dito ni Mercy. Napasimangot siya at hindi niya iyon itinago kaya bahagyang natawa si Erick sa kanya. He leaned closer and discreetly kissed the top of her head. Sa mga ganoong kilos lang tuwang-tuwa na siya dahil hindi ipinaparamdam ni Erick sa kanya na naroon lang sa tabi-tabi ang babaeng gusto talaga nito. Sometimes, he makes her feel that he loves her too. Na nabago na ang puso nito at siya na laman niyon kahit na iilang buwan palang na sila. "Hintayin mo ako sa vacant ah." Bilin pa nito bago siya tinalikuran. "Keleg-keleg." Tukso ni Archie nang makalapit ito sa kanya. Kasama na nito si Lanie na malawak ang pagkakangisi. "Pero pansin mo, parang binabakuran ni Mercy si Erick buhat nang malaman na jowa mo na." Ani Lanie habang nasa harap sila ng stage at hinihintay na matapos ang school ceremony. Pansin din naman iyon ni Sarah, pero hindi naman gumagawa ng iba pang hakbang si Mercy bukod sa pagdikit-dikit kay Erick nitong mga nakaraan. " Baka may best friend complex." Sagot naman ni Archie. "Wala naman sinasabi si Erick eh." Katwiran niya. "Sabagay, in fairness naman d'yan kay Erick mo, mukhang naka-zoom lang ang atensyon sa iyo." Dumating ang vacant period pero hindi dumating si Erick sa juniors canteen kung saan doon lagi naglalagi ang binata para magkasama sila kahit na may sariling canteen ang mga senior. Hinintay niya ito hanggang sa matapos ang klase pero dumilim na at lahat ay hindi niya ito nakita. Pagdating sa bahay nila ay naroon na ang mga magulang ni Gilbert, si Jamila na masama ang tingin sa kanya na tila ba kinu-kwestyon ang pag-uwi niya ng matagal. Para namang may magiging kontribusyon siya sa usapang kasal na iyon. Magkagayunman man ay kaagad na siyang nagpalit ng pambahay at naki-upo sa sala na ang tanging topic ay ang ate niya, si Gilbert at kung kailan ang kasal na mukhang malabo pang mangyari dahil wala pang ipon si Gilbert. Matapos ang walang kabuhay-buhay na usapan, ay umuwi na rin sa wakas ang partido nila Gilbert habang halata sa ate niya na dismayado ito kaya nagkulong na lang sa silid nito. Pinagdiskitahan na lang niya ang Palitaw habang nanu-nuod ng balita sa telebisyon ng kumahol nang kumahol ang aso ng kapit-bahay nila. Sa ingay niyon ay wala halos siyang naintindihan sa pinapanuod. "Sarah! May tumatawag!" Anang nanay niya mula sa bukana ng kusina. "Po?" Maang pa niyang tanong. "May nagta-tao po, bingi ka ba?" Hininaan niya ang volume ng TV at nakinig. Napatayo pa siya nang marinig mula sa labas na mayroon ngang tuma-tao po. Kaagad niyang binuksan ang pintuan at dahil ilang metro lang naman ang layo ng kahoy na gate nila ay kita ng-kita niya kung sino ang nasa labas. "Erick?!" Manghang aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD