bc

TANGING IKAW

book_age16+
3.5K
FOLLOW
59.4K
READ
billionaire
love-triangle
second chance
arrogant
sensitive
independent
self-improved
dare to love and hate
drama
like
intro-logo
Blurb

She has the most vibrant hair color. A mixture of blue, green, and orange that captured anyone's attention easily. She has a lip piercing on the corner of her lower lip, on her left eyebrow and on her nose, yet he finds it sensual. She always wears a lot of beads and colorful bracelets on her wrists. She wears almost the tiniest outfits that often people assumed... she's a slut.

She's the very opposite of the girl that he once knew.

But she is Sarah,

And she used to be his...

And he promised to himself that she will be again.

This time...he will keep her.

This time...he will make sure to tell her how much he loves her...

This time he wants to make it right.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1 (The past)
"Sarah.." Mula sa paglalagay ng pagkain sa paper plate ay nilingon ni Sarah si Lanie nang bahagya siya nitong sikuhin matapos niyang hindi pansinin ang pagtawag nito sa pangalan niya. Best friend niya si Lanie simula't sapul na makapag-aral siya sa kinder garten. "Bakit?" "Kanina ka pa kain nang kain." Pansin nito sa kanya. Tumirik pataas ang mata niya sa tinuran nito. Pangatlo pa lang naman niya iyon, isa pa sinusulit lang niya ang gabing iyon ng kanilang prom lalo na at first time niya iyon bukod pa sa mahal ang contribution. Isa pa, wala naman doon ang makakapag-paliwanag ng gabi niya. Si Erick. Nang sumagi sa isip ang binata ay otomatikong napatingin siya sa stage kung saan naka-upo sa gitna ang prom queen at king. Si Mercy at Chris. They look good together, infact to good to be true. Maganda si Mercy, angel like, mahinhin at every guy's dream girl sa school nila. While Chris? Yeah he's good looking too,  pero mas matimbang sa itsura si Erick para sa kanya. Pabuntung-hiningang binitbit na niya ang plato ng pagkain. Tila ba nawalan siya ng gana. May pagtingin siya kay Erick,obvious na sa mas obvious. First year high school palang first crush na niya ito na sa malaunan ay nauwi sa pagtubo ng damdamin na kahit na sinubukan niyang ignorahin ay hindi siya nag-wagi. She confessed to him nang minsang magkaroon sila ng excursion sa Dingalan. Iyon din ang araw na na-basted siya dahil ang gusto nito ay si Mercy. Magkababata ang dalawa at parehong may sinasabi ang pamilya samantalang isa lang siyang pipitsuging anak ng isang nagtitinda ng puto at iba pang kakanin. Full swing na ang kasiyahan at tapos na ang iba pang programa. Isa siya sa mangilan-ngilang nagbutas lang ng bangko ng araw na iyon, although hindi naman masama ang loob niya dahil si Erick lang ang gusto niyang maisayaw. "Labas muna ako." Paalam ni Sarah kay Lanie na kasalukuyang inaayang isayaw ng isa nilang ka-klase. Hindi na niya hinintay na sumagot ang kaibigan sa halip ay tinahak na niya ang daan palabas ng gymnasium kung saan idinaraos ang naturang kasiyahan. Mabagal at walang tiyak na direksyon ang bawat hakbang ni Sarah pero gayun na lang ang pagkabigla niya ng mapansin si Erick na tahimik na nakasandal sa katawan ng puno ng Acacia. Nang mag-angat ito ng mukha mula sa pagkakayuko at magdaop ang mga mata nila ay tila nabigla din ito pero kaagad na ngumiti sa kanya matapos ang ilang sandali. "Erick.." Bigkas ni Sarah sa pangalan nito. Umiling-iling ang binata at saka itinapat ang daliri sa tapat ng labi nito bago sumenyas na lapitan siya. Nagtataka man ay tahimik na humakbang palapit si Sarah patungo sa binata. Nang makalapit ay hindi naman ito kumibo. Iniiwas lang nito ang mga mata sa kanya at tumingin sa ibang direksyon gayung madilim na ang ibang parte sa lugar na iyon. Nang may marinig siyang kaluskos mula sa tagong bahagi ng parigola hindi kalayuan sa kanila. Mabilis siyang hinila ni Erick, umikot ito sa kabilang bahagi ng puno upang hindi sila makita ng naroon. Pero hindi niya naihanda ang sarili nang makita kung sino ang nakita niyang lumabas doon at naglakad na magkahawak ng kamay. Si Mercy at Chris. "E-Erick.." "Alam ko." Malamyang sabi nito habang sinusundan nang tingin ang dalawa pabalik sa pavilion. "They've been together for God knows how long.." "Pero diba nililigawan mo si Mercy." "Yeah..hindi ko alam kung bakit ayaw niya pa akong diretsahin. She always gave me false hopes,at ako namang si tanga, I'm always clinging to that  meaningless gestures." Ani Erick bago muling ibinaling ang paningin sa kanya at saka ngumiti. Subalit sa kabila ng ngiting iyon ay batid niya na kabaliktaran nuon ang nararamdaman nito at iyon ang hindi kayang itago ng mga mata ni Erick. " Wanna dance? " Bigla ay tanong ng binata na ikinagulat ni Sarah. Hindi siya nito hinintay na sumagot at kahit pa ang puma-pailanlang na musika ay "Waka Waka" saliwat sa mabining galaw ng katawan nila ay hindi naging hadlang upang makompleto ang gabing iyon na hindi siya nakakasayaw na ang kapareha ay ang lalaking itinatangi ng puso niya. Sa kalagitnaan ng pagsayaw ay huminto si Sarah bago niya tiningala si Erick na ng mga sandaling iyon ay nakatingala sa langit kahit pa nasisilungan sila ng puno. Kumawala ang mga kamay niya buhat sa pagkakakapit sa balikat nito. Naramdaman na lamang niya ang paghapit nito sa katawan niya at ang pagdaiti ng ulo nito sa kanyang balikat. Erick is silently crying and she don't know why but she felt like her heart sink down to her stomach. "Nandito naman kase ako, bakit hindi nalang ako?" Sa nanginginig na boses at nanlalabong mata ay sabi niya. Humigpit ang pagkakayakap ni Erick sa kanya na tila pa pilit nitong inaalam kung naroroon talaga siya. His embrace felt like forever before she heard him sigh and his shoulder started to relaxed. "Im afraid that you'll feel the pain that I'm going through  right now Sarah." Maya-maya ay ani Erick. Kinagat ni Sarah ang ibabang labi upang huwag maisatinig dito na matagal na siyang nasasaktan. Mahal lang niya ito at sadyang suwail ang puso niyang hindi marunong makinig sa isip niya. " But I'll do my best so you won't experience it from me.." Tila tumigil ng ilang pintig ang puso niya sa narinig. Gumagapang ang kilabot sa kanyang katawan at ramdam niya ang pagtatayuan ng balihibo sa kanyang balat. Nilunok niya ang bara sa lalamunan subalit tila napalitan iyon ng mas malaking bara. " Be my girlfriend?" Duon na tuluyang napasinghap ang dalaga. Animo sumabog sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ni Erick. She's beyond shocked and overwhelmed at the same time. Hindi niya matagpuan ang sariling boses at hindi rin niya alam kung anong klase ng espirito ang sumanib sa kanya upang patalon na yumakap sa nagulat na binata bago lumapat ang labi niya sa nakaawang na labi nito. Hindi niya alam..ang alam lang niya natupad na ang tanging hiling niya.  At si Erick iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Contract - Tagalog

read
754.6K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook