Kagat-kagat ang dulong kuko sa hinlalaki ay hindi mapakali si Mercy. Paroo't parito ang paglalakad sa silid habang nag-iisip nang maaaring gagawin upang hindi magkita si Erick at Sarah. Mabuti na lamang at natyempuhan ng dalaga na naliligo si Erick kung kaya siya ang nakasagot ng tawag. Gulat man sa naging pag-uusap nila ni Sarah ay mabilis niyang binura ang call history sa cellphone ng binata. Ilang araw na lang at ikakasal na sila ni Erick, at sa katayuan ng binata sa kasalukuyan at hindi imposibleng magbago ang isip nito kapag nakita si Sarah. Iyon ang hindi maaaring mangyari. Sa kawalan ng ibang maisip na solusyon ay napilitan siyang tawagan si Jeremy. Hindi man niya ito masasabing kaibigan ay may nagagawa naman ito para sa kanya. Matapos ang pakikipag-usap kay Jeremy ay sumagi sa

