"What are you still standing there? Come in." Awang ang labing napamata si Sarah kay Erick, lalo pa nang luwagan nito ang pagkakabukas ng pintuan upang makapasok siya sa paraan na tila ba ito ang may-ari niyon, o ito naninirahan ang doon. "A-anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Sa halip ay aniya. Dumukot ito sa bulsa ng suot na pantalon at mula doon ay inilabas ang susi ng apartment. "Galing kay Bianca." Hindi siya nakakibo, lalo pa nang hilahin siya nito papasok nang manatili siyang nakatayo lang sa harapan nito. "Don't be so surprised. Ito lang ang alam ko'ng paraan para makausap kita ng hindi ako pinagtataguan." "Hindi naman kita pinagtataguan ah." Tanggi niya. " Yeah? Eh ano pala iniiwasan?" "Excuse me, hindi din noh! Ikaw itong bigla nalang nawala.." "Oh? So you're

