Chapter 7

1369 Words
(Chapter 07) Nagtulos nalang ng kandila si Lanie sa loob ng bahay nila na nasunog. Wala na silang nakita na kahit na anong bahagi pa ng katawan ni Melanie. Puro abo na ang nadatnan nila sa loob. Hanggang ngayon, hindi parin tumitigil sa pag iyak si Lanie, ganun din si Rico. "Sige na, rico. Tumahan kana. Wala na tayong magagawa. Kailangan na nating tanggapin na ala na talaga ang ate Melanie mo." Sambit ni Lanie kay Rico saka niya ito niyakap. Kahit si Lanie ay hindi rin matanggap tanggap ang trahedyang nangyari sa anak niya. Kaya lang kailangan niyang ituro sa anak niyang si Rico ang pagtanggap sa nangyari dahil baka pati si Rico, ay mawala sa pagkamatino na maari ding mangyari kay Lanie kung mag iisip sila ng mag iisip ng kung ano-anong ikakadam-dam ng loob nila. Lubos-lubos ang pakikiramay ng mga kapitbahay nila Lanie. Kahit walang burol at tanging tulos lang nang kandila ang naroon sa bahay nila Lanie, ay madami paring nag aabuloy at nakikiramay sa kanila. Ang totoo, maka-kapwang tao sila Melanie kaya marami din silang mga kapwa tao. "Bakit kaya nangyari ito saamin? Nasunog na nga ang bahay namin, sinama pa niya ang anak ko. Napakasaklap!" Sambit ni Lanie sa isa sa kapitbahay niya na si Mercy. "Tama na Lanie. Wag ka ng mag isip-isip pa ng kung ano, Baka makasama lang yan sayo at pati narin diyan kay rico na nadidinig ang sinasabi mo." Sambit ni Mercy. "Oh, Saan galing yang magandang sapatos na yan?" Bungad na tanong ni Carmelita sa anak niya na kakapasok lang sa bahay nila. "Ma, May isang babaeng nagbenta saakin kanina habang naglalakad ako. Ang ganda at ang mura ng presyo kaya binili ko narin. Saka tignan nyo po oh, ang kinang-kinang at mukang mamahalin siya. Sa tingin ko nga, maagang regalo ito sa nalalapit na birthday ko. Parang gift na saakin ito ni Jesus. Sinuwerte ako hahaha!" Wika ni Caren na todo ang pagtingin sa sapatos. "Maganda nga! Sige nga, Isukat mo nga anak!" Excited na sabi ni Carmelita at bigla-bigla nalang siyang napatitig sa sapatos na para bang nakita na niya noon. "Ito na nga po't gagawin ko na." Nakangising sagot ni Caren at saka inilapag sa sahig ang sapatos. "Alam mo anak, parang nakakita na ako noon ng ganyang sapatos. Kaya lang hindi ko matandaan kung saan at kanino." Kapwa na nasinuot ni Caren ang sapatos. Manghang-mangha siya, dahil pakat na pakat sa paa niya ang sapatos. Isa pa, ang ganda-ganda nito sa paa niya na siyang kinasaya ng husto ni Caren. "Naku, bagay na bagay sa paa mo anak. Ang ganda! muka kang princessa diyan." Masaya sambit ni Carmelita. Kaya lang, nagulat nalang si Caren ng biglang mamanhid ang dalawa niyang binti, pababa hanggang sa paa. Kaya naman natumba siya sa lapag. Nagulat si Carmelita sa nangyari sa anak niya. Nagtataka na naman si Diana ng makita niyang nakatodong ngiti si Joan na pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi na napigilan ni Diana na magtanong dahil masaya siyang, masaya na nakakangiti na ang pinsan niya. "Ang saya mo ata, ate Joan?" Tanong niya. "Masaya lang ako ng isa na naman ang magsusukat ng sapatos. Tiyak siguro na suot-suot na niya ito ngayon." Masayang sambit ni Joan. "Ano ba kasi ang itsura ng sapatos nayun at mabilis mo itong naibebenta?" Tanong ulit ni Diana. "Kakaibang sapatos yun, diana." "Paanong kakaiba? Nag-iisang design lang ba siya sa mundo?" "Oo, kakaibang kakaiba dahil napaka makapangyarihan nun. At ang lakas makaganda sa paa." "Parang gusto kong bumili. Nakaka akit yang pagsasalita mo na para bang ang ganda-ganda nga nung sapatos kahit hindi ko pa nakikita." "Hindi ka pwede sa sapatos nayun, diana." Biglang sumiryoso ang mukha ni Joan. "Ha? Bakit? Ayaw mo ba nun, Mabebentahan mo din ako ng negosyo mo?" "Basta, hindi pwede sayo. Tapos na sa pamilya nyo, kaya sa iba naman!" "Ano? ang gulo mo naman kausap, ate joan, Di kita maintindihan." gulong-gulong sabi ni Diana. "Mas hindi ko maintindihan, kung bakit nila ginawa yun? Bakit nila ginawa yun sa kakaisa-isa kong anak!" Nagulat si Diana. "Anak? Sinong anak? May anak ka na ba, ate Joan?! Naku, mukang lumilipad na naman ang isip mo. Mabuti pa, magpahinga ka na muna sa kwarto mo at baka napagod ka sa kakalakad." Sambit ni Diana na napapailing nalang. Ngayon na ang araw ng libing ni Maricar. Halos maghagulgol si Maricris habang sinisilid sa nitcho ang kabaong ng anak niya. Habang umiiyak siya ay para bang nakaramdam si Maricris ng panlalamig. Para bang nagparamdam si Maricar sa kanya na niyakap pa siya nito na para bang sinasabi ni Maricar na tumahan na siya dahil okay na siya sa piling ng panginoon. Matapos na ilibing si Maricar ay Nagulat nalang si Maricris sa nabalitaan niyang, patay na ang anak ni Lanie. Kahit kalilibing lang ng anak niya ay agad-agad din siyang tumungo sa bahay ni Lanie. Pag punta niya sa bahay nito ay halos magulat siya sa nakita niyang bahay ni Lanie. Mukang sa tingin niya ay hindi na niya kailangan pang magtanong kung ano ang nangyari dahil kitang kita naman na sa sunog ang dahilan kung bakit namatay si Melanie. "Condolence, lanie." Bungad na sambit ni Maricris. "Maricris!" Naluha si Lanie ng makita niya ang matalik niyang kaibigan. "Bakit nasunog ang bahay niyo? Ano ang dahilan at paano nagsimula?" Tanong ni Maricris. "Hindi nga namin alam eh. Pero, ang hirap nga pala, Maricris. Ang hirap sa pakiramdam nang mawalan ng anak. Ngayon alam ko na ang pakiramdam mo nung pinapatahan kita nung namatay si Maricar. Pasensya na nga pala kung hindi ako nakipaglibing." "Okay lang. Saka oo Lanie, Mahirap nga, Pero makakayanan mo din yan, dahil sa una mahirap talagang tanggapin." Napatahimik at may biglang naisip si Maricris." Pansin ko lang, lanie. Si Liezel, Ikaw at ako, Namatayan na ng anak at sunod-sunod na nangyari sa iisang buwan. Pansinin mo?" "Oo nga, no?" "May kakaiba yatang nangyayari." Wika ni Maricris. "Bakit ganun? Bakit hindi ko magalaw ang mga binti't paa ko?" Nagtatakang sambit ni Caren. "Anong hindi mo magalaw?" Gulat na sambit ni Carmelita sa anak niya. Itinayo niya si Caren, pero nagulat nalang siya ulit ng mabuwal ulit ito. "Aray! Bakit hindi ako matayo!? Bakit hindi ko magalaw mga binti't paa ko? Anong nangyayari saakin?" Nagtataka at natatakot na si Caren. "Anak? Anong nagyayari sayo? Wag mong sabihing nalumpo ka, matapos mong sukatin yang sapatos na yan?" "Hindi ko talaga siya maigalaw! Ma, tulungan mo ako. Anong nangyayari saakin?" Naiiyak narin si Caren. "Hubarin mo na nga yang sapatos nayan. Baka may ugat na naiipit kaya ganyan yan." "Paki tanggal nyo po. Hindi ko po talaga siya maigalaw. Manhid siya! Manhid ang dalawang paa ko!" Lumapit na si Carmelita sa anak niya. Kapwa niyang tinanggal ang sapatos na nakasuot kay Caren. Maya-maya ay nagulat nalang si Carmelita sa nakita niya. "Ano yan anak? Bakit nagkasugat ang paa mo? Sugat na may nakaukit na mga number 03 sa isang paa at 30 naman sa kabila." Takang-takang sambit ni Carmelita. Nagulat at napasigaw nalang si Caren."Ahhhhhh! Ano yan?! Bakit ako nagkasugat? Ano itong nangyayari Mama? Itapon nyo na nga po yang malas na sapatos na yan!" Inis na sambit ni Caren At saka binalibag ang Dalawang pares na sapatos. "Masakit ba anak? Masakit ba yung sugat mo? Nagdudugo siya oh!" Nag-aalalang sambit ni Carmelita. "Hindi po masakit. Manhid po talaga pakiramdam ng paa ko. Mama, Tulungan mo ako. Bakit hindi ko talaga siya maigalaw? Bakit manhid ang pakiramdam ko? Natatakot ako! Baka hindi na ako makalakad!" Nag iinarteng sambit ni Caren na maluha-luha. Napatingin nalang ulit si Caren sa sapatos na sinukat niya. "Mama, itapon nyo na nga po yang kakaibang sapatos na yan! Oo nga't maganda at mukang mamahalin, May dala namang malas!" Bigla nalang nakatanggap ng Text si Carmelita galing kay Maricris na siyang kinagulat naman niya. "My God anak! Patay na daw si Melanie. Yung anak ni Lanie." Biglang sambit ni Carmelita. Halos magulat si Caren. "What?! S-si Melanie? P-patay na? Totoo po ba yan? Bakit daw? Oh my god! Ano bang nangyayari at nagkakamatayan na ang mga kaibigan ko? Saka ito pa, Ano itong nangyayari saakin? Ano bang mundo ito? Kung ano-ano ng mga nangyayari!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD