Chapter 8

1647 Words
(Chapter 08) "Aileen, may ibabalita ako sayo na ikakagulat mo." Sambit ni Shane na kapitbahay niya at matalik din niyang kaibigan. "Ano? Mukang sa tono ng pananalita mo eh, mukang bad news yan ah!" Sagot ni Aileen habang nagwawalis sa bakuran nila. "Hindi ba't classmate mo si Melanie Pagador?" "Oo,bakit?" "Patay na siya!" Nabitawan bigla ni Aileen ang walis ting-ting at napatingin agad kay shane. "Ano? P-patay na si Melanie? Sigurado ka ba? Saan mo naman nalaman?" Sunod-sunod na tanong ni Aileen at lumapit na ito kay shane, dahil hindi siya makapaniwala sa balitang hatid sa kanya. Nagkaroon kasi sila nang alitan nitong si Melanie noon sa school at hanggang ngayon ay hindi parin sila nagkikibuan. "Nabalitaan ko sa nanay ko. Classmate niya kasi yung Nanay ni Melanie. Si Tita Lanie. Ayun nga't pumunta si Nanay sa bahay nila Melanie upang kamustahin si Tita Lanie." "Talaga ba? Eh ano nga ba ang kinamatay niya?" "Nasunog daw yung bahay nila. Hindi daw makalabas si Melanie dahil mahina at may sakit siya. Mabilis daw na kumalat ang apoy sa loob, kaya naman nag sumabog ang tangke ng kalan nila ay halos hindi na daw makita pa ang katawan ni Melanie. Naabo na siya sa lakas ng pagsabog nun. Napakasaklap nga nang nangyari sa kanya. Nakakaawa!" Halos magulat at mahabag si Aileen sa kinuwento ni Shane. Napatakip nalang si Aileen sa bibig sa pangingilong nangyari kay Melanie. "Grabe! Nakakaawa naman ang nangyari kay Melanie. Sandali nga't masabi kay Inay ang nangyari sa kanya. Kilala din kasi niya si Melanie, dahil Classmate din ni Inay si Tita Lanie." Pumasok agad sa loob ng bahay si Aileen. Nakita niyang nagluluto sa kusina ang ina niyang si Lyndrez. "Inay! May sasabihin po ako sainyo." Humarap naman bigla si Lyndrez sa anak niya ng madinig niyang nagsalita si ito. "Ano yun? May Problema ba? Mukang sa tono ng pananalita mo eh, mukang hindi maganda ang ibabalita mo ah." "Tama po kayo, inay. Patay na po daw si Melanie. Yung anak ng Classmate mong si Tita Lanie. Nasunog po daw yung bahay nila at kasama sa Sumabog na tangke ng kalan si Melanie. Halos abo nalang po ang nakita sa loob ng bahay nila. Tupok na tupok po daw sa apoy ang katawan ni Melanie." "Jusko po!" Yan nalang ang nasabi ni Lyndrez. Sa sobrang gulat din ay nabitawan din niya ang sandok na hawak niya. Hindi parin tumitigil sa pag iyak si Caren, dahil hindi parin niya maigalaw ang mga paa niya. Hindi rin niya matanggal ang tingin sa sugat sa paa niya na pinagtataka niya na may number pa na nakaukit. "Oh Mama, Saan po kayo pupunta? Bakit po kayo nakagayak? Ipapatingin nyo na po ba itong paa ko sa Doctor? Parang awa nyo na Mama, ayoko pong maging lumpo. Tulungan nyo po ulit akong makalakad." "Wag kang mag aalala, Makakalakad ka ulit. Saka Sandali lang ako. Dadalaw lang ako kay Lanie at makikibalita narin. Paag uwi ko, Magsasama na ako ng Manghihilot. Baka kulang lang yan sa hilot." "Sige po, bilisan nyo lang po Mama, at gusto ko na ulit makalakad." "Tama na sa pag iyak anak. Makakalakad karin. At nga pala, Dadalan na kita ng makakain mo dito at hindi ka nga pala makakapunta sa kusina." "May ginagawa ka ba, Ate Joan?" Tanong ni Diana pagpasok niya sa kwarto nito. "Oo, bakit?" Walang gana niyang sagot dito. "May ginagawa ka niyan na nakatulala lang sa harap ng salamin?" "May iniisip ako. Iniisip ko kung ano naman kaya ang mangyayari sa kanya." "Ayan ka na naman sa mga sinasabi mong hindi ko maintindihan. Ate Joan, parang awa mo na umayos ka na. Kasi may pag hindi, madadala ka talaga sa Mental kung ganyan ka ng ganyan!" "Bakit? Muka ba akong baliw at dadalin nyo ako sa Mental? Kung tutuusin nga, dapat sila ang dalin sa mental dahil hindi makatarungan ang ginawa nila sa anak ko." "Ha? Anak? Ate joan, May sapi ka ba?" Nalilitong tanong ni Diana. Sa sinabing yun ni Diana ay biglang nanlaki ang mata ni Joan at unti-unti itong tumingin kay Diana, na siyang kinatakot niya. "Pwede ba, umalis kana sa kwartong ito kung ayaw mong pagbuhatan na kita ng kamay!" "S-sorry ate joan, Binibiro lang naman kita. Ikaw kasi eh, kung ano-ano pinag sasasabi mo. Sige alis na ako. Saka magpapasama sana ako sayo sa palengke, kaya lang may ginagawa ka pala. Sorry sa pang iistorbo ko." Nakangiwi si Diana na lumabas sa kwartong yun. Piling ni Diana, ay kapag pumapasok siya sa kwarto yun ay parang may kakaiba. Habang kumakain si Caren, ng pagkain na binigay ng Mama niya ay bigla nalang umuga ang kama niya kaya nasaboy ang isang kutcharang kanin sa lapag ng kama niya. "Lumindol ba?" Tanong niya sa sarili niya habang pinapagpag niya ang natapong kanin sa kama niya. "Susunod kana kay Melanie." Biglang napatigil sa pagkain si Caren ng makadinig siya ng boses ng babae na nag echo sa kwarto niya. "Mamamatay ka rin, Caren." Nang madinig niya ulit ang boses na mukang nanggagaling sa hukay ay kinalibutan na si Caren. "S-sino ka? Wag ka namang manakot. Mama, ikaw ba yan? Andyan ka na ba?" Natatakot na wika ni Caren. "Ang Mama mo ang sisihin mo kapag namatay ka. Siya ang dahilan kaya ka mamamatay." "Sino kaba? Wag ka naman mang trip!" Sa oras na ito ay takot na takot na si Caren ng husto. Mayamaya pa ay Biglang may sumulpot na babaeng inaagnas sa harap ni Caren. "Ahhhhhhhhhh! Multo!!!!!!!" Halos magulat at magtaasan ang balahibo ni Caren sa nakakatakot na babae na sumulpot sa harap niya. Galit ang mukha nito at nanlilisik ang mata. Kung may sakit lang sa puso si Caren ay inatake naito sa puso dahil sobrang bilis ng t***k ng puso niya ng makita niya ang babaeng inaagnas na may suot na skyblue na gown. Isa pa, Suot nito ang Sapatos na isinukat niya. "Tandaan mo, Caren. MAMAMATAY KA!" "Nakakatakot na talaga si Ate Joan. Ano kayang nangyayari dun at kung ano-ano ang mga sinasabi niya?" Sambit ni Diana. Nasa bahay siya ngayon ng kaibigan niya. 'Bakit? Ano bang pinagsasabi niya?" "May anak daw siya. At saka alam mo bang nagbebenta siya ng sapatos. Saka ang creepy niya. Kung ano-anong lumalabas sa bibig niya na hindi ko maintindihan." "Baka natuluyan na talaga siyang nabaliw." "Piling ko nga mukang may sapi yun eh. Ibang-iba na kasi talaga siya. Ibang iba ang kinikilos, kumpara sa dating joan na nakakasama ko dati." "Hala ka! Baka nga may kaluluwang ligaw na, na pumasok diyan sa pinsan mo at baka isunod ka na niya kay Acelle." Pagbibiro ng kaibigan niya na kinatakot naman ni Diana. "Wag ka nga! Sipain kita diyan e! Subukan mong ulitin yang sinabi mo at sasampalin kita." "Ito naman, biro lang naman yun, siniryoso mo naman." "Biro man o hindi. Hindi parin nakakatuwa. Nakakatakot kayang pakinggan na papatayin ka niya. Paano kung magkatotoo? Hihilahin kita diyan at isasama rin kita sa hukay ko." "Letche! Wag ako, iba nalang" Nagtawanan nalang ang dalawa. Nagulat si Lanie at Maricris nang makita nilang dumating si Carmelita. "Long time no See, Classmate." Sambit ni Maricris at nag beso-beso pa sila. "Condolonce nga pala, Lanie. Ano bang nangyari?" Tanong agad ni Carmelita. Kinuwento naman ni Lanie lahat lahat ng nangyari. Halos mahabag si Carmelita habang nagk-kwento si Lanie. "Grabe pala. Kawawa naman si Melanie. Ang bata-bata pa niya pero namatay na agad." Sambit ni Carmelita at hinihimas-himas pa niya ang likod ni Lanie. "Teka nga, ano bang balita sayo? Saka, alam mo bang namatay din ang anak nitong si Maricris?" Pag iiba ng topic ni Lanie. Masyado na kasing nagkakadramahan na. "Oo. Alam ko na. Kaya lang hindi ako nakadalaw, kasi kakauwi ko lang galing sa probinsya namin. Kahapon nga lang ako nakauwi dito eh. Binalita saakin yan ng anak kong si Caren. Condolence din pala sayo, Maricris." Nag nod nalang si Maricris. "Speaking of Caren, Bakit hindi siya sumama?" Tanong ni Lanie. "Naku, ayun nga at umiiyak sa bahay." "Bakit?" Tanong ni Maricris. "Hindi makalakad. Nalumpo nung sukatin niya yung sapatos na nabili niya sa palengke." "Ha? Bakit naman? Baka naman may naipit lang na ugat sa paa niya." Wika ni Maricris. "Yung nga din ang hinala ko eh. Saka kakaiba yung sapatos. Pagkatapos niyang sukatin yun, Nagkasugat yung paa niya. Sugat na may number na nakaukit." Kwento ni Carmelita. Kapwa nanlaki ang mga mata nila Lanie at Maricris. "Ganyan din nangyari kay Maricar."-Maricris "Ganyan din nangyari kay Melanie."-Lanie. "Ha? A-anong ibig nyong sabihin?" Nalilitong tanong ni Carmelita. "Bago mamatay si Maricar, May nagpadala sa kanya ng sapatos. Tuwang-tuwa pa nga siya dahil ang ganda-ganda nun. Kaya lang pag kasukat niya nun, nagulat din kami ng makakita kami ng sugat. Sugat sa paa niya na may number na nakaukit. Tapos yun. kung ano-ano nang naramdaman ng anak ko at pagkatapos ay bigla-bigla nalang siyang namatay." Kwento ni Maricris. "Ganyan din nangyari kay Melanie. May nadatnan siyang kahon sa tapat ng pintuan ng bahay namin. Hindi namin alam kung saan nanggaling yun. Gandang ganda din siya sa sapatos kaya naman agad-agad din niya iyun na sinukat. Nang hubadin niya ay nagulat din kami ng makakita kami ng sugat na may nakaukit na number sa paa niya. Tinayaan ko panga sa jueteng at sinuwerte pa ako na tumama payung number nayun. Kaya lang ganun din, katulad ng kay Maricar. Namatay din ang anak kong si Melanie." "Ano ibig nyong sabihin, Mamamatay din ba ang anak ko? Mamamatay din si Caren?" Takot na takot na si Carmelita. "Wag naman sana, Pero kung ako sayo, Bantayan mo na ang anak mo. Umuwi ka na Carmelita. Sana mali ang mga hinala natin." Sambit ni Maricris. Agad-agad naman na sinunod ni Carmelita ang sinabi ni Maricris. Dali-dali siyang umalis sa bahay ni Lanie. Nagkukumarat siya sa pag uwi. Natakot si Carmelita, na mawala ang kaisa-isa niyang mahal na anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD