ISANG malakas na sigaw ang gumising kay Sharmaine noong umagang 'yun. Napatayo naman siya ng mabilis, kahit na antok na antok pa ang katawang lupa niya. Sa kwarto ni Bell, nanggaling ang sigaw ng tita niya, kaya naman doon agad siya, tumuloy. Pagpasok niya sa loob ng kwarto ng pinsan niya ay nakita niyang,halos, maligo sa dugo ang katawan ni Bell. Wak-wak ang leeg nito at tirik ang mata, sanhi na, hirap siya nung siya ay namatay. "Walangya siya! Tinuloy niya nga ang banta niya kahapon!" Bulong ni Sharmaine. Nag unahan na ang luha niya sa pagpatak. Awang awa siya sa pagkamatay ng pinsan niya. "Hindi makakapasok si Sharmaine. Namatay daw si Bell. Nakakatakot pala talaga iyang si Cinderella. Totoo ngang may sa dimonyo ang babaeng yun!" Galit na wika ni Carmelita. "Dalawa na. Dalawa na an

