HALOS hindi magkanda-ugaga si Beth sa pag papaypay sa kanyang anak na wala paring malay-tao hanggang ngayon. Habang nagpapay-pay siya ay isa-isa naman, nang pinapasok sa bahay nila Rose ang mga bakal at mga kagamitan na gagamitin para sa burol ni Marie. Kahit madaling araw palang ay marami ng tao... ang nagdidiwara sa biglang pagkamatay ni Marie. "Beth, Lanie at Maricris, matulog muna kayo sa kwarto. Magpahinga na muna kayo at kaya ko naman na ito." Ani Anne. "Hindi pa naman kami inaantok, ate Anne. Saka ito oh, nag aalala ako sa anak ko. Hanggang ngayon, hindi parin siya nagigising," wika ni Beth at binalik na ulit ang tuon sa anak niya. "Tignan nyo o, may numero nang nakaukit sa paa ni Neth!" Nakaturong wika ni Lanie sa mga paa ng bata. Agad naman nilang tinignan 'yun. "Oo nga, pare

