HALOS manigas ang buong katawan ni Lyndrez ng hindi makapaniwalang si Cindy ang nasa harap niya ngayon. Bago pa man umatras at tumakbo si Lyndrez ay nakahatak na siya papasok sa banyo ni Cindy. "Nagsasawa na akong sabihin ito. Sabi ng hindi ako si Cindy. Ako si Cinderella. Hindi ba't iyun ang tawag nyo saakin!" Nanlilisik na mata na wika ni Cindy sa kanya. "Anong ginawa mo dito?! May burol pa dito sa bahay... Papatayin at isusunod mo na ba ako sa anak ko?" Natatakot na tanong ni Lyndrez. "Sa wakas, naiba din ang salitang isinagot mo saakin. No, Lyndrez. Paanyayahan lang sana kitang pumunta sa bahay ko,"ani Cindy na may ngiting parang nang aakit. "Para saan? Ayoko! May burol pa dito sa bahay. Bawal na iniiwanan ang patay," saad niya. "Saglit lang ito. Saka, andun na sila, hinihintay k

