DAHAN-DAHANG lumingon si Carmelita para tignan ang boses na nag-panginig sa kanyang buong katawan. Tama nga ang kanyang hinala. Isang babaeng inaagnas na nakangiti sa kanya ang kaniyang nakita ng siya ay lumingon. "C-cindy?" Nanginginig na boses na sambit niya. "Pangatlong beses ko na itong sasabihin. Hindi ako si Cindy. Ako si Cinderella. Hindi ba't iyun ang tawag niyo saakin?" Nanlilisik na mata na wika niya kay Carmelita. Malas lang niya at saktong mag isa siya ng bahay ng oras nayun at may pinuntahan lang saglit ang kasamambahay niya. "A-anong kailangan mo? P-pinatay mo na ang anak ko? Ano pang problema mo?" Nanginginig na tanong ni Carmelita. "Mag kakaibigan nga kayo. Pangatlong beses ko na iyang nadidinig..." biglang lumutang ang nakakatakot na katawan ni Cindy. Sa hindi kalay

