MAHIMBING na natutulog nang tanghaling 'yun si Joan, ng bigla siyang magising sa isang haplos sa kanyang mukha. Minulat niya ang kanyang mata upang tignan, kung sino ba ang humawak sa kanya. Nilingon niya ang buong paligid at laking pagtataka niya lang ng wala siyang nakita. Inisip niya na baka pinagtitripan lang siya ni Diana at nagtatago ito sa ilalim ng kama niya, Kaya naman sumibangot na siya at saka nagsalita. "Lumabas kana diyan, Diana. Natutulog ako, bakit ba nang iistorbo ka!" Inis niyang wika. "Joan?" Nagulat nalang bigla si Joan ng madinig niya ang boses nayun, na matagal-tagal na niyang hindi nadidinig. Dahan-dahan siyang lumingon sa gilid niya at laking gulat nalang niya ng makita niya ang kaluluwa ni Acelle. Malungkot ang mukha nito at kung ano ang itsura nito nung namata

