Chapter 21

1133 Words
(Chapter 21) "Bukas na bukas pagkatapos ilibing ng mga anak namin, ipagtanong natin kung saan nakatira si Cindy. Gabi na at ngayon ang huling lamay ng mga anak namin ni Carmelita, kailangan nandun kami sa huling gabing makakasama namin mga ang anak namin," wika ni Sharmaine. "Teka, mamayang ala una na ang oras na nakalagay sa mga paa ni Marie. Anong gagawin natin?" Natatarantang tanong ni Lanie. "Kaya nga. Paano kung--" napatigil si Maricris ng pigilan siya sa pagsasalita ni Liezel. "H'wag mo ng ituloy ang sasabihin mo. Baka madinig ka ng bata, lalo lang yan manghihina." "Tama si Liezel. Ang magandang gawin natin ay bantayan nalang natin si Marie magdamag," sambit ni Beth. "Mabuti pa nga. Kami eh, aalis na at may mga lamay pa sa aming bahay," wika ni Carmelita. "Oo nga. Masama daw na nilalayasan ang patay, kaya mauna na kami," paalam ni Lyndrez. "Sige, mag iingat kayo. Salamat sa pag punta," sambit ni Lanie. Palabas na sana sina Sharmaine, Lyndrez at Carmelita ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Humangin din ng pagkalakas-lakas na tila ba'y bumabagyo. "Naku ang lakas ng ulan. Mukang hindi pa kayo makakaalis nito," Wika ni Rose sa kanila. "Kaya nga. Magpapatila muna kami ng ulan dito," sagot ni Lyndrez saka ulit pumasok sa loob. Nakaramdam ng pag iihi si Neth, Kaya naman tumungo siya sa Banyo nila Rose. Pag pasok niya sa loob ay binuksan niya muna ang ilaw dahil madilim doon. Ganun ganun nalang ang gulat niya ng makita niyang puro dugo ang ding-ding ng banyo. Nagpakawala ng malakas na sigaw si Neth. "Ahhhhhhh!!!" "Anak?" Sambit ni Beth. "Anong nangyari?" Tanong ni Rose. Nang madinig nila ang sigaw ni Neth ay agad silang nagtungo kung nasaan siya. Pag pasok nila sa banyo ay nagulat sila ng makitang nakayuko na si Neth habang nakaupo sa inidoro. Tinapik tapik siya ni Beth ngunit hindi siya magising. Isang tapik pa ay doon nagising ito. Pagmulat nito ay tinignan niya agad ang dingding ng banyo. "Asan na ang mga dugo? Puro dugo dito kanina!" Natatakot na wika ni Neth sabay yakap kay Beth. "Wala naman ah! Ano bang nangyayari sayo..." Sagot ni Beth. "Teka, ang anak ko, bakit natin siya iniwan!"tarantang sambit ni Rose. Agad agad silang nagbalik sa loob. Napahinto nalang silang lahat ng makita nilang nakatayo at nakatingin ng matalim sa kanila si Marie. "Anong nangyayari sa kanya?" Tanong ni Maricris. Bigla silang kinabahan sa itsura ni Marie. "Anak bakit?" Lumapit si Rose sa anak niya, ngunit bigla nalang itong tumilapon ng dumampi ang kamay niya sa balat ni Marie. "Ay jusko! Ano ng nangyayari?" Takot na tanong ni Liezel. Sa nangyari ay nag atrasan silang lahat. Si Rose iika-ikang tumayo. Sumakit ang katawan niya sa pagkakatilapon sa kanya ni Marie. Mayamaya ay biglang lumutang sa ere si Marie na kinagulat ng lahat. "Tignan nyo... nakalutang si Marie sa ere!" Gulat na wika ni Sharmaine. "Jusko! Anak ko!" Natatakot na wika ni Rose. Habang nasa ere si Marie ay humangin na ng malakas sa loob ng bahay nila Rose. Nagpatay bukas na din ang mga ilaw doon na lalong nagpatili sa kanilang lahat. "Ahhh! Anong nangyayari!" Sigaw ni Lanie. "Nakakatakot na ito! Hindi na maganda ang nangyayari!" Sigaw din ni Lyndrez. Mayamaya ay pumasok na sa loob ang kapatid ni Rose na may kasamang matandang babae na albularyo. Sa nakita nila ay napalaki ang mata ng ate niya pati narin ang matandang albularyo. "Hesusmaryosep! Anong nangyayari sa pamangkin ko!?" Gulat niyang wika habang titig na titig na nakatingin kay Marie. "Ano yan! Nag dala kapa ng kakalaban saakin? Sinasabi ko sayo tanda, umalis kana kung ayaw mong madamay dito!" Ang boses ni Marie ay nag iba. Boses na tila ba nanggaling sa taong kumukulam sa kanya. "Bakit ganyan ang boses ng anak mo, Rose?" Gulat na tanong ni Carmelita. Halos lahat sila nangangatog na sa takot. "Marie, lumaban ka!" Sigaw bigla ni Neth. Napatingin si Marie kay Neth. "Ikaw, humanda ka! Ikaw na ang susunod sa oras na mamamatay na ako!" Nagtinginan silang lahat. "Hindi! Hindi ka mamamatay anak!" Sigaw ni Rose. "Sige na po, Lola Kandeng, umpisahan nyo na po," sambit ng ate ni Rose. Tumango lang si Lola Kandeng at naglabas na ng itim na latigo. Pinatamaan niya si Marie at sa unang beses ay tinamaan ito sa balat nito. Umusok at tila nalapnos ang balat ni Marie. "Ahhh! Talagang sinusubukan mo ako! Pwes etong sayo matanda ka!" Itinaas ni Marie ang kamay niya. Sa taas ng kisame ay biglang nagkaroon ng itim na butas. Lalong humangin ang buong paligid sa loob ng bahay ni Rose. Maya-maya ay hinigop ng itim na butas si Lola Kandeng. "Ahhhh maawa ka!" Sigaw ng matanda. Hindi na siya sinanto nito at tuluyan na siyang nilamon ng itim na butas. Napasigaw at napatulala nalang ang lahat sa nasaksihan nila. Sa sobrang takot ay nahimatay si Rose. "Rose! Rose! Jusko! Ano bang kababalaghang nangyayaring ito!" Sambit ng Ate niya. "Umalis na tayo dito. Delikado tayo! Hindi na si Marie ang nasa harap natin!" Sigaw ni Maricris. "Tama kayo! Hindi si Marie ito! Ako ang babaeng inapi at ginawa niyong laruan. Oo, tama kayo. Buhay pa ako. Ako si Cindy! Nagulat kayo no!? Anong pakiramdam ng mawalanan ng anak? Masakit diba? Ganyang ganyan ang naramdaman ko ng patayin nyo ang anak ko. Tapos ito. Tignan nyo ang istura ko. Tignan nyo kung anong ginawa nyo saakin!" Sa isang iglap ay biglang nag iba ang itsura ni Marie. Lumabas ang katawan at mukha ni Cindy. "Ahhhh jusko po! Mangkukulam ka nga! Anong klaseng halimaw ka!?" Sigaw ng ate ni Rose. "Hindi ako makapaniwalang totoo ito. Na buhay kapa Cindy? Halimaw ka! Pinatay mo ang mga anak namin!" Sigaw ni Sharmaine. "Hahahaha! Kayo ang nag umpisa! Kaya bakit niyo ako sinisisi sa nangyari!" Sigaw ni Cindy. "Maawa ka Cindy! Tinigilan mo na ito!" Pagmamakaawa ni Beth. "Maawa? Bakit naawa ba kayo ng pinaslang nyo ang anak ko at kamuntikan narin ako. Buti nalang nakatakas ako. Oo, nung una, mga anak nyo lang ang pakay kong patayin. Pero dahil napupuno at nanggigil ako sa galit ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ngayon, gusto ko narin na pati kayo ay patayin ko! " sa galit ni Cindy ay halos mamuo ang matining niyang boses sa buong bahay nila Rose. Malakas ang loob ni Beth at lumapit siya bigla kay Cindy na nakalutang sa ere. "Cindy, tutal ay buhay ka naman. May dapat kang malaman. Siguro naman pag nalaman mo ito ay titigil ka na," Sambit bigla ni Beth. "Na ano? Ano ang dapat kong malaman, Beth?" Nagtatakang tanong ni Cindy. Lahat sila nag iintay lang sa sagot ni Beth. "Na buhay pa ang anak mo. Buhay pa siya kaya itigil mo na ito!" "Buhay? Buhay pa ang anak ko? Nasaan? Nasaan siya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD