W.A*b2-11
A/N: This chapter is lengthy...
-
Kendry
Napatingin ako sa rolex kong suot, ilang minuto ng late si Elsa para sa dinner namin. “Sir may I have your order please?” ang waiter.
“Later, I am waiting for my fiancée.” Inilapag nito ang bote ng wine. “Thank you.” Umalis na ito sa table ko, thirty minutes na akong naghihintay! Where is she? Tumunog ang cellphone and it was Elsa calling.
“Where are you?”
Elsa: sumakit bigla ang ulo ko, I’m sorry I can’t make it.
Kendry: I will go there, hold on Elsa.
Mabilis na tumayo ako at nilagyan ng pera ang ibabaw ng mesa bago dali daling lumabas sa favorite naming restaurant. I am worried about her. I parked my motor at mabilis na pumasok sa loob ng aming apartment. “Elsa?” tawag ko sa kanya. Wala siya sa sofa kung saan lage ko siyang natatagpuang nakahiga. Umakyat ako sa kwarto then I saw her, nakapatong ang mga braso nito sa noo habang nakasandal sa headboard.
“Hey..” umupo ako sa gilid ng kama then suddenly Elsa grabbed me and kissed me.. tinugon ko ang mga halik niya. Ipinasok niya ang mga kamay sa loob ng damit ko, napaigtad ako, naninibago ako ngayon sa kanya. “Elsa...” I whispered.
Bumangon siya at kaagad na pinulupot ang braso sa leeg ko and then again she kissed me. Itinulak niya ako sa kama and she began to undressed herself. Nag ingay ang cellphone ko. I tried to reach my phone pero kaagad na natabig ni Elsa ang kamay ko at muling hinalikan ng marubrob sa mga labi. Mahinang itinulak ko siya.
“Elsa! f**k, what is happening to you?”
“Can’t you see? I want to f**k you now!” she answered.
“You’re impossible.” Mahinang sagot ko at bumangon. Pinulot ko ang cellphone na nasa lapag. “Hello?”
Joshua: Kendry, kailangan mong pumunta ngayon mismo sa WEDA.
Kendry: a’right.
“Sino ang tumawag?” tanong ni Elsa sa akin. “si Joshua, pinapapunta niya ako sa WEDA ngayon baka may lead na kung nasaan si Samantha.” Sagot ko sa kanya.
“Can I go with you?”
Napahinto ako, ibang Elsa ang kaharap ko ngayon, ang Elsa na kilala ko ay ‘I’ll go with you.” It was supposed a command not asking permissions from me, I shook my head, baka dahil sa pagkamatay ni Inay Simang kaya siya nagkakaganyan. “Okey.” Sagot ko sa kanya at kaagad siyang nagdamit, nangunot ang noo ko.
“Elsa, where is your scar?” tanong ko ng makitang wala siyang pelat sa tiyan. Napatingin ito doon.
“Ahh about it, pinatanggal ko na.. pangit kasi tingnan.” She replied.
Tumango ako. Umangkas siya sa akin sa motor, which is mas gusto niyang mag drive kasya umangkas. Ah baka sakit lang talaga ang ulo niya. Hi Kendry ano bang pinag iisip mo?
-
“Joshua what’s the matter?” kaagad na tanong ko sa kanya ng makarating kami sa headquarters ng WEDA. Kasama niya sina Enrique at Andrew na ngayon ay member na ng Black Dragons. “And where is Winston? Dapat nandito siya diba?” inilapag ko ang helmet, sumunod sa akin si Elsa na tahimik lang habang nagmamasid.
“Hindi paraw nakakauwe si Delly kaya siya muna ang nagbabantay kay Baby Marie.” Sagot ni Joshua at tiningnan nito si Elsa. “wassup Elsa?” tanong nito sa fiancée ko.
“Okey lang.” sagot nito at umupo na sa isang silya, nagkibit balikat nalang ako ng tiningnan ako ni Joshua ng nagtatanong.
“Mind if you go out for awhile?” muling sabi ni Joshua. Nangunot ang noo ko, hindi ko nagustuhan ang sinasabi niya.
“Joshua hindi naman tamang-”
“Just trust me Kendry. I know what I am doing.” Seryosong sagot ni Joshua.
“Sure.” Lumabas na ng silid si Elsa, napatitig ako sa sumarang pinto, anong nangyayari kay Elsa? Hindi siya ganun, dapat nakikipag away na siya kay Joshua sa mga oras na ito, hindi siya ang tipo ng taong mapapasunod mo agad agad.
“That what I am talking.” Umayos na ng upo si Joshua. “Malakas ang kutob ko na kabilang na si Elsa sa mga babaeng nakontrol ang isipan, kaduda duda ang kinilos niya pagpasok pa lamang niya dito sa loob. Ang unang gagawin niya, ay kukunin ang helmet na inilapag mo at itatabi iyon, which is hindi niya ginawa, pangalawa hindi siya kaagad umuupo hangga’t hindi pa nag uumpisa ang ating usapan o hindi pa siya interesado at pangatlo hindi siya basta basta sumusunod lalo na at pinapalabas ko siya, nakakapagtaka diba?” paliwanag ni Joshua na sinang ayonan naman nina Enrique at Andrew.
“Pero paanong nagawa nilang kontrolin ang isipan ni Elsa? Kilala natin siya, hindi siya basta basta nauuto lamang at hindi siya nagpapatalo ng ganun ganun nalang!”
“Iyon ay kung may nangyaring laban, paano kung isa lang pala sa atin ang gumawa nun?” sagot ni Joshua.
“Sinasabi mo bang may traydor sa atin?” ako.
“Tama ka.” Tumayo si Joshua at binuksan nito ang computer. “May natanggap akong email galing kay Jefferson, sabi niya ay dapat raw tayong mag-ingat sa mga kasama natin dahil nalaman niyang may kasabwat si Green na malayang nakakagalaw at inosenteng nakakasama natin. Hindi ko sinasabing isa sa atin sa silid na ito, pero may posibilidad na kilala natin siya, kilalang kilala.”
“Kung totoo ang sinasabi niya, sinabi niya ba kung sino ang taong kasabwat ni Green?” ako.
“Hindi niya idenetalye dahil hindi na siya sumagot sa ibang katanungan ko. Basta ang sinabi niya lang ay matagal na daw na kasama sama natin.” Bumuntong hininga si Joshua. “Imposibleng isa siya sa mga Agents ng WEDA dahil dumaan sila sa mga screening bago tanggapin ni Winston, tanging ikaw lang ang nakalusot noon sa kanya, posibleng isa siya sa mga membryo ng iyong Organisasyon.”
“Kilala ko sila, kaya wala akong maisip na posibleng ta-traydor sa Organisasyon.” Sagot ko.
“Sang-ayon ako sa sinabi ni Kendry.” Si Enrique. “Kilala ko rin ang mga tao namin, wala sa kanila ang gagawa.” Dagdag pa nito.
“Naguguluhan ako.” Si Andrew. “Kung sinasabi ni Jefferson na may traydor sa isa sa atin, anong dahilan niya para traydorin tayo?”
“Dahil sa programmed army.” Sagot ni Joshua. “Ang chip na ibinigay sa akin ni Kendry para suruin, ay galing iyon sa Mama Lanie mo Enrique.” Kinuha nito ang chip at isinalpak sa computer nito. Maraming lumabas na data at isang systematic brain control?
“What that f**k?” tanong ko.
“Isa itong control chips device. Dahil dito pwede mo ng ma control ang isipan ng isang tao, at bago mo magawa iyon, may ilalagay sila na isang gatuldok lang na device sa utak ng tao. Iyon ang dahilan kung bakit hindi iyon nakikita ng scanner, nakausap ko na si Winston tungkol dito kaya alam niya na ang lahat ng ito.”
Napaisip ako. “Kung ganun’ sino ang komokontrol sa limang babae?”
“Iyon ang hindi ko alam, pero lage nilang sinasabi na membryo sila ng OBF ang grupo na kinabilangan ni Samantha Benidez ayon sa pagpapakilala niya sa atin, posibleng totoo ang sinasabi nila, possible ring hindi, sinabi ni Alice na hindi ang The Seekers ang umaatake sa WEDA kundi ginagamit lamang ang logo ng The Seekers para lituhin tayo, ang gusto nila ay ang maglaban laban tayong mga agency para kaunti nalang ang kalaban nila kung saka sakali. Natuklasan ko iyon sa pagpasok ko sa The Seekers, at gaya ng problema natin ay may ipinadala rin silang isang grupo para umatake sa The Seekers at pinapalabas na ang WEDA ang umaatake sa kanila.”
“At bakit naman nila tayo gustong maglaban laban?” si Andrew. “Posible kayang ang Wolf Gang ang may pakana sa kaguluhang ito?”
“Posible pero hangga’t wala tayong ebedensiya hindi tayo pwedeng sumugod at hanapin ang bago nilang kuta. Pero may kinalaman nga dito ang Wolf Gang, bakit ko nasabi? Dahil dito.” Pinindot nito ang isang play button. Kaya natuon ang atensiyon namin sa screen, kuha iyon sa labas ng bahay nina Winston at Delly sa araw na nanganak si Delly, pagkaalis ng mag-asawa ay may humintong isang van at doon bumaba ang apat na babae, at ang pagdating ng isa pa na may Wolf na mascara bago pumasok ang lima sa loob para maghaloghog.
Nakita ko ang panggalaiti ni Andrew sa galit. “May nabanggit si Jefferson bago siya umalis pabalik ng Spain, nabanggit niya ang tungkol sa data box.”
“Familiar sa akin ang Data Box.” Sabi ko sa kanila. “Sa pagkakaalam ko, iyon ang matagal ng pinapahanap ni Senyor Condrad noon na hanggang sa mawalan siya ng buhay ay hindi niya nakita. Anong merun sa Data Box at bakit ganun nalang ang kagustuhan niyang mahanap iyon?”
Tumayo si Joshua at pinindot ang gilid ng table dahilan para umikot ang isang bahagi ng dingding. Hindi ko alam iyon ha? Pumasok doon si Joshua at pagbalik nito ay may bitbit na itong folder. Muling nagsara ang dingding at bumalik iyon sa dati, napasipol si Enrique. Kami lang yatang dalawa ang walang alam dun ah, kung sa bagay WEDA nga pala noon si Andrew kaya hindi na ito nagulat at nung nagpanggap akong agent ng WEDA ay hanggang doon lang ako sa lumang headquarter naming ang pinasabog ng assassins at black dragons sa nakaraang laban.
“Data Box.” Umpisa ni Joshua. Lahat ng mga nasa kapangyarihan, private Organizations, Gangs, Mafias, and Individual killers ay gustong mapakamay ang Data Box. Isa itong data na pwedeng mag control ng sino man at makakagawa ito ng isang programmed army.”
“Pero sinisimulan na nila ang pagbuo ng Programmed army sa pamamagitan ng Lost Identities na sila rin ang gumawa?” tanong ko.
“Ibig sabihin, nasa kanila ang data box?” si Andrew.
“Wala sa kanila, dahil hindi na sana sila mag aaksaya ng oras para paglabanin ang lahat ng mga agency or mafias at kahit na ang syndicate heads. Naniniwala akong hanggang ngayon ay hindi pa natutunton ang data box.” Ibinigay ni Joshua ang isang litrato, isang iyong black box na mayroong numeric password. “kung sakaling nasa kanila ang data box, hindi rin nila kaagad agad mabubuksan ang data box, may isang tao lang posibleng makakabukas doon. Ang taong gumawa mismo ng data! Pero walang nakakaalam kung sino siya.”
Pinukpok ni Andrew ang mesa. “Hindi ko parin naiintindihan! Paano nawala ang Data Box? At saan ito nawala?”
“Base sa informations dito, nawala ang data box sa Heaven’s Island sa araw mismo ng auctions sa pagitan ng mga syndicate heads, mafias at mga Lords all over the world. Bago maganap ang auction, napabalitang may nagnakaw sa data box at hindi na ito natagpuan sa loob ng isla at ang nakapagtataka, walang sinu man ang lumabas sa isla kaya kanya kanya na sila ng suspetsa at nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng bawat grupo, at wala ring nakita sa CCTV, walang bakas at walang lead kung sino man ang kumuha, kaya doon pumasok ang killing the targets, dahil sa nangyari nawalan na sila ng tiwala sa isa’t isa dahilan para magkagulo ang lahat at lihim na nagkaroon ng digmaan sa bawat grupo. Pero patuloy parin sila kalakalan at patuloy parin ang black day market sa isla noon.”
“Kaya pala..” napaisip ako. Gaya ko natahimik din sila. “Sa tingin niyo, sino ang posibleng kumuha sa data box? At bakit hanggang ngayon hindi pa niya iyon ginagamit?”
“Siguradong isa lang sa mga taong nasa loob ng Isla ng mga oras na iyon, pero kung isa isahin natin baka umabot tayo ng isang daang taon dahil sa dami ng mga involved. At kung sino man ang kumuha malamang hindi niya nabuksan kaya hindi niya nagamit at natakot siyang umamin na siya ang kumuha dahil katumbas nun ang buhay niya.” Si Joshua.
Napatigil kami sa pag-iisip ng pumasok si Winston. “Are you done gentlemen?”
“How was Delly?” balik tanong ni Enrique.
“She’s alright, nagkita lamang sila ni Alice kaya siya natagalan.” Sagot ni Winston.
“Nagpaalam rin sa akin ni Elsa na magkikita sila ni Alice.” Sagot ko.
“Wala bang kakaibang kinikilos si Delly?” si Joshua.
Umiling si Winston. “Wala naman bakit? May problema ba sa Misis ko?”
“Wala naman, pero kay Elsa merun.” Sagot ni Joshua. “Nakapagtataka lang dahil kahit si Belle ay sinabing nagkita rin sila ni Alice.”
“Ganun din si Celen sa akin.” Si Enrique.
Pinukpok ni Andrew ang mesa. “sinasabi mo bang si Alice ang traydor ha?” galit itong tumingin kay Joshua.
“Posible.” Matapang na sagot ni Joshua.
“Eh sira ulo kanaman pala eh!” sinugod nito si Joshua na kaagad namang nakailag, napatakip ako sa tainga dahil sa ingay ng dalawa. Kinasa ni Winston ang baril at binaril nito ang isang vase, kaya huminto ang dalawa sa pag aaway.
“Hindi niyo ba naisip na ang plano nila ay pag away awayin tayong lahat?” si Winston. “wala akong kinakampihan sa inyo, at kung isa sa mga wild angels ang traydor hindi ako magdadalawang isip na hulihin siya kahit si Delly pa iyon, buhay na nang nakakarami ang nakataya dito at hindi lang isang bansa ang pinag uusapan natin dito, kung nasa masamang kamay ang data box, noon palang sana gumawa na siya ng hakbang pero wala tayong nabalitaan kaya posibleng ang nagnakaw sa data box ay gusto lamang pigilan ang hangarin ng mga halang sa kapangyarihan.”
Huminto na ang dalawa, napatayo si Enrique. “Andrew, kung may problema man kayo ni Alice, hindi mo dapat dinadamay ang problema natin ngayon, kahit kailan talaga ang personal mo ang inuuna mo.”
Sinuntok ni Andrew ang dingding. “Tama na yan.” Si Winston. “Kendry, bantayan mo ang mga kinikilos ni Elsa at magsimula na kayo sa pag iimbestiga. Joshua and Andrew, gusto kong kumalap kayo ng informations about sa Black Box at tigilan niyo na ang bangayan dahil wala yang maiitulong sa atin and you Enrique, bumalik ka sa Wild Angels Island at alamin mo kung sino ang traydor at kasabwat ni Green ng Hunters Group, at simulan niyo naring tanggalin ang nakatanim na bomba sa Isla, ngayong nalaman na natin na nasa Hunters Group ang mastermind ng pagbubuo ng programmed army hindi tayo dapat maging kampante.”
“Copy that Sir.” Si Joshua, pinahid nito ang dugo sa mga labi.
“Andrew.” Si Enrique.
“Fine.” Inilahad nito ang kamay kay Joshua. “I’m sorry brod.”
“Apology accepted.” Sagot ni Joshua.
“Shesh, para parin kayong mga bata.” Sabi ko. “Sino kaya ang bumuo ng data box?” nailabas ko. Natahimik sila at malalim na nag-isip, eh sino ba naman kasing sira ulong gumawa nun?
============================================================================
N/A: If you like what you read please show me some love, Vote and feel free to leave your comments as well. Thanks! XOXO.
- Who created the data box? At ang kumuha ng data box?
- And the traitor?