W.A*b2-12

2601 Words
W.A*b2-12 Alice Nagawa man ng machine na kopyahin ang memorya niyo, hindi parin magagawa ng machine ang mga nakagawian niyo at mga kaya niyong gawin sa mga physical na aspeto, kung magaling kayong makipaglaban, hindi ang mga fakes na katauhan niyo or depende kung sanay narin sila sa pakikipaglaban sa tunay nilang katauhan. Basta mag iingat kayo sa paghahanap at gaya ng sinabi ko walang papalpak. Iyon ang paalala sa amin ni Alexander bago kami umalis para hanapin ang data box na sinasabi nito. At gaya ng pakiramdam ko, nasa Underground nga kami ng Assassins noon, kung saan namatay si Marie sa pagliligtas sa amin noon. I’m sorry Marie.. habang buhay akong hihinge ng tawad sayo.. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, who would thought na ako si Black Angel? In fairness may hitsura naman ako sa man version ko. “Hello? Hello?” pinakinggan ko ang sariling boses and I was surprised dahil lalaking boses rin ang naririnig ko. “This is fantastic!” Sa tabi ko sina Celen at Belle na nakatulog, sa front seat naman si Delly at si Elsa ang nagmamaneho. “Delly..” sambit ko sa kanya, dahil malungkot itong nakatanaw sa labas. She sighed. “I am just wondering why this shits are happening to us. Wala naman tayong hinangad kundi ang magkaroon ng normal at masayang buhay diba? Hindi pa ba sapat ang mga pinagdaanan natin at hanggang ngayon hindi parin natin nakakamit ang gusto nating kapayapaan?” Pinahid nito ang luha. “Mga bata palang tayo noon ng maranasan natin ang lupit ng mundo, sa mga kamay ng mga taong halang sa kaluluwa, ni minsan hindi natin naranasan ang makipaglaro sa ibang bata, at magkaroon ng magandang childhood memories. Lalo na at nalaman ko na ang akala kong mabuting magulang ay siyang dahilan ng kalbaryo natin, marami na ring buhay ang naisakrapisyo dahil sa labanan. Kulang pa ba iyon? Hindi paba sapat ang mga nawala sa atin?” Hinawakan ko siya sa balikat at pinisil iyon. “Ang isipin nalang natin ay may dahilan kung bakit ito nangyayari ngayon, na ipinanganak na talaga tayong mga heroes?” tumawa ako. “Delly.. Don’t be sad and don’t questions God.. may dahilan ang lahat ng ito okey?” “I am worried about my baby, what if may masamang gawin ang fake Delly sa anak ko? She maybe has my memories but not my heart.” “Para mawala na iyang worry mo, pwede naman tayong dumaan sa bahay niyo diba?” si Elsa. Papunta kami ngayon sa Isabela, nasabi na ni Elsa ang tungkol sa iniisip nito na posibleng si Risa ang kumuha ng data box at iyon ang ipinadala kay Aling Simang. Ang palaisipan lamang ay kung sino ang nagpadala dahil patay na si Risa, siguradong may pinagkakatiwalaan ito. Pupuntahan namin ang kubo ni Aling Simang para makakuha pa ng ibang lead at para narin makasigurado kami sa magiging hakbang namin. “Talaga pwede?” si Delly. “Teka lang Delly, ang pangit mong pakinggan, tunog bakla ka.” Si Belle, nagising na ito. Dinama nito ang dibdib, “Hay.. akala ko wala na akong dibdib, kainis naman to.” Tiningnan nito ang sarili. “Nagsalita.” Si Celen, pupungas pungas ito. “May exam pa ako.” “Pwede ba? Kalimutan mo muna ang exam mo?” si Delly. “Iniisip mo pa ang exam mo kaysa kay Enrique..?” “I know Enrique, hindi siya mahuhulog sa pekeng Celen. Nagaya niya ang memorya ko, pero hindi ang pagiging lady in red, ko.” “Same here, Kendry won’t f**k fake Elsa.” Si Elsa. “Mas lalo naman ako, hinding hindi dahil magkagalit kami ni Andrew, or.. magkahiwalay.” Nalungkot ako, biglang miss ko na si Andrew. Gulat ang hitsura ng apat. “Kailan pa kayo nag break? At bakit? Anong dahilan?” usisa ni Belle. Ikwenento ko sa kanila ang nangyari at sinabi ko ring si Jinky Collins na ang bagong wolf at siya ang gumawa ng paraan para mahuli kaming apat at ako ang ginamit niyang pain sa kanila. “Astig ah? Pag nakaharap ko siya muli, lahat ng buhok niya sa katawan bubunutin ko!” si Belle at niyakap ako. “Alice, babalik sayo si Andrew, hindi mo kasalanan ang mga nangyari noon, kaya magkakabalikan rin kayo. Mahal na mahal ka kaya nun.” Pampalubag ng loob ni Belle. Napangiti ako. “Dapat lang na bumalik siya sa akin.” “Siyanga pala, about fake Belle, hindi niya matutumbasan ang kalandian ko, kaya hindi niya maaakit ang Joshua ko.” Nanulis ang nguso nito. “Hindi tayo nakakasigurado.. alam mo namang patay na patay sayo si Joshua, kaya hangga’t ikaw ang nakikita niya, wala iyong pakialam kahit estatwa kalang nakahiga sa kama.” Pang aasar ni Delly, na sinundan ng tawa. “Delly! You’re not helping me.” “Oh malapit na tayo sa bahay niyo ni Winston. So what’s the plan? Paano tayo makakapasok sa loob ng bahay niyo?” si Celen. “Magpanggap tayong pizza boys?” si Belle. “Ang talino mo, paano kaya nagkakasundo ang utak niyo ni Joshua? Paano tayo magpapanggap nun kung wala tayong dalang pizza?” si Delly ulit. “Sakit mo magsalita ha?” napasimangot si Belle. “Iniisahan niyo na ako.” Nagtawanan kami. Tama kahit na masama ang mga nangyayari ngayon ang mahalaga, nandirito parin kami, magkakasama at nagtutulungan. “Sa tingin ko wala na tayong ibang paraan kundi ang pasukin ang bahay niyo ng walang nakakaalam.” Suhesyon ko. “Maraming CCTV.” Si Delly. “Arghhh!” si Belle. Napapitik ito sa ere. “Tama!” “May naisip kanang matino?” sabay sabay na sabi namin. “Uo, iyon ay pakinggan natin ang naisip ni Elsa.” Ngumisi ito, at nag peace sign. “Hay kahit kailan talaga.” Napatingin kami kay Elsa. She sighed. At inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. “Ang sabi ko dadaan lang tayo, hindi ko sinabing papasok tayo sa loob ng bahay niyo.” Sagot niya. “Yeah right.” Celen. Natahimik kami, may dumaang sasakyan at walang iba kundi si Samantha Benidez, papunta iyon sa bahay nina Winston. Mabilis na sinundan namin ang sasakyan nito at huminto nga ito sa labas ng bahay nina Winston. Isang linggo pa dapat bago niya ma control ang isipan ng fake selves namin. Lumabas ng bahay si Winston, may bitbit itong garbage bag, he frowned ng makita si Samantha. “Winston!” mabilis na tumakbo si Samantha at kaagad na hinalikan sa mga labi si Winston. Pinigilan namin si Delly dahil nagwawala na ito sa loob. Itinulak ito ni Winston. “Natatakot ako.. gusto nila akong patayin… please tulungan mo ako!” Lumabas ang pekeng Delly. “Anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Madam, tigilan mo na ang asawa ko!” Napataas ang kilay namin, kung umasta parang si Delly talaga. “Narinig mo ang asawa ko, umalis kana Yael.” Muling pumasok sa loob si Winston at iniwan na nito si Samantha. Tumawa ng malakas si Samantha at muling sumakay sa sasakyan. “Hush Delly.. may isang linggo pa tayo bago ma control ni Samantha ang isipan nila, kaya hindi pa niya masasaktan si Baby Marie, dahil sa isip niya anak niya iyon.” Si Elsa. Sumang-ayon kami sa sinabi ni Elsa. “Tama kayo, sige na Elsa, tara na. Kailangan nating mahanap ang data box sa loob ng isang linggo.” Tumango si Elsa at muling pinaandar na nito ang sasakyan. ============================================================================ Wild Angels @ Kubo ni late Aling Simang Elsa Nanginig ang sarili ko habang pinagmamasdan ang kubong nagliliyab sa apoy. Marami naring mga malalapit na kapit bahay ang nakikinuod sa unti unting pagkatupok ng kubo. “Holy s**t!” si Alice ng makita ang kubo. Biglang tumakbo si Delly pasuot sa mga nakikiusosyosong mga tao. “Dell-” tinakpan ko ang bunganga ni Belle. “Change names.” I whispered at her, she nodded. “Delliooo, pare san ka?” sigaw ni Belle, sumakit ang tainga ko sa pangalang napili niya, kahit si Delly ay napahinto sandali bago pinagpatuloy ang pagsunod sa nakita nitong kahinahinala. “Napintas nga adlaw mga hijo, anong kailangan niyo dito?” tanong ng isang may katandaang babae, nakilala ko ito dahil lage itong nasa labas ng bahay nila sa tuwing dadaan ako noon sa pagdalaw kay Inang Simang. “Mga kaibigan po kami ni Elsa, ano pong nangyari dito at bakit nasunog ang kubo ni Aling Simang?” “Kaibigan? aba’y ang dami naman palang kaibigan ng anak anakan ni Simang, kanina lang ay may nagpakilalang kaibigan niya rin dito bago masunog ang kubo.” Sagot nito na ikabundol ng dibdib ko, nalaman na kaya nila ang tungkol sa box na ipinadala kay Aling Simang? “Sino po sila? Nakilala niyo po ba?” Umiling ito. “Hindi hijo, pero mga babae sila.” “Angels, magmadali kayo baka abutan pa tayo ng ibang grupong parating.” Si Delly gamit niya ang secret communication namin. Mabilis na nagpaalam kami sa kanila at umalis sa lugar na iyon, at nagtago sa liblib na lugar. Dumating si Delly at may bitbit na itong isang binatilyo. “Madi! Madi! Kasyan nak man. Awan ti ammok! Agibagbagaak ti agpasyo.” Sabi ng binatilyo. (Huwag po! Huwag po! Maawa na po kayo sa akin! Wala po akong alam! Nagsasabi po ako ng totoo. – thanks to my friend, sa pag ta-translate haha!) “Ano ka alien? Hindi kaba marunong magsalita ng tagalog?” si Belle. “Mga kuya, maawa na po kayo sa akin, may nag utos lang po sa akin na sunugin ang kubo!” takot na sabi nito. “Sandali..” napatingin ako sa binatilyo, tama ito iyong nagdeliver ng kahon kay Aling Simang. Nilapitan ko ito. “Sino ka? Anong kinalaman mo dito? Sumagot ka!” hinugot ko ang kutsilyo na nasa ilalim ng suot suot kong jacket. “Wala po akong alam mga kuya, totoo po! Pakiusap ‘wag niyo po akong papatayin.” Namumutla na ito dahil sa takot. Kinuha ni Alice ang kutsilyo sa kamay ko. “Masyado ka namang madahas Elso!” Nangunot ang noo ko sa pinangalan niya sa akin. Bweset to ah?hindi man lang nag-isip ng magandang pangalan, pinalitan lang nito ng O ang A sa huling pangalan ko! Ngumisi siya at walang sabi sabing sinaksak ang binatilyo sa paa na tumama sa pagitan ng mga daliri nito sa paa, nanginig ang binatilyo at napaupo sa lupa. Napailing kami, minsan talaga nakakatakot si Black Angel. “Magsasalita kaba? O puputulin ko lahat ng daliri mo sa paa?” “M-magsasalita na po!” Ibinigay ni Alice ang kutsilyo sa akin. “Simulan mo na!” “Galing po ako ng school nun ng may pumarang isang sasakyan, tinanong niya po ako kung kilala ko si Aling Simang, at tinanong niya rin kung nandun ang anak nitong si Elsa. Ayaw ko po sanang sagutin pero babayaran niya daw po ako ng malaking halaga kapalit kung ibibigay ko ang kahon sa kanila.. kaya hindi na po ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok niya.” “Lalaki?” tanong ni Celen. “Opo lalaki, at marami siyang tattoo...” nag-isip ito. “Para pong malaking dragon? Pero hindi ko po nakita ang mukha niya dahil naka sunglasses po siya kaya ang braso lang ang natatandaan ko. Tapos kanina po muli siyang bumalik at binayaran ako para sunugin ang kubo ni Aling Simang. ‘Yun lang po ang alam ko..” “Black Dragons..” I mumbled. Tumikhim si Belle. “Ano ang boses niya? Buo? Malamyos?” “Anong klaseng tanong ‘yan?” si Delly. “Kontra ka talaga sa mga naiiisip ko noh?” napanguso muli ito. “Buo po ang boses niya na parang nasa kweba? Ganun po.” Sagot ng binatilyo. “Aba’y pinatulan pa?” si Delly. Inirapan ito ni Belle at nag crossed arms. “P-pwede na po ba akong umalis? Baka po hinahanap na ako ng Mama ko.” “Nakita mo ba ang mga babaeng naunang pumunta sa amin?” tanong ko sa kanya. “Opo.. at mukhang may hinahanap sila sa kubo ni Aling Simang kaya po ako inutusan nung lalaking sunugin ang kubo kaagad at umalis na po siya ng masigurong nasunog ko na ang kubo.” “Sige, makakaalis kana.” Sabi ko sa binatilyo. “Ah, sandali lang.” inilabas ko ang ilang libong peso at ibinigay ito doon. “Wala kanang ibang pagsasabihan maliban sa amin, tandaan mo ang mukha namin maliwanag ba? At heto ang number, sa oras na muling magpakita o makita mo ang lalaking nag utos sayo, tawagan mo ako kaagad, at bibigyan kita ng doble pa sa ibibigay niya, maliwanag ba?” “At sa oras na may pagsasabihan ka, o sasabihin mo sa taong iyon ang napag usapan, hindi lang daliri ng paa mo ang puputulin ko, pati iyang junior mo.” Dagdag ni Alice. “O-opo! Maliwanag po mga boss!” anito at kumaripas na ng takbo. “Kung ganun, malinaw na isang membryo ng Black Dragon ang nagpadala ng kahon, sino kaya siya? At isa pa, kailangan nating makapasok sa Isla dahil nandoroon ang Box!” napakagat kuku ako. “Pero paano tayo makakapasok ng walang nakakaalam?” “Kailangan nating makausap si Kendry o di kaya’y si Enrique.” Si Belle. “At utang na loob Delly, wag kanang kokontra sa naisip ko, napapagod din kaya ang utak ko.” Delly chuckled. “Tinawag mo ba naman akong Dellio? Sinong hindi maiinis dun?” “Eh anong gusto mong itawag ko sayo aber?” “Tama na yan Bello.” Saway ko, na pigil ang matawa sa pinangalan ko sa kanya. “May iba pa tayong dapat isipin, and I think tama ka sa suggestion mo, kailangan nga nating makausap sina Kendry at Enrique para tayo makapasok sa Isla.” “Hindi ako makakapayag na Celon ang itatawag niyo sa akin.” Si Celen, nagtaas ito ng kilay. “I prefer Chris or Charles para mukhang astig.” “Celon, tama na ang dreaming mo.” Tumatawang sabi ni Delly, pinandilatan ito ni Celen. “Seriously speaking hangga’t maaari, hindi dapat tayo makikipag communicate sa mga boys lalo na at ngayon ay nasa Isla ang nagpadala ng kahon. Malakas ang kutob ko na kilala at pinagkakatiwalaan siya ni Risa, if tama ang hinala mo Elso na si Risa ang nagnakaw ng data box.” Si Alice. “Alico.” Umpisa ko. Napabunghalit ng tawa sina Belle at Delly lalo na si Celen. “Anong masama sa tinawag ko?” patay malisyang sabi ko. Hinampas ako ni Alice sa braso. “Feeling inosente? Hindi bagay sayo.” Aniya. “Kailangan natin pumasok sa Isla at kailangan lang nating magpanggap na membryo ng Black Dragons Organisasyon.” “Oh no, magpapatattoo tayo ng dragons?” si Belle. “masisira ang skin ko!” reklamo nito. “Fake lang naman eh.” Sagot ni Alice. Napaisip ako, sa lahat ng suhesyon ito ang nagustuhan ko. “Sige, susubukan nating magpanggap na membryo ng Black Dragons.” Sumakay na kami ng sasakyan, at bago kami lumampas sa kubo ni Aling Simang ay nakita namin ang grupo ni Kendry kasama ang fake Elsa. Patay na! nag absurb na kaya sa utak niya ang mga naiisip ko ngayon? Damn! ============================================================================ N/A: Pls. Vote and comment mga bebe! Tnx! Umwah! Xoxo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD