W.A*b2-14
Fake Green, the real her
Tinanggal ko ang suot na eyeglasses at itinapon iyon sa trash can. Tinanggal ko rin ang nakatali kong buhok at hinayaan iyong nakalugay. Tinuklap ko ang skin mask na nakadikit sa buong mukha ko hanggang sa leeg. “Ahhh! This is s**t!” itinapon ko iyon sa trash can. There is no reason for me to hide my real identity, sooner or later malalaman din nila, at isa pa tapos na ang pagpapanggap, nasa amin na ang totoong Samantha at malapit na ring mapasa amin ang data box. Kinuha ko ang salamin na nakalapag sa table.
“I miss my face.” I mumbled.
“And I missed it too.” Sabi ni Samuel Villonco ng pumasok, maayos na ang hitsura nito. Mabilis na iniyapos niya ang mga braso sa katawan ko pero tinanggal ko iyon.
“Samuel I am not your s*x slave, kahit kailan hindi mo ako naging pagmamay-ari.” Sabi ko sa kanya.
“Yael. Parehas lang tayong gahaman sa kapangyarihan, hindi ba’t nagawa mong iwanan ang pinakamamahal mong si Winston para dito?” ngumisi siya at muling hinablot ang baywang ko, pinalandas niya ang daliri sa noo ko, pababa sa aking ilong at sa aking mga labi. “No doubt, magkamukhang magkamukha talaga kayo ni Samantha..”
“We’re different.” Itinulak ko siya at inilapag ang salamin. “We have to hurry back, hindi na natin mapapasunod si Samantha dahil nawawala ang chip na pang control sa kanya.”
“Anong balak mo sa WEDA?”
“I will get rid of them, kung haharang sila sa mga plano natin.” Sagot ko sa kanya.
“Hmm, that’s my girl.” Nag-unat na ito. “Pero, tuluyan ka nang wala sa puso niya. At kahit anong gawin mo hindi siya sasang-ayon sa gusto mong mangyari.”
“Wala akong pakialam.” I answered him. Sinimulan kong hubarin ang damit ko, para magbihis.
“You have a beautiful body Yael... Be mine!” he grabbed my waist and kissed me deeply. Ipinulupot ko ang mga braso sa batok ni Samuel Villonco at gumanti ng halik sa kanya..
-
“I love you Yael, I can’t wait to marry you next week.” Winston whispered in my ears. I giggled and kissed his cheek.
“Same here Darling.. I love you too.”
Nasa dalampasigan kami habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. “Yael, parehong nasa panganib ang buhay natin dahil sa ating trabaho, gusto ko sanang mag resign ka at ikaw nalang ang humawak sa mga negosyo ko.”
Mula sa pagkakasandal sa dibdib niya ay umalis ako. Umayos ako ng upo. “I can’t do that, buhay ko na ito Winston at hindi na iyon mawawala sa sistema ko. I love action, I love thrill, I am adventurous, and I can’t live just facing the four corner of your office.”
“I know.. I know.. I’m sorry I am just so worried about you. Ngayong malapit na kitang maging misis gusto kitang protektahan at ayaw ko ng nasa panaganib ang buhay mo.”
“Thank you, but I am fine.” I smiled at him. “Anyway Darling, may nagnakaw ng data box sa Heaven Island, sabi ng source natin nawala daw iyon bago ang araw ng auction.” Pagbabalita ko sa kanya. “What if mapunta sayo ang data box, anong gagawin mo? Bubuo kaba ng programmed army? Gaya ng pangarap ko?”
“No.” seryosong sagot niya. “Sisirain ko iyon, hindi mo ba alam kung gaano ka dangerous ang data box na iyon? Makakasira iyon ng buhay ng maraming mga tao, ko-kontrolin nun ang isipan ng mga tao na hindi naman dapat. Kaya gagawin ko lahat para mahanap at masira iyon.”
“Pero iyon ang pangarap ko, to build an army at sila ang hahanap sa lahat ng mga sindikato at mga mafias, is it good right?”
“No it isn’t good. Ang army na sinasabi mo ay mga tao, hindi naman sila robot, winawalan mo sila ng karapatan para mamuhay sa paraang gusto nila, may mga sarili silang isip!”
“Yeah, I forgot about your principle.” I stood up.
“Darling..”
I faked a smile on my face. “Good night Darling.”
-
Bukas na ang araw ng kasal at nakakailang tawag narin sa akin si Winston para kumustahin ako, lakad dito lakad roon ang ginawa ko. Muling tumunog ang cellphone ko, pero hindi iyon si Winston si Samuel Villonco, ang taong kinamumuhian ni Winston.
“Yael, napag isipan mo na ba about my proposal? balita ko bukas na ang big day mo. So ibig sabihin ba nito, eh sinusukuan mo na ang pangarap mo at maging sunod sunuran nalang kay Winston habang buhay?”
“Paano ako makakasigurong tutulungan mo ako para mahanap ang data box? At paano ako makakasigurong hindi mo ako ta-traydurin?”
Samuel laughed. “I can assure you that, dahil kilala ko ang gumawa ng data box at magugulat ka sa malalaman mo. So, ano ng decision mo? Hindi na ako makapag hintay.”
“Sige, payag na ako. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo na guguluhin ang WEDA, gaya ng proposal mo patatahimikan mo na si Winston at payag na akong maglaho sa buhay ni Winston.”
“That’s my girl.”
-
Napaluha ako sa araw ng kasal namin ni Winston, kitang kita ko kung paano siya bumagsak ng hindi ako sumipot sa kasal namin. Mahal ko naman siya, pero mas mahal ko ang pangarap kong makabuo ng sariling grupo, iyon ang matagal ko ng pangarap at mangyayari lang iyon kung mapapasaakin ang data box. Pinahid ko ang luha, “I’m sorry Winston.. goodbye.”
*
*
*
Napahigpit ang hawak ko sa batok ni Samuel ng magsimula na siyang painitin ang buo kong katawan. He is an older than me, pero maganda parin ang katawan niya, he looks younger than his age at magaling parin siya sa romansa. He starts sipping my neck down to my breasts. “I dream for this Yael, nakakabaliw ka talaga.” Binuhat niya ako at inihiga sa mesa, naglaglagan ang mga gamit sa ibabaw at sinimulan niya ng hubarin ang natitirang damit sa aking katawan..
“You’re my woman now Yael.” He kissed my hands. Bumangon ako to cleaned up, pagbalik ko ay nakadamit narin siya.
“I am not yours, what happened is just a lust.” Paglilinaw ko sa kanya.
May kumatok sa labas, lahat ng membryo ng Hunters Group ay nakakulong na sa pinakailalim na bahagi ng silda. Bago pa makabalik si Jefferson ay sinimulan ko ng palitan ang mga tauhan nito. “What?” asik ko sa nag katok.
“Madam, bad news.. nakatakas po ang mga nasa cell ten. At hindi narin po nakita si Lanie.”
“What?!” kaagad kong kinuha ang baril sa gilid at tumakbo sa silda na nasa ibaba at wala na nga sila doon. “Hanapin niyo! Huwag niyong papatayin si Samantha, dahil kailangan natin siya. Iyong tatlo kahit tadtadin niyo! Move!” singhal ko sa mga ito. “f**k!”
Sumunod sa akin si Samuel. “Malaking problema, hindi basta basta mapapatumba ng mga tauhan mo si Jefferson, ngayon pang panig ito sa WEDA at ngayon kasama pa ang Black Dragons. Kailangan ng magmadali, sa ngayon isipin mo muna ang mga babae sa Institution. Ihanda mo na sila para sa laban. Babalik ako sa Pinas, siguradong doon din ang bagsak ni Jefferson.”
Tumango ako. Hindi pwedeng ngayon pa masisira ang mga plano ko!
============================================================================
Joshua
Nangunot ang noo ko, ng wala namang nangyayari sa ginagawa kong pag control sa chip na hawak ko. Titig na titig na ako sa monitor ng computer pero wala parin. “Up and down.. Up and down.. again, up and down. Hmmm..”
“Serious ka diyan ah?” si Andrew. Tiningnan din nito ang monitor. “At wala akong maintindihan dito.”
“Hold on, Jefferson is calling.. Yes, brod?”
He chuckled. “What are you doing right now?”
“Hmm, studying the chip, why?”
“Just continue of your----- you f*****g i***t! Stop doing that or else I will send a virus to shut your communication there!” boses ng isang babae.
“Is that you Jinky Collins?”
“Shut up! Just don’t do anything about the chip, it will control me. Do you hear me? It will control my freaking body!”
Natanggal ko ang earphone ko sa tainga ko. “Aw!” napangiwi ako parang lalaki kung makasigaw ah, at muling ibinalik ang earphone sa pagkakasuksok, masubukan nga. Haha! “Punch..”
“Aw! Stop it Samantha! Stop it! Joshua stop!” sigaw ni Jefferson sa kabilang linya.
Tinigilan ko na. So it’s true? But did he just call her Samantha? “Who is she again?”
“She’s the real Samantha.” Jefferson answered, “It’s a long story Joshua, and we are on our way there.”
Kinuha ni Andrew ang makapal na folder at sinimulang pag aralan iyon. “Sabi ko na nga bang hindi totoong Samantha ang nagpakita sa atin sa Batangas. May nabanggit si Marie noon tungkol kay Yael at hindi siya ang tipo ng babaeng humihige ng tulong sa ibang tao, at alam kong alam iyon ni Winston.”
“Kung ganun sino siya?” tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat si Andrew at ipinagpatuloy na nito ang pag re-review. Habang tinanggal ko naman ang chip at inilagay iyon sa protected vault na tanging ako lang ang nakakabukas.
“Nawala ang data box bago mangyari ang auction.. at ang mga posibleng kumuha doon ay ang mga black dragons members na naatasang magbantay doon. Imposibleng isa sa mga babae ng syndicate heads gaya ng nareport dito dahil una, hindi naman sila magaling sa pakikipaglaban, magaling lang sila sa kama.”
“Mali ka dahil posible rin, dahil si Mr. Marte hindi lang sa kama sinasanay ang mga babae niya, pati rin sa paghawak ng baril.” Sagot ko.
‘”Like Risa?”
“Yes, like her. Nakita natin kung paano siya lumaban noon sa Island.”
“Hmm, possible nga.” Tumayo si Andrew, “Pero kung siya ang nakakuha, dapat nasa kamay na iyon noon ni Mr. Marte diba? Pero bakit patuloy parin ang paghahanap ng data box? Kung tauhan naman ni Senyor Condrad ang kumuha, dapat noon pa may nabuong programmed army gamit ang the lost identities na binuo naman ng Hunters Group. Ahh, this is nonsense!” inihagis nito ang folder sa ibabaw ng mesa at iniangat ang mga paa. “Wait..” napaayos ito ng upo at napapitik sa hangin. “Tama! Bakit hindi ko naisip ang bagay na iyon, kung sinasabi ni Jefferson na may traydor sa Isla, posibleng may kinalaman ang taong iyon sa nangyaring nakawan noon!”
“At paano naman natin malalaman kung sino siya? Wala tayong listahan ng mga black dragons members at posibleng napatay na ang taong iyon sa nangyaring bakbakan noon sa Isla.”
“Kung iisipin mo, sina Aljun, Peter ang matagal ng nasa Isla diba?”
“Hindi magagawa nilang traydorin ang Organization, at kung balak man nila bakit hanggang ngayon ay tinatago parin nila ang data box? Bakit hindi nila iyon ginamit?”
“Sumabog naba iyang utak niyo?” pumasok si Winston. “wag na kayong mag-isip dahil kilala ko na kung sino ang traydor sa Isla, sinabi na sa akin ni Enrique, may nakita siya sa Isla na posibleng isang tao lang ang makakagawa, ngayon ang gusto niya ay pumunta tayo sa Isla para imbestigahan ang taong iyon.”
“Darating si Jefferson kasama ang totoong Samantha.” balita ko sa kanya. Natahimik sandali si Winston.
“Sige, hihintayin natin siya. May gusto rin akong malaman tungkol kay Samantha.” Nagkatinginan kami ni Andrew ng lumabas na si Winston.
Kung ganun alam na nga nitong hindi totoong Yael ang nagpakita dito sa Batangas.
============================================================================
N/A: Isip isip. Hehe umwah! Sana nasabayan niyo ang mga naiisip ko sa mga characters ko. Please VOTE and COMMENT as well. Thank you mga bebe!