W.A*b2-15
Kendry
Napatitig ako kay Elsa, wala akong makitang ano mang reaksiyon ng makita niya ang kubong nasusunog na, ni wala man lang akong makuhang reaksiyon sa kanya. “Elsa.” Untag ko sa kanya. “Let’s go.” Nagpatiuna na ako sa motor.
Sumunod siya sa akin, “kailangan natin makuha ang box..” pumikit ito. “nasa Isla ang box, posibleng ang laman nun ay ang data box.”
Napailing ako. “Impossible iyang iniisip mo, dahil kung totoong si Risa man ang nagnakaw gaya ng sinasabi mo, dapat ibinigay niya na iyon kay Mr. Marte.”
“Pero wala namang mawawala kung susubukan natin diba?”
“Okey, pupunta tayo sa Wild Angels Island. Pero hindi kaba nag alala kung bakit sinunog ang kubo ng Inay Simang mo?”
“Kung sino man sila, siguradong ang data box rin ang hinahanap nila, at nalaman na nila ang kahong ipinadala para kay Inang Simang.”
“Hold on.” Sinagot ko ang tawag ni Wiston. “Winston.”
Winston: Jefferson is coming, at may kasama siya na makakasagot lahat ng ating mga katanungan, kumusta si Elsa?
Kendry: she’s weird. (looking at Elsa na nakatitig sa natutupok na kubo) I am worried about her. Tell Joshua kung may magagawa ba siya para bumalik na si Elsa sa sarili niya.
“Wala.” Joshua answered. “I might be a geniuos but not this one, hindi ko kayang maintindihan ang mga datas na nakapaloob sa chip at nalaman ko rin na komokontrol iyon sa katawan ng isang tao hindi isip.”
I sighed. “Sige, babalik na kami diyan.” I hung up. “Elsa, babalik na tayo sa WEDA.” Sumakay na ako sa motor, “Elsa.” Muling tawag ko ng hindi siya magsalita. Paglingon niya, may luha na sa kanyang pisnge. ‘Elsa..” bumaba ako at niyakap siya. “It’s okey..”
“Bakit nakaramdam ako ng labis na kalungkutan?”
“Normal lang iyan, dahil minahal mo na rin si Aling Simang, you’re sad dahil nawala na ang bahay nila.” Paliwanag ko.
Kumiwala siya sa akin at pinahid ang luha. “Tara na.”
=============================================================================
Joshua
Bukas pa ang dating nina Jefferson kaya nagpaalam muna ako sa kanila para umuwe sa condo, namimiss ko na rin kasi ang sweetheart kong si Belle. Nagulat pa ako ng madatnan ito sa condo, habang nakaupo sa sofa, titig na titig ito sa pinapanuod nitong movie. Hindi nito naramdaman ang paglapit ko dito.
“Sweetheart..”
Napalingon siya, at napangiti tinapik niya ang katabing espaso ng sofa. “I like this movie, join me.”
Napadilat ang mga mata ko, dapat ngayon palang ay pinupog niya na ako ng halik! Possible kayang gaya ni Elsa ay na control din ang isipan niya? Napailing ako at tinabihan siya sa pag-upo, panay ang tawa nito sa pinapanuod.
“I-I just go wash up.” Paalam ko dito. She waved her hand. Kaagad na kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Enrique pagpasok ko sa shower room. “Enrique, may nangyayari bang kakaiba kay Celen?”
“Oo, at bumagsak siya sa exam. Kahapon bago ako umalis, wala siyang suot na kahit na anong pula, which is weird, hindi iyon mapakali pag walang pulang nakasabit sa katawan niya. Pero bukod doon, wala naman. Bakit ganun din ba si Belle?”
“Oo eh, sige tatawagan ko rin si Winston baka may nangyayari din kay Delly.” I ended and call Winston. “Sir Winston, may kakaiba bang nangyayari kay Delly?”
Winston: (sighed) yeah. Nagtimpla siya ng gatas para kay baby Marie which is naka breastfeed naman si Baby, pinaalis din niya ang yaya ni Baby dahil kaya niya na raw which is takot na takot si Delly na mapagsolo si Baby.
Joshua: How about Alice? May nangyari rin kayang kakaiba sa kanya?
Winston: break na sila ni Andrew, pero sinabihan ko na iyong kausapin si Alice.
Joshua: okey.
Binuksan ko ang shower, kailangan kong magparesko, para makapag isip ako ng mabuti. Kung sino man ang kumokontrol o dahilan ng pagbabago nila, hindi ko siya mapapatawad! Napatigil ako ng may mga brasong yumakap sa katawan ko.
“Sweetheart..” humarap ako sa kanya at iniangat ang mukha. Ginawaran ko siya ng halik sa mga labi at hinapit ang kanyang baywang. Iba,, hindi maaari..
“Ouch.” Napahawak ako sa ulo, at pinatay ko ang shower. “I’m sorry sweetheart pero sumakit ang ulo ko.” Dahilan ko, kinuha ko ang towel at itinapis iyon. Lumabas naman siya at maya maya pa’y may dala na siyang gamot. Umupo ako sa kama, at kinuha ang iniabot niya. “thanks,” Ininom ko ang gamot, pero inilagay ko iyon sa ilalim ng dila ko at muling inilapag ang baso.
“Hindi ka kasi nag-iingat, wala kanang pahinga at puro ka nalang trabaho.” Sermon niya. Natawa ako sa sarili ko, dahil hindi ganun si Belle umasta. Kumuha ako ng damit at iniluwa ko ang tablet.
“Kumusta ang shop mo?” tanong ko sa pagitan ng pagbibihis ko.
“Okey lang.” tumayo siya. “Aalis kaba ulit?”
“Yes, sorry busy lang talaga ako ngayon sa office.” Tinitigan ko siya, nag iba ang kislap ng mga mata niya.
“Sasama ako sayo, miss ko na rin kasi si Celen.”
“Wala siya doon sa office.”
Natahimik siya at bumuntong hininga. “Sige alis na rin ako.”
“Teka, sweetheart.. I love you..”
Humarap siya sa akin. “I love you too.” At lumabas na sa condo unit ko.
“f**k! Belle where are you?”
============================================================================
Andrew
I parked my car and took out the key. Gamit ang duplicate key ay binuksan ko ang bahay namin ni Alice.
“Honey..”
Napatigil ako ng makita si Alice sa harap ko, tears falling in her cheek the next thing I know ay nakayakap na siya sa akin. ‘I’m sorry Honey, I am very sorry.”
I sighed and hugged her. “I’m sorry dahil naging sarado ako sa mga paliwanag mo. You can’t blame me right?”
She nodded. “I’m sorry..”
“Yeah.. I’m sorry.. I’m sorry for this!” isang malakas na suntok ang ginawa ko sa tiyan niya, kasunod nun ang pagbagsak niya sa sahig. “You can’t fool me.” Binuhat ko siya at isinakay sa kotse. Dadalhin ko siya sa WEDA. Alam kong hindi siya si Alice, dahil wala siyang pelat sa kaliwang braso at hindi ko rin nakikita si Black Angel sa kanyang mga mata, hindi ganun tumitig si Alice.
Muli kong pinaandar ang sasakyan, at ngayon may sumusunod na naman sa amin. “Winston, Joshua, they are following me.”
Winston: how many?
Andrew: around five.
Winston: Okey. (Joshua, check his location. he yelled.)
Joshua: copy that sir!
Winston: drive faster, and let’s see if they can still follow you.
Andrew: alright.
Binilisan ko na ang pagmamaneho, pero magagaling talaga sila, nasusundan parin nila ako, at nagsisimula na silang barilin ako. s**t! Napayuko ako, at lumiko sa isang masikip na kalsada.
Joshua: Dude, mahihirapan kang makalayo sa kanila, dumeretso ka at kanan, bumaba ka kaagad at magtago, magpapadala ako ng agents para sunduin kayo sa ikatatlong kalye.
Andrew: I am with Alice.
Joshua: oh that’s good!
Andrew: Wala siyang malay! Ahhh!
Napakabig ako ng biglang may sumulpot sa aking harapan, mayrun narin sa aking likuran kaya hindi na ako pwedeng umatras.
Winston: Andrew, paliparin mo ang sasakyan! That’s the only way para makaalis kayo diyan! Parang hindi kana si Eye ah? Kupas kana ba?
Andrew: salamat sa pang iinsulto!
Napatingin ako sa katabi kong si Alice. Napailing ako, nakakasuka siya. Lumabas ako ng sasakyan na walang dalang baril.
Winston: Andrew! Nasisiraan kanaba? Bullshit!
Itinaas ko ang mga kamay, sila ang Wolf Gang na matagal ko ng gusting durugin, at ubusin! Ito na ang matagal kong hinihintay ang makaharap sila! Bumukas ang sasakyan at gaya ng inaasahan lumabas nga ang isang nakamaskarang Wolf. Wala din itong armas sa mga kamay, pero maraming tauhan nitong may bitbit.
“Anong kailangan niyo sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Ikaw ang may kailangan sa amin.” Sagot niya. Lalaki siya dahil sa kanyang boses, so may bago na namang namumuno sa Gang ngayon. Tinuro nito ang sasakyan ko, “She’s a fake dahil ang totoong Wild Angels ay patay na.” Nanginig ako sa narinig. “Kung makikipagtulungan ka sa amin, pag iisipan ko pang hindi bawiin ang iyong buhay, pero kung lalaban ka, mapipilitan akong patayin ka!”
Winston: huwag kang maniwala Andrew!
Joshua: Andrew!
Yumuko ako. “Sabihin mo, bakit niyo nagawang kumitil ng maraming buhay na inosente?
“Dapat itanong mo yan sa sarili mo, kung nawalan ka, mas nawalan kami kaya patas lang tayo.” Sagot nito. Kinasa ng mga kasamahan nito ang baril. “Makikipagtulungan kaba sa amin? O gusto mo ng mamatay?”
Napayuko ako, ng may biglang bumaril sa mga ito, isang kotse ang sumulpot sa unahan at lumabas doon ang limang kalalakihan. “Andrew! Faster!” sigaw ng isa. Pumasok ako sa loob at inakay si Alice palabas at pumunta sa sasakyan nila.
“Alico, tara na!” sigaw naman ng isa. Hindi ko sila kilala, pero bakit kilala nila ako? Sila ba ang pinadala ng WEDA?
Winston: they are not our men, don’t trust them.
Joshua: I agree.
Mabilis na pumasok ako sa loob ng sasakyan nila pagkatapos kong ipasok ang walay malay na Alice. Kaagad na nagsipasukan sila sa loob at nilisan ang lugar.
“Sino kayo?”
Bago sumagot sila at isang malakas na suntok ang ginawa ng isa sa walang malay na Alice. “That’s my answer.” He said.
=============================================================================
N/A: If you like what you read please show me some love :) Vote and Comment thanks :) XOXO.