W.A*b2-16
Elsa
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng headquarters ay kaagad na sinugod ako ni Kendry ng sipa, na kaagad ko namang naiwasan. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang Elsa version ko na nakatayo habang pinapanuod kami, kaya sumiklab tuloy ang galit ko. Gumanti ako ng suntok kay Kendry at hinugot ko rin ang kutsilyo sa ilalim ng jacket ko at ibinato iyon kay Kendry na kaagad namang nakailag, pero nadaplisan ang pisnge nito. Oops!
I grinned. “Kumukupas ka na talaga Kendry!” sabi ko sa kanya at mabilis na sinipa sa tiyan, “Focus.” Sabi ko.
“Elso, tama na yan.” Pigil sa akin ni Alice. Nagpantig ang tainga ko sa pangalan ko. Hayst.
“Kendry, enough.” Si Winston, inilabas nito ang mga palad sa ilalim ng bulsa. Lumapit ito sa amin. “Anong grupo kayo galing?”
Si Delly ang lumapit dito. “Hindi mo na kailangan pang malaman, at wala kami nun ang gusto lang namin ay mahanap ang data box.”
“So, interesado din pala kayo sa data box. Anong balak niyo kung mapasakamay niyo na ang data box?” muling tanong ni Winston.
“Ibibigay namin iyon sa inyo.” Sagot niyang walang kurap, konti nalang at alam kong bibigay na ito. Mula sa loob ay lumabas naman si Joshua, nakita ko ang ningning sa mga mata ni Belle. Palihim na siniko ko siya, makakabuti kong hindi malalaman nila na kami ang Wild Angels para narin sa proteksiyon nila, pero mas maiintindihan nila kami kung alam nila.
“Nandito kami para makipagtulungan sa inyo.” Umpisa ko.
Titig na titig si Joshua kay Belle na gumanti naman ng titig dito, I sighed siguro nga hindi madadaya ang puso. Napatingin ako kay fake Elsa at lumapit dito. “I’m sorry.” Malakas na sinuntok ko ito sa mukha na kaagad namang bumagsak. Mabilis na nahawakan ako ni Kendry sa braso, pero inikot ko ang kamay niya sa likod.
“Elsa tama na.” si Alice. Binitawan ko na ang kamay niya, at itinulak siya. Bakit si Joshua nakaramdam kaagad samantalang ito tila napaikot sa pekeng katauhan ko? I rolled my eyes.
“Belle, sige na.” sa sinabi ko, ay walang sabi sabing hinalikan nito si Joshua na ikinasuka naman ni Andrew sa gilid. Nilapitan ito ni Alice. “Andrew.” She started. “Alam kong galit ka parin sa akin, pero hindi ko pa tinatanggap ang pakikipag break mo sa akin. I will give you space, at kung sakaling wala na ako diyan sa puso mo, tatanggapin ko but for now mas gusto ko munang pagtuonan ng pansin ang problema natin ngayon. Pwede ba yun?”
“A-alice..” manghang napatingin ito kay Alice. “Bakit.. anong..”
“Ipapaliwanag namin, pero gusto naming magpanggap kayong walang alam at gawin niyo kaming membryo ng Black Dragons at least for a show.” Si Alice. Mahigpit na niyakap ito ni Andrew kaya napangiti na rin ako.
“Kung ganun..” si Winston at napatingin ito kay Delly. “Babe?”
Sunod sunod na tumango si Delly, napaluha kaagad ito. “Babe! miss ko na si Baby Wisley Marie! Is she alright? Wala bang ginawang masama ang pekeng iyon ha?” sunod sunod na sabi ni Delly.
Iniharang ni Winston ang palad sa mukha ni Delly. “Ang pangit, nagmumukha akong pumapatol sa bakla.” Reklamo ni Winston. Natawa kami, dahil totoo naman iyon. Lumayo na si Belle kay Joshua na namumutla na, hindi siguro nito napaghandaan ang mahalikan ng isang lalaki version ni Belle.
“I have a question at pag nasagot niyo, maniniwala na akong kayo nga ang mga Wild Angels namin.” Si Winston. “Saan kayo unang nagkita ni Joshua?” tanong nito kay Belle.
“Sa kwarto ni Rick Ayala. I am all naked when he saw me.” Sagot ni Belle.
“Kailangan mo pa talagang sabihin iyan?” si Joshua na nahismasan na. “Tama siya.”
Winston: Celen, hindi ka mapakali kung walang pula sa suot mo, pero mukhang wala naman?
Celen: (hinubad ang pantalon) sapat na ba ito?
Napailing si Winston ng makita ang kulay pulang panty ni Celen. Siguro pag nalaman ito ni Enrique ay magwawala iyon.
Winston: Elsa-”
Elsa: fiancée ko si Kendry, isa akong hired killer at nagtratrabaho sa Black Dragon at WEDA. Kapatid ko si Risa at matalik ko namang kaibigan si Enrique. And, Kendry and I ay hindi pa nag se-s*x.
Napamura si Kendry dahil napuno ito ng tukso nina Joshua at Andrew.
Alice: Black Angel. Ex WEDA agent, at kaka break lang namin ni Andrew.
Andrew: Cool off.
Napangiti si Alice.
Delly: Extreme.
Napatigil si Winston at napangiti. “Alright, naniniwala na ako.”
Pagkatapos masigurong kami nga ang Wild angels ay nagsimula na akong magpaliwanag at kung bakit naging ganun na ang mga hitsura namin, nakahinga sila ng maluwag ng sabihin naming skin masks lang at hindi kami inoperahan, at sinabi naman namin ang device kaya naging tunog lalaki ang boses namin.
“Nakopya ng machine ang mga memorya namin, iyon ang dahilan kaya nakagawa sila ng sariling version namin at binalak nila kaming ipapatay pagkatapos kopyahin ang pagkatao namin, mabuti nalang at may tumulong sa amin na isa sa mga membryo ng Wolf Gang. At si Samantha Benidez ang talagang may pakana sa lahat ng ito. Ginamit niya lang ang wolf gang para mahuli kaming lima at para malito tayo kung sino talaga ang totoong kalaban.” Mahabang paliwanag ko.
“Sabi ko na nga ba.” Winston muttered. Tiningnan nito si Joshua. “anong oras darating sina Jefferson?”
“Mamayang five o’ clock.” Sagot nito.
“Hindi na tayo makapaghintay sa kanila, kailangan na nating makarating sa Isla.” Winston.
“Kung ganun, mauuna na kami doon para makuha na namin ang data box, pero may traydor sa Isla kaya hindi nila pwedeng malaman kung sino talaga kami dahil ang alam nila ay patay na kaming lima.”
Tumango si Winston. “Alright, Andrew samahan mo sila sa Isla at wag kang magpapahalata, Joshua, tatakan mo na sila ng tattoo sa braso. Maiiwan kami dito para hintayin sina Jefferson, at para hindi rin sila makahalata. Ingatan niyo ang kilos niyo, tanging si Enrique rin ang pagkatiwalaan niyo sa Isla.”
Tumango kami, at tinapik ko si Kendry sa likod. Masagwa nga tingnang hahalikan ko siya dahil lalaking lalaking ang hitsura ko. Bilib din ako kay Belle ha!
=============================================================================
Enrique
Palihim na sinundan ko si Aljun, palinga linga ito at ng masigurong walang nakakapansin ay pumasok na ito sa lihim na tunnel na natagpuan ko. Tama nga ang hinala ko, si Aljun ang traydor! f**k him! “Boss?” si Lance. “Anong ginagawa niyo rito?” napatingin ito sa paligid, kung hindi mo alam na may tunnel ay hindi mo talaga mapapansin dahil natatakpan iyon ng malaking bato. Nasa pinakatagong bahagi kasi iyon ng isla, ang teretoryo dati ni Marcelo Lerzorda.
“Wala naman, gusto ko lang maglibot libot dito.” Sagot ko, hangga’t wala pa akong hawak na ebedensiya mananahimik muna ako. “Ikaw anong ginagawa mo rito?” balik tanong ko.
“Tinitingnan ko kasi ang bahaging ito, pwede pa tayong magpatayo ng gusali dito dahil dumarami narin ang mga bata natin.” Sagot niya, napatango ako, bilib din ako kay Lance dahil wala itong iniisip kundi ang kapakanan ng Organisasyon.
“Ang bomba, nalaman niyo nab a kung saan banda nakatanim?”
“Opo boss, at mahihirapan tayong kunin iyon dahil nasa pinakailalim ng lupai ng ito, hindi ko nga lubis maisip kung bakit nagawang maitanim iyon ng Hunters Group dito.” Napailing siya, “pero nakausap ko na si Jefferson, sabi niya ay deactivated naman daw iyon.”
Muli akong tumango. “Sige, parating na ngayon sina Andrew, kasama ang limang bagong membyro ng Black Dragons, magpahanda ka para sa kanila.”
“Yess boss.” Naglakad na ito pabalik sa bulwagan. Napatingin ako sa bato. Aljun, bakit mo nagawa ito, pag nalaman ito ni Alice siguradong masasaktan siya.
Nasabi narin sa akin lahat ni Kendry, at alam ko na ang limang bagong membryo ay walang iba kundi ang Wild Angels.. at si Celen.. hindi ko naisip noon na posibleng pasukin niya ang mundo ko.. akala ko ako ang magiging knight and shining armor niya at mapapabago ko ang buhay niya, Oo, nagbago nga ang buhay niya, buhay na katulad sa akin. I feel sorry for her.. really.
I took a sighed at hinayaan nalang muna si Aljun pero napatago ako sa isang puno ng lumabas na siya sa tunnel dahil gumalaw na ang bato. Paglabas niya maraming armas na siyang dala at kung ano anong wiring materials. Muli niyang ibinalik ang bato sa pagkakaayos.
“Alam kong nandiyan ka, lumabas ka.” Si Aljun.
Lumabas ako mula sa pagkakatago, seryosong tiningnan ko siya. “Anong merun sa ilalim?”
“Marcelo’s stuff.” Sagot niya. “Pwede kang bumaba kung gusto mo, baka nakalimutan mong teretoryo ito noon ng aming master? O baka naman pinaghihinalaan mo akong traydor?” dagdag niya.
“Data box, may alam ka ba doon?” deretsang tanong ko sa kanya, nakita ko ang pagbago ng expression niya.
“Hinahanap niyo na rin ang data box na iyan. May natitira kapa bang oras? May ipapakita ako sayo ilalim, iyon ay kung may tiwala ka sa akin.”
“Sige.” Sagot ko, at nagpatiuna na sa ilalim. Sumunod naman kaagad siya, at muling nagsara ang bato. Napatukod ang palad ko sa ilalim, madilim iyon pero kaagad namang nagliwang ng bumaba na si Aljun.
“What the fuck..” I muttered.
=============================================================================
N/A: What did Enrique discovered? Aljun is the traitor? Vote and Comment.