W.A*b2-20
A/N: Staring my laptop dahil wala po talagang pumapasok sa utak ko, dahil ang mahal kong parents war sila huhu :-( kaya apektado ang braincells ko! pero after ko makaubos ng tatlong cup ng coffee, sa wakas gumana na ulit sila pero type - delete - type - cancelled - exit - shutdown ang peg ng beauty ko! GRRR!
Sinubukan ko ulit and finally.. nakisama na ang braincells ng imagination ko.
So here it is..
=========================================================================
Kendry, Andrew, Joshua, Jefferson, Samantha, and Green arrived at Wild Angels Island. Si Winston ay nagpaiwan para harapin ang pekeng Samantha Benidez.
* * *
Kendry
Sa loob ng hindi pa tapos na panel and control building ko naisipang mag held ng urgent meeting with the trusted men. Kabilang ang wild angels as mans, Enrique my partner. The Hunters Group Agents: Jefferson and Green. The data box creator Samantha Benidez. The leaders: Andrew, Lance, Aljun and Peter on the side.
"Data box, Chips, The lost Identities by the Hunters Group are used to build a programmed army lead by Yael Sto. Tomas or Yael Benidez in her real name as you all know. Isa siyang WEDA agent at kasamahan natin noon sa trabaho, pero sa umpisa palang ginamit niya lang tayo para makuha ang data box at kasabwat niya noon paman si Samuel Villonco ang isa sa mga Syndicate's Lords, na ngayon ay malaya na kasama ng ibang mafias leader." I roamed my sight. Sino ang traitor? shits!
I continued. "Jefferson told me that there is a traitor here, and I don't believe him, we are not just teams here but a brothers here! Am I right?"
Tumango tango sila. Sino?
Kinasa ni Enrique ang baril at itinutok iyon kay Aljun, pero kaagad namang tinutukan ni Peter si Enrique. "Lower your gun, Boss." si Peter.
"He is the traitor." si Enrique, "and I have an evidence." inilapag ni Enrique ang isang folder at binuksan ko iyon, manghang napatingin ako kay Aljun, ang litrato ay kuha ng palihim siyang umaalis sa isla. "Can you explain to us, kung bakit ka lihim na umaalis sa isla? Lance alam mo ba ito?" tanong ko kay Lance.
"Hindi boss." Lance answered. "Aljun, paano mo ito nagawa sa grupo ha?" galit na sabi ni Lance. Nakita ko si Alice na napailing iling pero hindi na ito nagkomento pa.
"Fine! aamin na ako." si Aljun. "Nasa akin ang black box at itinatago ko iyon sa islang ito, but I just want to protect the data box, that's all!"
"Tell us, where did you hide the data box?" I yelled at him at sinuntok siya sa panga.
"Hindi ko sasabihin sa inyo, hindi!" he protested at muling bumangon. Nakita ko ang pagkalito sa mukha ng wild angels, they are smarts at sanay na sila sa mga ganito lalo na si Alice dahil siya si Black Angel, magaling siya sa pagto-torture at pag i-interrogate ng mga nahuhuli naming criminals noon. Kumindat ito kay Elsa, at tumango naman ang huli, ano ang binabalak ng dalawang lokong ito?
Alice stepped forward and faced Aljun. "Tell us where did you hide the data box?" she asked him. Aljun remained silent. Alice took her knife out of her jacket. "I've keep this knife sharp for the traitors like you. Now tell us where did you hide the data box? o ibabaon ko ito sa hita mo. Don't dare me."
Aljun laughed pero nahinto ang tawa niya ng saksakin siya ni Alice sa kaliwang hita. "Ahhhhh! f**k you!" hiyaw ni Aljun. Inilahad ni Alice ang palad kay Elsa at mula sa ilalim ng suot na loose jeans ni Elsa ay inilabas niya ang isa pang kutsilyo. s**t! Bumabalik na naman si Black Angel samahan pa ni Elsa!
"I have one more left, where did you hide the data box?" Alice asked him again.
"O-okey I will tell you. Sa.. sa silid ko sa likod ng painting, password one four one four." sagot niya.
Napangisi si Alice. "Good boy." kumindat si Alice sa akin at senenyasan na nito sina Belle, Celen at Delly. "Kami ng bahala sa kanya." aniya at inalalayan na nito si Aljun palabas.
Lahat kami natahimik sa ginawa ni Alice kahit si Jefferson ay napalunok sa nasaksihan. "Wow, you have very good men." Samantha commented, "I like him." tumikhim si Andrew sa narinig.
I cleared my throat. "Andrew, gaya ng sinabi ni Aljun nasa silid niya ang data box, tingnan mo kung nagsasabi siya ng totoo at kami naman ni Enrique ang bahala sa pag alis ng bomba dito sa isla. Lance, Peter kayo ang magmasid, Jefferson, Green and Elso guard Samantha, hindi natin kilala ang mga posibleng kasamahan ni Aljun sa isla."
"Aye." all.
========================================================================
Alice
Inis na itinulak ko si Aljun sa isang silid kung saan siya namin ikukulong. "s**t!" si Aljun, napasandal ito sa dingding habang nakangiwing napahawak sa kabilang hita.
"Ikaw ang nagpadala ng box kay Elsa," ako. Napatingin ako sa hita niya, hindi naman talaga iyon malalim, unang sagot palang niya alam kung hindi siya ang traydor. "At ikaw rin ang nag utos na sunugin ang kubo ni Aling Simang, iyon ang dahilan kung bakit ka palihim na umaalis sa isla."
Tinitigan niya ako ng mabuti and his eyes widen ng mapagsino niya na kami at hindi makapaniwalang umiling iling. "Shits, bakit hindi ko nahalata!" he murmured. "Yeah, right. At kahit alam mo na, tinotoo mo parin ang pagsaksak sa akin."
"Para makatutuhanan, pero kilala mo ba kung sino ang traitor? Dahil ako, hindi ko maisip na isa sa atin sa silid na iyon ay traydor."
Napatingin siya kina Belle, Celen at Delly na nakikinig lamang. "Malalaman niyo rin pagkatapos ng palabas." sagot niya.
"Aljun, alam kong hindi mo magagawa ang bagay na ikakasira natin, hindi ba?"
"I want to protect you Alice, that's all."
I smiled at him. "Thank you, Tol."
*
*
*
Isang anino ang mabilis na umakyat sa silid ni Aljun na nasa ikalimang palapag bago pa man makarating si Andrew para kunin ang sinasabi nitong Black Box sa likod ng painting. Kaagad na binuksan nito ang vault, pero wala na iyong laman bago pa siya makaalis sa silid ay na corner na siya ni Andrew.
"Got'cha!" si Andrew at tinutukan ito ng baril. Nakipagtitigan siya sa taong kaharap niya ngayon. "I know it's you, Peter."
Peter grinned at mabilis na sinipa ang hawak na baril ni Andrew kaya tumilapon ito sa baba, sinipa ni Peter ang ibabang bahagi ni Andrew kaya napayuko ito sa sakit at kaagad na tumakas si Peter, pero sa labas ay nakaharang na si Kendry at binaril ito sa dibdib.
Kaagad namang dumating sina Lance at nakita nito ang pagbagsak ni Peter kaya lihim na napangisi siya, wala na ang mga balakid sa plano niya. Nakuha na ng tauhan niya ang data box bago paman makapasok sa loob si Peter.
Kung matalino sila mas matalino siya, alam niyang plano na nila ang mahuli ang traydor at hindi siya magpapahuli sa kanila, mas mautak siya sa kanila kaya siya nagtagal sa grupo at kaya niya napaikot lahat sa kanyang mga palad.
"Peter is the traitor! He's dead." si Andrew.
* * *
Malalim na ang gabi, kaya tahimik na ang isla maliban sa mga huni ng ilang ibon at ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Isang grupo ang dumating sa isla at lihim na pumasok sa isang kweba kung saan matagal ng inihanda ni Lance, ang karugtong ng isla na noon ay teretoryo ng mga foreigners buyers.
"Samuel." inilahad ni Lance ang mga palad.
Napangisi si Samuelbat tinanggap ang kamay ni Lance. "Good job, Lance." napatingin si Lance sa kasama nitong babae, napataas ang kilay ni Yael.
"Don't stare at me like that Lance." si Yael at nag crossed arms. "I am beautiful than Samantha."
Kinuha ni Lance ang palad ni Yael at hinalikan iyon sa likod. "I know my love."
Dumating ang tauhan nito dala ang data box at ibinigay iyon sa kanya. "Ang data box!" napasinghap si Yael, at nagningning ang mga mata nito. "My precious.. sa wakas nahawakan rin kita.. You're mine! only mine." para itong baliw na niyakap ang akala nitong data box.
"Wala na tayong problema, napatay na nila si Peter at nakakulong naman si Aljun, mahina ang limang recruit nila at napapasunod ko na ang mga tauhan ng black dragons. At higit sa lahat, nandito sa isla si Samantha kasama sina Jefferson at Green."
Tumawa ng malakas si Samuel Villonco. "Good good good! ngayon kailangan ng mag handa ang OBF, para sa ating tagumpay! hahaha! si Samantha, kailangan natin siya dito dahil siya ang susi."
"Ako ang bahala sa kanya, be ready dahil mapapansin na ang islang ito at tuluyan ng mawawala sa landas natin ang WEDA at ako na ang mamumuno sa Black Dragons, muli nating bubuhayin ang Assassins at muling magbubukas ang panibagong Black Day Market." napangisi si Lance lalo na at nakikita niya ang mga kababaihang maraming hawak na armas habang nakatulala lang sa kawalan. "Hindi makakalaban sina Kendry at Enrique dahil hindi kayang makipaglaban ng dalawa sa mga kababaihan at wala na rin ang mga wild angels.. konti nalang at nasa atin na ang tagumpay! we will rule the world!"
Yael grinned. Samuel took his phone out of his pocket.
"We're here.. ready your men."
Pagkatapos ng tawag ay hinarap na nito si Lance. "Go back to your nest, at gawin mo na ang unti-unting pagbabagsak sa kanila.. this is the time.. this is finally ours."
===========================================================================
A/N: Charan! short chapter? I know I know.. relax lang kayo dahil simula na ang bakbakan at breath taking scenes sa mga susunod na chapters! wag maging SILENT READER mag ingay kaaa! VOTE and COMMENT para makilala naman kita :-) thank you.. xoxo.
Wolf Gang big decision.
Abangan.. ang tunay na identity ng fake Samantha Benidez! (Ang makakahula ay magiging hero or heroine ko sa isa sa mga romance stories ko ^_^)
Clue: Fake Samantha is HE not SHE. Everyone thought that he died sa huling laban nila noon sa heavens island. Hmmm.. may connection siya noon kay Butterfly Mask. Oh ayan ha! ^_^