W.A*b2-21
A/N: sorry for the long wait... ^_^V
-
Enrique
“Sana magsilbi sa inyo ang nangyari kay Peter, hindi kayo nandito para traydorin ang grupo! Nandito kayo, tayo para magkaisa at magtulungan!” nasa gilid kami ng bangin kung saan namin ihuhulog ang katawan ni Peter.
Napayuko sila lahat at ang iba ay nag iiyakan pa. I signal Lance, para siya ang maghulog sa katawan ni Peter sa bangin. Lumapit siya at pwersahang inihulog si Peter, mas lumakas ang ngoyngoy ng mga kabataan na naturuan na ni Peter. Napatingin ako kay Andrew at nag okey sign na siya. I nodded.
Flashback
“Got’cha!” si Andrew at tinutukan ng baril si Peter. “I know it’s you, Peter.”
Peter grinned at mabilis na sinipa ang hawak na baril ni Andrew kaya tumilapon ito sa baba, sinipa ni Peter ang ibabang bahagi ni Andrew kaya napayuko ito sa sakit at kaagad na tumakas si Peter, pero sa labas ay nakaharang na si Kendry at binaril ito sa dibdib.
Kaagad namang dumating sina Lance at nakita nito ang pagbagsak ni Peter kaya tagumpay ang plano namin, alam na namin na may nauna ng kumuha dahil nag warned iyon sa suot kong relo. Kaya naman binigyan namin ng special mission si Peter. Ang alamin kung sino ang kumuha ng pekeng data box at magpanggap na traitor, kailangan din siyang mamatay sa eksena.
“Peter is the traitor! He’s dead.” Si Andrew.
…
Sa silid kung nasaan nakahiga si Peter ay kaagad na lumapit si Samantha, hinubad naman kaagad ni Peter ang suot na bulletproof ng masigurong kami kami lang ang nandoon sa silid.
“Wait.. just make sure it will work out okey?” si Peter, napalunok ito. “I don’t want to die this way!”
Samantha grinned. “Shh.. wear this one,” isa iyong contact lense, inilagay naman kaagad iyon ni Peter sa kaliwang mata. “What do you see?” Samantha asked him.
“You.” Peter answered. Binatukan ito ni Samantha.
“Now close your eyes and open after ten seconds.” She ordered.
Sinunod ito ni Peter at after ng ten seconds ay nagmulat ito ng mata.
“Shit... What is this?” napatakip ito sa kaliwang mata.
“What do you see?”
“It looks like a map? I see blinking red mark?”
“It is where the fake data box located. You can trace it using that lenses and this!” Tinarakan nito sa dibdib si Peter.
“Ahhh! f**k it!” si Peter at napahawak ito sa dibdib.
“It will help you to breath under the water for an hour, after the show.”
“Shits! Aw.” Napatingin si Peter sa isa pang injection na hawak hawak na si Samantha. “And what is that thing for?”
“Finale.” Tinarakan nito sa pulsuhan si Peter at unti unti na itong nawalan ng malay, isang oras pa ang hihintayin namin para ihulog si Peter sa bangin kung saan sila Andrew at Alice noon nalaglag, sinabi ni Alice na tubig ang babagsakan ni Peter sa ibaba, at sana totoo nga. Haha!
Samantha stood up. “I need to go to my work room to deactivate the bomb and the key box.”
“Where?” I asked her.
“Under this island.” She answered.
“How about the data box? You can’t deactivate it?”
Samantha laughed. “You’re funny! You really want me to die huh? We need to get the main chip from Yael so that I can deactivate the programmed army. You’re pathetic!”
“We can’t fight against women!”
Samantha looked my way in disbelief and then sighed. “I’ll do it. I have to deal with my twin evil sister.”
***End***
-
-
-
“Where is your room again?” I asked Samantha. Tapos na ang palabas tungkol sa pagkawala at pagkamatay ng traydor na si Peter. Sina Elso, Green at Jefferson ay nasa labas habang nagbabantay. Habang si Joshua ay pasimpleng tumiwalag sa grupo namin para tingnan ang bombang nakatanim sa Isla kaya wala siya sa naging meeting namin.
“Under this island, we need to go to Marcelo’s territory.” She answered.
“Elso you heard her. Samahan niyo siya at alamin niyo rin kung ano ang nasa ilalim. At kami naman ni Kendry ay kailangan ng puntahan ang mga bomba para tuluyan ng maialis iyon sa isla.”
“Sige.” Lumabas na sila.
“Enrique, you can’t believe this!” si Joshua. Inayos ko ang earphone ko. “There is no bomb here!” pahayag niya.
“What? Are you serious? Tingnan mo mabuti Joshua! Hindi tayo pwedeng magkamali this time!”
“May nauna ng kumuha ng bomba dito at gaya ng sinabi ni Jefferson kung saan nila itinanim ang mga bomba, wala na dito at ang natira na lamang ay mga bakas ng sinu mang naghukay!”
“Malalaman mo ba kung saan banda sa islang ito posibleng naroroon ang mga bomba?”
“Hindi, dahil wala na akong madetect na kahit na anong bomba dito maliban nalang sa bombang ginawa ni Samantha, pero ang bombang itinanim ng Hunters Group ay may nauna ng naghukay.”
“Damn! Sige pupunta kami diyan.”
Shits! Shits! Lumabas ako at hinanap si Lance at natagpuan ko siya habang sinasanay ang mga kabataan. “Lance, pwede ba tayong mag usap?”
He nodded. “Sige ipagpatuloy niyo lang ang pag e-ensayo.” Sabi niya sa mga ito. Hinarap niya ako. “Tungkol saan boss?”
“Nasaan ang bomba?” deretsahang tanong ko sa kanya.
“Bomba? Hindi ko alam ang sinasabi niyo boss.”
“Wag na tayong mag utuhan dito Lance, kilala mo ako alam mong seryoso ako. Nasaan ang bomba?”
“Boss, nagkakamali po kayo, wala akong alam sa mga sinasabi niyo.”
Kinasa ko ang baril at ibinigay iyon sa kanya. “Barilin mo ako Lance, kung nagsasabi ka ng totoo!” hamon ko sa kanya.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo, boss.” Aniya at tiningnan ang baril na nasa mga kamay nito. “Sinusunod ko lahat ng sinasabi mo, kaya huwag mo akong sisisihin.” Itinutok nito ang baril sa akin.
“Enough!” napalingon kami sa isang binatilyo. “I saw it. Hindi po si kuya Lance ang kumuha ng bomba, may nakita po akong isang sasakyan na kumuha, marami po sila.”
“Matt, bumalik kana sa pagsasanay!” si Lance.
“No, continue.” Ako.
“Noong isang linggo, akala ko po kasamahan natin kaya hinayaan ko nalang, pero nakita ko po na may binubuhat silang mga mamalaking bagay, mga tatlo siguro.”
“Bakit hindi mo kaagad ni-report ang mga nakita mo?”
“Kasi sabi po sa akin ng isang senior na ‘wag ko pong sasabihin ang nakita ko dahil part lang daw iyon ng training.”
“Asan ang senior na sinasabi mo?”
Nagpalinga linga ito at umiling. “Hindi ko na siya napapansin dito.”
I nodded. “Okey, go back to your training young man.”
Ibinigay ni Lance ang baril sa akin, kinuha ko iyon. “Gusto kong alamin mo kung sino ang grupong kumuha ng bomba dito sa isla at kung paano nila nalaman ang tungkol doon, and about this.. I won’t apologize.” Iniwan ko na si Lance at pinuntahan si Kendry na nagmamasid sa monitor.
============================================================================
Elsa / Elso
Napatingin ako sa malawak na bahagi ng lupaing iyon, wala na ang mga bodega kung saan noon kinukupkop ni Marcelo ang mga nabiling kabataan nito para iligtas, tanging ang mga puno nalang at ibang kagamitan sa paggawa ng gusali.
Nagpalinga linga si Samantha, at parang may hinahanap ito na kung ano. At natuon ang mga paningin nito sa isang may kalakihang bato. “Just make sure there is no one that following us.”
“How about CCTV cameras?” si Green.
“I deactivated it.”
“Shh.. hold on.” Si Jefferson, humakbang ito at tinungo ang isang puno, mabilis na nakaakyat ito doon. Mula sa taas nakikita na ang pangpang at ang pantalan ng sinasakyan naming speedboats at ang barge na nasa gitna. Sa kabilang bahagi naman ang lapagan ng helicopters at ibang nakalapag pa doon.
Dinilaan nito ang dulo ng baril at nilagyan ng silencer. Bago pa ako makapagre act ay nakalabit na nito ang gatilyo ng baril at may natumba sa unahan namin. Hindi iyon kabilang ng Organization dahil wala itong tattoo sa braso at iba din ang kasuotan nito. Mabilis na bumaba si Jefferson at nilapitan ang napatumba nito.
“There here!”
“Who?” ako.
“Samuel Villonco’s puppies!” he answered. “Samantha, hurry up!” sigaw nito kay Samantha.
Mabilis na tinulak ni Samantha ang isang may kalakihang bato at tumambad sa amin ang isang tunnel. Mabilis na nagpalaglag siya doon, sumunod si Green, ako at nagpahuli si Jefferson hanggang sa muling nagsara ang bato sa itaas at ang pagliwanag ng nasa ilalim..
============================================================================
N/A: If you like what you read please show me some love mga bebe! Your VOTES and COMMENTS are my energy :-D and inspirations bukod kina LEE and DEE haha! Umwah! XOXO.