Chapter 1

2114 Words
AUGUSTINE University, a well-known university in Sta. Estella. It is a prestigious university in a rural area. Affordable with high standards. Papasa bilang isang modern private school. But luckily, the administration of this school wants to bring a free college for people who want a college degree but don't have enough money for college. They have a scholarship program and most of the students are members. Even Gail is a scholar of this school. The founder of this school, Augustine Del Rosario Mendel, a multi-millionaire with a rich heart built this university for people who's determine to study and have a college degree. He advocate people in Sta. Estella about the free college--- scholarship program in Augustine University na agad namang sinunggaban ng mga taong gustong makapagtapos ng kolehiyo. Isa si Gail sa mga taong nakakita ng oportunidad sa adbokasiya ni Augustine Del Rosario Mendel, kaya naman hindi na niya pinalampas ito at agad na nag-inquire sa university na agad naman siyang natanggap.  Gail took Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing. Matalino si Gail kaya naman hindi na sayang ang scholarship nito. Sa halip ay nag-offer pa ang university ng full scholarship dahil sa straight uno nitong grades mula first year hanggang ngayon na third year na siya. May nakukuha itong allowance sa school at sagot na din ng university ang pambili nito ng mga libro at iba bang kakailanganin niya sa eskwela. Kaya naman nakakaya niyang suportahan ang pang-araw-araw nilang pamumuhay ni Ganesh. Isa pa ay part timer din ito sa araw ng sabado at linggo. Pumapasok ito bilang isang cashier ng convenience store sa bayan ng Sta. Estella kaya naman kahit papaano ay magaan ang pamumuhay nila.  Lunchtime na at ilang oras na rin ang nakakalipas matapos ang engkwentro ni Gail sa estranghero sa library kanina. Malinaw pa rin sa isipan nito ang pares ng mga matang nakita niya. She can’t help but to admire that stranger’s ocean eyes. She can still feel the unknown sensation when she directly looks into his eyes. Tila ba nalulunod ito sa pinakamalalim na parte ng karagatan. Mabuti na nga at nakaahon pa siya. Naghatid iyon ng kakaibang kaba sa dibdib niya. Pakiramdam nito ay sa oras na muli itong mahulog sa mga bughaw na mata ng lalaking iyon ay may kung anong hindi niya makontrol na mangyari. Bumuntong-hininga ito, bumabagabag din sa kanyang isipan kung bakit ni katiting na takot ay hindi niya naramdaman sa lalaki. Kumunot and noo niya at hindi niya mapigilang ipilig ang ulo. Hindi niya ang sariling katanungan. She totally didn’t know him, completely strangers but why can’t she feel scared around him? Is it because of his eyes? His eyes look calm like the ocean. Kumalma ang isipan nito at bahagya pang natulala doon kaya siguro hindi ito nakaramdam ng takot kanina.  “Ang lalim naman ng iniisip mo, hindi ko masisid.”  Tila ba may pumutok na bula sa ibabaw ng ulo ni Gail at natauhan nang magsalita si Deanna. Kasalukuyan silang nasa gilid nang soccer field ng university. Nakaupo sa bakanteng bench na nasa ilalim ng umbrella tree.  “Kanina ka pa may iniisip. Share ka naman d’yan!” bulalas nito at kumagat sa burger na kinakain nito.  Nagbuga ng malalim na hininga si Gail at napailing. Wala siyang balak na sabihin kay Deanna ang nangyari sa library dahil paiguradong gagawahan niya lamang ng issue iyon. Knowing Deanna for years, masasabi niyang tsismosa at ma-issue ang kaibigan.  “Wala naman. Iniisip ko lang si Ganesh. Baka miss na niya ako.” Palusot nito. Pinaningkitan siya ng mata ni Deanna. Halatang hindi naniniwala sa sinabi niya.  “What? Hindi ka naniniwala? Edi don’t.” Ani Gail at umirap pa siya.  Mabilis namang hinagip ni Deanna ang buhok nito at hinila iyon ng may kalakasan. “Edi don’t mo mukha mo Gail Suarez. Akala mo ba hindi ko napansin? Habang nagkaklase tayo ay malalim na ang iniisip mo. Isa pa ang sabi mo kanina nasa library ka na pero pagdating ko doon ay walang tao! May nangyari ba sa library? May nanggulo bang lalaki sayo?” Mahabang alintaya ni Deanna.  “Wala! Masyado kang observative Deanna Saludes.” Sagot ni Gail at hinablot ang burger na kinakain nito bago nilantakan iyon.  “Hoy! Akin ‘yan!” Atungal ni Deanna at hinablot pabalik ang burger nito bago isubo iyon lahat sa kanyang bibig.  “Napakadamot mo! Bahala ka dyan pagnabulunan ka ‘di kita bibigyan ng tubig!” panakot ni Gail sa kaibigan nang makita ang paglamon nito sa natirang burger.  Puno naman ang bungangang ngumiti si Deanna at kinuha ang bottle water sa kanyang tabi at ipinakita iyn kay Gail. Napa-irap na lamang si Gail at itinuon ang pansin sa field. Pansin nitong maraming estudyante ang nakasuot ng P.E uniform nila at kasalukuyang naglalaro. Naalala tuloy nitong lunes pala ngayon at P.E ang una’t huling klase nila ngayong tanghali.  Ngunit baka wala ulit sila klase dahil noong nakaraang linggo ay nag resign ang P.E instructor nila. Wala pang balita kung may kapalit na itong bago kaya hindi sigurado kung may klase sila ngayon. Kung wala ay maaga itong makaka-uwi at magkakaroon siya ng oras kay Ganesh.  Bumaling ito sa kaibigan. “May kapalit na ba si Ma’am Javier?” Tanong ni Gail kay Deanna.  “Wala pang balita. Makikita naman natin sa AU Guidance Council Page kung may kapalit na si Ma’am hindi ba?” Tumango si Gail, tama si Deanna, kung meron mang kapalit ang dating instructor nila ay paniguradong mapo-post ito sa page ng school upang e-inform ang lahat ng estudyanteng handle ng dating instructor. “Edi wala tayong klase?”  Napapitik pa si Deanna at tumango-tango sa sinabi ni Gail. Halatang masaya sa isipang wala na naman silang klase.  “one-hundred percent!” ani Deanna. “Punta tayong plaza! Ngayon yata magbubukas night market? I’m sure marami nang food stall doon.”  “Pagkain na naman nasa isip mo Deanna.”  Napailing na lamang si Gail, bukod kasi sa madaldal si Deanna ay puro din pagkain ang bukambibig nito. Hindi ito nauubusan ng pagkain sa bag. Kung maubusan man ito ay bibili ito sa cafeteria at muling pupunuin ang bag nito ng mga kung ano-anong pagkain. Hindi ito madamot kaya naman halos malibre na din ito sa pagkain. Sa pagkain lang ito gumagastos ng malaki, ngunit pagdating sa mga ibang bagay ay kuripot na ito.  “Dali na Gail! Minsan nga tayo lumabas e.” Pagpupumilit nito sa kanya. Hinawakan pa ang braso nito at pinisil-pisil iyon.  Pinukulan siya nang tingin ni Gail at bumuntong-hininga. “Hindi pa nga sigurado kung wala tayong klase Deanna.” anito. Ngumuso si Deanna. “Ang kj mo naman.”  “Kung walang klase go ako, basta libre mo.” nakangising sambit ni Gail.  Ngumisi din si Deanna sa kanaya. “Dyan ka magaling, sa libre.” sarkastikong sambit nito. Tinaasan niya ito ng kilay. “Ikaw ang mapilit dyan.”  “Oo na! By the way, isama natin si Ganesh! Miss ko na ang batang ‘yon!”  “Well, hindi ka niya miss!” asar ni Gail at tumawa.  Magaan namang tinampal ni Deanna ang sentido ni Gail dahil sa pang-aasar nito. Madalas silang mag-asaran at magkasakitan. Iyon na ang bonding nilang dalawa kaya naman normal na sa kanila kung magsapakan sila bigla sa daan. “SABI KO naman kasi sayo na walang talagang klase.” Bagot na bagot na sambit ni Deanna.  Nasa music room sila ngayon, doon ang nakatalagang silid-aralan nila sa oras nang P.E, nakakapagtaka na sa ikatlong baitang sa kolehiyo ay may P.E pa. Kasama kasi si Gail at Deanna na nag-drop ng subject na iyon noong second year, upang makakuha ng slot para sa major subjects nila. Mas inuna nila ang major kaya naman ngayong third year na sila ay halos minor subjects na lamang ang klase nila. Inub-ob ni Deanna ang mukha sa armchair nito. Mabuti na lamang at fully air conditioned ang music room. Hindi sila masyadong nababagot sa paghihintay. Si Deanna lang ang reklamo ng reklamo dahil na ubos na nito ang pagkain niya at wala na itong kutkutin. Kaya naman ganon na lamang ang pagkabagot nito.  “Malapit na Deanna, maghintay ka na lang. Remember the fifteen minutes rule? Five minutes na lang at fifteen minutes na.” Paalala nito.  Ang fifteen minutes rule ay rule na gawa-gawa lamang ng mga estudyante, isang itong rule na kung saan kapag hindi nakapasok ang instructor sa scheduled time nito in fifteen minutes, the class is automatically terminated. The other instructors are against this rule but most of them agreed and followed this rule even though it was made by the students.  Talong minuto na lamang ang natitira, ang ibang kaklase nila ay umalis na at hindi na nakapaghintay na matapos ang kinse minutos. Bilang na lang sa kamay ang natitira doon kasama nila. Ilang beses na din siyang inaya ni Deanna na umalis na ngunit hindi ito pumayag dahil bukod sa wala pa ang kinse minutos ay nag-e-enjoy din ito sa lamig ng aircon. Gail was busy reading her book when the door of the music room opened. Iniangat nito ang kanyang ulo upang tingnan kung sino ang pumasok. A tall, dark and handsome man walks with might on the music room platform. Ang kaninang may ka-ingayang music room ay tila dinaanan ng mga anghel dahil bigla iyong tumahimik. Ang lahat nang mga mata ay nakapokus sa lalaking nasa harapan ngayon.  “Good afternoon class, I’ll be your new P.E instructor, Lothario Mendel.” Gumuhit ang isang simpleng ngiti sa labi ni Lothar matapos nitong magpakilala. Tila ba iyon ang naging wake up call nang mga natahimik at natulalang estudyante. Nilibot ni Lothar ang mata sa buong silid. Rinig ang mga pag-singhap at pagkamangha nang mga estudyanteng nakapansin ng bughaw nitong mga mata. Gail was shocked, the man she met at the library is her new P.E instructor. Napalunok ito, lalo na nang makitang inilibot ni Lothar ang kanyang mga mata sa silid. Gail held her breath when Lothar’s eyes settled on her.  Nakita nito ang pag-angat ng gilid ng labi nito. “Mukhang nagsi-uwian na ang iba niyong kaklase?” Sambit nito ngunit nasa kanya pa rin ang tingin tila ba tinatanong ito.  “Yes po Sir.” sagot naman ni Karina, isa sa mga kaklase nito dahilan upang maalis ang tingin nito sa kanya. Bahagya namang nakahinga ng maluwag si Gail nang alisin nito ang tingin. “I can’t start the topic kung kaka-unti lang kayo. Let’s start our class next meeting. But before I dismiss you, who is your representative in your class?” Agad namang nag-sitingin ang mga ito kay Gail, siya ang representative ng klase nila at hindi niya maiwasang kabahan nang muling tumuon ang tingin nito sa kanya.  “Miss?” anito.  “G-Gail po Sir.” hindi nito maiwasang mautal.  Napakagat it nang kanyang ibabang labi at napa-iwas ng tingin.  “Gail?” Muling tanong nito.  Muli itong napalunok dahil sa panunuyo ng kanyang lalamunan. “Suarez. Gail Suarez.” Banggit nito sa kanyang buong pangalan. Nagpapasalamat ito dahil hindi ito nautal. “Miss Suarez, You’ll be the one who will check the attendance for my class. List down the names of your classmates and give it to me tomorrow. Pakilista na din kayong naghintay sa klase ko, I’ll give you extra points.” mahabang saad ni Lothar.  Tumango si Gail. “Yes po Sir.” aniya habang nakatingin sa mga mata nito.  Iyon na naman ang pakiramdam na naramdaman niya kanina. His eyes are seducing her, nilulunod siya nito at tila ba hinihigop. Hindi na normal ang pagtibok ng puso nito dahil sa bilis niyon. Hindi nagtangkang umiwas ng tingin si Lothar. Sinusuklian ang titig ni Gail, mata sa mata.  “Bet mo si Sir?” Agad na natauhan si Gail sa bulong ni Deanna. Umiwas ito nang tingin at natataranta na naglabas ng ballpen at papel upang isulat ang mga pangalan nang kaklase niya. Dinig nito ang pag-hagikgik ni Deanna at bahagya pang tinusok ang tagiliran nito, dahilan upang mapatalon ito sa gulat at mahampas niya ito nang notebook sa ulo nang wala sa oras. Agad namang nag-init ang mga pisngi ni Gail dahil sa hiya nang makitang nakatingin parin si Lothar sa kanya. He saw how she hit Deanna’s head with a notebook.  ‘Tangina!’ First time in her life ay nagmura ito kahit pa man sa isipan lang iyon. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD