Prologue
KATULAD ng nakagawian ay maagang bumangon si Gail upang maglinis ng kanilang apartment. Lunes ngayon at may klase ito kaya naman alas-singko pa lamang ay nagsimula na ito maglinis. Nakagawian na itong gawin ni Gail, ayaw kasi nitong naiiwang magulo at madumi ang apartment. Ayaw niya ding nadadatnan na tila ba binagyo ang bahay nila. Kaya naman maaga itong bumabangon upang magsinop kahit pa man hindi gaanong kakalat iyon.
Mabilisan ngunit siguradong simot ang mga alikabok sa ginawang pagwawalis ni Gail, bago ito nag-mop. Matapos nitong maglinis ay nagtungo naman ito sa kusina upang magluto ng agahan. Nagsaing muna ito ng kanin bago nagprito ng hotdog at itlog na ulam nila ni Ganesh.
Pagkatapos nitong magluto ay napatingin ito sa wall clock na nakasabit sa itaas ng entrada ng kusina. Saktong alas-sais ang oras doon, kaya naman nagtungo na ito sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng apartment nito at muling pumasok sa kanyang kwarto. Tulog na tulog pa rin ang apat na taong gulang nitong kapatid na si Ganesh sa kanyang kama.
Kinuha nito ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto nito bago tinahak ang daan patungong banyo upang maligo. Inalis nito ang buong saplot pagkapasok nito sa banyo at agad na binuksan ang shower at binasa ang sarili.
Labing-anim na taong gulang pa lamang si Gail nang maglayas ito sa puder ng kanyang ina. Gail Suarez is the daughter of a famous prostitute in Sta. Estella, Gemma Suarez. Nang dahil sa karahasang dinanas nito sa murang edad ay natuto itong tumayo sa sarili nitong mga paa at buhayin ang sarili. Malaki ang pasasalamat niya at may taong kumupkop at tinanggap ang pagkatao niya nang maglayas ito. Pinatira ito, binihisan at taos pusong inalagaan ni Lucita Coron, o mas kilala sa tawag na Aling Lusing.
Si Aling Lusing ang tumayong ina nito at itinuring naman siyang sariling anak ng ginang.
Matapos maligo ni Gail at muli itong bumalik sa kanyang silid upang magbihis. Nagsuot muna ito ng t-shirt at shorts na pambahay dahil papaliguan niya muna si Ganesh. Iiwan niya ito kay Aling Lusing upang pabantayan habang wala siya. Ipinulipot nito ang tuwalya sa kanyang basang buhok bago tinungo ang natutulog na kapatid.
Gail stare at him for a while. Ganesh is her half brother. Tulad nito at nabuo ito nang hindi sinasadya at walang kinikilalang ama. Iniwan ito ng kanyang ina sa labas ng bahay ni Aling Lusing apat na taon na ang nakalipas. May kasama lamang itong sulat na nagsasabing kapatid niya iyon at galing iyon sa kanyang ina.
Hindi naman agad na nagduda si Gail dahil pansin ang pagkakahawig nila ng itsura. Sa hugis pa lamang ng mukha ay pareho na sila maging ang kulot na buhok ay pareho sila. Na mana nila sa kanilang ina.
Hinaplos nito ang pisngi ng kapatid at kinantilan ng halik sa pisngi bago ito ginising.
"Ganesh," malambing ang tono ng boses nito habang sinusuklay ang kulot na buhok nito gamit ang kanyang mga daliri..
Ayaw niya mang istorbohin ito ng tulog ay kinakailangan. Nakakahiya naman kung pati ang pagligo ni Ganesh ay kay Aling Lusing niya ipapagawa.
"Baby," muling tawag niya at marahang niyugyog ang balikat ng kapatid.
Gail love her little brother so much. Ganesh bring strength and light to her darkest days. Siya ang pinagkukunan nito ng lakas upang mabuhay sa araw-araw.
Ganesh move and slowly open his eyes. Hindi maiwasang mapangiti ni Gail ng makita pa ang bahagyang pagsalubong ng mga kilay nito at ang paglukot ng gwapong mukha ng kapatid.
"Gising ka na. You need to take a bath na bago ka iwan ni Ate kila Aling Lusing, okay?"
Mabilis namang tumango ang kapatid at kusa na itong tumayo mula sa kama. Ito ang isa sa mga nagustuhan niya kay Ganesh, he always listen to what she's saying. Madali din itong makaintindi at higit sa lahat matalino ito. He's like a six years old boy, dahil sa mabilisang pag-unawa nito.
Nagpati-una pa ang kapatid na nagtungo sa banyo. Nang makarating ito ay wala ng damit si Ganesh at nasa ilalim na ng shower. She just assist him in shampooing and soaping his whole body at pinanuod niya na lamang itong magbanlaw. He even brush his teeth alone at hindi niya maiwasang mapangiti habang pinapanood ito.
Her little brother is growing fast. Even his height gets higher than before.
"You done?" Tanong ni Gail ng makitang pinatay na nito ang shower.
Ganesh nodded and beam a whole teeth smile. "Yes Ate!" Bibong sagot nito.
Binuklat ni Gail ang tuwalyang hawak at ibinalot ito sa basang katawan ng kapatid.
"Very good ka na ha. Marunong ka nang maligo ng mag-isa. Big boy na ang baby ko? Hmm?" Puri nito at binuhat ang kapatid.
Inilayo naman ng konti ni Ganesh ang kanyang mukha at ngumisi upang makita iyon ni Gail bago hinawakan ang magkabilang pisngi ni Gail at hinalikan sa labi.
Gail chuckled of what her little brother sweet gestures. Yumakap pa ito sa leeg niya ng napakahigpit.
"I love you Ate!" Anito.
"I love you too, my baby." Nanggigil na niyakap niya din ng mahigpit ang kapatid at hinalik-halikan ang leeg nito na dahilan ng pagsigaw nito dahil sa kiliti.
This is her morning routine and her source of a good mood. Ang lambingan nilang magkapatid ang nagpapabuo ng kanyang araw.
Si Ganesh lang din ang lalaking nakakahalik, nakakayakap at nakakalambing sa kanya.
Because of her past, she's aloof with every men around her. Her guard is up when she's alone outside. Ayaw na niyang maranasan pa ang dinanas niya sa kamay ng kanyang ina. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan.
Mabilis na binihisan niya ang kapatid at nang masuklayan ito ay hinayaan na niyang ihanda nito ang sariling mga gamit na dadalhin kila Aling Lusing.
While watching Ganesh packing some extra shirts in his little spiderman backpack, Gail changes into her college uniform. Saglit lamang nitong tinignan ang sarili sa salamin at sinuklay ang buhok gamit lamang ang mga daliri nito.
"Done!"
Nabaling ang tingin nito sa kapatid na ngayon ay nakasukbit na sa kanyang balikat ang maliit nitong spiderman backpack.
"Kain na tayo? Nagluto ako hotdogs." Nakangiting ani Gail sa kapatid.
"Yey! hotdog!" Nagtatalon sa tuwa si Ganesh at tumakbo pababa sa kusina.
Paniguradong agad na lalantakan ang hotdog na niluto niya.
"Mag-ingat Ganesh!" Sigaw nito upang paalalahanan ang kapatid.
Kinuha na rin nito ang bag na nasa ibabaw ng study table niya. Naruon ang mga gamit nito sa eskwela bago sinundan si Ganesh sa kusina.
Nang makarating ito ay tama nga siya ng hinala, nilalantakan na nito ang hotdog na niluto niya. Napailing na lamang ito, paborito talaga ni Ganesh ang hotdog.
"Dahan-dahan sa pagsubo. Nguyain ng mabuti bago lunukin." Muling paalala niya sa kapatid. Ngumiti lamang si Ganesh at tumango bilang sagot.
Umupo na rin si Gail sa bakanteng upuan na nasa tapat ng kapatid at nagsimulang kumain. Pinapanood nito ang kapatid na sinolo ang hotdog na niluto niya. Hindi na nag-abala pang lagyan ito ng kanin ang plato niya dahil hindi din naman gagalawin iyon ni Ganesh.
"Huwag kang makulit kila Aling Lusing ha?" Paalala niya kay Ganesh.
"I'm not makulit naman Ate. Si Mira lang po ang makulit." Ang tinutukoy nito ay ang bunso ni Aling Lusing na kasing edad niya.
"Goodboy ka ha?"
Tumango ito at sumubo ng hotdog. "Always!" Aniya habang nginunguya ang pagkain nito.
Inabot ni Gail ang ulo ng kapatid at ginulo ang buhok niyon. Hindi niya maiwasang maaliw kay Ganesh.
"GANESH!"
Malayo palang ay sinalubong na sila ni Mira nang matanaw na papalapit na sila sa kanilang bahay. Halatang hinihintay nito ang paghatid niya kay Ganesh.
Masayang sinalubong ni Mira ng yakap ang kanyang kapatid bago hinawakan ang kamay nito at hinila papasok sa kanilang bahay. Napatawa na lamang si Gail at napailing. Nakikitaan niya si Mira ng potensyal na siya lamang ang may kakayahang kulitin at hila-hilain si Ganesh.
Ganesh doesn't like noisy people. Ayaw niya din ng kinukulit at hinihila-hila. Mas gugustuhin pa nitong maglaro ng mag-isa ngunit pagdating kay Mira ay walang itong say at hinahayaan niya lang ang kalaro sa kung anong gagawin nito sa kanya.
"Hindi na ako magtataka kung magkakatuluyan silang dalawa paglaki nila."
Agad na bumaling sa kanyang kanan si Gail, nakita nito si Bendo, ang kaisa-isang lalaking kaibigan niya at higit sa lahat pinagkakatiwalaan nito. Siya ang panganay na anak ni Aling Lusing kaya naman ganun kalaki ang tiwala nito dahil kilala niya ito ng buo.
"Bogok ka, pinagsasabi mo? Masyado pa silang bata." May halong inis na sambit ng dalaga.
Hindi nito maiwasang makaramdam ng inis dahil doon. Gusto niya ay sa kanya muna si Ganesh at siya muna ang kaisa-isang babae sa buhay nito.
Humalakhak si Bendo. "Possessive sister." Asar nito at kinurot ang pisngi niya.
Inirapan naman siya ni Gail at tinampal ang kamay nitong kumukurot sa kanyang pisngi.
"Kung ano-ano kasing sinasabi mo." Asik nito.
Mas lalong tumawa si Bendo. "Sorry, sorry." Anito habang ginugulo ang kulot nitong buhok.
Mabilis namang pinadapo ni Gail ang palad sa balikat nito dahil sa inis.
"Magulo na nga buhok ko! Guguluhin mo pa!" May pangigigil nasambit ni Gail bago sinabunutan si Bendo.
"Aray!" Daing nito.
"Grabe ka, binibiro lang naman kita eh." Dagdag pa nito ng pakawalan niya ang buhok ng kaibigan.
Lumabi si Bendo at nagkunwaring umiiyak. Kinokonsensya ito sa ginawa niya ngunit matigas ang loob ni Gail at hindi siya pinansin. Sa halip ay nagsimula itong maglakad papalayo.
Walking distance lang ang university na pinapasukan ni Gail. Halos kinse minutos din ang ginugugol nito bago makarating sa Augustine University. Dahil praktikal ito sa buhay ay mas pinipili na lamang niyang maglakad kesa sumakay ng tricycle. Sayang din ang otso pesos na pamasahe niya. Pambili niya na lang ng biscuit ni Ganesh iyon sa tindahan.
"Wait! Hintayin mo ko!"
Rinig nito ang sigaw ni Bendo ngunit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Sa araw-araw na paglalakad niya ay laging kasama nito si Bendo. Hindi ito pumapalya sa paghatid sa kanya sa eskwela at sinisigurong buhay itong makapasok sa university.
Bendo is six year older than her. Graduate na ito at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang hotel receptionist sa syudad. Sa harap ng Augustine University ang terminal ng van papuntang syudad kaya naman sinasabayan siya nito sa paglalakad.
"Wow, parang walang tenga ha." Sambit nito ng makalapit sa kanya. Sinadya pa nitong sabihin iyon mismo sa tapat ng tenga niya na mas lalong ikinainis niya.
"Ano ba!" Sigaw nito at nanggigigil na hinagip ang tenga ng kaibigan ngunit agad naman itong nakaiwas at parang batang dumila ito.
Kung si Ganesh ang bumubuo ng araw niya, si Bendo naman ang sumisira no'n kaya naman bago siya mastress sa klase niya ay dadaan na ito sa stress na dulot ni Bendo.
"Mapanakit ka Gail Suarez!" Sigaw nito habang nakangisi. Talagang nang-aasar ang loko.
Tumigil sa paglalakad si Gail at pumewang. Napatigil din sa paglalakad si Bendo ngunit siniguro nitong malayo siya kay Gail dahil alam nitong gaganti at gaganti ang dalaga.
Tinitigan siya ng seryoso ni Gail. "Alam mo kung bakit Bendo pangalan mo?" Anito habang nakataas ang kilay.
Ngumuso naman si Bendo at nagkunwaring nag-iisip at nang wala itong maisip ay nagkamot ito ng kilay bago tumingin muli sa kanya.
"Bakit?" Ani Bendo at tila ba nagtataka.
"Kasi..." Pabitin ni Gail at ngumisi.
"BENDuling!" Aniya at tumawa ng malakas.
Nanatili namang nakatingin sa kanya si Bendo. Walang bakas ng kasiyahan sa mukha nito habang pinapanood si Gail na humahalakhak. Nang mapansin ng dalaga ang pananahimik ni Bendo ay tinignan niya ito.
"Oh, ano? Baka umiyak ka na jan?" Pang-aasar pa ni Gail.
Nagulat ito ng bigla na lamang nag-ala boxer si Bendo. Tumalon-talon at nag footwork pa tulad ng boksingero na mapapanood sa TV. Seryosong nakatingin ito sa kanya at nagpakawala ng sunod-sunod na suntok sa hangin.
"Anong ginagawa mo?!" Naguguluhan na sambit ni Gail at hindi maiwasang matawa sa itsura ni Bendo. Umiiwas-iwas pa ito na tila may iniilagang suntok galing sa kung saan.
"Alam mo? Hindi ka parin nagbabago." Wika ni Bendo habang patuloy parin sa pag-aala boksingero.
"Saan?" Nagtatakang tanong ni Gail.
"Mukha ka paring naglalakad na steel wool." Anito at ngumisi bago tumakbo papalayo.
"Bendo! Argh!" Sigaw niya nang magets ang sinabi ni Bendo.
Ang lokong kaibigan niya, hinambing na naman sa steel wool ang magulong buhok niya. Nangangati ang kamay niya sabunutan ito kaya naman kahit naka-skirt at naka-two inches black shoes niya ay hinabol nito ang kaibigan.
Lintik lang ang walang ganti!
HINDI mai-guhit ang mukha ni Gail ng makapasok sa Augustine University. Hindi nito naabutan si Bendo upang makabawi. Agad na nakasakay ng van ang kaibigan at sakto namang puno na ito kaya bumiyahe agad iyon.
Humugot ito ng isang malalim na hininga at kinalma ang sarili. Makakabawi pa siya mamaya. Hindi talaga siya matatahimik hanggat hindi nito napapadapo ang kamay sa kaibigan.
It's exactly seven in the morning. Marami nang nagkalat na estudyante sa loob ng campus. Ang iba dito ay napapatinging sa kanya. Gail's quite famous because of her angelic and soft features. Minsan itong na post sa isang page ng Augustine University with saying that she's the Angelic Gail of Augustine University. Kilala din ito dahil matalino ito, bukambibig ng mga instructors ang pangalan niya dahil sa galing nito sa klase.
That's why mas nahihirapan itong lumayo sa mga kalalakihan dahil sa pagiging kilala niya.
"Hi." Mula sa kung saan ay sumulpot ang isang lalaki.
Hindi na bago kay Gail ang pagsulpot ng lalaki sa tabi niya everytime na naglalakad itong mag-isa sa hallway.
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Siniguro nitong malayo ang distansya niya sa lalaki.
"I'm Dan, matagal na kitang gusto Gail." Anito at sinabayan pa siya sa paglalakad.
Hindi na niya mabilang kung ilang lalaki na ang nagconfess sa kanya ngunit wala siyang pakialam doon. Hindi ito interesado at kahit kailan ay walang lalaki ang makakakuha ng interes niya.
Muli, ay hindi niya ito pinansin. Nasa daan lamang ang tingin nito at tila ba wala itong naririnig. Alam nitong nakakabastos iyon ngunit wala siya magagawa dahil iyon lamang ang nakikita niyang gawin upang maiwasan niya ang mga lalaki, ang sungitan sila't hindi pansinin.
"Please, pansinin mo naman ako. I'm really interested to know you more and be my girlfriend." Dan stated while looking at her.
Gail continue to ignore him. Mapapagod din ito, iyon ang nasa kanyang isip. She didn't bother to talk 'because she doesn't want to.
'Just go away.' her mind said.
But Dan is so persistent, mas binilisan nito ang kanyang lakad at hinarangan ang kanyang daan. Dahilan upang matigil ng wala sa oras si Gail at salubong ang kilay na tinignan niya ito. Ang lakas din ng loob nito upang pigilan siya at ipilit ang gusto niya. Iyan ang pinaka-ayaw ni Gail, ang mapilit sa lahat ng bagay.
"I'm talking to you." May halos inis ang tono ng lalaki na mas lalong ikinakunot-noo ni Gail.
She didn't talk and just stared at him. Huwag lang niyang subukang hawakan siya dahil kahit na 4'11 lang ang height nito ay kaya niyang patumbahin ang lalaking nasa harap niya. Bendo trained her a self-defense when she's eighteen, to protect herself when he's not around at tanda niya pa lahat ng tinuro nito sa kanya.
"Pwede ba kitang ligawan?" Dan asked, but the annoyance of her ignoring him is still visible in his face.
Umirap si Gail at sumagot, "No." bago niya ito lagpasan at dumeritso na sa library kung saan niya araw-araw na hinihintay ang kaibigan na si Deanna.
Luckily, Dan didn't chase her and just let her walk away. Napailing na lang si Gail, walang araw na hindi siya nilalapitan ng mga lalaki sa campus upang tanungin kung pwede siyang ligawan. Ngunit isa lang ang nakikita nitong rason upang ligawan siya. Iyon ay dahil maganda siya at sexy. May mga maipagmamayabang ito sa mga barkada. Kumbaga trophy ito kung sakaling pumayag siya.
Nang makarating ito sa library ay mabilis itong naglakad sa pinakadulong table, doon ang favorite spot nito dahil bukod sa medyo tago iyon dahil nahaharangan ng isang bookshelf ay tutok ang aircon doon. Magandang matulog at magbasa. Wala pang ibang tao doon bukod sa kanya.
Ibinaba nito ang bag at inilagay iyon sa bakanteng upuan na nasa kanyang tabi. Bago nito kinuha ang cellphone sa loob niyon at ang librong madalas nitong basahin kapag wala itong ginagawa. She put her book on the table and check her phone. Nakita nitong may message galing kay Bendo. Nakasilent kasi ang phone nito kaya hindi niya agad iyon nakita.
From: Bendo
Better luck next time WALKING STEEL WOOL :P
Iyan ang nasa mensahe ni Bendo. Naggitgitan ang mga ngipin ni Gail sa inis at marahas na tumipa sa kanyang cellphone. Talaga namang hindi pa siya tinigilan ni Bendo. Nagtext pa ito para asarin siya, capslock pa talaga para damang-dama niya.
To: Bendo
Humanda ka sa akin mamaya. I'll kill you!
Matapos niyang e-send iyon ay tinext naman niya si Deanna. Sinabi lang nitong nasa library na siya at doon siya hihintayin. Pagkatapos ay itinago na niya ang phone sa kanyang bag at binigyang pansin ang librong nasa mesa niya.
She's reading an underrated book from an underrated author. It's a self-published book and the title caught her attention when she saw it in her newsfeed.Kaya agad itong bumili at hindi naman ito nagsisi dahil maganda ang istorya niyon.
Binuklat niya iyon at nagsimulang basahin. Sa oras na binasa niya ito ay tila ba napunta ito sa ibang dimensyon. Kung saan siya mismo ang bida sa librong kanyang binabasa. That's why she loves reading, 'cause she can feel what she can't feel. She can experience what she can't experience. Kahit pa man sa utak niya lang iyon ay tila ba totoo at nangyari iyon sa totoong buhay.
Gail's busy reading, not minding her surroundings. Damang-dama nito ang emosyon ng bida sa librong kanyang binabasa kaya naman hindi rin nito napansin ang pag-upo ng isang estranghero sa bakanteng upuan na nasa kanyang harapan.
The man stared at her intently, silently studying her soft features. Amusement is visible in his eyes. He can't look away and is mesmerized by Gail's beauty.
His eyes are glued in Gail's face. He remembered someone, she looked exactly like her. They have the same shape, eyes, nose, and everything. Except for her hair. The woman he knew has a straight long hair. Unlike Gail, who has a curly soft curls.
"Hey."
Kinuha nito ang atensyon ni Gail. Hindi naman nabigo ang lalaki dahil agad na inalis ni Gail ang tingin sa libro at ipinukol iyon sa kanya.
Nagtama ang kanilang mga mata. Saglit na napatigil si Gail, at napatitig sa kulay bughaw na mata ng estrangherong nasa harap niya.
"Can I sit here?" The man asked.
But Gail's eyes was captivated by his ocean eyes. Hindi nito maiwasan ni Gail namamangha sa mga nata nito.
"Hello," muling sambit ng lalaki at iniwagayway pa ang kamay sa harap ng mukha nito.
Mabilis na natauhan si Gail at napatingin dito. Without saying any words, she stood up and got her bag before walking out of the library.
Napahawak ito nang dibdib ng makalabas ito. Ang bilis ng t***k niyon hindi dahil sa takot o kaba. For the first time in her life, hindi nito maramdaman ang takot sa kanyang dibdib. Sa halip ay kakaibang kaba ang nadama nito.Hindi nito maintindihan ang nararamdaman. Dahil ba iyon sa kulay bughaw nitong mga mata?
“God, ang ganda ng mata niya.” She whispered.
Hindi pa ito masyadong nakakalayo sa library. She looked back and to her shock Gail saw the man outside the library and directly looking at her.
Nataranta itong umiwas at agad na naglakad papalayo.
Itutuloy...