“OKAY ka na ba?” Bungad ni Janine ng pumasok si Gail kinabukasan sa convenience store. Kalat sa buong Sta. Estella ang insidenteng nangyari sa AU na kinasangkutan niya. Hindi na siya nagulat doon dahil lahat ng nangyayari sa AU ay agad na nalalaman ng mga residente ng Sta. Estella. Ngumiti lamang si Gail at tumango. “I’m okay, Janine. Mabuti nga at nagawa kong iligtas ang sarili ko.” usal nito at tinungo ang staff room upang magpalit ng uniform nito. Mabilis na nakalimutan ni Gail ang panghaharass sa kanya ni Renz. Natabunan iyon ng alaala nila ni Lothar. Ang araw kung kailan nila ginawa iyon ay tila ba ang araw din ng muling pagkabuhay niya. Ramdam niya ang pagbabago sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nabuksan niya ang susunod na lebel ng kanyang buhay. Napakagaan ng pakiramdam ni

