HAPON na ng magising si Gail kanina, ramdam nito ang hapdi sa pagitan ng kanyang mga hita. Tila ba binugbog din ang kanyang katawan dahil nananakit ang kanyang mga kasu-kasuhan. Saglit na pinakiramdaman niya ang sarili, pakiramdam niya ay nagbago siya. Para bang naging buo ito at nabawasan ang mga marka nito sa kanyang katawan. Mas nangingibabaw na ang mga iniwang marka ni Lothar. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang desisyon. Dahil na rin siguro kay Lothar niya talaga gustong isuko ang sarili. Dahan-dahang umupo si Gail mula sa kama, wala sa tabi niya si Lothar. Hindi nito alam kung saan ito nagpunta at hindi niya din mapigilan ang kabahan sa isipang baka nagsisisi ito sa ginawa nila. Kinagat ni Gail ang ibabang labi nito bago ibinalot ang hubad na katawan sa puting kumot at nagtumayo

