“HINDI mo lang ako kasama, lumandi ka na?” Iyon ang bungad ni Deanna nang magkita sila ni Gail sa soccer field. Inihagis nito ang dalang duffle bag na laman ang mga damit nito at water bottle sa damuhan. Nagkataon kasing may praktis ito ng volleyball kaya naman hindi nito nakasama si Lothar at Gail kanina. Sinabihan na niya lamang si Lothar na nasa library si Gail upang mahikayat na kumain ang kaibigan dahil alam nitong hindi na naman kakain si Gail ng tanghalin kapag mag-isa ito. Humalukipkip si Deanna at nanatili sa harap ni Gail. Pinaningkitan nito si Gail na nanatiling tahimik at ang tingin ay nasa soccer field. Halatang malalim ang iniisip at tila ba wala sa wisyo. Sa lalim ng iniisip nito ay hindi niya napansin ang pagdating ni Deanna at ang pag-asik nito sa kanya. Nagbuga ng mal

