Shyla Chamael Ramirez POV
Maulan ngaun sa labas. Nakatanaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan. Parang sumasabay ang kalangitan sa pighating nararamadaman ko.
Paulit - ulit na bumabalik ang bawat pangyayaring naganap kagabi.
Ganito din ang klima maulan, walang patid na ulan. Habang tinatanaw ko ang kanyang imaheng papalayo sakin, hinihiling ko na sana lingunin niya ako, kahit isang lingon lang babawiin ko lahat ng sinabi ko. Ipaglalaban ko siya sa kahit sinong humadlang. Yun na lang ang tanging nasa isip ko. Ang bigyan niya ako ng kahit isang sign. Babawiin ko lahat.
Ngunit habang papalayo ng papalayo ang pagtanaw ko sa kanya. Ganun din ang pag asang bumalik kami sa dati.
Flashback ....
Dispiras ng pasko ngayon dapat masaya kaming nagdiriwang pero heto ako makikipag hiwalay sa kanya.
Nakayoko siya habang kumakain.Halos kakaunti lang ang nakain niya. Hindi siya umiimik. Ramdam ko ang kanyang inis. Dama ko sa bawat kilos na pinapakita niya.
Apat na Oras daw siyang nag antay sakin sa parke kung saan kami madalas magkita. Hindi ako pumunta, kaya napagdisisyunan niyang pumunta dito sa bahay. Kahit mag aalas dose na nang hating gabi.
Alas otso dapat kami magkikita pero hindi ako pumunta, nakatulog na din ako sa sobrang pag iyak. Kaya hindi ko na alintana ang oras. Ginising na lang ako ni Mama na at sinabing nasa labas siya.Pag silip ko sa bintana nakatayo siya sa tapat ng gate habang nakayuko. Naupo ako sa kama, pinipilit kong hwag umiyak at inayos ko ang aking damit tsaka ako nagsalamin.
Sinilip ko ang aking cellphone napaka dami niyang messages ni Isa wala akong binuksan.
Plano ko na dapat makipag hiwalay sa kanya pagkatapos ng pasko. Pero mukhang mapapaaga dahil nandito na siya.
Alam Kong mas masakit ang makipaghiwalay sa kanya ngayong pasko. Pero ito lang ang nakikita Kong paraan para maiwasan na lalong masaktan siya.
Makikipag hiwalay ako, Hindi dahil hindi ko na siya mahal, pero ito lang ang naiisip kung paraan para hindi na siya mahirapan mamili sa amin.
Batid Kong wala siyang balak sabihin sakin ang tungkol sa kanila pero hindi sinasadyang makita ko siyang may kasamang iba.
Kaya kahit masakit palalayain ko siya.
Kahit mahirap ako na ang unang bibitaw. Binalik ko Ang tingin at atensyon sa kanya.
"Tapos kana bang Kumain?" basag ko sa katahimikan naming dalawa.
Tango lang ang kanyang sinagot. Kaya sinimulan ko nang magligpit ng aming pinagkainan.
Kaming dalawa lang dito sa hapag kainan tapos na kasing kumain sila Mama at Papa. Ang kapatid ko namang bunso nasa silid na din niya, mukhang nagpapahinga na.
Tumayo siya at nag tungo sa sala, natatanaw ko mula dito na nakayuko siya mukhang malalim ang iniisip.
Matapos Kong magligpit sa kusina, tumabi ako sa kanya. Pinipilit ko sa sarili ko na hindi ako iiyak. Ito ang nararapat kung gawin.
"Maa..Maghiwalay na tayo" Pilit kung pinatitigas ang mga salitang binibitawan ko..
Inangat niya ang kanyang mukha, halata sa kanyang mga mata na ang lungkot at pamumula nito.
" Bakit ? May iba na ba?" banayad ngunit may halong lungkot. Agad akong napatingin sa kanya. Balak pa ata niyang ipasa sakin ang ginawa niya.
Natawa ako ng pagak, sabay iling..
"Alam kung mahirap pero kung tayo para sa isa't Isa tayo talaga." Kahit Malabo at wala nang pag asa. Dahil alam kung may iba na.
Hindi siya nag salita at tumayo siya, kasabay ang hinubad ng kwintas na regalo ko sa kanya nang naraan niyang kaarawan.
Nanatili akong nakaupo at hindi umiimik, hangga't maari ayokong umiyak. At sinasabi ko sa sarili ko na tama ang naging disyon ko. Kilala ko Ang sarili ko kahit masakit o mahirap pipiliin ko ang tama.
Pero tama pa din ba na hayaan ko siyang mawala? kahit pa Ang sarili kong kaligayahan ang mawawala. Iniisip ko, dapat ko ba siyang sundan?. Hanggang dito na lang ba talaga.
parang pinipinga ang puso ko ng paulit ulit.
Kinukumbinsi ko ang aking sarili na tama ang disisyon ko kahit alam ko sa sarili kong napakasit.
Tumayo ako lumabas sa maliit na gate namin at hinanap kung saang direksyon Siya naglakad palayo. Natatanaw ko siya papalapit sa kanyang sasakyan at papalayo sakin, sumakay nang hindi man lang ako sinulyapan. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang mamanhid. Tila nakisang ayon naman ang langit at papalakas na ang pagpatak ng ulan......
Ang tanging nasa isip ko Isang lingon lang o bumalik lang siya sa harap ko yayakapin ko siya nang maghigpit. Pero hindi nangyari ang inaasam ko... Tapos na ! Tapos na ba talaga kami.
End flash back ...
December 25.....
Dapat ngayong araw ay nag diriwang ang bawat pamilya at lalo na ang mga bata dahil pasko. Pero heto ako nag mumokmok sa loob ang aking silid.
Ang sakit pakawalan ang taong minahal ko ng sobra.
Alam ko ako ang makipag hiwalay. Pero anong magagawa ko ayoko ng nahirapan pa siya. Kahit alam kung sa sarili ko kung gaano ko siya kamahal.
Ang t*ng* lang kasi, pinakawalan ko na kahit alam kung mas nasasaktan ako. Pero masama ba ang piliin ang satingin kong tama.
Naputol ang pag iisip ko dahil sa malakas na katok mula sa pinto sa asking silid.
"Shyla, gising ka na ba?"
"Opo Ma!" pilit kong pinasisigla ang aking tono sa pagsasalita
Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking pinsngi, sabay ayos sa aking mukha at damit.
Paglingon ko nasa may pintuan na ng aking silid si Mama. Pinag mamasdan niya ako. Alam Kong bakas sa aking mukha ang lungkot at halatang galing sa pag iyak. Sino ba naman hindi makakahalata kong magdamag Kang umiyak at hindi nakatulog.
"Nasa baba ang mga kaibigan mo, aalis ba kayo ngaun?"
" Ahm..., Opo Ma, mamasyal lang po"
Kinuha ko ang maliit na bag ko sa may ibabaw ng kama kasama ang Isang salamin sa mata upang maitago ang pamamaga nito.
Pagkababa ng hagdaan, Hindi ko inaasahan na dun din si Kim na medyo halata na ang kanyang tiyan. Mas lalong sumakit ang dibdib ko..
Kahit halata sa aking mga mata Ang lungkot at pamamaga, pilit Kong pinasigla ang aking boses.
Kailangan kong umiwas.. Kailangan kong lumayo kahit sa mga kaibigan ko dahil ayoko na Ng ugnayan sa kanilang dalawa.
" Pasensya na pala girls di ako makakasama inutusan kasi ako ni Mama".
Sabay tingin Kay mama alam kong nagtatakansiya pero Wala akong magagawa ayokong dagdagan ang sakit parehas nila kaming kaibigan at ayokong mamili sila samin kaya ako ang iiwas.
Lahat sila parang nagulat..
"Hindi ba Plano na nating matagal to" si Lieneth ang unang magtanong..
"Oo nga walang basagan ng plano girl"...Si Joey naman ang nag salita siya ang pinakamaliit pero pinaka matapang samin.Kahit babae siya daig pa niya lalaki makipag talo..
Napabaling lahat kami Kay Lizel nang siya naman ang magsalita..
"Mukhang mahalaga ang lakad niya hayaan na muna natin si Shyla" sabay ngiti ng tipid sa akin.
Tanging si Kim lang ang walang sinabi at basta na lang nakatingin sakin na parang mas binasa ang nasa isip ko..
Gusto Kong sabihin oo Ikaw ang dahilan nang lahat ng sakit at pagdusrusa ko ngaun. Dapat sana inaaway kita o kinukompronta pero di ko ginawa dahil takot din akong narinig ang katotohan na may kulang sakin kaya at sa kanya niya mahanap.
Lahat sila tahimik at nag paalam Isa Isa Kay Mama .. Dapat ko na din pala silang iwasan lahat. Kailangan ko nang bumili bagong sim at mag deactivate ng mga social media.