Chapter 2

1110 Words
Shyla Chamael 3 Years Past .. Masaya akong naninirahan ngaun ng mag Isa dito sa Laguna. Yun nga lang malayo sa pamilya, pinilit ko kasing manirahan dito at mag trabaho. After all I chose my peaceful place to live. Halos tatlong taon na din akong nakatira sa dorm dito malapit sa office namin. Ang main branch daw nito sa manila pero mas pinilit ko na dito na lang ma assigned una sa lahat simple ang buhay, pangalawa sariwa ang hangin. May dalawa akong kasama sa dorm si Jessa at Luna parehas kalog kaya di nakakaboring kasama. Kaya di napaka hirap na maging kaibigan sila. Nag tratrabaho kami sa Isang Company ang SEVERO Empire, bilang mga accounting staff, mahigit dalawang taon na din kami mag kakasama pinaka una samin pumasok si Jessa sumunod si Luna at ako ang pinaka huli . Kaya bunso ang tawag nila sakin. Pero halos mag kaka edad lang kami talagang mas una lang sila saking magtrabaho ng isang taon. Ngaun araw ay wala kaming pasok dahil linggo, kaya nandito lang kami sa dorm. Kanya kanya kami ng pwesto sa sahig. Si Luna maglilinis ng kuko. Samantalang si Jessa ay sumasagap ng chismis sa social media habang nakahiga sa sahig. At ako naman ay nagtutupi ng mga damit na nilabhan ko kaninang umaga. Mabuti na lang at mataas ang sikat ng araw kaya mabilis natuyo kaya ngayong hapon ay maari ko ng matupi at mailagay sa kabinet Wala pang sahod kaya ito naka pirmi kami sa dorm. Pero kadalasan pag may mga budget kami nasa galaan kami. Namamasyal o kaya naman kumakain at nanonood ng sine. " Hoy mga bebe alam niyo ba ang chicka?" Si Jessa na laging updated "Ano yun sige splok mo na sissy.." Medyo excited na tanong ni Luna habang kinukot kot ang kanyang kuko sa paa. "Ito na dahil medyo lumalaki na daw ang branch natin sa manila need na daw mag dagdag ng tao." Sabay kaming napatingin sa kanya. "Eh diba good news nga yun, eh bakit parang ayaw mo?" para sakin mas maganda yun kasi mas lalaki ang Company mas madaming magkakatrabaho. " Kaya nga, tama si Shyla good news yun, malay mo may midyear bunos na tayo" abot tenga ang nginti ni Luna dahil dagdagan ipon nanaman niya iyon kung sakali. Madami Kasi siyang pinag aaral na kapatid at ang sumunod sa kanya ay malapit nang mag kolehiyo kaya todo ipon siya ngaun. "Yun nga, maganda kaso ayon sa source ko tayong tatlo ang bet ilipat sa accounting department sa manila" " Ha bakit tayo?, bakit hindi yung mga senior satin?"Napabusangot na lang si Luna. Tulad ko ayaw na din niya sa magulong paligid sa manila. Ang alam ko may tinatakasan din siya. Napaisip tuloy ako, ayoko nang bumalik sa manila ayokong mag Krus ang mga ladas ng kahit sinong may kaugnayan saming dalawa. Kahit nandun pa sila mama ay mas pipiliin ko pa rin dito. Pwede ko naman dalawin sila doon pag bakasyon at walang pasok. Pero ang manirahan ulit. Parang di ko pa kaya. "Ito na nga ayaw daw ng mga seniors natin dahil si Mondragon na ang namamahala sa main branch" " Wheee di nga Jess?" napahinto si Luna sa ginagawa at napalaki ang matang nakatingin kay Jessa. "Oo nga Luna at ito pa balita ko mas malupit daw ngaun si Mondragon kesa nung Vice President pa lang siya" "At sino namn si Mr. Mondragon?" Medyo di na ata ako nakakasabay sa usapan nila. Sabay na napalingon sina Luna at Jessa sakin. " Ay wala ka pala dito bunso nung unang nakita namin siya" "Ay oo nga Jessa wala pa siya bago pa lang kami noon, Alam mo Shyla Isang beses pa lang namin siya nakita , pero alam mo ba delibyo yung araw na nakita namin siya" " Sa true talaga Luna, lahat napuna niya, ultino maliit na buhok sa sahig, ilang beses inalinis ang floor sa office." "Pinapalitan ang mga kurtina sa bintana dahil nadidiliman daw siya at hindi maka focus sa trabaho at marami pang kung ano anong pinagawa samin hagard na hagard nga kami ni Luna nun kasi nga kami pinakabago eh, kami yung pakitang gilas sa paglilinis at pag aayos." "Kaya nga naalala ko yung kape niya, grabe kulang na lang ata bilangin ko yung butil ng asukal at kape na ilalagay ko, ayaw ng matamis o masyadong mapait pati kung gaano ka init. Kulang na lang ata lagyan ko ng thermometer yung tasa ng kape niya" Nagpapalipat lipat ang tingin ko kay Luna at Jessa tuwing mag sasalita sila kaya napailing na lang ako. "Eh baka maselan lang talaga si Mr. Mondragon" napaisip ako may mga tao talagang metekuloso sa mga bagay bagay dahil yun ang nakasanayan nila. " Maka Mr. Mondragon kanaman dyan hahaha"malakas na tawa ni Jessa " Kaya nga, Formal na Formal hahaha, Mondragon ang tawag namin sa kanya kasi pag hindi nasunod ang gusto niya daig pa ang Monster kung magalit at parang Dragon na bubuga ng apoy kung nakatingin" " Ah akala ko Kasi pangalan apelido niya ang Mondragon kaya nagtataka ako kasi SEVERO Empire ang pangalan ng Company natin na based sa apelido nila diba?" "Oo SEVERO EMPIRE based sa apelido ng mother niya" Severo.... bakit parang pamilyar, Hindi ko lang naalala saan ko narinig ang apelido yun. Nabaling ang atensyon ko kay Jessa nang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Napayuko ulit ako upang taposin ang aking tinutupi. "Iniisip ko pa lang na babalik akong manila ay nakikinita kita ko na ang abangers kong mga kamag anak" Si Jessa Kasi ang panganay sa kanila, kaya sa kanya lang umaasa ang kanyang pamilya lalo na at kagagaling lang ang Ina nito sa operasyon sa goiter. At ang tatay niya ay nakikisaka lang sa lupa ng kaibigan nito. Dahil sa siya ang unang nagtapos sa kanilang magkakapatid at may magandang trabaho, akala ng mga tyahin niya ay tumatabo na ito ng pera. " So anong plano kapag tayo ang pinadala?, kahit madami akong iniiwasan sa manila mapipilitan akong umuoo kung dadagdagan ang sahod natin." Napasandal si Luna sa pader "Kaya nga tama ka Luna, baka ako din pumayag lalo na madami kaming bayaran dahil sa kakaopera lang ni nanay. Ikaw Shyla papayag kaba?" Napahinto ako sa pag tutupi ng damit. Sabay tingin sa kanya. Kung ako kasi ang papipiliin mas gusto ko na dito. Nababawasan ang lungkot at alam ko na hindi mag krukrus ang landas namin dito. Pero ayoko namang maiwanan mag Isa dito. "Hindi ko pa alam, pero. .... hangga't maari ayokong umalis dito." Sabay sabay na nagsipag tunugan ang aming mga cellphone at nang mabasa namin ang mensahe nagkatinginan kaming tatlo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD