KABANATA 24: "Move now! Let's go!" deklara ni Levitico at pinaandar ng driver niya ang Limousine gamit namin. Hinihingal pa ako dahil tumakbo kami para makalabas doon, ang mga tauhan ni Levitico naman ay nasa kabilang sasakyan. "Grabe! Akala ko hindi na tayo makakalabas doon. Nakita mo ba yung mga nakahandusay doon sa exit Levitico? Grabe yung mga bumari----" napatigil ako sa pagsasalita ng tumingin ako sakaniya na taimtim siyang nakatingin sakin. "Bakit?" Tanong ko. "That's your chance to escape. Pagkakataon mo na iyon para makawala sa puder ko. Why? Why you choose me over your family?" seryosong tanong ni Levitico. Napabuntong hininga ako. "They are not my real parents narinig ko ang pag uusap nila kailangan lang nila ang mana sa akin pagkatapos non ay dedespentsyahin na nila ako.

