KABANATA 23 "Saphire?!" Sabay na sigaw ni Dad at Mom ng makita ako sa pinto. Agad akong tumakbo palayo kasunod ng malakas na putukan pumupuno sa hotel na kinaroruonan namin. Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha, all this years pera lang pala ang habol nila sa akin. Kaya pala ganon nalang nila ako itrato. Ni hindi nila ako pormal na maipakilala sa mga kaibigan nila dahil hindi ako tunay na anak. Nagkakagulo ang lahat ng tao ng makabalik ako sa event area. May mga armado na nagpapaulan ng baril sumisigaw ang mga ito at hinahanap ang mga isang politikong may atraso sakanila. Takot at kaba ang naramdaman ko, hindi ko alam kung saan ako tatakbo at saan ako magtatago. Marami na din ang mga umiiyak. "Saphire! Saphire! Damn it! Nasan ka? Saphire!" napatingin ako sa malakas na sumisigaw. S

