KABANATA 3

317 Words
Kabanata 3: Nagising ako dahil sa kirot ng aking hita at dagdag pa ang ilang tawanan ng lalake nasa paligid ko. "Titikman ko lang tapos ikaw naman!" narinig kong usal ng isa. "Malibog! Haha. Sige bilisan mo magbabantay ako sa labas!" Bigla akong napamulat dahil sa mga narinig ko, alam kong ako ang pinag uusapan nila at may hindi sila tamang gagawin sa akin. Nilukob ako ng takot ng tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto at tao sa aking harapan. Napatingin ako sa dalawang lalaking nakatayo sa ilalim ng malaking kamang aking hinihigaan. Ang isa ay tinatanggal na ang kaniyang sinturon habang nakatingin sa aking binti. He also licked his lips like a maniac. Napaupo ako wala sa oras kahit na makirot ang sugat ko. "Oh gising napala tol, mas masaya yan!" pumalatak pa ang isa na may ngisi sa mukha. "Hey beautiful!" pagkuwan ng isa.Duon na tuluyan tumulo ang luha ko. Naalala ko ang nangyare sa akin bago ako nawalan ng malay. May lalaking bumaril sa akin. Pero ang mga lalaki sa harap ko ay wala sakanila ang bumaril sa akin. Sa tingin ko ay mga tauhan niya ito. Isiniksik ko ang sarili ko sa headboard ng kama. Pilit kong ikinumot ang manipis na telang asa kama upang takpan ang aking katawan sa mga lalaking mukhang mga halimaw na takam na takam. "W-Wag po! Uuwe na ako!" pagmamakaawa ko. Pero tumawa lang sila. Tuluyan nahubad ng isang lalaki ang pantalon niya at tanging boxer nalang ang suot nandidiri ako sa mga ngisi nila sa akin. Mukhang tuwang tuwa pa sila habang umiiyak ako. Napaigik ako ng haltakin niya ang isa kong paa para mapalapit sakaniya. "Ahh! Wag! Tulungan niyo ko! Please wag!" hiyaw ko. Pumikit ako ng mariin, kasunod ng malakas na kalampag ng pinto. Napatigil ang isang lalaki sa pag hawak sa paa ko. At namumutlang napatingin sila sa lalaking nasa pinto. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD