KABANATA 2

536 Words
Kabanata 2: Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kanina lang ay naglalakad ako sa madilim na daan iniisip ang mga gagawin ko dahil malaya na ako. Pwede akong magpunta sa tahimik na baryo at manatili roon ng ilang linggo tapos ngayon, ito na may nakatutok ng baril sa aking likuran. Nanginginig ang tuhod ko at ilan beses akong napalunok, sinusubukan kong kumalma pero parang sasabog ang dibdib ko. Marahas niya akong hinarap sakaniya. His colored blue eyes that stared at me. Nakakaliyo, para akong natuod habang nakatitig din sa kaniyang mata. Kitang kita ko ang walang emosyon niyang mukha ngunit ang kaniyang kamay ay dumidiin sa aking braso habang ang isa ay may hawak na baril at itinutok sa aking sentido. "P-Please don't kill me, wala akong pag sasabihin. Wala akong gagawin. Pakawalan mo na ako." Nagsimula na naman tumulo ang aking luha nanginginig na rin ang aking ibabang labi. Hindi ko alam paano siya napunta rito, ibig sabihin ay ang dalawa lang pala niyang kasama ang umalis. Tuloy tuloy ang luha ko habang naiisip na magagaya ako sa lalaking nakahiga sa kalsada at naliligo ng sariling dugo. "Tell me who you work for and I'll spare your life," mariin niyang usal at hinatak pa ako dahilan para lalo ako mapalapit sakaniya. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan at hininga. Mabilis akong umiling iling dahil hindi ko alam ang sinasabe niya. "H-Hindi ko alam. Wala nagpadala sakin. N-Nadaan lang ako. Believe me!" usal ko habang nakatingin sa perpekto niyang mukha. Aaminin ko hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagpapakaba sa akin ngayon. Ang sitwasyon kong papatayin ng lalaking ito o ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakakaintimida ang kaniyang mukha at alam kong makapang yarihan siya. "You're gonna tell me who you work for or else!" banta niya ulit at kita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. "Wala. Wala talaga!" aniko at napapahikbi pa ako para naman mas lalo siyang nagalit dahil sa ingay na nagagawa ng pag iyak ko. "I'll count to three, If you don't tell me who you're working for, I will shoot you!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pilit akong kumakalas sa pagkakahawak niya sakin. "I don't know. Wala talaga please wala akong pagsasabihan ng nakita ko. G-Gusto ko ng umuwe!" Lalo ako napahagulgol. Binitawan niya ako kaya napaupo ako sa malamig na kalsada. Napaangat ang tingin ko sakaniya kahit nanlalabo na ito sa luha. Nakakatakot siya. He's like a monster. Napatakip ako ng tenga ng makarinig ako ng malakas na putok ng baril. Napatingin ako sa kaniya at nanlalaking mata ko ng makitang sa akin nakatutok ang baril. Binaril niya ako! Naging mabagal ang aking paghinga. Wala akong naramdaman sakit ng tumama ang bala, hindi ko alam na nabaril na ako. Napatingin ako sa binti kong umaagos na ang dugo duon. Nang makita ko ang dugo duon ko naramdaman ang kirot at pagkahilo. Umaagos ang luha ko tumingin sa lalaking blanko lamang ang mukha nakatingin sa akin. Dito na ba ako mamamatay? Ito na ba ang katapusan ko? Bago magdilim ang paningin ko naramdaman ko panglumapit siya sa akin at lumuhod, may isang malaking braso ang bumuhat sa akin. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD